Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office No. VIII
Division Of Northern Samar
ELADIO T. BALITE MEMORIAL SCHOOL OF FISHERIES
Bobon, Northern Samar
IKALAWANG MARKAHAN
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

A. Panuto: Tukuyin ang nais bigyang-pansin ng mga salitang may salungguhit


ng mga sumusunod na pangyayari. Gamitin mo ang mga simbolo na nasa
ibaba at ilagay sa patlang bago ang bawat bilang. Isulat sa papel ang iyong
sagot

Tauhan Lugar Tunggalian


_______1. “Si Makisig lamang ang natatanging taong nais kong pakasalan.”,
ayon kay Mariang Sinukuan.
_______2.Nais nilang magpakasal sa tuktok ng bundok na isang sagrado.
_______3.Sa araw ng kanilang kasal, nagsiratingan ang mga diwata, dyosa, prinsipe
at mga nilalang upang bumati.
_______4.Nakipaglaban si Makisig sa isang makapangyarihang engkanto. Ipinakita
nila ang kanilang mga kapangyarihan hanggang natalo ni Makisig ang
engkato dahil sa kanyang palakol na ginto.
_______5.Payapang naninirahan ang bagong mag-asawa sa isang paraiso na puno
ng iba’t ibang magagandang bulaklak.

B. Panuto:Buuin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagpupuno ng


nawawalang PANGATNIG.

6. Saging____mangga ang kinain ko kanina.


7. Umiyak si bunso ______nakagat ng langgam.
8. Si Ferdie ay tumakbo _______mahabol ang kanyang aso.
9. Gusto kong mamasyal______natatakot ako dahil sa COVID.
10. Kinuha ng magnanakaw ang aking celfon_____ang aking laptop.

C. Panuto: Piliin sa pangungusap ang mga salitang nagpapahayag ng


pagsalungat at pagsang-ayon. Isulat ito sa sagutang papel.

11. Walang mangyayari kung paiiralin ang diskriminasyon sa pagpili ng mga


mag-aaral na tatanggapin sa paaralan.
12. Maaari mo nang ipahayag ang saloobing itinago mo sa mahabang
panahon.
13. Dapat lamang na kilalanin natin ang kanyang kadakilaan.
14. Hindi kailanman malulutas ang suliranin ng panibagong suliranin.
15. Tumututol ang lahat sa ginawa sa kanya ng kasamahang guro.

D. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____ 16. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang pantanghalan.
a. iskrip b. manonood c. actor d. wakas
____ 17. Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita
at maipadama ang emosyon ng dulang pantanghalan.
a. iskrip b. tauhan c. dayalogo d. wakas
____ 18. Suriin kung ano ang nais ng pahayag, “Kaya nga ako naririto para
pagsilbihan kayo. Hayaan ninyong buhatin ko kayo.”
a. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang kasama.
b. Gusto niyang tulungan ang kanyang kasama.
c. Nais niyang pagsilbihan ang kanyang kasama sa abot ng kanyang
makakaya.
d. Nais niyang pabayaan na lamang ang kanyang kasama.
____ 19. “Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng
pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.”, Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag?
a. nakakabawas ng sakit ng katawan
b. nakapag-aalis ng sama ng loob
c. nakapagpapaligaya ng kalooban
d. nakapagpapaluwag ng pakiramdam
____ 20. Pillin sa pahayag ang gawaing pagkamaunawain.
a. “Mabuti at nakadalo ka sa pagtitipong ito.”
b. “Huwag kang mag-alala, nauunawaan ko ang lahat.”
c. “Bakit ngayon ka lang?”
d. “Dapat mong gawin ay magsikap ka!”

Ihinanda ni: Binigyang-pansin ni:

MICHELL O. COBRANA JOCELYN P. HERRERA,Ed.D.


T-III SHS, Master Teacher I

Inirerekomendang Approbahan: Inapprobahan:

MARY JOANA I. ACEBUCHE MARIFE B. BULAWAN


Head Teacher II Principal IV

You might also like