Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pagbabago ng mga Yugto ng Aking Buhay

ni Mark Kennedy O. Doniego

Ang pagbabago ay isang mahalagang bahagi ng iyong personal na


paglalakbay sa pag-unlad at para sa karamihan ay dapat na yakapin.
Nakakaapekto ito sa lahat ng aspeto ng buhay, magdudulot ito ng
napakalaking ambag sa iyong sarili tulad ko. Maraming bagay na bago ang
binago at babaguhin pa ng pagbabago sa proseso ng pagbabago akon. Akin
lang ibabahagi ang naging karanasan ko sa napakaraming pagbabagong
nangyari sa aking buhay.
Hindi makakailang ang pag-usbong ng pandemya ay nagdulot ng
maraming pagbabago sa pamamaraan ng buhay ng mga tao. Gaya ng
karamihan ay nakaranas din ako ng malaking pagbabago. Pagbabago sa
tunay kong katauhan at pati narin sa istilo ng aking pag-iisip. Malaki ang
binago ko simula noong lumaganap ang nakagigimbal na pangyayaring iyon.
Kaya’t narito ako upang ibahagi ang naging takbo ng aking buhay at kung
paano ako nakatungtong sa kinalalagyan ko ngayon dulot ng mga pagsubok
sa buhay.
Bago pa man nangyari ang lahat, ako ay isa lamang sa mga mag-aaral
na namumuhay nang simple’t inosente sa napakagulong mundong ito. Noon
pa ay sobra akong aktibo’t mapagkumpitensya sa klase. Ito ay dahil sa tingin
ko’y magiging mataas ang turing ng lahat sa akin kapag ganung laging nasa
unahan ng honor roll ang pangalan ko. Noon ay halos buong araw at pati sa
gabi ako’y nakababad sa mga gawaing pampaaralan. Wala noong oras na
hindi ko hawak ang libro at kwaderno ko. Maraming dahilan kaya ako naging
ganung kaaktibo at kagaling sa paaralan.
Bata pa lamang kasi ako ay nais ko ng mag-aaral, mga taong 2009 ata
iyon nang pumasok kaming sabay ng kuya ko. Kwento nina Mama kaya
nagkasabay kaming pumasok sa nursery ay ipinipilit ko raw ang sarili ko na
mag-aaral kasama ang kuya ko, dahil pa daw sa pananabik kong matuto’t
gustong humawak ng lapis at papel. Ipinagpalagay ko noon na sa sandaling
pag-angat ko mula nursery hanggang sa ikaanim kong baitang ay isa pala sa
mga talento ko ay ang napakabilis kong pagkatuto ng mga bagay-bagay, hindi
ako tumitigil sa paghahanap ng sagot sa mga tanong hanggang ‘di ko pa ito
naiintindihan. Lalo na sa aspeto ng sipnayan o matematika, ito na yata ang
isa sa mga asignaturang gusto kong pag-aralan pa at nais pagtuunan ng
pansin dahil mabilis kong analisahin ang mga leksiyon na nasa ilalim ng
asignaturang ito. Ang katotohanan pa ay mas gugustuhin ko pang lutasin ang
mga problemang may kinalaman sa matematika kaysa sumulat ng mga
pinagsama-samang salita na nagpapaliwanag ng isang bagay at gawing
isang kumpletong sanaysay tulad nito.
Pagbabalik sa usapan, isa pa sa mga sanhi kaya ako lumaking ganoon
ay malamang dahil sa pangarap din kase ng mga magulang kong magtapos
ako nang may mataas na marka sa lahat ng mga asignatura. Ito kasi ang para
sa kanila’y nagsisilbing patunay na ako’y may natututunang mabuti sa
paaralan at nang hindi ko masayang ang pinantutustos nila sa
pangangailangan ko sa aking pag-aaral.
Ngunit nung nagkapandemya ay pumasok sa isipan ko na ‘wag ko
masyadong igugol ang oras ko sa pag-aaral na iyan at maglaan naman ako
ng kaunting oras para sa sarili ko. Marami akong sinubok na gawain noon
upang hindi ako nayayamot dito sa loob ng bahay. Isa sa mga iyon ay ang
paglalaro ng mga online na mobile games kasama ang barkada, panonood at
pagbabasa ng mga nakakaaliw na videos sa social media tulad ng anime,
Internet memes, at iba pa. Dito nagsimula ang pagbabagong nangyari sa
aking araw-araw na lifestyle. At ang kaunting oras na iyon na para sa’kin ay
unti-unting sinakop ng pagkagumon sa mga gawaing ito. Hanggang sa kinain
na nito ang oras ng pagkain, pagtulog at pag-aaral dahil hindi nasanay ang
mekanismo ko ng pag-aaral na matuto sa modular na uri ng edukasyon.
Halos walang pumapasok na aralin sa bokabularyo ko at sa palagay ko pa
noon na wala ng kwenta’t silbi ang buhay kapag ganito na lamang ang
mangyayari magpakailanman.
Bawat araw sa mga panahong iyon ay napapansin kong hindi na
maganda ang epekto ng pandemyang ito sa buhay ko. Agad akong
nanghihina kapag hindi ako nakahawak ng selpon sa iisang araw. Para ring
pinahihina nito nang tuluyan ang isipan ko’t kagalingan ko sa pag-aaral. Tila
wala na rin akong ganang gumawa ng mga itinakdang aktibidad ng mga guro.
Kaya naman sa taong 2022 ay ulit kong binago ang sumunod na yugto ng
aking buhay.
Sa ikadalawampu’t dalawang araw ng Agosto taong dalawang libo’t
dalawampu’t dalawa o nung August 22, 2022, ito ay isang araw na kapana-
panabik na unang araw ng paaralan o ang pagbabalik ng face-to-face na
klase mula noong pandemic lockdown sa taong 2020. Muling bumalik ang
madaldal at aktibong katangian ko sa pag-aaral dahil may mga iba’t-ibang
mukhang nakikita at makakasalamuha sa iilang araw ng isang linggo.
Nakagawa ako ng maraming circle of friends o barkadahan dahil dito. Iba’t-
ibang barkadahang kasama sa kalokohan, galahan, tawanan, seryosong
usapan, paglalaro, pagtulog, pag-aaral, at napakarami pang iba.
Ang ginawa kong lakas sa pang-araw-araw ay ang mga kaibigan kong
mga ito. Samu’t- saring barkadahan ang nabuo ko ngayong Grade 12 ako.
Lahat sila’y kapag nakakasama ko’y parang wala akong problema. Masaya
ako kasi kung hindi dahil sa kanila ay baka nilamon na ako ng depresyon at
pagkalungkot.
At ngayon, dito ko nahanap ang pinakamasaya’t pinakasulit na
pagbabagong nangyari sa buhay ko. Minsan, ang pagbabagong nangyayari
sa buhay ng isang tao ay nagdudulot ng pinagsamang masama’t mabuti.
Hangga’t tinatanggap mo ang pagbabago, makikita mo na ang mga sitwasyon
na iyon sa buhay mo ay hindi kailangang tumagal magpakailanman kundi ay
uunlad ka sa isang bagay, dalawang bagay o marami pang bagay nang mas
malaki at mas maganda. Gaya nga ng sinabi ni Heraclitus, the only constant
in life is change o sa Tagalog ay “ang nag-iisang bagay na permanente sa
buhay ay ang pagbabago”. Magbabago ang lahat, dejoke lng, may mga
bagay talaga na hindi pwede o hindi kayang baguhin. Ang nais ko lamang na
sabihin ay babaguhin ka ng mga pangyayari sa buhay mo at ang
pinakamahusay na magagawa mo ay ang pagtanggap o pagyakap dito. Kung
hindi ay ewan ko nalang sa’yo.
"Sometimes, we do the wrong things for the right reasons"

You might also like