Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Batang Maikli ang Isang Paa

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya.


Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri
siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doctor. Ang
sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw
magiging lumpo si Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang
mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang
naging tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata


kay Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa


panunukso sa kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki
kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang malaking
pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog


siya ng iba’t ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay
niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina


ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya
ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa
musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging
estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang


kilalang piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng
Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya
sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya
tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya ay
hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang
kakayahan sa pagtugtog.
Ang Batang Espesyal
Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na
isang lalaki ay abnormal. Ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang
abnormal pinangalanan nilang Pepe. Malambot ang mga paa at mga
kamay ni Pepe. Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang
alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang
kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap
maintindihan.

Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe.


Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya.
Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang mag-asawa sa pag-aalaga sa
anak. Kahit binata na ay palagi pa ring nakasunod sa kanya ang
kanyang ina. Inaakay siya. Minsan ay sinusubuan siya. Pinapaliguan.
Ano pa at malaking panahon ng kanyang inay ay sa kanya lamang
naiuukol.

Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak.
Napapansin ng mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay
Pepe kaysa sa mga ito. Lingid sa kanya ay nag-usap-usap ang apat na
magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na kausapin siya para
ipahayag sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos
niyang patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng
mga ito ang kanilang malaking mga hinanakit.

Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang
apat niyang anak dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero
nakahanda na ang kanyang paliwanag sa mga ito.

“Kayo ay mga buo, walang kulang,” pagsisimula ni Aling Mila.

“Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero


ang kapatid ninyo ay hindi, kung kaya siya ang higit naming
inaasikaso,” isa-isang tinitigan ni Aling Mila ang kanilang mga anak.”
Pero hindi naman namin kayo pinababayaan hindi ba?”

Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang-hiya silang lahat.

You might also like