Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN

QUARTER 3 REVIEWER

Week 1

 Renaissance - panahon ng transisyon mula sa Middle Ages patungo sa modernong


panahon na nangangahulugan rin na “muling pagsilang”
 Humanismo - kilusang intelektwal na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome
 Teoryang Heliocentric - halimbawa ng ambag ng Renaissance na inilahad ni Nicolas
Copernicus sa larangan ng Agham

Dahilan ng pagsibol ng Renaissance sa


Italy:
a. Dahil sa magandang lokasyon nito.
b. Dahil sa pagtataguyod ng maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at
masigasig sa pag-aaral.
c. Dahil ito ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome.
 Kabilang sa mga aral mula sa repormasyong pinasimulan ni Martin Luther:
a. Pag-aanalisa sa mga turo ng bibliya patungkol sa kaligtasan.
b. Ang paniniwala na “ang pagpapawalang sala ng Diyos ay nagsisimula sa pananampalataya
at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananamapalataya”.
c. Pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon sa mga patakaran ng simbahan.
 Epekto ng repormasyon:
a. Dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga Protestante at
ang timog ay nanatiling Katoliko
b. Mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon dahil sa mga taliwas na ideya
c. Pagbabago sa mga patakaran at sistema ng simbahang Katoliko.

Week 2-3
 Imperyalismo - Panghihimasok, pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang makapangyarihang
bansa sa isang mahinang bansa na maaring tuwiran o di-tuwirang pananakop.
 Astrolabe - Instrumentong sumusukat sa taas ng bituin.
 Christopher Columbus - Siya ang namuno sa unang ekspedisyon ng Spain sa Silangan
 Amerigo Vespucci - Sa kanya isinunod ang pangalan ng bansang America
 Ferdinand Magellan - Ang kanyang ekspedisyon ay nagpapatunay na ang mundo ay bilog.
 Kasunduang Tordesillas - Sa pamamagitan ng kasunduan na ito, nagkasundo sila na baguhin
at ilayo pakanluran ang line of demarcation.
 Compass – instrument na makakatulong upang magturo ng direksyon.
 Line of Demarcation – maaaring maisa-alang-alang kung gagawa ng mapa na maglalarawan
sa hangganan ng mga sakop ng Portugal at Spain
 Papal Bull - ipinalabas ni Pope Alexander VI upang hatiin ang hangganan ng mga lupaing
tutuklasin ng Portugal at Spain.
 Motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:
a. Paghahanap ng kayamanan
b. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

1
ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 REVIEWER

c. Paghahanap ng katanyagan at karangalan


 Gamit ng spices:
a. Pagkain
b. Pagpreserba ng karne
c. Kalakalan

 Epekto ng unang yugto ng kolonisasyon:


a. Nagbigay daan sa pagtuklas ng mga bagong lupain
b. Nakapukaw interes sa bagong paraan o teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
c. Nagdulot ng maraming suliranin tulad ng pagkawala ng kasarinlan at pananamantala sa
likas na yaman.

Week 4
 Telepono - naimbento ni Alexander Graham Bell
 Samuel B. Morse - nagpakilala ng telegrapo na nakatulong sa pagpapaunlad ng sistema ng
komunikasyon
 Great Britain- bansa sa Europe unang nagsimula ang Rebolusyong Industriyal
 Enlightenment - tawag sa yugto ng kasaysayan kung kailan umunlad ang mga kilusang
intelektuwal na naglalayong iahon ang mga Europeo sa kawalan ng katwiran at maling
paniniwala noong Middle Ages
 Nagdalawang isip ang mga astronomer na ilathala ang kanilang bagong kaisipan dahil natakot
sila sa persekyusiyon at ekskomunikasyon ng Simbahang Katoliko.
 Mga naganap noong Rebolusyong Industriyal:
a. Mas kumita ang mga industriya gamit ang gawaing manwal.
b. Napabayaan ang mga sakahan dahil sa makabagong makinarya
c. Napataas ang dami ng produksyon dahil sa makabagong makinarya

Week 5-7
 Bastille - pangalan ng bulwagan at imbakan ng armas na sinalakay ng mga rebolusyonaryong
Pranses
 Third State - estado nagmula ang mga rebolusyonaryo
 Boston Tea Party - Kinilala sa kasaysayan ang naganap na pagprotesta ng mga Amerikano
laban sa mga Ingles dahil sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya
 Stamp Act - isa sa mga dahilan ng pagsisimula ng Rebolusyong Amerikano, kung saan
nagdagdag ng buwis sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo
sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya .
 Encyclopedia – sinulat at tinipon ni Denis Diderot
 Hukuman, Ehekutibo, Lehislatura – sangay ng pamahalaan ayon kay Baron de Montesquieu
 Politikal, Ekonomikal, Intelektuwal – dahilan ng Rebolusyong Pranses
 United Colonies of America - idineklara na pangalan ng pamahalaan noong nagpulong ang
Ikalawang Kongresong Kontinental
 Paul Revere - Amerikanong Panday na nagpabatid sa mga tao na may paparating na mga
sundalong British at Pinagsabihan nya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban
 Epekto ng rebolusyong pangkaisipan o enlightenment:
a. Nagsimulang maghangad ang mga tao ng mainam na lipunan.

2
ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 REVIEWER

b. Nagpasimula ito ng mga rebolusyon o mga pag-aalsa ng mga tao sa pamahalaan.


c. Nagkaroon ng mas maayos na solusyon sa mga problemang panglipunan, ekonomiya, at
politika.
 Binuo ang Unang Kongresong Kontinental ng 13 kolonya ng Great Britain sa America dahil ito
ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatupad ng mga
Ingles sa kanila
 Salik na nagbigay daan sa Rebolusyong Pranses:
a. Krisis sa pananalapi ng pamahalaan.
b. Kawalan ng katarungan ng rehimen.
c. Kawalang hangganang kapangyarihan ng Hari.
 Philosophes:
a. Sila ay pangkat ng mga tao na nakilala sa France noong 18th century.
b. Sila ay naniniwala na maaaring magamit ang reason o katuwiran sa lahat ng aspekto ng
buhay.
c. Sila ay mga indibidwal na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa iba’t ibang larangan.

Week 8
 Napoleonic Wars - serye ng mga digmaan na naganap sa Europe na nagsimula sa panahon
ng Rebolusyong Pranses
Inulunsad ang Napoleonic Wars dahil naging matagumpay ang mga rebolusyonaryo na
mapaalis at mapahina ang kapangyarihan ng ng Hari ng France at maitatag ang isang
Republika at nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ng
rebolusyon na posibleng magpabagsak sa kanilang pamumuno.
 Napoleon Bonaparte - naging pinuno ng France noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang
kanyang ideya ng pamahalaan sa buong Europe.
 Labanan sa Waterloo noong 1815 - digmaan nagwakas ang natalo si Napoleon Bonaparte na
nagbigay daan sa pagtatapos ng Napoleonic Wars
 Nasyonalismo – damdamin at paniniwalang Makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa
isang bansa o estadong kinabibilangan.
 Tartar o Monggol - lahi na nagmula sa Asia na sumakop sa mga mamamayan ng Russia nang
mahigit sa 200 taon na nag-iwan ng ng mga bakas sa papanilita, pananamit at kaugalian ng
Ruso.

You might also like