Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan NG Heograpiya
Kahulugan NG Heograpiya
Ang mga sinaunang Griyego ay mga masugid na tagalikha ng mga mapa. Sila ay
nakalikha ng mga mapa ng iba’t ibang lugar sa Asya, Europa, at Africa. Sa
kanilang paggawa ng mapa napansin nila ang iba’t ibang pagkakaiba ng mga
lugar na kanilang pinupuntahan. Ang mga pagkakaiba sa klima pamumuhay ng
tao sa iba’t ibang lugar ay naging isang malaking katanungan sa kanila. Hindi
nagtagal ay nalamang ng mga sinaunang Griyego na bilog ang daigdig.
Pisikal na Heograpiya
Ito ay mas nakatuon sa pag-aaral ng iba’t ibang pisikal na katangian ng daigdig.
Pinag-aaralan din dito ang mga pagbabago sa kapaligiran na dulot ng tao.
Heograpiyang Pantao
Ito ay mas nakatuon sa pagsuri sa distribusyon at sa ugnayan ng mga tao at
kultura sa daigdig. Pinag-aaralan dito mga epektong dulot ng tao sa kapaligiran
kung saan siya nakatira. Pinag-aaralan din ng isang human geographer ang mga
politikal, panlipunan at pang-ekonomiyang sistema ng iba’t ibang bahagi ng
mundo. Kamasa kanilang inaaral ang relihiyon, uri ng gobyerno at mga
kasunduang pangkalakalan sa pagitna ng mga bansa.