Day 20

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Gawain Bilang 1.20 week 7


Paksa: Uri ng Paglalahad: Balangkas,Panuto at Buod
Kompetensi: Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag
a. kalinawan,
b. kaugnayan
c. bisa
Sa reaksyiong papel na isinulat( F11PU-IIIfg- 90)
Layunin: Nauunawaan ng lubusan ang gamit ng paglalahad na may katuturan.
Nakakalikha ng sariling reaksyon base sa paksang tinalakay.
Sanggunian: Alma M. Dayag., et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
https://bit.ly/3eDnbuj

Copyright: (For Classroom use ONLY)


Pending for Permission

KONSEPTO:

Uri ng Paglalahad

3. Balangkas
Sa paglalahad, balangkas din ang kailangang unang gawin. Mahalaga ito sa pagbuo ng isang mahusay na
pahayag. Makatitiyak na walang magawawaglit sa lahat ng kaisipang nais ipaabot. Sa biglang-tingin ay
makikita kung wasto ang pagkakahanay ng mga idea, kung nabibigyang-diwa ang mahalaga, kung may
pagkakaisa at may pagkakaugnay-ugnay ang diwa.

Dalawang uri ng balangkas:


a. Isang papaksang sa paksa - karaniwa'y salita o parirala ang ginagamit
b. Isang pangungusap - buong pangungusap ang ginagamit.

4. Panuto
Ang isang pinaka pinakakailangan at pinakapraktikal na anyo ng paglalahad ay nagbibigay ng pagtanggap
ng panuto. Upang madaling maunawaan, kailangang ang panuto ay tiyak, payak, maliwanag, tumpak,
maikli, ngunit buo o ganap. Ang mga senyas, krokis, talaguhitan, mapa at larawan ay makatutulong sa
pagpapaliwanag.

Halimbawa ng panuto:
a. Lagyan ng bilang ang mga pangungusap 1-10 ayon sa pagkasunod-sunod ng mga apangyayari sa
binasang kuwento.

5. Buod
Ang buod ay pinaikling lagom ng isang talumpati, kwento, dula o isang buong nobela na ginagamitan ng
sariling pananalita ng taong nagpaikli sa nasabing akda. Ito'y maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng
pinakadiwa ng nasabing sulatin. Kalimitang ang haba ay ikatlo o ikaapat na bahagi lamang ng original.
Ang buod ay hindi nagtataglay ng pansariling opinyon o pamumuna. Ito'y walang detalye, walang
halimbawa, o walang ilustrasyon. Ito'y nagpapahayag sa pinakamakling paraan ng akdang binasa.

Ang mga hakbang sa pagsulat ng buod:


a. Basahing maingat ang seleksyon. Basahing muli hanggang sa makuha ang pinakadiwang nais ipahayag
ng may-akda. Hanapin sa mga talata ang mga pangungusap na pampaksa. Unawaing mabuti. Kung may
salita o pariralang hindi maunawaan, tingnan sa diksyunaryo o tesauro.
b. Habang nagbabasa, itala ang mahahalagang bahagi ng seleksyon, suriin ang mga itinalang puntos.
Kung hindi mahalaga, alisin.
c. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsamasama ng sariling idea o opinyon.
d. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpapawalang linaw sa buod.
e. Tingnan kung ayon sa orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
f. Basahing muli upang lalo pang maiklian ang ginawang buod. Maiiklian pa ito sa pagpapalit ng mga
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

sugnay na parirala at parirala sa isang salita. Sa pagsulat ng buod, lalong mabuti hangga't naroon ang
pinakamahalagang nilalaman.

Halimbawa: Narito ang buod ng isang sanaysay ni Rizal. Ang sanaysay na ito'y sinulat bilang tugon sa
upasala ng mga banyaga na ang mga Pilipino ay tamad. Ang upasalang ito'y hindi itinatanggi ni Rizal,
ngunit sinabi niya ito ay hindi likas. Ito'y bunga ng iba't ibang kadahilanang mababatid sa ibaba nito.

Ang Katamaran ng mga Pilipino

Ang mga Pilipino'y hindi ipinanganak na tamad. May pangkalikasang mga kadahilanan kaya ang mga
paggawa ng tao sa Pilipinas ay hindi maitutulad sa iba't ibang bansang may malamig na klima.
Una, tayo nasa tropiko. Mainit ang panahon. Kaunting paggawa'y pinapawisan kaagad kaya madaling
mapagod. Ikalawa'y, biniyayaan tayo ng Diyos ng matabang lupa. Hindi kailangan ang puspusang
pagkilos upang umani nang malaki.
Bukod dito, ang sikap at sipag ng mga Pilipino ay nangawala dahil sa maling pamamalakad ng mga
Kastila. Ang Pilipino, bago dumating ang Kastila, ay nakipagkalakalan sa Tsina at karatig-bansa.
Mayroon silang mga hanapbuhay gaya ng pagsasaka, paghahabi, pagmimina, pagmamanukan, paggawa
ng barko at iba pa.
Ngunit ang pagsasaka at iba pang hanapbuhay ay napabayaan ay dahil sa pagpapadala ng mga katutubo sa
pakikidigma. Halos ikatlong bahagi lamang ang natira ng populasyon ng Pilipinas.
Ang mga naiwan sa bayan ay sinasalakay ng mga mandarambong piratang Muslim, ngunit hindi
makapagtatanggol pagkat walang sandatang panlaban. Ipinagbawal ito ng pamahalaan. Dahil dito, bakit
nga naman gagawa pa ang mga tao ang gayong iba lamang ang nakikinabang?
Napabayaan din ang pagsasaka dahil sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Hindi sapat
ang ibinibigay na sahod. Kung minsa'y walang maipadalang salapi ang manggagawa, kaya nagugutom
ang pamilya.
Naging lubhang mapagsamantala at mapang-alipin ang mga enkomendero. Ang mga Pilipino'y
pinagagawa para sa sarili nilang kapakanan at pinipilit ipagbili ang ani sa halagang gusto nila. Pati
simbaha'y nagturo ng pagwawalang-bahala. Kapag lumapit sa kura ang isang taong naapi ay
pinapayuhang umalis sa gawain at bilang pampalubag-loob ay sinasabing "Bahala ang langit sa
nagsasamantala. Ang taong mayaman ay mahirap makapasok sa kaharian ng langit".
Ang pamahalaa'y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao'y mahikayat gumawa. Pinatamlay ng
mga Kastila ay ang pakikipagkalakalan sa mga kalapit-bansa. Napigil ang pag-unlad ng Industriya.
Ang lahat ng negosyo'y sinasarili ng gobernador. Iniimbak ang kalakal na binili sa murang halaga at saka
ipinagbibili nang mahal. Walang laban ang mga mangangalakal na Pilipino.
Katakot-takot ang "red tape" sa pagkuha ng anumang permiso. Kailangan ang panunuyo at pagreregalo sa
mga tauhan ng gobyerno.
Nariyan din ang masamang halimbawang ipinamamalas ng mga Kastila, ang palibutan sila ng mga utusan
at iwasan ng pagpaparumi ng kamay sa paggawa at nagbabanat ng buto. Sila, kung kumilos ay animo'y
kung sinong panginoon at maginoo. Ang lahat ng iyon ay nagpunla ng binhi ng katamaran at pagtanggi sa
mabibigat na gawain ng mga Pilipino. Nais nilang balang araw ay magiging kamukha ng kanilang amo.
Hindi lahat masisisi sa pamahalaan. Mayroon ding kamalian at kahinaan ng mga Pilipino. Mahilig sila sa
mga sugal na nagpalala sa kanilang katamaran.
Naging palaasa sa iba at nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili.
Kulang ang pambansang pagkakaisa. Ang isang Pilipino'y nabubuhay para sa kanyang sarili, hindi bilang
mamamayan sa kanyang bansa.
Ang katamara'y pinalubha pa ng sistema ng edukasyon. Ginawa silang mga makinang gumagalaw. Kaya
hindi kataka-takang humantong sa pananamlay ang kanilang pagsisikap at maghintay na lamang sa
anumang kapalarang darating.
Sa lahat ng ito, kailangan ang wastong edukasyon at kalayaan upang magkaroon ng pagbabago at
makamit ang bungang ninanais.

PAGSASANAY:
1. Bakit mahalaga ang balangkas?
2. Ang buod na binasa ay maaari pang iklian. Isagawa ito nang hindi nababawasan ang pinakadiwa ng
sanaysay.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

You might also like