Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

DENOTASYON AT KONOTASYON

IKA-9 NA BAITANG

I. LAYUNIN 

Sa loob ng apatnapung (40) minuto, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ang
makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na antas ng
kahusayan.

1. Nakakikilala ng pagkakaiba ng denotasyon sa konotasyon.


2. Nakagagamit ng mga halimbawa ng denotasyon at konotasyon nang matino at
mabisa.
3. Nabibigyang- kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo
o konotatibong kahulugan. (F9PT-Ia-b-39)
4. Naipaliliwanag ang mga salitang may higit sa isang kahulugan. (F9PT-IIg-h-48)
5. Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang may natatagong kahulugan. (F9PT-IIIb-c-
51)

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa
Denotasyon at Konotasyon

B. Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng kaligiran sa pagpapasakahulugan ng mga tao, bagay,


ideya, pangyayari, at iba pa, tungo sa masusing pag-unawa sa kung ano, paano, at ang
pagkakaroon ng kritikal na pagdalumat sa mga ito.

C. Kagamitan

-     Laptop                                                           

-       Zoom Video Conference                 

-     Canva
D. Sanggunian 

 Ano ang konotasyon at denotasyon? (2021, January 4). Panitikan.Com.Ph.


https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-konotasyon-at-denotasyon

 Diego, J., 2021. Pamimilosopiya, Wika, at Mga Baluktot na Katuwiran: Tungo sa


Pagpapayaman ng Wikang Pilosopikal sa Pilipinas. [online] Academia. Available at:
<https://www.academia.edu/download/61404104/Pamimilosopiya_Wika_at_Mga_Balukt
ot_na_K20191202-66982-nmu7eo.pdf>

      
III. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain

a.          Panalangin: Anima Christi – Leizel Garcia


b.          Pagbati at Pagtatala ng Lumiban
c. Pagbabalik-aral

IDYOMA o SAWIKAIN

 isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi


binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.

 di-tuwirang pagbibigay ng kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng


isang lugar.

Halimbawa rito ay ang:

- Madilim ang mukha – problemado; taong-simangot


- Makati ang paa – mahilig sa lakad o gala
- Mahapdi ang bituka – ang ibig-sabihin nito ay nagugutom
2. Paglinang sa Gawain

a. Pagganyak

Magpapapanood ang guro ng isang awiting pinamagatang ‘Gusto Ko ng Baboy’ ng Radioactive


Sago Project, isang banda na jazz fusion rock ang genre.

YouTube link: https://www.youtube.com/watch?v=8tCpL5WdwZo

3. Pagtatalakay

Ang kahulugan ay ang esensya ng mga tao, bagay, hayop, pangyayari, ideya, at iba pa.
Ito ay ang maituturing na bumubuo sa estruktura ng bawa’t bahagi ng pangngalan. Sa
lingguwistika, semantika naman ang tawag sa pag-aaral ng mga kahulugan. 

Sa kahulugan, may dalawang paraan upang ito ay pagtuunan. Ang mga ito ay ang
denotasyon at konotasyon.

DENOTASYON

Latin na etimolohiya: 
       de- : completely
     denotare : mark out

 Ang kahulugan ay karaniwang nakukuha sa diksyunaryo.

 Ang pagbibigay-kahulugan ay nasa kategorya ng semantika, na kung saan ang semantika


ay makaagham na pag-aaral ng mga kahulugan at kung paano ito magagamit sa maayos
at wastong pangungusap o talata.
"... Sa ibang salita, na ang isang kataga ay isang “pananda” na may bitbit na “kahulugan.”
Ang orihinal na kahulugan ay ang tinatawag na denotasyon."

- Emmanuel C. De Leon (isang propesor sa


Departamento ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas)

Halimbawa

Lobo

Denotatibong kahulugan:
Ito ay isang laruang hinihipan o nilalagyan ng hangin sa loob upang ito ay maging kapaki-
pakinabang. Ito ay laruang pambata na madalas nakikita sa mga pagdiriwang.

KONOTASYON

Latin na etimolohiya: 
connotare : mark in addition

 Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa pangkaraniwang pakahulugan.


 Ito ay maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan, at sitwasyon ng isang tao.
Nagtataglay ng mga pahiwatig ng emosyonal o pansaloobin ang mga salita.
 Higit pa sa literal na kahulugan.
 Lumalakip sa personal na pagpapakahulugan (subhetibo). Mula sa mga ito, maaaring
mahinuhang ang konotasyon ay kinalalakipan ng simbolismo.

“… Ito ang pagkakaintindi ng tumatanggap ng salita…”


- Emmanuel C. De Leon (isang propesor sa
Departamento ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas)
Sa lingguwistika, maaari itong mauri—kung hindi magpakahulugan—bilang isang signifier, o
ang pisikal o perseptuwal na representasyon ng isang ideya.

PAGHAHAMBING

DENOTASYON KONOTASYON
Akademiko Matalinghaga
Istrikto sa Kahulugan Mapagpahiwatig
Hindi Malaya Kumikiling sa Indibiduwalidad
Dinamiko Dinamiko
(Sa kadahilanang may mga pagkakataong (Bumabatay sa gumagamit at sa lipunang
dumaan sa alterasyon) nakagisnan)

Panuto: Inaasahang tumukoy ang bawa’t isang mag-aaral ng isang bagay mula sa larawan; mula
rito, tutukuyin nila ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga ito.

PAGBASA AT PAGTUKOY

Ang guro ay magpapabasa ng kanyang kathang tulang may mga nakassalungguhit at ito ay
patutukuyin sa mga mag-aaral sa taglay nitong mga denotatibo at konotatibong kahulugan.
Para sa Isang Taong Kalayaan

Sinta, ang kalayaan ay wala sa katauhan ng at ang panibugho ay nasa hanging kayang
nangaghandusay, dampian ang mga labi mong lugod.
o sa kalawang ng ilandaang taong mga
tangke at armas.
Dalawa ang mukha nitong kalayaan:
ang una ay nasa himpapawid na tinitingala
Ang kalayaan ay isang sipi ng mga sugat, at ng nakakilala,
kung paano ito nagkubli,
nguni't handang bumukas para sa iyong
habang ang isa ay nasa iyong hulma.
pagdatal.

Ito ay nasa puno ng Anónas ng aking


ninuno:
nananahan sa bawa't sanga, at ang dagta nito
ay hindi lasong kikitil.
Ito ay ang walang pag-aalinlangang
paghawak sa lagkit nito.

Ito ay wala sa katahimikan ng balon,


nasa ragasâ ito ng tubig na dumadaloy sa
mga pilapil.

Ang kalayaan ay wala sa kalapati,


ito ay nasa balahibo nitong
nagsisipaglaglagan sa pagpagaspas nito,
at ang ating mga palad ang sumasalo rito.

Wala itong lamig na magpapangatog ng mga


tuhod,
sapagka't ito ay isang init na babalot sa atin,
IV. PAGTATAYA

Ang guro ay lumikha ng pagsusulit sa online software na Quizizz.

Quizizz link: https://quizizz.com/admin/quiz/614af7a56e369a001f9be698

V. TAKDANG-ARALIN

1. Tumungo sa link na ito at gawing batis sa paggawa ng takdang-aralin:


https://plumaatpapel.wordpress.com. Ang link na ito ay isang kalipunan ng mga tulang
nasusulat sa Filipino at Ingles sa malikhaing pagdalumat sa mundo ni Rogelio “Ka Roger” L.
Ordoñez, isang tanyag na manunulat at makata pagdating sa panitikang rebolusyonaryo.
Mula rito, pumili ng isang akda at humanap ng hindi bababa sa sampung salita sa itatala
sa pamamagitan ng tatlong hanay. Sa unang hanay, ang salita; sa pangalawa. (30 puntos)

2. Paano ka magiging malalim sa mundong mababaw at hitik sa walang kasiguraduhan? (20


puntos)

RUBRIKS
NAPAKAHUSAY MAHUSAY ‘DI-GAANONG NANGANGAILANGAN
(100%) (90%) MAHUSAY NG TULONG
(80%) (70%)
Nakapag-iiwan
ng angkop na
emosyon
May
komprehensibon
g pagtutuon sa
partikular na
usapin

Organisado o
maayos ang
gramatika at
estruktura ng
bawa’t
pangungusap

You might also like