Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Name: John Prince E.

Elorde
Subject: Dalumat sa Filipino
Course/Year/Section: BEED GEN 2D

MIDTERM GAWAIN

GABAY SA PAGTALAKAY
1. Ano ang pagbasa? Ano-ano ang mga komponent nito? Bakit kinakailangang
magbasa?
Ang Pagbasa ay pagkilala ng mga simbolo o sagisag ng nakalimbag at
pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat
na ilipat sa kaisipan ng mambabasa. Ito ay nangangailangan ng kakayahang
pangkaisipan dahil alam ang tunog(ponema) ng naisulat na letra.
Ang mga komponent ng pagbasa ay ang Basehang Eksperensyal, Elementong
Linggwistiks, Kognitibong Komponent, Perseptwal na Impluwensiya.
Mahalaga ang pagbasa, sapagkat;
● Nadadagdagan ang kaalaman
● Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
● Nakakukuha ang mga mahahalgang impormasyon
● Nakararating sa mga pook na hindi pa narating
● Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
● Nakatutulong sa mabibigat na suliranin atdamdamin
● Nagbibigay ng inspirasyon st nakikita nag iba't ibang antas ng buhay ata
anyo ng daigdig.
2. Ano-ano ang antas ng pagbasa? Paano mailalarawan ang bawat isa?
Primaryang Antas - -Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong
upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban ng pagtukoy sa tiyak na
datos at ispesipikong impormasyon gaya ng Petsa, Setting, Lugar, Mga tauhan.
Mapagsiyasat na Antas (Inspectional) - Sa antas na ito, nauunawan na ng
mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng impresyon dito. Sa
pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang
rebyu sa isang teksto upang matukoy kung kakailanganin at kung maaari itong
basahin nang mas malalim.
Analitikal na Antas (Analytical) - Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag- iisip
upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw
ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang Pagtatasa sa katumpakan, Kaangkupan,
at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Sintopikal na Antas (Syntopical) - Tumutukoy sa uri ng pagsusuri na
kinapapalooban ng paghahambing sa iba't ibang teksto at akda na kadalasang
magkakaugnay.
3. Ano-ano ang mga yugto ng pagbasa? Ano-ano ang layunin sa bawat yugto at ang
mga estratehiyang maaaring gawin sa bawat yugto tungo sa mahusay na pagbasa?
Kahandaan sa Pagbasa (Reading Readiness) - Ang yugtong ito sa pagbabasa ay
nararanasan ng mga bata sa iba- ibang edad. May mga batang maagang nalilinang
ang kahandaan sa pagbasa.
Panimulang Pagbasa (Beginning or Initial Reading) - Sa yugtong ito, inihahanda
ang mga mag-aaral sa mundo ng pagbasa.

1
Ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang ng guro sa panimulang
pagbasa;
● Unti-unting bilang ng salita lamang ang dapatipasok sa mga araling
babasahin.
● Ilang paraan ang magagamit sa pagkilala sabagong salita.
● Gawing lubhang kawili-wiling gawain o karanasan ang unang gawain sa
pagbasa upang kagiliwan ang pagbabasa.
● Sikaping mapalawak ang nababasa at maunawan ang mga salita, parirala at
pangungusap.
Magkaroon ng maraming gawaing pasalita at pasulat kaugnay ng binasang aralin.
Pagpapaunlad ng Kakayahan o Mabilis na Pag-unlad (Expanding Power or
Rapid Growth) - Sa yugtong ito, nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagkilala
sa salita, parirala at pangungusap at ang mabilis na pag-unawa o komprehensyon sa
binasa.
Malawakang Pagbasa (Extensive Reading) - Sa yugtong ito, pinipino at
pinauunlad ang pagbasa. Ang pagbasa na isang kasanayang angkin ng mag-aaral
ay isang instrumento rin sa pagtuklas ng lalong marami at malawak na
impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan o interpretasyon.
Pagpapapino at Pagpapaunlad pa ng mga Kasanayang Natamo sa Pagbasa -
Patuloy na pinipino at pinauunlad ang pagbasa sa yugtong ito. Mula sekondarya
hanggang tersyarya nagaganap ang yugtong ito. Dito rin malalaman ng mag-aaral
ang ibinubunga ng iba't ibang kasanayan sa pagbasa sa kanya tulad:
● marunong gumamit ng aklatan at mga sangguniang aklat
● natututong gumamit ng grap, tsart, mapa
● maliwanag na pagbasang pasalita
● nakapagsusuri ng mga materyal upang makuha ang mga pangunahing
kaisipan at layunin sa pagbasa.
● sanay bumasa sa pagitan ng mga linya
● nagiging mapanuri sa pagbasa at pagpapahalaga
● yumayaman ang talasalitaan
● bilis sa pagbasa nang tahimik
● pag-unawa sa salita
● pagkilala ng salita
4. Ano-ano ang antas ng pag-unawa ng binasa? Ano-ano ang mga estratehiyang
maaaring gawin tungo sa pag-unawa ng binasa?
PRIMARYA (ELEMENTARYA)
Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong
kakayahan. Ibig sabihin, dinedevelop ito mula sa kamangmangan. Elementaryang
pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatuturo sa paaralang elementarya. Sa
primarya, wika ang pokus. Ang pagkilala sa aktwal ng mga salita, at ang
pagpapamalay sa kahuluhan ang unang konsentrasyon ng primaryang pagbasa.
INSPEKSYUNAL O MAPAGSIYASAT
Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga. Itinatakda sa
limitadong oras ang pagbasa. Dahil sa limitadong pagbasa, hindi lahat ng nasa aklat
ay babasahin kundi ang superfisyal o espisipiko na kaalaman lamang. Ang
kailangang sagutan habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro?, Anu-ano ang
mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan ba? Nobela ba?
Diskurso ba?. Tinatawag din itong pre-reading o sistematikong iskiming.

2
MAPANURI O ANALYTIKAL
Ang antas na ito ay aktibo. Dapat intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa
pamamagitan ng malinaw na pag-iinter. Interpratibo ito, samakatuwid, sapagkat
matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika
nga, sa pagitan ng teksto o linya. Mahalaga rito ang malalim na nakapaloob na
kaisipan.
SINTOPIKAL
Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-uunawang integratibo ang
kailangan sa antas na ito. Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa
kakayahan ng bumabasa. Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang
nabasang libro ang bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri, makapamuna at
makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami namang
nakukuhang benepisyo.
5. Ano ang kritikal o mapanuring pagbasa? Ano-ano ang kailangang gawin upang
maging kritikal o mapanuri ang pagbasa?
Anomang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang mambabasa pa rin ang gagawa ng
pagsusuri at pagdedesisyon kung ito ay mahalaga, may ibubuga, kapani-paniwala,
kasiya-siya, dapat basahin at balik-balikan, dapat pag-aralan ng malaliman o ang
kabaliktaran nito.
Pagbasa Sa Pagitan Ng Mga Linya - Ito ay isang talinghaga na nangangahulugang
pag-intindi sa tunay na mensahe sa likod ng kung ano ang tahasang nakasulat o
nabanggit.
Pagbasa Nang Malakas - Ito ay makatutulong upang higit na maintindihan ang
isinasaad ng manunulat. Sa paraang ito, magtatanong ka, magkokomento, at iisip ng
sarili mong mga ideya at konklusyon habang nagbabasa ka.
6. Paano naiiba ang karaniwang pagbasa sa mapanuring pagbasa?
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip para sa pag-unawa ng binasang teksto,
samantalang ang mapanuring pagbasa naman ay ang mapanuring pagbasa ay ang
pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin.
7. Ano-ano ang prosesong sangkot sa mapanuring pagbasa at ano-ano ang mga gabay
na tanong na kailangang masagot ng mambabasa sa bawat proseso?
Skimming, Scanning, Brainstorming, Contextualizing

MUNGKAHING GAWAIN 2
Basahin ang kasunod na artikulo. Matapos ay ibuod ito. Isulat ang iyong buod sa mga
kasunod na patlang.

Teknolohiya, Wika at Kultura


Halaw sa Ang Pananaw sa Buhay at Sariling wika
ni Amelia Alfonso-Tynan

Maipalalagay nating magkakaiba rin ang impluwensya at paggamit ng teknolohiya sa iba't


ibang lipunan at kultura. Kakaunti pa ang mga pag-aaral tungkol dito, bagama't may
pangkalahatang pagnanais na maging kompetetibo sa paggamit ng teknolohiya. Catch-up
competitiveness ang tawag dito ni Posadas (2006) sa kanyang pagsuri at rekomendasyon
para sa pamamahala ng teknolohiya sa Pilipinas..

3
Ang Internet ay isang malaking laboratoryong nagpapakita ng maraming halimbawa at datos
tungkol sa komunikasyon at kultura. Napansin ko ito sa mga interaksyon ng iba't ibang
grupo sa Internet na kasapi ako. Ang komunikasyon at wika sa kanluran ay hindi maligoy,
seryoso at impersonal samantalang magalang, palabiro at mas sosyal ang komunikasyon ng
mga Pilipino. Mas maraming biruan at kantyawan ang pagpapalitan sa grupong (Yahoo
online group) Inumpisahan sa Pilipinas kung ihahambing sa grupo ng mga Pilipino sa
Boston. Bihirang mag- Tagalog ang mga Pilipinong nasa Boston, samantalang puristang
Tagalog lamang ang gamit ng grupong inumpisahan sa Pilipinas na may mga myembro sa
Amerika, Canada at Europa. Sa Boston man o sa Pilipinas, maraming posting ay tungkol sa
pagtitipon at sa relihiyon (misa, padasal, libing).
Binigyang-pansin ni Young (2010) ang pagbabanggaan ng teknolohiya at kultura sa Asya.
Nakita niyang nahihirapan ang mga Asyanong estudyante sa paggamit ng teknolohiyang
Wiki sa National University ng Singapore (Ang Wiki ay isang libreng programa sa Internet na
naglalathala ng mga dokumentong pwedeng baguhin o irebisa ng kahit na sino. Ang
pinakapopular na halimbawa ng editing sa publiko ay ang Wikipedia. Ang Wikipedia ay
bukas sa lahat at ang nilalaman nito'y pwedeng irebisa ng kahit na sino. Ang resulta'y
kolaborasyon ng maraming awtor). Nagtataka ang mga Amerikanong propesor kung bakit
kimi sa paggamit ng Wiki ang mga estudyante sa Singapore. Ayon sa mga estudyante,
peligroso ang teknolohiyang ito sapagkat pwedeng baguhin o burahin ang trabaho ng iba.
Bagama't naiintindihan ng mga estudyante ang intelektwal na benepisyo nito, hindi raw ito
tama. Para sa kanila, nakakahiya na maglathala at ipakita ang kanilang isinulat kung hindi
pa ito tapos at lalong nakakahiya kung iwawasto ito ng ibang tao sa harap ng publiko.
Sa mga pag-aaral tungkol sa teknolohiya ay pwedeng ipakita ang kaibhan ng wika, estilo ng
komunikasyon at pananaw ng iba't ibang grupo. Sa aking palagay, kakaiba ang paggamit ng
Pilipino sa mga popular na teknolohiyang uso ngayon gaya ng Facebook, Twitter, MySpace
at YouTube. Ang laman at estilo ng komunikasyon ay datos na maihahambing at maluugnay
sa ibang pagsusuri sa sikolohiya ng Pilipino.

1. Ibuod ang binasang artikulo. Isulat ang iyong buod sa mga kasunod na patlang.
Maipalalagay nating magkakaiba rin ang impluwensya at paggamit ng teknolohiya sa
iba’t ibang lipunan at kultura. Kakaunti pa ang mga pag-aaral tungkol dito, bagama’t
may pangkalahatang pagnanais na maging kompetetibo sa paggamit ng teknolohiya.
Catch-up competitiveness ang tawag dito ni Posadas (2006) sa kanyang pagsuri at
rekomendasyon para sa pamamahala ng teknolohiya sa Pilipinas. Ang Internet ay
isang malaking laboratoryong nagpapakita ng maraming halimbawa at datos tungkol
sa komunikasyon at kultura. Ang komunikasyon at wika sa kanluran ay hindi
maligoy, seryoso at impersonal samantalang magalang, palabiro at mas sosyal ang
komunikasyon ng mga Pilipino. Ang pinakapopular na halimbawa ng editing sa
publiko ay ang Wikipedia. Ang Wikipedia ay bukas sa lahat at ang nilalaman nito’y
pwedeng irebisa ng kahit na sino. Ang resulta’y kolaborasyon ng maraming awtor).
Sa mga pag-aaral tungkol sa teknolohiya ay pwedeng ipakita ang kaibhan ng wika,
estilo ng komunikasyon at pananaw ng iba't ibang grupo. Sa aking palagay, kakaiba
ang paggamit ng Pilipino sa mga popular na teknolohiyang uso ngayon gaya ng
Facebook, Twitter, MySpace at YouTube. Ang laman at estilo ng komunikasyon ay
datos na maihahambing at maluugnay sa ibang pagsusuri sa sikolohiya ng Pilipino.

4
MUNGKAHING GAWAIN 3
Basahin ang kasunod na artikulo at gawin ang mga kasunod na gawain.

Mga Paliwanag sa Ugnayan ng Wika at Kultura


Halaw sa Ang Tagalog-Marikina sa Wikang Filipino: Isang Panimulang Talakay
ni Jayson D. Petras

Kinikilala ng mga dalubhasa at ng mga mag-aaral sa wika ang katotohanan sa ugnayan ng


wika at kultura. Marami ang nagsasabing ang wika ay nakapaloob at siyang nagsisilbing
puso sa katawan ng kultura. Para naman sa ibang dalubhasa, may sariling buhay ang wika
na hiwalay sa kultura. Gayon pa man, nagkakaroon ng ugnayan ang mga ito sapagkat
walang wikang mabubuhay kung hindi nakapanig sa kultura ng lipunan at walang kulturang
mananatili o tatagal sa alaala kung hindi ito maipapahayag sa wika ng mga mamamayan.
Ipinakilala naman nina Sapir at Whorf ang konseptong linguistic relativity na siyang nabuong
palagay sa kanilang pag-aaral hinggil sa pagkakaiba ng wika. Pinatunayan ng kanilang
pagsusuri namay malaking ginagampanan ang wika sa pagbuo ng kaisipan at pananaw ng
mga tagapagsalita nito. Dahil dala-dala ng wika ang kultura, mangangahulugan lamang na
magkakaroon ng iba't ibang pananaw sa mundo ang mga tagapagsalitang may kakaibang
wika. Halimbawa, dulot ng pagiging agrikultural na bansa ng Pilipinas, nakabuo ng iba't
ibang katawagan sa mga uri ng palay na ang tanging salin sa Ingles ay rice. Sa epikong
Iluko na Blag ni Lam-ang, ang mga naibabahaging uri ay ang samosam, ibuan, lagingan,
lumanog, lampadan, muratectec, macan, gaygaynet, balasang at kimmatuday. Dagdag pa
rito, dahil ang oras sa bukid ay hindi nakaayon sa pormal na oras na isinaad ng orasan
kundi sa pagkakaroon at pagkawalang liwanag ng araw, mapapansing ang mga katawagan
sa panahon ay nakaayon sa posisyon ng araw madaling- araw, bukang-liwayway, tanghaling
tapat, dapithapon at takipsilim. Ang pakikipag-ugnayan din sa paligid at ang pagbuo ng
natatanging pananaw na naipaloob sa wika ang dahilan kung bakit may mahigit 20
katawagan para sa kamelyo ang mga Nomadikong Arabo at may iba't ibang tawag sa
niyebe ang mga Eskimo.
Sa artikulong Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino (1996), ipinaliwanag ni Zeus Salazar ang
wika bilang pahayag-pahiwatig, impuk-kuhanan at daluyan ng kabuuang isip, damdamin,
gawi, kaalaman at karanasan ng isang kalipunan ng tao:

1. Wika bilang pahayag-pahiwatig ng kultura. Mahalagang sangkap ang wika sa


pagkakabuo ng bayan o pamayanan dahil sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan ang isang lugar. Sa panahong bago dumating ang mga Kastila. binubuo ng
mga pamayanan ang Plipinas na may kani-kaniyang wikang sinasalita. Dahil hindi pa ganap
na bansa at dahil sa pagiging kapuluan nito, umabot sa 80 ang sinasalita ng iba't ibang
pamayanan. Ang wikang ginagamit ng isang lugar ang siyang nagpapahayag at
nagpapahiwatig sa karanasan at pananaw ng mga mamamayang nagsasalita nito. Ito rin
ang kanilang kasangkapan sa paggawa at paglikha ng sariling kulturang naiiba sa ibang
pamayanan. Halimbawa, dahil sa mahabang tradisyon ng pakikipag-ugnayan ng mga
Pilipino sa isa't isa, nabuo ang konsepto ng kapwa na batay sa pag-aaral ni Enriquez (1978)
ay may malalim na pagtingin sa ugnayan ng ikaw at ako at hindi maaaring maging katumbas
ng salitang others sa Ingles. Higit itong makikita sa pahayag na I love you at Mahal kita. Sa I
love you, hiwalay ang / na siyang gumagawa ng kilos ng pagmamahal sa you na
tumatanggap nito. Dahil dito, makikita rin na may higit na pagpapahalaga sa / at ng iba

5
bilang you. Bukod pa rito, higit na pinahahalagahan ang relasyon o ugnayan dahil sa unang
binabanggit ang salitang mahal.

2. Wika bilang impuk-kuhanan ng kultura. Sa wika pumapaloob ang pag-uugali, isip at


damdamin ng isang grupo ng tao. Halimbawa, dahil bahagi ng kaugaliang Pilipino ang
mahigpit na ugnayang pampamilya, makikita sa wika ang pagkilala at paggalang sa iba't
ibang relasyon sa lumalawak na pamilya: biyenan, manugang, balae, hipag, bayaw at bilas.
Sa Ingles, lahat ito'y tinatapatan na lamang ng salitang sister-in law para sa hipag at brother-
in-law para sa bayaw. Bahagi rin ng paggalang ang paggamit ng po at opo at pagtawag ng
ate at kuya sa mga nakatatanda.
Wika rin ang impuk-kuhanan ng kasaysayan at karanasan ng kultura. Makikita sa wika ang
naging impluwensya ng iba't ibang lahi dulot ng kolonisasyon o pakikipag- ugnayan. Ang
wikang Filipino ay hitik sa iba't ibang mga kataga buhat sa ibang mga wika sa mundo tulad
ng lamesa, kutsara, pisara sa Espanyol, susi (su-lock; si-spoon). petsay (pe-white, tsay-
vegetable), bakya (ba-wood; kya-shoe) sa Tsino, asawa sa Hindu, tsuper (mula sa
chauffeur) sa Pranses. Sa kasalukuyang panahon, umaayon din ang wika sa pagpasok ng
makabagong teknolohiya kaya naman nagiging bahagi ng ating mga konsepto ang Internet
at cellphone.
3. Wika bilang daluyan ng kultura. Sa pamamagitan ng wika, higit na nakikilala ng isang
tao ang kanyang sarili at kulturang kinabibilangan. Kaugnay nito, ang isang taong maalam
sa maraming wika na tinatawag na polyglot, ay may kakayahang makilahok sa iba't ibang
usapan at kung gayon, mapasama sa iba't ibang kultura. Kaya naman. ang mga tagasalin,
na maalam sa magkaibang wika, ay hindi lamang nagdadala ng mga salita, kundi ng mga
karanasan, kaalaman at pananaw buhat sa kultura ng source language (SL).

1. Ibuod ang binasang artikulo. Isulat ang iyong buod sa mga kasunod na patlang.
Kinikilala ng mga dalubhasa at ng mga mag-aaral sa wika ang katotohanan sa
ugnayan ng wika at kultura. Marami ang nagsasabing ang wika ay nakapaloob at
siyang nagsisilbing puso sa katawan ng kultura. Para naman sa ibang dalubhasa,
may sariling buhay ang wika na hiwalay sa kultura. Pinatunayan ng kanilang
pagsusuri namay malaking ginagampanan ang wika sa pagbuo ng kaisipan at
pananaw ng mga tagapagsalita nito. Dahil dala-dala ng wika ang kultura,
mangangahulugan lamang na magkakaroon ng iba't ibang pananaw sa mundo ang
mga tagapagsalitang may kakaibang wika. Ang pakikipag-ugnayan din sa paligid at
ang pagbuo ng natatanging pananaw na naipaloob sa wika ang dahilan kung bakit
may mahigit 20 katawagan para sa kamelyo ang mga Nomadikong Arabo at may
iba't ibang tawag sa niyebe ang mga Eskimo. Sa artikulong Ukol sa Wika at
Kulturang Pilipino (1996), ipinaliwanag ni Zeus Salazar ang wika bilang pahayag-
pahiwatig, impuk-kuhanan at daluyan ng kabuuang isip, damdamin, gawi, kaalaman
at karanasan ng isang kalipunan ng tao: at ang mga ito ay ang Wika bilang pahayag-
pahiwatig ng kultura, Wika bilang impuk-kuhanan ng kultura, at panghuli ay ang
Wika bilang daluyan ng kultura.
2. Gawan ng main idea and details chart ang mga talataan ng artikulo tungkol sa papel
na ginagampanan ng wika. Maaaring balik-aralan ang paggawa ng tsart na ito sa
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (Bernales, et al, 2019). Iguhit/Isulat
ang mga tsart sa kasunod na espasyo.

6
PAPEL NA GINAGAMPANAN NG
WIKA

WIKA BILANG
PAHAYAG-PAHIWATIG WIKA BILANG
WIKA BILANG IMPUK-
NG KULTURA DALUYAN NG KULTURA
KUHANAN NG
KULTURA
Mahalagang sangkap ang Sa pamamagitan ng
wika sa pagkakabuo ng Sa wika pumapaloob wika, higit na nakikilala
bayan o pamayanan dahil ng isang tao ang
ang pag-uugali, isip at
sa pamamagitan nito, kanyang sarili at
damdamin ng isang
nagkakaroon ng sariling kulturang
pagkakakilanlan ang isang
grupo ng tao.
kinabibilangan.
lugar.

MUNGKAHING GAWAIN 4
Basahin ang kasunod na artikulo at gawin ang mga kasunod na gawain.

Sino ang Nakikinabang sa Utang na Loob?


Halaw sa Nanganganib nga ba ang Sikolohiyang Pilipino Dahil sa Wikang Ingles
ni Virgilio Enriquez

Isang antropolohista ang may mahusay na pagkakasuri sa konsepto ng utang na loob.


Makatwiran ang pagkakakuha niya ng datos at ang interpretasyon. Aminado si Charles Kaut
na hindi lamang sa Pilipinas may utang na loob. Sa Washington, DC. man ay mayroon din,
bagama't iba na ang sistema nila ng pagpapakita ng utang na loob. Kapuna-puna sa mga
ganitong pag- aaral ang hindi sapat na pagbibigay-halaga sa tungkuling ginagampan ng
wika at kulturang Pilipino.
Ang utang na loob ay isa lamang sa napakaraming konsepto na may kaugnayan sa
theoretically fertile na konsepto ng loob: sama ng loob, lakas ng loob, kusang loob. Ngayon,
sa dinami-raming pwedeng pilling pag-aralan, bakit "utang na loob" ang kanyang napansin?
Siguro dahil sa kanyang framework, sa kanyang background. Hamak na mas galing sa mga
Pilipino kung ang masusuri at makikita niyang pag-uugali bilang bahagi ng kanyang self-
image ay ang mga koseptong tulad ng lakas ng loob at kusang loob. Huwag nating sabihing
walang kusang- loob ang mga Pilipino. Palagay ko ay hindi ganito ang implikasyon, pero
dahil sa ang napiling pag-aralan ay mga koseptong tulad ng utang na loob, na magaling
para sa mga Pilipino ay hindi masyadong nabigyan ng pansin o nabigyang-diin. Dahil sa
paggamit ng wikang Filipino, higit na nabigyang-pansin ang iba pang mahahalagang
konsepto kaugnay ng loob tulad ng sama ng loob na nagbibigay-daan sa pagsusuri sa
ugnayang biro-lambing-tampo at ang kinalaman nito sa hinanakit at galit. Bukod dito,

7
luminaw din ang kahalagahan ng loob at labas sa Sikolohiyang Pilipino. Pansinin,
halimbawa, ang pagkakaiba ng dama sa damdam at ng puri sa dangal na kapwa feeling at
honor sa Ingles (Salazar, 1977). Hindi maaasahang maisasagawa ang mga pagsusuring
tulad nito kung wikang Ingles ang gagamitin.
Manganganib nga ba ang sikolohiyang Plipino kung patuloy na gagamitin ang wikang Ingles
lamang? Kung sakali mang ang ating husay sa wikang Ingles ay unti-unting nababawasan,
marahil dapat ay pagbutihin natin ang ating kakayahan sa pagbabasa ng Ingles. Gayon pa
man, nararapat lamang na lalong paghusayin ng mga Pilipino ang kanilang kakayahan at
kaalaman sa wikang Filipino.

Ang wikang Filipino na nababatay sa mga wika sa Pilipinas ay siya namang puspusang
dinedebelop sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw na komunikasyon at maging
sa pagtuturo at pananaliksik sa sikolohiya sa mga paaralan. Sa larangan naman ng
pananaliksik sa sikolohiya, nasimulan ito sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa mga
konseptong tulad ng mahay sa Cebuano, pagsinabtanay sa Surigao, maratabat sa mga
Maranaw, at iba pang mga konseptong sa ngayon ay nagpapayaman sa sikolohiyang
Pilipino sapagkat bahagi ito ng karanasan ng kapilipinuhan.
Upang huwag malagay sa panganib ang sikolohiyang Pilipino, natural lamang na mga wika
at kultura sa Pilipinas ang maging batayan nito.

1. Ibuod ang binasang artikulo. Isulat sa mga kasunod na patlang ang iyong buod.
Isang antropolohista ang may mahusay na pagkakasuri sa konsepto ng utang na loob.
Makatwiran ang pagkakakuha niya ng datos at ang interpretasyon. Aminado si Charles Kaut
na hindi lamang sa Pilipinas may utang na loob. Sa Washington, DC. Man ay mayroon din,
bagama’t iba na ang sistema nila ng pagpapakita ng utang na loob. Kapuna-puna sa mga
ganitong pag- aaral ang hindi sapat na pagbibigay-halaga sa tungkuling ginagampan ng
wika at kulturang Pilipino. Ang utang na loob ay isa lamang sa napakaraming konsepto na
may kaugnayan sa theoretically fertile na konsepto ng loob: sama ng loob, lakas ng loob,
kusang loob. Ngayon, sa dinami-raming pwedeng pilling pag-aralan, bakit "utang na loob"
ang kanyang napansin? Siguro dahil sa kanyang framework, sa kanyang background. Dahil
sa paggamit ng wikang Filipino, higit na nabigyang-pansin ang iba pang mahahalagang
konsepto kaugnay ng loob tulad ng sama ng loob na nagbibigay-daan sa pagsusuri sa
ugnayang biro-lambing-tampo at ang kinalaman nito sa hinanakit at galit. Bukod dito,
luminaw din ang kahalagahan ng loob at labas sa Sikolohiyang Pilipino. Pansinin,
halimbawa, ang pagkakaiba ng dama sa damdam at ng puri sa dangal na kapwa feeling at
honor sa Ingles (Salazar, 1977). Ang wikang Filipino na nababatay sa mga wika sa Pilipinas
ay siya namang puspusang dinedebelop sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw na
komunikasyon at maging sa pagtuturo at pananaliksik sa sikolohiya sa mga paaralan. Sa
larangan naman ng pananaliksik sa sikolohiya, nasimulan ito sa pamamagitan ng
pagbibigay halaga sa mga konseptong tulad ng mahay sa Cebuano, pagsinabtanay sa
Surigao, maratabat sa mga Maranaw, at iba pang mga konseptong sa ngayon ay
nagpapayaman sa sikolohiyang Pilipino sapagkat bahagi ito ng karanasan ng kapilipinuhan.
2. Gawan ng concept map ang binasang artikulo. Maaaring balik-aralan ang paggawa
nito sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (Bernales, 2019). Iguhit/Isulat
ang iyong concept map sa kasunod na espasyo.

8
MUNGKAHING GAWAIN 5
Hatiin ang inyong klase sa dalawang pangkat at basahin ang isa sa dalawang kasunod na
artikulong itatakda sa inyong pangkat ng inyong guro. Matapos ay gawin ang mga kasunod
na gawain.

Eupemismo sa Lenggwahe ng mga Pinoy


ni Pamela C. Constantino

Isang Australyanong may mataas na posisyon sa Department of Trade ng Northern Territory


sa Darwin, Australia ang nakausap ko noong 1997 at nagsabing pinag-aralan nilang mabuti
ang kultutang Pinoy para maging madali ang pakikipag-business nila sa atin.
Hindi raw nilala masisiguro kung ang salitang OK ay OK na talaga sa mga Pilipino.
Hindi rin nila tiyak kung ano ang ibig sabihin ng maybe, probably at depend o maging tango
at ngiti ng isang Pinoy kapag nakikipag-deal sa business.
Ang maybe ba ay oo o hindi? Ang yes ba ay talagang yes? Ang no ay talagang no? Kapag
we'll see kaya ang sinabi ay may pag-asa sa isang transaksyon ang kausap? Ayaw ng
Pilipino na mapahiya o kaya'y mawalan ng pag-asa sa partikular na oras na iyon ang
kanyang kausap kaya may paraan siya sa pag-iwas. Nagagawa niya ito sa pamamagitan ng
mga eupemismo.
Ang euphemism ay isang salitang Ingles na ayon sa mga eksperto ay isang madaling
gamiting kasangkapang berbal para iwasang magkaroon ng kaawayo makagulat sa mga
kaibigan.
Hindi lang sa Pilipinas ito nangyayari at hindi lang Pilipino ang gumamit nito.

Mga Katawagan sa Eupemismo


May iba-ibang tawag sa euphemism. Tinatawag itong verbal miasma kung minsan.
Tinatawag din itong doublespeak dahil iba ang sinasabi sa tunay na gustong sabihin.
Ginagamit din ang salitang semantic pollution para rito. Nabababoy daw ang kahulugan ng
salita. Kung minsan, tinatawag din itong duckspeak (Ano sa palagay ninyo ang dahilan?).
Ayon nga sa TIME Magazine (1978), ang euphemism ay telling it like it isn't (sinasabi na
parang hindi ganito). Sa Filipino, tatawagin itong eupemismo o kaya'y pag-iwas sa salita o
diplomasyang pangwika.

Mga Dahilan ng Eupemismo


Iba't ibang ang mga dahilan ng yupemismo lalo na sa kulturang Pilipino. Ano man ang mga
dahilang ito, pag-aangkop ito ng Pinoy sa mga sitwasyong kailangan iwasan. Narito ang
ilang dahilan:
1. Hiya. Pangunahing dahilan ng eupemismo ang makaiwas sa pagkapahiya.
Kadalasan, ang pag-iwas na ito ay hindi lang sa gumagamit ng wika kundi para rin sa
kinakausap. Isang paraan ito para isalba ang kausap sa isang kahiya-hiyang
sitwasyon. Halimbawa, isang katangian ng kulturang Pilipino ang pag-iwas sa
pagsasabi ng hindi. Paraan ito para hindi mapahiya ang kausap at para hindi
mapahiya ang pinakikiusapan. Isang malaking bagay kasi sa ating kultura ang
pakiusap. Lahat ay idinaraan sa pakiusap-sa pulitika, sa trabaho, sa kapitbahay, sa
kaibigan, sa kamag-anak at halos lahat ng aspeto ng pamumuhay. At dahilan ng hiya
ang hindi mapagbigyan o mabigo sa pakiusap. Kaya naging kombinyenteng gamitin
sa mga ganitong sitwasyon ang siguro, titingnan natin, ewan ko, depende, pag-
aaralan ko, pag-iisipan ko, sa halip na tahasang hindi.

9
2. Mabuting asal, hindi garapal Isa pang dahilan ng eupemismo ay ang pag-iingat ng
tao na masabing sya'y garapal at hindi pino kung magsalita. Noong panahon ng
Amerikano, Dinuna ni Teodoro M. Kalaw sa kanyang editoryal na may pamagat na
La Girl Filipin sa dyaryong El Renacimiento ang pagiging garapal at 'di pinong pag-
aasal ng kababaihan dahil sa malaking impluwensya ng kulturang Amerikano. Nakito
ito sa pamamagitan ng gamit ng wika at kilos. Sa kabila ng malaking pagbabago ng
panahon, ngayong panahon ng modernisasyon at globalisasyon, pinong pananalita
at gamit pa rin ang inaasahan lalo na sa kabataan at lalo na sa harapang pakikipag-
usap. Halimbawa,garapal kung maririnig ang pangit sa isang tao sa halip na 'di
kagandahan, pango sa halip na di katangusan ang ilong, pandak sa halip na 'di
kataasan/'di gaanong katangkaran, bobo sa halip na 'di masyadong matalino. Sa
pagpapahayag din ng galit, halimbawa pagmumura, ay nababawasan din ang lakas
ng dating sa pamamagitan ng eupemismo. Sa ganito, hindi gaanong nasisira ang
imahe ng taong nagmumura. Halimbawa ng mga murang ganito ang
namputsa/nampusa/putsa/anak ng pusa, gagi/gay (sa halip na gago), tange/tang-g-
a/tangengot/engot (sa halip na tanga), shem/shems/shemay/shert (sa halip na
bullshit), punyemas (sa halip na punyeta) at marami pang iba.
3. Paggalang, pag-iwas na makasakit ng loob. Isang mabuting katangian ng
kulturang Pilipino na hindi pa rin nawawala (bagama't may bawas na) ang paggalang
sa kapwa at pag-ingat na hindi makasakit ng loob. Bahagi ito ng pakikipagkapwa,
Ginagamit ang mga salitang eupemistiko sa wika para rito Halimbawa, bilang pagbati
sa isang kakilala, sasabihin niyang Tila nahuhulog ang katawan mo, o kaya'y Slim ka
yata ngayon o sumeseksi ka ngayon (sa halip na Pumapayat kayata o
Nangangalirang ka, lalo na sa babae) Gayon din, mas sasabihin ang Malusog ka
ngayon o Lumalaki ka sa hirap, kaysa Ang tabo mo o Lumolobo ka Maaaring ang
batayan ng ganitong pagkilos ay ang pakiramdam ng tao na mas mabuting gamitin
ang mga salitang positibo o kaya'y yaong nagpapakita ng concern a pagmamalasakit
kaysa deretsahang pagsasabi na tila isang pagpuna.
4. Malakas ang dating. May pakiramdam din ang tao na mas mabuting gumamit ng
mga salitang obhetibo kaysa subbetibo. Halimbawa, ang pagpapabalaga (values) ay
mas obhetibo kaysa moralidad.
Mas obhetibo ang globalisasyon kaysa ekonomiyang pangkorporasyon
imperyalismong pang-ekonomiya; ang custodial worker kaysa janitor, ang helper
kaysa maid, powder room/restroom/comfort room kaysa toilet, carcinogenic kaysa
cancerous; motion discomfort bag (bag para sa pagkahilo) kaysa vomit bag
(sukahan). Para sa marami, mas malakas ang dating ng mga salitang obhebtibo
kaysa subhebtibo.
Ang mga salitang taboo o bawalo iyong hindi deretsahang masabi dahil nakakahiya
at malakas ang dating ay napapalitan ng mga salitang eupemistiko, Halimbawa ang
dibdib (sa halip na suso), harapan/harap, pakikipagtalik/pakikipagniig, pokpok (sa
halip na puta). Kung minsan, ganitong mga salita ay mas hindi nakakahiyang gamitin
kung ito'y nasa Ingles kaysa Filipino, gaya halimbawa ng vagina, whore, euthanasia,
boyfriend/ lover, lovermaking at boobs.
5. Pangangailangang sikolohikal. May mga negatibong pagtingin sa paggamit ng
eupemistikong salita. Para sa iba, pagpapakita ito ng artipisyalidad (kaplastikan),
pagkukunwari, pagtatago sa katotohanan. Sa iba naman indikasyon ito ng
pagsisinungaling.

10
Ayon kay Bergen Evans, isang lexicographer ng Northwestern University (1978),
nananatili ang eupemismo dahil ang pagsisinungaling ay isang 'di maiiwasang
paraan para maging katangap-tangap ang buhay. Para naman sa iba, isa itong
pagkontrol at paglimita sa semantikong daigdig. At para rin sa iba, isa itong
panloloko sa tao at nagbibigay ng panganib sa kaisipan at aksyon.
Gayon pa man, panloloko, panlilinlang, pagsisinungaling, o pag-iwas man ito, ang
eupemismo ay isang pangangailangang sikolohikal para maging makinis, walang
gusot, maayos, walang hassle ang mga relasyon sa komunidad sa kabila at sa gitna
ng mga pagbabago sa maliit man o sa malaking lipunan.

Halaw sa
Paano ba Sasabihin ang Katotohanan?
Isang Sosyolinggwistikang Pag-aaral sa Eupemismo sa mga Kontemporaryong
Tabloid
ni Teresita F. Fortunato

Sa bawat umpukan ng tao, ano mang lugar ito, tiyak na may instrumentong gagamitin sa
komunikasyon. Sa pamilihan man ito, kainan, focus group room, sa workplaces, loob ng
bahay, barangay hall, klasrum, pook pampamahalaan, lehislasyon o hudisyal, o saan man
maaaring magkatuwaan, magkairingan, magkwentuhan o magbalitaan, maghikayatan,
magpaliwanagan o magbigayang-instruksyon o magkaniigan - siguradong mag-uusap ang
mga tao: gagamit sila ng behikulo sa ugnayang berbal. Nasa mundo tayo ng mga wika.
Bawat isa sa atin ay may kakayahang mag-isip gamit ang wika/mga wika, mailipat sa kapwa
ang naiisip at nadarama, at tumugon sa reaksyon ng iba.
Sa pakikipag-ugnayan, isinasaalang-alang ang maraming salik upang matiyak na makukuha
ng kausap ang tukoy na layon ng akto ng ispiker sa pakikipagtalamitan. May mga
konsiderasyon ang paksa sa kumbersasyon at ang pagiging bukas sa paksang ito. Kaya ba
itong malayang maipahayag ng dalawang nag-uusap? Wala bang pabulong lamang na
paraan para makaabot sa bawat isa o hayag na maihatid ang isyung nasa harap ng mga
interlokyutor ang mensahe? Gaano ba kabukas o kalantad na pag-usapan ang paksang
nasa hapag o ere?
Madalas tayong nakakarinig sa radyo o ng mga balitang may pagggamit ng mga salitang
hindi iisiping problematiko na pala ang sitwasyon. Sasabihin ng anawnser (nasa mga limbag
na peryodikong tabloid din naman) na nagkaroon ng pagtatangkang junta, pero namayani
pa rin ang kapayapaan dahil sa maagap ng responde ng military. Junta, hindi ba kudeta
iyon?! Sa balita naman tungkol sa mga brodkaster ng ABS-CBN noong Hunyo 2008, sabi sa
pahayagan, Nagbayad ng board and lodging ang pamilya ni Ces Drilon sa mga grupong
Muslim. Anong board and lodging, samantalang milyong piso ang ipinalabas ng mag-anak
na Drilon kapalit ng paglaya ni Ms. Ces? Hindi ba ransom iyon? Alin ba ang totoo? Hindi ba
nito pwedeng masabi ang katotohanan nang walang sugar coated na pananalita,
samantalang ang paglilimbag ng katotohanang obligasyon ng press ay isang istandard ng
retorika nito? Virtually every code of ethics begins with the newsperson's duty to tell the truth
under all conditions.... Tanong nga ni Pontio Pilato, What is the truth? (Christians, et al.,
2005, 54). Ang paggamit bang ito ng espesyal na pananalitang good speak o eupemistik ay
para makaabot sa tuntunin at kombensyon ng kapaligirang pinaggagamitan ng wika na
kahingian ng ekolohiya ng wika (Hymes; sa Farb, 1975)?

11
Isang pag-aaral pansosyolinggwistika, hindi labas sa kultural, ang mga ekspresyong
eupemistik, at isang pagkakataon ito para makita kung paano ginagamit ang mga pananalita
sa pagsasabi ng katotohanan sa midya ng print sa tatlong tabloid na makaklasipikang
disente. Inaasahan ding magkakaroon ng mga listahan ng pagpipilian ng mga panghaliling
pananalita sa mga kaisipang gamit sa pagtukoy sa mga tao sa lipunang iba-iba ang
kalagayang sosyo-politiko- sikolohikal, partikular sa mga nasa labas ng sentro ng sosyedad.
Batayang Teoretikal
Binigyang-kahulugan ang salitang euphemism ayon sa etimolohiya nitong Griyegong
salitang ugat na eu (good/well) +pheme (speech/speaking) at sa Griyegong salitang
euphemo (auspicious/good/fortunate speech/kind (Newman at Silver, 1990). Binigyang-
kahulugan ang tuwiran eupemistik bilang pananalitang ipinapalit sa mga salita/pariralang
kapag ginamit nang ay magdudulot ng pagkalungkot o pagdaramdam, pagkarimarim,
pagkalagim o ibang 'di kanais-nais na damdamin sa pinagsasabihan o nakakarinig (SWP,
1982) Samakatwid, mga ekspresyon itong ginagamit ng isang tao para hindi makasakit ng
damdamin o makabahala sa isang nakikinig o nagbabasa Hinahalinhan nito ang mga
pananalitang nagiging problematiko sa isang ispiker/sumulat dahil hindi matanggap ng
kapwa kasangkot sa komunikasyon. Batayang sikolohiya sa paggamit ng wikang eupemistik
ang paglalagay sa positibong liwanag sa paksa ng usapang may masama o nakahihiyang
implikasyon sa mga kasangkot sa komunikasyon o balita:
May pinanghahawakang tatlong teoryang sosyal ang etnograpiya ng komunikasyon na
sinimulan ni Hymes: functionalism, interactionalism at Marxism (Saville-Troike). Sa
functionalist approach, itinituon ang paghahanap ng interaksyon ng wika sa kultura, at ang
wika sa organisasyong sosyal. Binibigyang-dii naman ng dulog interactionalism ang mga
baryasyon sa wika na kailangang makilatis sa pagbubuo at pagpapahayag ng role
relationships at pagtatamo ng kasanayang komunikatibo at identidad. Samantala, sa talakay
na kapangyarihan ng komunikasyon, binibigyang-diin ang paglulugar ng kritikal na dulog sa
analisis ng diskors at etnograpiyang nakaugat sa teoryang Marxista at sa proposisyong
Language creates, sustains, and replicates fundamental inequalities in societies (Mestrie,
2000, 317; sa Saville-Troike, 2003, 254). Pumapasok dito ang nosyon na instrumento ang
wika para sa konsolidasyon at manipulasyon ng mga konsepto at relasyon sa larangan ng
kapangyarihan at kontrol (Fowler, 1985, 61; sa Saville-Troike).

Mga Motibo sa Paggamit ng Eupemismo


Tinukoy nina Newman at Silver (1990) na may motibo o layunin ang paggamit ng
eupemismo na nagkakaiba-iba sa unang malas at napakarami rin tulad ng lawak ng
emosyon ng tao. Isang pangunahing dahilan sa paggamit ng pananalitang ito ang takot at
tangkang mapalamig ang loob ng mga kasangkot sa ugnayan. Kaya maririnig ang salitang
disability, isang salitang eupemistik, dahil sa takot ng taong nagtataglay ng katangiang ito na
hindi matanggap ng lipunan. Isa pang motibo para sa kontemporaryong eupemismo ang
malakas na pagnanais ng taong makaiwass sa pananakit ng damdamin ng kapwa.
Mapapahiya ang tao at mawawalan ng mukha (walang mukhang maipakiharap sa Tagalog)
sa sitwasyong hindi matanggap ang salita/pananalita ng kapwa interlokyutor. Kaya gagamit
ang tao/lipunan/manunulat ng kind words tulad ng outsize o downsize sa halip na fire the
employee.
Sa isang Internet lesson sa pagtuturo ng Ingles bilang pangalawang wika, insisa-isa ni Alkire
(2002) ang layunin ng paggamit ng eupemismo sa lipunan: (a) isang unibersal na katangian
ng gamit ng wikang ito na pag-usapan ang mga bagay na nakakatakot tulad ng giyera, sakit
at iba pa; (b) upang ipahayag ang taboo, kung ano ang nararamdaman sa isang lebel para

12
makaiwas sa mismong taboo, (c) upang iangat ang istatus ng isang bagay gaya ng salitang
edukador sa halip na gamitin ang flight attendant sa halip na steward/ess; at (d) maipahayag
ang mahirap salitain sa pamamagitan ng tuwirang termino.
Isang progresibong pagtingin naman sa eupemismo ang isinulong ni William Lutz (sa
Eschholz, et al., 2000, 499) sa pagtuturang ginagamit din ang barayting ito ng wika bilang
double speak o pagpapanggap kung intensyong gawing maganda ang anyo ng isang bagay,
gawing kahali-halina ang isang nakakasuya/nakakayamot o matiis kayang tingnan ang isang
bagay. Kaya nagiging doublespeak ang eupemismo para iligaw ang isip sa tunay na
kahulugan o manlinlang bagaman maaal rin naman itong maging ekspresyon ng kortesiya o
paggalang sa damdamin ng kapwa.

Kongklusyon
Ginagamit sa pagbabalita ang mga panalitang inoffensive or positive word or phrase
designed to avoid a harsh, unpleasant, or distasteful reality (Lutz, sa Eschholz, 409). Sa
proseso, nakita natin ang hangganan ng pagsisiwalat ng katotohanan sa mga balitang pan-
tabloid- naroon ang katotohanang may paggamit ng kind words/pinalambot na pananalita,
may antas ng paggalang dahil sa kahingian ng kultura, at may doublespeak ding ang
intensyon ay ikubli ang katotohanan, manlito kaya. Sa isang perspektiba, may paggamit ng
salita/parirala/ ekspresyong eupemistik na nakapaloob sa politically correct na uri ng wika, at
sa sikolohikal na dimensyon, para mailagay sa positibong liwanag ang bagay na masama o
nakahihiya na taglay ng tema ng balita. Ayaw makasakit ng damdamin, na sa isang banda
ay pag-iwas sa pagharap sa mga kabulukang nasa ere.
Maganda ang panulat ni Encarnacion Alzona (Lorenzana, 2006) dito:
Ang marahang pangungusap
Sa puso'y nakalulunas
Ang salitang matatamis
Sa puso'y nakaaakit
Nagpapalubag ng galit.
Harinawang lumubag ang galit ng mga tinatamaan ng mga balita. Subalit mainam ding
harapin ang mapait, malungkot at nakalinis na katotohanan para malunasan ang pighati,
hindi laging itinatago dahil ano man ang pagkubli, lulutang at sisingaw din ang baho, ang
kabulukan. Hindi kailan man mabubusalan ang kalayaan sa pagpapahayag.
1. Think-pair-share. Matapos basahin ang artikulong itinakda sa inyong pangkat,
magmuni-muni tungkol doon. Matapos ay pumili ng isang kaklase mula sa kabilang
pangkat na nagbasa ng isa pang artikulo. Magbahaginan kayong dalawa tungkol sa
artikulong binasa ng isa't isa.
2. Itala sa mga kasunod na patlang ang mahahalagang impormasyon sa artikulong
iyong binasa.
● Batayang Teoretikal
Binigyang-kahulugan ang salitang euphemism ayon sa etimolohiya nitong
Griyegong salitang ugat na eu (good/well) +pheme (speech/speaking) at sa
Griyegong salitang euphemo (auspicious/good/fortunate speech/kind
(Newman at Silver, 1990).
● Mga Motibo sa Paggamit ng Eupemismo
Tinukoy nina Newman at Silver (1990) na may motibo o layunin ang paggamit
ng eupemismo na nagkakaiba-iba sa unang malas at napakarami rin tulad ng
lawak ng emosyon ng tao. Isang pangunahing dahilan sa paggamit ng
pananalitang ito ang takot at tangkang mapalamig ang loob ng mga

13
kasangkot sa ugnayan. Itala sa mga kasunod na patlang ang mahahalagang
impormasyon sa artikulong ibinahagi sa iyo ng iyong kapareha.
1. Gumuhit/Gumawa ng Venn diagram. Paghambingin at ikontrast ang dalawang
artikulo. Maaaring balik-aralan ang paggawa ng dayagram na ito sa
Kontekstwalisadong Komunikasyong sa Filipino (Bernales, et al., 2019).

Mungkahing Gawain 6
Saliksikin at basahin ang artikulong Kontra-Modernidad: Pakikipagsapalaran sa Pagtuklas
ng Sarili Nating Mapagpalayang Kabihasnan ni E. San Juan, Jr. (nasa https:
//rizalarchive.blogspot.com/2017/03/kontra-modernidad-lektura-sa.html). Matapos ay
sumulat ng reaksyong papel tungkol sa binasang artikulo. Tiyaking masasagot sa reaksyong
papel ang mga gabay na tanong sa bawat proseso ng mapanuring pagbasa. Isulat ang
borador ng iyong reaksyong papel sa mga kasunod na patlang.

Pagsusulit 1
I. Isulat sa patlang sa unahan ng bawat bilang ang Tama kung tama ang pahayag. Mali
naman ang isulat kung hindi.

TAMA 1. Ang pagbasa ay nagsasangkot ng pagkilala at pag-unawa sa mga salita.


TAMA 2. Layunin ng pagbabasa ng isang akda o tekstong makuha ang mensahe o 'di
naman kaya ay maaliw sa pamamagitan ng pagbasa nito, kaya kailangan na kritikal sa
pagtingin sa mga detalye nito.
MALI 3. Pare-pareho lamang ang lahat ng antas ng pag-unawa, sapagkat lahat naman ay
may layong makuha ang literal na kahulugan ng salita o mensahe.
TAMA 4. Kung kritikal na binabasa ang teksto, hindi lamang kinukuha ang mga
impormasyong nakapaloob dito. Nagbibigay din ang mambabasa ng kanyang
interprestasyon o ebalwasyon sa teksto.
MALI 5. Sa proseso ng pagbasa, walang direktang impak ang motibasyon sa tagumpay
ng pagbabasa, dahil positibo man ang atityud o ipinilit ang gawaing pagbasa, sa
pangkalahatan, pareho lamang ang resulta nito sa maraming pagkakaton.

II. Tukuyin ang inilalarawan o binibigyang-kahulugan ng sumusunod na pahayag.


Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Tekstong Impormatibo 6. Pagsipat ito sa teksto na nagreresulta sa pagkalaam sa


mga pangunahing detalye nito at pagkatuklas sa mensaheng ipinahahayag mula rito.
Tekstong Naratibo 7. Isang antas ito ng pag-unawa sa teksto na nakatuon sa
pag-uugnay sa teksto sa mga aspektong emosyonal at panlipunan.
Pagpapaunlad ng Kakayahan 8. Sa yugtong ito ng pagbasa, naisasagawa ang aktibasyon
ng mga paunang kaalaman ng nagbabasa na maaaring nagmula sa mga nabasa na o sa
mga karanasan sa nakalipas.
Tekstong Persweysib 9. Pagsipat ito sa teksto na hindi lamang basta inuunawa
ang mensahe ng teksto kung hindi inaanalisa, binibigyang-interprestasyon ebalwasyon din
ang nilalaman nito.
Extensibong Pagbasa 10. Komponent ito ng pagbasang kinapapalooban ng mga
jargon o rehistro mula sa isang tiyak na larangan na maaaring nakapaloob sa nilalaman ng
teksto lalo na kung ito ay espesyalisado.

14
Primarya (Elementary 11. Nasa antas na ito ang pagbasa ng isang tao kung
panimulang pagsiyasat sa teksto o akda ang kanyang ginagawa.
Sintopikal na Antas 12. Ito ang pinakakompleks na antas ng pagbasa sapagkat
nagsasangkot ito ng pag-uugnay sa kasalukuyang binabasa at kung paano ito
mapakikinabangan sa mga gawaing nakaatang sa nagbabasa bilang mag-aaral o
propesyonal o maging sa kanyang pag-iral bilang indibidwal sa lipunan.
Intensibong Pagbasa 13. Isa ito sa mga komponent ng pagbasa kung saan
pumapaloob ang kakayahang basahin ang teksto nang may akmang ekspresyon tulad na
lamang ng lakas ng boses o bilis ng pagbigkas.
Komprehensiyon 14. Ito ay isang uri ng pag-unawa sa teksto na sumasagot
sa katanungang What if?
Komprehensiyon 15. Sa prosesong ito ng mapanuring pagbasa natutukoy
ng mambabasa ang kahinaan ng mga argumento o ebidensyang ginamit sa teksto.

III. Tukuyin kung aling antas ng pag-unawa ang ipinamamalas sa wastong pagsagot
sa sumusunod na tanong hinggil sa isang binasang teksto. Isulat sa patlang ang titik
ng iyong sagot.

a. Leksikal
b. Literal
c. Interpretatibo
d. Aplayd
e. Apektibo

A 16. Anong kaugnayan ang iyong nakikita sa kasaysayan ng pagkakasakop ng Pilipinas


at sa pagkilala mo sa iyong pagka-Pilipino?
E 17. Ano ang epekto ng kawalang-pagkakakitaan ng mga tao sa kanilang kalagayang
ekonomiko?
A 18. Paano matitigil ang inhustisiya sa mga marhinalisadong sektor ng lipunan?
D 19. Ano'ng maiaambag mo bilang estudyante sa patuloy na pagkasira ng ating mga
katubigan dahil sa plastic waste pollution?
E 20. Sino-sino ang mga kasangkot sa pagkasira ng kalikasan ng bansa?
B 21. Ano ang ibig sabihin ng makapili sa kwento?
C 22. Sa iyong palagay, may maidudulot ba ang nagkakaisang pagkilos ng mamamayang
Pilipino para mabago kahit papaano ang 'di mabuting kalagayan ng lipunan?

IV. Tukuyin kung aling yugto ng pagbasa ang inilalarawan ng sumusunod na


sitwasyon. Isulat sa patlang titik ng iyong sagot.

a. Bago Magbasa
b. Pagbabasa
c. Pagtugon
d. Eksplorasyon
e. Aplikasyon

D 23. Dahil hindi kumbinsido si RB sa nabasa ukol sa ekonomiya sa pananaw ni Marx,


kinausap niya ang kanyang propesor sa ekonomiks upang talakayin ang mga puntong
gumugulo sa kanya.

15
E 24. Sa pagbasa niya ng mga sanaysay kaugnay ng mga maralitang manggagawa,
lalong napagtanto ni Sarah na may inhustisyang nagaganap sa mga magsasaka sa kanilang
mga magsasaka sa probinsya.
E 25. Dahil sa pagbabasa ni Alvin ukol sa organikong pagsasaka, nalikha niya ang isang
uri ng pataba na 'di sintetik kaya walang masamang epekto sa kalusugan ng tao.
A 26. Kailangang magbasa si Macy ng mga pananaliksik sa agham panlipunan upang
makakalap siya ng mga datos na susuporta sa kanyang isinusulat na saliksik ukol sa
ugnayan ng kahirapan at krimen sa mga kalunsuran.
B 27. Itinatala ni Uno ang mga mahahalagang punto ng teksto habang binabasa niya ang
akdang Ang Bayan sa Labas ng Maynila.
B 28. Natutuhan ni Vivian ang kahulugan ng ilang mahahalagang termino sa sikolohiyang
Pilipino na bago sa kanya dahil sa pagbabasa ng mga artikulo para sa kanyang klase.
C 29. Bahagi ng proseso ng pagbasa ni April ang pagsusulat sa kanyang kwaderno ng
mga detalye at puna mula sa kanyang binasa upang mabalikan niya ito kapag
nagpoproseso na siya ng kanyang pag- unawa sa teksto.
E 30. Tunay na nakakabagabag ang mga detalyeng nakalahad sa mga sanaysay na
binasa ni Trishia ukol sa kahirapan sa bansa dulot umiiral na 'di makataong sistema kung
kaya't napaisip siya nang malalim kung paano siya makapag-aambag upang masupil ang
ganitong realidad.

Pagsusulit 2
Basahin ang mga kasunod na teksto at sagutan ang mga kasunod na aytem. Bilugan
ang titik ng wastong pagpipiliang makakukumpleto sa bawat pangungusap. May
dalawang puntos para sa bawat tamang sagot.

Ang "Bahala na" ng Pinoy at ang Fatalism ng Kano


Halaw sa Nanganganib nga ba ang Sikolohiyang Pilipino Dahil sa Wikang Ingles
ni Virgilio Enriquez

Isa pang pag-aaral na isinagawa sa pamamagitan ng wikang Ingles at gumamit ng mala


pustisong konseptong Pilipino ay ang pag-aaral ni Lynn (1967) na inilathala sa dyornal ng
Silliman University tungkol sa "bahala na." Sa pag-aaral na ito, mapapansing syentipiko
naman ang interes ni Lynn. Nagsimula siya sa layuning paghambingin ang "bahala na" ng
Pilipino at ang fatalism ng Amerikano. Ang malungkot dito at sadyang kapansin-pansin ay
ang naging ugat ng ilang mananaliksik sa Pilipinas na paghambingin ang Pilipino at
Amerikano gayong wala namang malinaw na batayan ng paghahambing Nakakita nga ng
pagkakahawig at pagkakaiba, ngunit hindi naman kanais-nais ang interpretasyon.
Halimbawa, nakita ni Lynn na ibang-iba ang "bahala na ng Pilipno sa fatalism. Binibigyan ng
negatibong implikasyon ang kahulugan ng fatalism at ipinapalagay na ito'y isang katangian
ng Pilipino bagama't ito'y hindi naman isang masamang katangian. Higit na mainam ang
pagsusuri sa "bahala na na ginawa ni Alfredo Lagmay (1977) sa ikalawang komperensya sa
sikolohiyang Pilipino. Dito, kanyang binigyan ng mas malaking pagpapahalaga ang kultura at
wikang Pilipino. Ayon sa kanya, ang "bahala na ay hindi pagsang-ayon o pagsuko lamang
na siyang ipinahihiwatig ng fatalism. Sa katunayan, kapag sinabing "bahala na," susugod pa
tin at magbabaka sakali ang Pilipino kahit kulang ang impormasyon. Ito ay isang pagsuong
sa panganib na maluugnay sa lakas ng loob.

1. Layunin ng pag-aaral ni Lyn na.

16
a. Paghambingin ang mga Pilipino at ang mga Amerikano
b. ang "bahala na" at fatalism
c. (kapwa a at b)
d. (Wala sa pagpipilian)
2. Ang tisis ng teksto ay
a. Walang malinaw na batayan ang paghahambing ng mga Pilipino at Amerikano
b. May implikasyon ang kahulugan ng "bahala na" at fatalism
c. Ang "bahala na" ay hindi pagsang-ayon o pagsuko
d. Magkaiba ang "bahala na" at ang fatalism
3. Mas magiging kanais-nais ang interpretasyon ng pag-aaral ng konseptong Pilipino kung
a. gagawing syentipiko ang pag-aaral
b. ihahambing ang konseptong Pilipino sa konseptong Amerikano
c. bibigyan ng malaking pagpapahalaga ang kultura at wikang Filipino
d. (Lahat ng nabanggit)
4. Ang "bahala na" ng mga Pilipino ay mas maiuugnay sa
a. fatalism
b. pagsuko
c. pagsang-ayon
d. lakas ng loob

5. Ganito ang watong pagbubuod ng teksto:


a. Sa pag-aaral na isinagawa sa pamamagitan ng wikang Ingles at gumamit ng mala-
pustisong konseptong Pilipino tungkol sa "bahala na," mapapansing ang
pagkakahawig at pagkakaiba ng "bahala na" at ng fatalism. Binibigyan ng negatibong
implikasyon ang kahulugan ng fatalism at ipinapalagay na ito'y isang katangian ng
Pilipino bagama't ito'y hindi naman isang masamang katangian. Higit na mainam ang
pagsusuri sa "bahala na" bilang hindi pagsang-ayon o pagsuko lamang na siyang
ipinahihiwatig ng fatalism.
b. Sa isang pag-aaral, mapapansing syentipiko naman ang interes ni Lynn. Nagsimula
siya sa layuning paghambingin ang "bahala na" ng Pilipino at ang fatalism ng
Amerikano. Ang malungkot dito at sadyang kapansin- pansin ay ang naging ugali ng
ilang mananaliksik sa Pilipinas na paghambingin ang Pilipino at Amerikano gayong
wala namang malinaw na batayan ang gayong paghahambing. Nakakita nga ng
pagkakahawig at pagkakaiba, ngunit hindi naman kanais-nais ang interpretasyon.
Higit na mainam ang pagsusuri sa "bahala na" na may mas malaking pagpapahalaga
sa kultura at wikang Pilipino.
c. Nagsimula si Lynn sa layuning paghambingin ang "bahala na" ng Pilipino at ang
fatalism ng Amerikano. Ang malungkot dito at sadyang kapansin- pansin ay ang
naging ugali paghambingin ang Pilipino at Amerikano gayong wala namang malinaw
na batayan ang katulad na paghahambing. Higit na mainam ang pagsusuri sa
"bahala na" na ginawa ni Lagmay dahil kanyang binigyan niya ng as malaking
pagpapahalaga ang kultura at wikang Pilipino.
d. Sa pag-aaral ni Lynn, pinaghambing niya "bahala na" ng Pilipino at ang fatalism ng
Amerikano, ngunit mapapansing ang paghahambing ng Pilipino at Amerikano ay
walaang malinaw na batayan. Dahil doon, hindi naging kanais-nais ang kanyang
interpretasyon. Naging negatibo ang implikasyon ng fatalism at ipinalagay iyong
isang katangian ng Pilipino. Higit na mainam ang pagsusuri sa "bahala na" ni
Lagmay dahil binigyan niya ng mas malaking pagpapahalaga ang kultura at wikang

17
Pilipino. Kaya humantong siya sa kongklusyong ang "bahala na" ay hindi pagsang-
ayon o pagsuko tulad ng fatalism at maiuugnay ang "bahala na" sa lakas ng loob.

Ang Pagsuri ng "Hiya" sa Wikang Ingles


Halaw sa Nanganganib nga ba ang Sikolohiyang Pilipino Dahil sa Wikang Ingles
ni Virgilio Enriquez

Isa sa mga kauna-unahang artikulo na nasulat tungkol sa "hiya" ay ang ginawa ni Sibley
(1965), Isang Amerikanong estudyante ng Philippine Studies Program sa University of
Chicago at ito ay naisama sa Human Relations Area Files, Pinag-aralan niya ang "huya" sa
Panay at ginamit din niyang halimbawa ang konseptong moral. Alalaumbaga, sa hiya, ng
mahalaga'y ibang tao, hindi mahalaga ang sasabihin ng Maykapal o ng ano mang
kapangyarihang supernatural. Ang halimbawa ni Sibley sa bandang dulo ng kanyang artikulo
ay ganito: Sa Katagalugan daw, kapag mayroong nagpakamatay o nagpatiwakal ay
mayroon silang kasabihang "Nahiya sa tao, sa Diyos ay hindi." Wala ang aspetong moral sa
kanyang pagkakasalin sa ingles nito. Mahalaga ang sinabi ni Bonifacio (1976) noong unang
komperensya sa sikolohiyang Pilipino. Nilinaw niya na iba ang nakakahiya" sa "napahiya" sa
"ikinahihiya sa tao." Kapag sinabi mong "Nahiya sa tao, sa Diyos ay hindi," nakakahiya rin
sa Diyos. Ngunit kapag sinabi mong "Nakakahiya sa tao, sa Diyos ay hindi" e, ibang usapan
na iyon. Pwede mo nang gawin nang hindi mo Iniintindi ang pananaw na moral. Ang
pagkakamali sa interpretasyon ng "hiya" ni Sibley ay tahasang masasabing dahil sa hindi
binigyan ng sapat na pagpapahalga ang kahulugan ng panlaping "na- Ang ganitong uri ng
kawalan ng sapat na pagpapahalaga sa mga katangian ng wikang katutubo ay makikita
hindi lamang sa sinulat ni Sibley, kundi maging sa mga iba pang naisulat sa panahong ang
paggamit ng Filipino ay maasabing pabalat-bunga lamang. Hindi dahil sa ayaw nilang
gamitin, kundi kadalasa'y sapagkat hindi pinagsumikapang pag-aralan ang wika. Kung
minsan masasabi bilang pa nga na antropolohista silang naturingan; ang dapat man lang.
bilang masasabing mahalagang patakaran ay pag-aralan nila ang wika ng kulturang
kanilang sinusuri.
Ang Kahalagahan ng Panlapi. Ang wikang Filipino ay gumagamit ng maraming panlapi.
Sabi nga, ang sistema ng apiksyon ay nakakatuwa. Mayroong unlapi, mayroong hulapi.
mayroong gitlapi, mayroong kabilapi, at mayroon pang laguslapi. Ang panlapi ay kung saan-
saan makikita. Ngayon, ang mga panlaping iyan ay mayroong papel na pansikolohiya.
Nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang mga dahil sa panlapi. Katulad nga ng
pagkakaibang binibigyang-pansin na sa isang artikulo (Enriquez, 1977), ang salitang "usap"
kapag nilagyan ng unlaping "paki" ay nagiging "pakiusap." Ang unlaping "paki- ay ginagamit
bilang isang paghiling na kung maaari ang sinasabi ng salitang ugat ay gawin o isagawa ng
taong kinakausap. Bagamat ang salitang usap ay tumutukoy lamang sa o "pagtatalakay
kapag naging "pakiusap," may makataong damdaming pumapasok. Nagiging request. lyong
"dala, carry lang iyon. Pero iyong "pakidale," ubod ng hirap iwanan noon. Mas maiiwanan
mo pa ang talagang dala mo kaysa iyong pakidala sa iyo. Dahil sa ito ang hinihingi ng
kulturang Pilipino. Sana ay binigyan ni Sibley ng lubusang pagpapahalaga ang wika.
Tiningnan sana niya ang kahalagahan ng mga panlapi. Disin sana'y nakita niya ang moral
na aspeto ng "hiya."

6. Ang tampok na konsepto sa teksto ay


a. hiya
b. wika

18
c. panlapi
d. sikolohiya sa pag-aaral ni Sibley.
7. Ang teksto ay isang
a. pagpuri
b. pagpapalawig
c. pagpuna
d. pagbubuod
8. Natuklasan sa pag-aaral ni Sibley na mahalaga sa "hiya" ang
a. Maykapal
b. ibang tao
c. (kapwa a at b)
d. (wala sa pagpipilian)
9. Batay sa unang talata, mahahango ang kongklusyong
a. mahalaga ang panlapi sa wikang Filipino
b. kailangang pahalagahan ang Maykapal at ang ibang tao
c. ang pagpapakamatay/pagpapatiwakal ay kawalan ng hiya sa Maykapal
d. dapat pag-aralan ng mga antropolohista ang wika ng kulturang kanyang sinusuri
10. Ang pangungusap na Ang wikang Filipino ay gumagamit ng maraming panlapi ay isang
a. pangunahing ideya
b. tisis ng teksto
c. sumusuportang detalye
d. kongklusyon
11. Ang pangungusap na Mayroong unlapi, mayroong hulapi, mayroong gitlapi, mayroong
kabilapi, at mayroon pang laguslapi ay isang
a. pangunahing ideya
b. sumusuportang detalye
c. tisis ng teksto
d. kongklusyon
12. Ang pangungusap na Nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang mga salita dahil
sa panlapi ay isang
a. hinuha
b. kongklusyon
c. katotohanan
d. opinyon
13. Ang tampok na paksa sa ikalawang talata ay
a. hiya
b. dala
c. paki-
d. panlapi
14. Batay sa teksto, tama ang diwa ng pangungusap na
a. Ang mga panlapi ay mayroong papel na pansikolohiya
b. Iba ang "nakakahiya" sa "napahiya" sa "ikinahihiya sa tao"
c. Kung tiningnan ni Sibley ang kahalagahan ng mga panlapi, nakita sana n'ya ang
moral na aspeto ng "hiya"
d. (Lahat ng nabanggit)

Sulyap sa mga Salitang Mapang-aglahi

19
Ini Pamela C. Constantino

Sa lipunang binubuo ng marami at kumplikadong mga gawain bunga ng mga umiiral na


sistema at proseso sa loob ng mga institusyon nito, inaasahang may mabubuong dikotomiya
na pababa/pataas at pakaliwa/pakanan at pagkakahati.
Nariyan ang mayorya/minorya; normal/abnormal, itim/puti, mataas/mababa, malaki/ maliit,
masama/mabuti; maganda/pangit; mayaman/mahirap: bata/matanda; urban/ rural,
pasulat/pasalita, tagabundok/tagakapatagan at iba pa. Ang mga kumbinasyong ito, na
tinatawag na binary opposition, ay indikasyon ng pagkakaiba-iba, pagkakahati at mga
hiyerkiya sa lipunan.
Nangangahulugan din ito ng pag-iral ng mga politikal, sosyal, ekonomiko at kultural na mga
border sa maliit at malalaking komunidad sa loob ng mas malaking lipunan.. Nagbubunga
at/o bunga ito ng prejudice o bias o 'di pantay na pagtingin sa tao, o grupo ng mga tao. Hindi
lang ito naipapakita ng kilos kundi mas malinaw na naipapahayag sa wika o mga salita.

Mga Salita/Wika ng Prejudice sa Filipino


May iba-ibang kategorya ang mga salitang nagpapakita ng 'di pantay na pagtingin sa tao. Sa
Pilipinas, masasabing naaayon ito sa iba't ibang salik o dahilan. Masusuma ang mga
dahilang ito sa iisang pangunahing dahilan; ang pagpupwera sa kapwa o pangungutya para
palabasin na iba sya o di sya kabilang sa mga ito. Ilan sa mga factor o dahilan ng tatalakayin
dito

Elitismo
Mas mataas ang tingin ng Pilipino sa nagbabasa ng libro kaysa komiks, ng broadsheet
kaysa tabloid, sa nagtatrabaho sa opisina kaysa pabrika, sa namimili sa Department Store
kaysa palengke, sa namimili sa Shangri-La o Rockwell kaysa SM o Manuela, sa
nagtatrabaho sa Makati kaysa Cubao, sa sumasakay sa FX kaysa jeep, sa sumasakay sa
LRT/MRT kaysa bus at iba pa.
Tinatawag ang una na coño/burgis at ang ikalawa ng bakya. Kakabit ng mga salitang ito ang
sosyo-ekonomikong istatus at taas ng pinag-aralan. Kaya makakategorya pa rin silang
mayaman/mahirap. Gayon pa man, ang pagiging coño o mayaman ang mas pinapaboran,
hinahangaan at tinitingala sa lipunan. Sila'y mababango, makikinis, mapuputi, pinong
kumilos at magsalita, magaganda, gwapo/gwapito, magaling mag-Ingles, mamahalin at
magagara ang mga damit at gamit. Sa kabilang dako, ang bakya/mahirap ay inuungusan,
pinipintasan, pinandidirian dahil mabaho, galisin, nangingitim, garapal at gusgusin." Hindi
ba't ito ang pinagtalunan, pinag-awayan at hinaing sa EDSA III?

Kolonyal/Kanluraning Mentalidad
Dala ng mananakop ang kanilang biases sa kapwa. At ang mga ito'y tumimo sa ating mga
kamalayan (consciousness) at 'di malay (sub-consciousness) na pagkilos/pag-iisip. Ang mga
Indio ay mailtim, lokal, katutubo, samantalang ang mga Kastila ay mapuputi/
mestico/mestisa, magaganda at mukhang banyaga. Ang puti/maputi/mestisa ay mas
ginagaya, kinokopya, hinahangaan ng mga Pilipino kaysa itim/maitim/negro/llukbet/ita.
Hindi ba uso ngayon ang mga whitening cream at hair coloring para magmukhang
Amerikano kahit sa buhok man lang? May pasaring pa rin ang mga Pilipino sa mga Tsino
kahit napakaraming Pilipinong tsinito at may dugong Tsino. Nakakatuwaan silang tawaging
Intsik, Chekwa, Beho, Intsik Beho, Laway at iba pa.

20
Abnormalidad, Kapansanan
Kakatwa ang dami ng mga salitang ginagamit ng mga Pilipino sa mga may abnormalidad at
kapansanan. Kung minsa'y may pagkutya pa ang mga gamit ng mga ito. Hindi kaya ito
manipastasyon ng pasasalamat dahil hindi sila ganoon ay "ipinupwera" pa nila ang mga ito,
ipinakikitang "iba/naliba" sa kanila? Ito kaya ang tinatawag ni Stephen Harold Higgins (sa
The Language and Politics of Exclusion, 1997, Sage Publications, London) na
external/social other kaugnay ng kanyang "Retorika ng Pag-iiba/Pagpupuwera" (Rhetoric of
Othering)?
Pansinin ang mga salitang ito: abno, pilantod, duling, sulimpat, kirat, koboy, komang, pango,
tangengot, tulo laway, bulol/ buyoy, bariles (mataba), payatot, engot, bingengot. unano
(maliit), higante (matangkad), mukhang bangkay, patpatin, matandang dalaga at kamote
Hindi sila kabilang sa nakararami, kundi minorya sa lipunan,

Pagiging Kabilang sa Norm/Mainstream


Ang pagsunod na inaasahan at dinidikta ng nakakarami sa lipunan ay pagiging bahagi ng
norm at pagiging kabilang sa mainstream, manipestasyon naman ito ng pagiging tagaloob
kontra sa pagiging tagalabas, Malakas ang kita at impluwensya ng tradisyon, awtoridad,
sirkulo at sistema. Kung ikaw ay tagaloob o kasama sa mainstream, normal at lehitimo ka.
Kung iba at 'di tinatanggap ng marami/nakararami, 'di naaayon sa batas ang ginagawa, di
nasayon sa istandard, ikaw ay di normal, 'di lehitimo, ilegal, di-kabilang, hindi "in" di
istandard at iba/naiiba
Kaya halimbawa, kung gumamit ka ng Pilipino (hindi Filipino kundi ang dating wikang
pambansang batay sa Tagalog), baluktot ang dila. Ang isang tagaprobinsya na napadpad sa
Maynila ay tinatawag na "promdi" dahil sa pananamit at pagsasalita.

Prejudice Bilang Bahagi ng Buhay Pilipino


Bawat pagkilos ng Pilipino, bawat gawaing ginagawa niya, ano mang sektor ang
kinabibilangan niya, kung hindi nabibiktima ay nambibiktima siya ng kanyang isipan at
naging bahagi ng kanyang buhay, Isang pamana ito ng mga kumplikasyon sa lipunan.

15. Ang mayorya/minorya; itim/puti; malaki/maliit; mayaman/mahirap; bata/matanda;


urban/rural; tagabundok/tagakapatagan ay tinatawag na
a. binaryong oposisyon
b. hiyerkiya sa lipunan
c. pagkakaiba-iba
d. pagkakahati-hati
16. Ang ginamit na salita sa tekstong nangangahulugan ng dibisyon o kontrast sa pagitan ng
dalawang bagay ay
a. opposition
b. hiyerkiya
c. dikotomiya
d. prejudice
17. Ang mga dahilan ng 'di pantay na pagtingin sa ibang tao ay masusuma sa
a. elitismo
b. kanluraning mentalidad
c. bahagi ng buhay-Pilipino
d. pagpupwera sa kapwa

21
18. Ang mas mataas na tingin ng Pilipino sa nagbabasa ng broadsheet kaysa tabloid ay
isang katunayan ng
a. elitismo
b. abnormalidad
c. kanluraning kaisipan
d. pagkabilang sa mainstream
19. Ang kongklusyong mahahango sa teksto ay
a. Ang prejudice ay bahagi ng buhay-Pilipino
b. Ang mga Pilipino ay mapag-aglahi sa kapwa
c. Ang mga Pilipino ay may kolonyal na mentalidad
d. Ang mga may kapansanan ay kabilang sa mga grupong minorya
20. Ang inaasahang reaksyon ng mambabasa pagkabasa sa teksto ay
a. pagpapasidhi ng paggamit ng mga salitang mapang-aglahi
b. pag-iwas sa paggamit ng mga salitang prejudicial
c. pagsisikap upang maging coño o burgis
d. awa sa mga may kapansanan

Panuto: Sagutin ang mga tanong


1. Sa aling bahagi ang ating pagpapahalaga magkikita ang sensitivity at pride ng
pilipino?
Makikita natin ito sa isang uri ng estado ng bawat kultura, pagmamaliit at pang-
aalipin sa mga kababaihan, at edukasyon. Dito umikot ang pride at sensitivity ng
Pilipino dahil mas nabibigyan ng pansin lalo na ang edukasyon na isa sa kanilang
daan patungong tagumpay ay makapag aral sa pribadong eskwelahan. Hindi man
nabibigyan ang ibang Pilipino na mga mahihirap dahil ang tingin sa kanila ay walang
maidudulot sa lipunan. Para sa mga kababaihan ay sinasabing hindi nila kaya gawin
ang mga bagay na ginagawa ng isang lalaki dahil sila ay pangkusina, pangkama, at
pangbahay lamang.
2. Ano ang pakiramdam, paano nagkakaiba ang sir at sis ayon kay enriquez?
Ang SIR ay isa ginagamit natin upang makilala natin an gating sarili ay sa
pamamagitan ng pakikisama. Ang SIS ito ay nakapokus sa paglinang at pagkilala ng
ating kapwa kung saan nagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili at pagiging tao.
3. Paano na impluwensyahan ang neo liberalismo sa pilipinas?
Naimpluwensiyahan ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas dahil mas nagging
prioridad nito ang pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon. KAsalukuyang
nakapokus lamang sa mga pribadong sector na kung saan nawawalan na ng kontrol
ang ating bansa dahil sa pagkaniya kaniya sa lipunan. Hindi nabibigyan pansin ang
mga publikong paaralan dahil sa tingin nila mas mainam mag aral sa pribadong
paaralan kung saan mas maraming benepisyo at mas angat ang edukasyon
kumpara sa publiko lamang. Dagdag pa rito sa 199 na publikong kolehiyo at
paaralan 9 lamang ang nabigyan ng pondo para sa libreng matrikula. Dahil mas
nakalaan ang pondo sa mga mag aaral na pumapasok sa pribadong paaralan. Dito
natin makikita na hindi patas ang Sistema at nawawalang saysay ang mga publikong
paaralan dito sa Pilipinas.
4. Ano ang karanasan ng unibersidad ng pilipinas sa marketisasyon ng edukasyon
Mas mataas ang marketisasyon ng pribadong unibersidad sa Pilipinas kay sa sa
pampubliko. Dahil mas magiging maganda ang benepisyo ng mga nasa pribadong
sector kaya't ang pondo at pinansyal na mga gastusin ay nakalaan lamang sa mga

22
pribado kadalasan. Bumababa ang antas ng mga nasa publiko at may ilan lamang
ang nabibigyan ng benepisyo dito.
5. Paano nagbago ang estado ng kababaihan sa lipunan mula sa panahon bago
dumating ang espanyol hanggang sa kasalukuyan
Sa simula ay mas mataas ang antas ng mga kababaihan bago dumating ang mga
espanyol. Sila ay may mataas na antas ng posisyon sa lipunan at itinuturing na
kagalang galang na isang modelo. Sa pagdating naman ng mga Espanyol ay tila
nagging alipin sila ng mga ito ang kanilang mga karapatan at pagmamay-ari ay
nawala dahil sila ay sa ilalim na ng Sistema ng mga espanyol. Sila ay nagging alila
at itinuring naman sila ng mga espanyol na mababang uri. Nagbunsod ng hindi
magandang imahe ang mga kababaihan dahil sa pagnanasa ng mga Espanyol.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay natupad na ang patakaran na protektahan ang
rights ng mga kababaihan at nagkaroon sila ng karapatan, tungkulin, at maipakita
ang kanilang kakayahan sa lipunan. Dito natin makikita na isa rin sa dahilan ang
pagiging edukado kung bakit may ganitong senaryo ng pang-aalipin dahil sila ay
walang kaalaman. Dahil ang imahe ng isang babae ay nagrerepresenta ng isang
kahinaan.

23

You might also like