Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

STU: SIPAT-TUKLAS-UNAWA

Isang Pamaraan Sa Pagpapalawak ng Talasalitaan at


Paglinang ng Komprehensyon

John Nick M. Nicolas


Philippine Normal University – Manila
jnick.1208@gmail.com

ABSTRAK
Isa sa mga mahahalagang sandata na baon ng isang indibidwal sa paghatak sa isang
masalimuot na mundo ay ang kaniyang kasanayan sa pagbasa. Kung kaya’t sa murang edad ay
hinuhubog na ang kasanayang ito ng mga magulang o guro sa pagbasa. Gayon pa man, lumalabas sa
mga pag-aaral na maraming mga mag-aaral sa antas elementarya ang hindi nakakabasa o hindi
nauunawaan ang kanilang mga dinekowd na salita. Dahil dito kinakailang humanap ng solusyon ang
mga guro sa pagbasa upang matugunan ang suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa antas
elementarya.
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paggamit ng isang inobatibong teknik sa pagbasa ang
STU: SIPAT-TUKLAS-UNAWA na may layuning mapalawak ang bokabolaryo o talasalitaan ng mga
mag-aaral sa wikang Filipino at kasabay nito ay malinang ang kanilang komprehensyon sa pagbasa.
Layunin din ng pag-aaral na mabakas ang kabisaan ng inobatibong teknik sa pagpapalawak ng mga
talasalitaan at komprehensyon ng mga magaaral. Upang maisagawa ito ay gumamit ng deskriptibo-
kwalitatibong pamamaraan bilang metodo sa pangagalap ng mga datos at pag aanalisa ng mga ito.
Mula rito ay nalaman na ang inobatibong teknik sa pagbasa ang STU: SIPAT-TUKLAS-UNAWA ay
naging mabisa sa pagpapalawak ng bokabolaryo at pagpapataas ng komprehensyon sap agbas ng mga
mag-aaral. Iminumungkahi ng pananaliksik na gamitin ang teknik at magkaroon ng mahabang pag-
aaral upang mabakas ng mas malalim ang mga implikasyon ng teknik.

Susing salita: Pagbasa, Bokabolaryo, Komprehensyon< Pinantubayang Pagbasa (DRA)

You might also like