Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Noli Me Tangere (Kabanata 1 - 5)
Buod NG Noli Me Tangere (Kabanata 1 - 5)
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na
popular sa taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang
Anluwage na karatig ng Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong
dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at
laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano
ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang
bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan
ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura
paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang
Paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang
Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos
nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa
galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang
matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng Pari. Totoo, siya ang Kura
sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang Pari at
napaharap sa Tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina Tinyente at
Ibarra. Nagpapasalamat ang Tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang
masamang nangyari. Basag ang tinig ng Tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa nito ay higit
na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa Tinyente, ang ama ni Ibarra ay isang taong
mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-
habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata.
Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan
Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya
ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring
Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na
umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang
upuan. Pero, tumanggi ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang
pari.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-
kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami
ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang
pinupuntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan
din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa
Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang taon na ang
nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali
mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang Artilyero ng ba be bi bo bu
na labis na ikinagalit nito. Pinukol ng kanyang tungkod ng Artilyero ang mga bata. Isa ang
sinampalad na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si
Don Rafael. Kinagalitan niya ang Artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don
Rafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib. Pinaratangan din siyang
nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng
larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng
tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito
ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A. at
G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo
ng dugo sa ulo nito.
Kabanata 5: Isang Bituin sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala (ito ay isang uri ng panuluyan, na
tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at
naupo sa isang silyon. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang
paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng
orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-
sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot
na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng
bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, Intsik, militar ay nakatuon
lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa
isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay
siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang
inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang
nakatulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang
Pransiskano.