Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ano ang Kakapusan?

Ang Kakapusan ay umiiral dulot ng limitadong pinagkukunang-yaman at ang walang katapusang


pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang kakapusan na ito ay nagtutulak para sa mga tao
upang matutong magdesisyon batay sa mga kanyang pangangailangan at sa limitasyon ng
kanyang pinagkukunang-yaman.

Ang scarcity ay mahalaga upang maunawaan natin kung paano binibigyan ng halaga ang mga
serbisyo at mga produkto. Ang mga produkto at serbisyo na malaki ang kakapusan ay madalas na
binibigyan ng mas mataas na halaga dahil sa ito ay mas mahirap mahanap at malaki ang demand.
Ang mga nagbebenta ay nagkakaroon ng dahilan upang magpatong ng malaking halaga kung ang
kanilang produkto o serbisyo ay kakaunti lamang ang supply.

Ano ang mga Sanhi ng kakapusan?


May tatlong sanhi ng kakapusan, demand-induced scaricity, supply-induced scarcity, at
structural scarcity.

• Demand-induced scarcity, ay nangyayari kung ang bilang ng supply ay hindi nagbabago


ngunit tumataas ang bilang ng demand.
• Supply-induced scarcity, ay nagaganap kapag ang bilang ng supply ay higit na mababa sa
bilang ng demand.
• Structural scarcity, ay nangyayari kung ang malaking bahagi ng populasyon ay walang
access sa mga produkto at serbisyo.

Dalawang Uri ng Scarcity


Relative scarcity
Ito ay isang uri ng scarcity kung saan ang supply ay limitado at relatibo sa demand. Ito ay
madalas dulot ng hindi pagkakaroon ng sapat na supply ng mga pinagkukunang-yaman sa
mundo. Ito ay kaugnay sa supply. Ang isang halimbawa nito ay ang krudo langis at mga punong
kahoy, ito ay isang limitadong resource na kinakailangan ng mga tao.

Maaaring maraming supply sa kasalukuyan ng mga ito ngunit ang mataas na demand natin sa
supply ay maaaring magdulot ng kakapusan sa hinaharap. Ang langis ay isang likas na yaman na
hindi natin kayang palitan sa isang mabilis na panahon.

Absolute Scarcity
Ito ay nangyayari kung limitado lamang ang supply ngunit hindi ito nakadepende sa demand o
relatibo sa demand. Ang halimbawa nito ay oras, mayroon lamang 24 oras sa isang araw kahit
tumaas o bumababa man ang pagnanais natin na magdagdag ang oras hindi ito magbabago.
Sanggunian:

Scarcity, www.investopedia.com
Scarcity, nationalgeographic.org
Samuelson, P. Anthony., Samuelson, W. (1980). Economics. 11th ed. / New York: McGraw-
Hill.

You might also like