Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. TUNGUHIN

Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nahinuha ang sanhi at bunga ng mga kaganapang kinaharap at naranasan ng mga


tauhan sa binasang bahaging saknong ng akda.

b. Naiugnay ang mga realistikong kaganapang nakapaloob sa binasang saknong na


bahagi ng akda mula sa kaganapan sa sarili, pamilya, at lipunan.

c. Nagamit ang mga piling tayutay sa pagbuo ng idea nang may angkop at wastong
estruktura.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Panitikan: Florante at Laura

Saknong 70-130:

“Ang Pagdating ng Gererong Moro,”

“Duke Briseo, Amang Mapagmahal,”

“Panaghoy ng Gerero,”

“Dalawang Nagngangalit na Leon,”

B. Sanggunian: Sauco, C. P. (2001). Florante at Laura. Omniscience


Publishing, Inc.

III. MGA KAGAMITAN

a. Batayang aklat (Florante at Laura ni Consolacion Sauco)

b. PowerPoint Presentation

c. Zoom Meeting
d. Application Software: Canva

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

I. PRELIMINARYONG GAWAIN:

(Ibabahagi ang “Panibagong araw,


panibagong aralin” video ni Binibining
Valerie Magsalin*

Magandang umaga rin po, Sir Jay!


Magandang araw sa inyo, Grade 8- Loyalty!

Para sa ating panalangin, maaari mo ba itong Mag-aaral 1: (sariling dasal)


pangunahan, _________?

Magandang araw muli sa inyo!

Kung may liban sa ating klase, maaari na


lamang ninyong sabihin sa akin sa
pamamagitan ng ating chatbox.

Para naman sa mga hindi makapagbubukas


ng kani-kanilang camera, maaari lamang
ipagbigay-alam sa akin sa ating group chat
at magbigay ng katunayan sa pamamagitan
ng screenshot.

Maraming salamat!

Hayan, kumusta ang lahat? Narito muli ang


“Talasalitaan ng Nararamdaman” na magiging
batayan ninyo sa pagtutumbas sa inyong mga
kasalukuyang nararamdaman.

Maaari lamang magtaas ng kamay o mag- Mag-aaral 1: Nasasabik po!


iwan ng mensahe sa pamamagitan ng ating
chatbox ang mga nais magbahagi ng Mag-aaral 2: Nagugulumihanan, Sir.
kanilang saloobin. Mag-aaral 3: Kampante po, Sir.

Sa pagkakataong ito, may mga nakikita akong


ilang nagbahagi; ang ilan sa inyo ay positibo
naman ang kalagayan o nararamdaman sa
puntong ito, at ako ay natutuwa. Bagama’t may
ilan ding hindi nakararamdam ng gana sa
pagkakataong ito, hindi naman ito magiging
balakid sa ating pagkatuto. Sabihin ninyo
lamang sa akin kung may nais kayong
iparating.

II. PAGBABALIK-TANAW

Sa ating naging asynchronous session, ako


ay nag-iwan sa inyo ng isang slide doon na
kung saan ay may larawan—ito ay nahahati
sa dalawang mukha:
(May ilang mag-aaral ang gumamit ng raise-
hand feature)

Maaari bang may magbahagi tungkol sa Mag-aaral 1: Ginoo, iyon po ay tungkol sa


larawang ito? isang puno at mukha ng tao.

Mag-aaral 2: Mayroon po, Sir. Maaari po itong


pumatungkol sa tema ng susunod na mga
Puno at tao. Magaling! Sa tingin ba ninyo, may
kabanata.
kaugnayan kaya ito sa susunod nating aralin?

Aba, mahusay! Tama, may kinalaman ito sa


ating paksa ngayong araw. Hindi lamang ito
konektado, bagkus, ito rin ay may mahalagang
gampanin sa pagsuri natin sa dalawang tauhan
dito, sa katauhan nina Florante at ang gererong
Morong si Aladin.

III. PAGGANYAK

Sa puntong ito, ako ay magpapanood ng isang


video sa inyo.

“Ang Alibughang Anak”

YouTube link:

https://www.youtube.com/watch?
v=pRwCtAMNfgY

Ano kaya ang pamagat ng kuwentong ating Mag-aaral 1: “Tungkol po ito sa “Ang
pinanood? Alibughang Anak.”

Mahusay! Sa Ingles, ito ay pinamagatang “The


Prodigal Son.” Ito ay isang parabula at
makikita natin ito sa Bibliya.

Ano kaya ang kinalaman nito sa ating


talakayan?

Maaari mo bang basahin ang nasa


presentasyon, _____?



 Sa pagkakataong ito, kung inyong
mamarapatin ay tatanungin ko kayo kung
kumusta ang inyong relasyon sa inyong mga
ama? (May mga mag-aaral na nagsipagtaas ng
kamay at nagbahagi ng sari-sariling kuwento)
Mangyari lamang na sundan ang mga emoji
na ito para sa inyong kasagutan:

Maraming salamat sa inyong


pagbabahagi, 8-Loyalty! Ako ay
natutuwa sapagkat nakapagbahagi kayo
kahit maituturing ito bilang isang
pribadong usapin.

IV. PAGPAPAYAMAN (GRAMATIKA)

TAYUTAY

Matatandaang sa ating asynchronous video,


inilahad natin ang kahulugan ng tayutay at
mga halimbawa nito sa Florante at Laura.

Ngayon naman, inaasahan ko kayong


makapagbigay ng sari-sariling halimbawa
ng mga tayutay. Maaaring pumili ng isa sa
mga tayutay na ating tinalakay sa video.

(Ipakikita ng guro ang slides na naglalaman (Magbibigay ng mga halimbawa ang mga mag-
ng mga halimbawa ng tayutay mula sa aaral batay sa kanilang pagkakaunawa sa mga
asynchronous video) tayutay)
PAGTALAKAY SA NILALAMAN

Nagsisimula ang ating Saknong 70 sa


paglalarawan sa gererong Moro na dumating
upang iligtas si Florante na isang Kristiyano.

Ang pagdating ng gerero, sa katauhan ni


Aladin, ay masasabi nating isang
manipestasyon ng pag-asa na sa kahit anumang
kalagayan hindi ibig sabihin nito ay mananatili
na lamang tayo sa ganoong estado.

Bilang nakilala na natin ang mundo sa ating


gulang o edad sa kasalukuyan, para sa inyo,
masasabi na ba nating may nakilala na
tayong nagligtas sa atin sa anumang uri ng
kapahamakan o kalugmukan? Maaaring ito
ay isang tao, hayop, o maging ng isang
bagay. Kung may gustong magbahagi ay
maaari lamang gamitin ang raise-hand
button.
Maraming salamat sa inyong mga sagot!

(May ilang nagbahagi ng kanilang kasagutan)


Ang “punò” at “punô”; dalawang bagay pareho
ang baybay o ispeling ng salita ngunit
magkaiba ng kahulugan.

Ang dalawang bagay na ito ay sumesentro sa


pagdating ni Aladin at ang kanyang
pananambitan o panaghoy sa kagubatan.

Sa kanyang pagmamahal kay Flerida na


inagaw mula sa kanya ng amang si Sultan Ali-
adab tungo sa pagkakatagpo niya kay Florante.

Pareho silang nanaghoy sa kagubatan; naging


saksi ang pook na iyon sa kani-kanilang
damdamin.

Kung kayo ang tatanungin, maganda ba ang


ginawa ni Aladin na sumigaw-sigaw siya sa
kagubatan? Sa paraan ba ng “pag-rant” ni
Aladin ay naibsan ang kanyang
nararamdaman? Ano ang kahalagahan ng
paglalabas ng emosyon para sa inyo?

Tama. Mahalaga ang magkaroon ng paglalabas


ng nararamdaman dahil kung atin itong
ihahambing sa ulap, kung nabibigatan na ito
nang masyado ay inilalabas na niya ang
kanyang luha, ito ay sa pamamagitan ng pag-
ulan.

Kung ideang “tagapagligtas” at “punô ng


pagmamahal” lamang ang ating pag-
uusapan, marahil may ilang magsasabing
ang kanilang ama o ina ang kanilang bayani
o hero. Sapagkat para kay Florante, si Duke
Briseo ay isang huwarang ama.

Mag-aaral 1 at 2: *Sasagot batay sa personal na


karanasan*

Sa ating paunang pagganyak kanina ay


nagpapanood ako ng isang video na
patungkol sa amang hindi kayang pabayaan
ang kanyang anak. Isa ito sa mga
magandang katangian ng isang amang
mababasa natin sa akdang ito. Hindi naging
biased si Balagtas sa paglalarawan ukol sa
ganitong usapin. Isinaalang-alang niya ang
dalawang mukha ng ama, at maaari natin
itong ihambing sa dalawang itong nasa ating
slide:
Maaari bang basahin natin ang nasa slide?

Salamat. Ang “punò” rito ay parehong literal


na pinaggagapusan ni Florante at ang punòng
tumatalima sa isang salawikaing “Kung ano
ang punò, siya ring bunga.”

Naniniwala ba kayo sa salawikaing ito na kung


ano raw ang puno ay siya rin ang magiging
bunga?

Tama. Mahusay! Maaaring may pagkakataong


hindi nakukuha ang katangian ng isang anak
ang kaugalian naman ng kanyang ama o ina.

Ang “punô” naman ay maaaring pumatungkol


sa emosyon ni Aladin. Maaaring “punô ng
galit” sa kanyang ama at “punô ng
pagmamahal” kay Flerida.
Mag-aaral: Hindi po sa lahat ng pagkakataon,
Sir.

Upang mailarawan ang isang bagay, madalas,


kung hindi palagi, ay tumatalima tayo sa
pamantayan ng pagtingin o paglalarawang
nabuo ng lipunan. Ganito ring mauuri ang
paglalarawan sa isang “ama” na sa paglaon ng
mga henerasyon, nagkakaroon ng
implikasyong nakaiimpluwensiya sa kung
paano natin tukuyin at uuriin ang katangian ng
isang ama.

Para sa inyo, saan ninyo matuturing ang


inyong ama mula riyan sa ating slide?

Maraming salamat sa mga tumugon.

Ilan sa mga iyan ay tinataglay ng dalawang


ama sa kuwento na sina Duke Briseo at Sultan
Ali-adab.
Mag-aaral 1: Istrikto po.

Mag-aaral 2: Haligi ng tahanan.

Mag-aaral 3: Disiplinado po.


Mula sa perspektiba o paningin ng isang ama,
kahit siya ay nasa paghihirap na, hindi pa rin
naaalis dito ang pag-aalala sa kanyang anak.

Ang dalawang nananaghoy sa kagubatan:


parehong relasyon, ngunit magkaiba ang antas.

Florante : Kay Laura at Duke Briseo

Aladin : Kay Flerida at Sultan Ali-adab


Maaari mo ba itong basahin, ______?

Salamat sa iyong may-tonong pagbabasa,


______!

Ngayon naman, nais kong malaman kung


paano ninyo naunawaan ang partikular na
saknong.

Tama. Mahusay! Alam ninyo bang ang salitang Mag-aaral: “Kung nagbangis ka ma’t nagsukab
“pagmamahal” ay higit sa salitang “pag-ibig”? sa akin, mahal ka ring lubha dini sa panimdim;
at kung mangyayari, hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.”
Ito ay sapagkat ang salitang-ugat ng
“pagmamahal” ay “mahal” at ang salitang-
ugat ng “pag-ibig” ay “ibig” na kung ating
bibigyang-kahulugan, ito ay may
nangangahulugang “gusto” o “nais.” Sa
kabilang banda, ang salitang “mahal” ay Mag-aaral: Para po sa akin, ito ay tungkol sa
nangangahulugang “sinta” o “damdaming pagiging martir ng pagmamahal niya.
mas lumago.” Kung kaya’t sa konteksto ng
kuwento, ito ay paglalahad ng pagmamahal
pa rin ni Aladin kay Flerida, gayundin sa
bahagi ni Florante para naman kay Laura.

Sa kabanatang ito, tinalakay ang pagpapatuloy


ng karanasan ni Florante sa kamay ng mga
leon sa gubat.

Sa saknong na ito, nagkadaupampalad na ang


tatlo: si Florante at ang dalawang leon. Maaari
natin itong mauri bilang pagharap sa isang
suliranin sa buhay at paano kaya natin ito
malalagpasan kahit tila imposible na, dahil sa
kalagayan ni Florante ay nakagapos pa siya sa
puno ng Higera.

Saang bahagi ng buhay tayo makararamdam o


makakukuha ng lakas ng loob upang
pagtagumpayan ito? Tingnan natin sa naging
kalagayan ni Florante:

Sa kanyang paghihinagpis o pagtaghoy sa


gubat, si Florante ay narinig ni Aladin, at ang
naturang binata ay sinundan kung saan
nanggagaling ang mga sigaw na iyon.

Ano ang ibig sabihin nito? Minsan, sa atin,


mga mag-aaral, hindi dapat natin ikahiya ang
pagiging totoo sa nararamdaman dahil
mayroon at mayroong makaririnig at
magpapahalaga nito.

Nawa’y sa mga pagkakataong tayo ay


nakararanas at nakararamdam ng ganitong
pagkabahala at pagkawala ng pag-asa, bumalik
tayo sa mga alaala at mga bagay kung bakit
tayo nagsimula at kung para saan itong ating
ginagawa. Ito ay katulad ng ginawang
pagtawag ni Florante sa kanyang amang
namatay, kay Laura, maging sa Albanya.

VI. PANGWAKAS NA PAGTATAYA

EBALWASYON: Maikling Pagsusulit

Panuto: Mula sa halimbawa sa mga saknong sa


Florante at Laura na nakalagay sa mga kandado
(padlock), hanapin ang angkop na tayutay ng mga ito
sa tigatlong susing nasa mga slide.
Sagot: PAGBIBIGAY-KATAUHAN

Sagot: PAGMAMALABIS

Sagot: PAGMAMALABIS
Sagot: PAGTUTULAD

Sagot: PAGMAMALABIS

Sagot: PAGMAMALABIS

Sagot: RETORIKAL NA TANONG


Sagot: PAGPAPALIT-SAKLAW

Sagot: PAGTAWAG

Sagot: PAGTATAMBIS

VII. TAKDANG-ARALIN

A. WALA KAYO SA TATAY KO O


WALA SA TATAY KO

You might also like