Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office No. VIII
Division Of Northern Samar
ELADIO T. BALITE MEMORIAL SCHOOL OF FISHERIES
Bobon, Northern Samar
UNANG MARKAHAN
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik na
nagsasaad ng wastong kasagutan.
1. Ito ang unang hakbang sa pagsusuti ng akdang pampanitikan. A. Pagbabasa ng
akda.
A. Pagpapabasa sa iba.
B. Pag-unawa sa teksto.
C. Pagsusuri ng mga elementong pampanitikan.
2. Tumutukoy ito sa magagandang katangian ng sinuring akda.
A. Kahinaan B. Kalakasan C. Kasiningan D. Kagandahan
3. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kahinaan ng isang akda?
A. Mahusay ang pagganap ng tauhan.
B. Nakadadala ang musikang ginamit.
C. Iangkop ang dayalogo sa uri ng manonood.
D. Ang mga kagamitan sa palabas ay akma sa panahon.
4. Bilang kritiko, nararapat na taglayin ang sumusunod na katangian maliban sa
_________________.
A. matapat B. matiyaga C. may tigas ng loob D. bukas ang pananaw
5. Ito ay isang paraan ng pamumuna na tumutukoy sa kalakasan at kahinaan ng
isang akdang pampanitikan.
A. Panunuri B. Pamimintas C. Pananaliksik D. Pagpapahayag
6. Ito ay naghuhudyat ng mga iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao.
A. Opinyon o pansariling pananaw
B. Ekspreksyon sa matatag na opinyon
C. Ekspreksyon sa neutral na opinyon
D. Ekspresyong nagpapahayag ng papanaw
7. Ang mga sumusunod ay ekspreksyon na ginagamit sa matatag na opinyon,
maliban sa __________.
A. kumbinsido akong C. lubos kong pinaniniwalaan
B. kung ako ang tatanungin D. labis akong naninindigan na
8. Alin sa mga sumusunod ang ekspreksyon na ginagamit sa neutral na opinyon?
A. kumbinsido akong C. lubos kong pinaniniwalaan
B. kung ako ang tatanungin D. labis akong naninindigan na
9. Kumbinsido akong ang nangyari sa kalapit na bansa sa Asya ay hindi nalalayo
sa pangyayari sa Pilipinas. Anong uri sa pagbibigay ng opinyon ang ginamit sa
pahayag?
A. Neutral B. Matatag C. Komplimento D. Katotohanan
10.Ang mga salitang _______________ na ginamit sa pangungusap bilang siyam ay
nagpapahayag ng opinyon.
A. sa Asya b. hindi nalalayo c. ang nangyari D. kumbinsido ako
11. Ang isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa
ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
A. Maikling Kuwento B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
12. Hanapin ang salitang magkasingkahulugan sa taludtod. Isulat ito sa iyong activity notebook.
A. Ang kultura’y pinayayabong
B. Nang may halong sigla at tuwa
13. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagmungkahi ng makata o akda sa isang pook o
pangyayari ay tinatawag na tulang ____________.
1
A. mapang-uroy B. mapaglarawan C. mapang-aliw D. mapangpanuto
14. Sayang , kung alam ko lang na ganito ang tingin nila sa amin, di na sana ako umalis ng bansa.
Anong damdamin ang ipinahahayag sa pangungusap?
A. pagkagalit B. panghihinayang C. pagkatuwa D. pasasalamat
15. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw,
Ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw…”
Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng _______.
A. pagdurusa B. kaligayahan C. kalutasan D. kalungkutan

Para sa bilang 16-17


Isa sa 16.Maituturing na salitang naglalarawan ang
pinakamahusay na ____________.
mang-aawit sa Asya si a. Pinakamahusay b. ginanap C.
Sitti Nurhaliza mula sa nagkamit D. patimpalak
bansang Malaysia. 17.Ang salitang nasalungguhitan sa sanaysay ay
Nagkamit siya ng iba’t nangangahulugang _____________.
ibang awit-parangal a. pag-eensayo B. paligsahan C.
hindi lamang sa pamahiin D. programa
kaniyang bansa kundi
maging sa 18. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may
internasyonal na pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo
patimpalak. Isa na rito ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan” ay
ang titulong “Voice of nagpapahiwatig na ang kultura ay ________.
Asia” nang makamit b. nagbabago B. di nagpapalit C. naaalis
niya ang Grand Prix D. di itinuturo
Champion mula sa
Voice of Asia Singing 19. Mula sa tulang Puting Kalapati, Libutin Iyong
Contest na ginanap sa Sandaigdigan ni Usman Awang
Almaty, Kazakhstan. (malayang isinalin ni A.B Julian)
Sa mga pangyayaring walang katiyakan,
Kung saan ang tao’y naghihinala’t tuwina’y may agam-agam
Ano ang damdaming ipinapakita sa tula?
c. mapanlinlang b. walang katiyakan C. pag-asa D. sigurado
20. “Nang Tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa
bahay”. Batay sa pahayag, ano ang karanasang dinanas ng nagsasalaysay?
d. malaya B. masaya C. walang kalayaan D. takot
21. Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kasya
sa alinmang akda. Ito ay naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may-akda.
A. Epiko B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
22. Kahit noong maliit pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon. Ano
ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. kaunlaran B. pagbabago C. pamayanan D. sibilisasyon
23. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng isang babaeng moderno ayon sa mayakda?
A. masaya B. mapagmataas C. malaya D. maagap
24. Bihira sa mga babaeng moderno ang naniniwala sa kasagraduhan ng kasal. Ano ang kahulugan
ng nasalungguhitang salita?
A. makabago B. mapagmataas C. masayahin D. matiisin
25. Ang tawag sa salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay. Halimbawa nito ay ang
tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi at iba pa.
A. pang-angkop B. pangatnig C. pang-ukol D. pang-abay
26. Anong uri ng pang –ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang
pagpapakahulugan sa pahayag ay malinaw?
A. pananda B. pangatnig C. pang-ukol D. pantukoy
27. “Nang tumuntong ako sa labindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay at kinakailangang
ikahon ako.” Ano ang ibig sabihin ng nasalungguhitang salita?
2
A. itaboy B. ikadena C. ikulong D. ikubli
28. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ______________.
A. pangkayarian B. pananda C. pantukoy D. pangawing
29. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na
impersonal naman ay_______________.
A.naglalarawan B. pormal C. nangungutya D.nang-aaliw
30. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng
mga____________.
A.pantukoy B. pangatnig C. pandiwa D.pang-abay

Ihinanda ni: Binigyang-pansin ni:

MICHELL O. COBRANA JOCELYN P. HERRERA,Ed.D.


T-III SHS, Master Teacher I

Inirerekomendang Approbahan: Inapprobahan:

MARY JOANA I. ACEBUCHE MARIFE B. BULAWAN


Designated Head Teacher Principal III

You might also like