Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

TAKDANG ARALIN 1

Caryl Colasito
3-EED2

● Kahulugan ng Panitikan
Ang panitikan ay isa sa mga pinakamahalagang sining ng ating kultura. Sa
bawat pahina ng isang akda, natatanggap natin ang mga karanasan at kwento
ng mga tao mula sa nakaraan, kasalukuyan, at maging sa hinaharap. Ito ay
naglalarawan ng buhay, kultura, pamahalaan, relihiyon, at iba pang karanasan
na nabibigyang kulay ng iba’t ibang damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan,
pag-asa, pagkamuhi, takot, at pangamba. Ang salitang panitikan ay mula sa
salitang “pang-titik-an“. Ito ay binubuo ng unlaping “pang“, hulaping “an” at
ang salitang ugat na “titik“. At sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na
literature.

● Layunin at Kahalagahan ng Panitikan


Ang pinakamahalagang layunin ng panitikan ay ang pagbibigay ng kaalaman, o
ang pag-aliw, sa mambabasa. Gaya ng balita, naglalayon ang panitikan na
magbigay ng kamalayan hinggil sa isang isyu na napapanahon o sa nakaraan na
nauugnay sa mga kaganapan sa ngayon.

Gayunpaman, inihahatid ng panitikan ang impormasyon sa mambabasa sa


paraang nagpapakita ng pagiging malikhain ng may-akda. Maaari nating
sabihin na ginagawa ang panitikan upang makilala ng madla ang ngalan ng
may-akda.

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa panitikan,


nagagawa ng may-akda na ihayag ang kanyang mga kaisipan at damdamin,
upang hikayatin ang mga mambabasa na kumilos para sa kanilang komunidad,
sa lipunan, at sa bansa, kung kinakailangan.

Ang panitikan ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan ng nito nagkakaroon ng


pagkakataon ang mga Pilipino na ipakilala ang ating lahi sa iba. Nagagamit ang
talino at angking kakayahan. Nakalilikha ng mga sulating sumasalamin sa mga
matandang kaugalian at tradisyon. Nabubuo ang ating kultura. Nasukat
kalakasan at kahinaan sa pagsulat at paglikha.

- Naipakikilala ang pagka - Pilipino at naibabahagi ang yaman ng isip at ang


angking talino ng lahing pinagmulan.
- Naipapabatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong
Pilipino na sandigan ng kabuuan ng ating kultura.
- Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay
maisaayos at maituwid.
- Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging
masigasig sa paglinang at pagpapaunlad nito.
- Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng
pagpapakita ng malasakit sa panitikan.

You might also like