Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Noli Me Tangere (Kabanata 11 - 18) : Kabanata 11 - Mga Hari-Harian
Buod NG Noli Me Tangere (Kabanata 11 - 18) : Kabanata 11 - Mga Hari-Harian
Buod NG Noli Me Tangere (Kabanata 11 - 18) : Kabanata 11 - Mga Hari-Harian
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang at halos lahat
ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang
damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kumampi.
Bagama’t may hidwaan ang Alperes at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho
silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at parang walang
anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila
ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.
Ang Alperes at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa
kanila ay mga casique.
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may
bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay
maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama - si Don Rafael. Kasama
niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng Adelpa at
Sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan
ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng
sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos
ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama
pa ito sa libingan ng mga Intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda
naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap
hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang
tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa
libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga
mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula
sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng
higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina
na siya ay magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang
siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni
Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga
minanang kayamanan.
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim
na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo
Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, diretso
ang sagot niya:
Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagka’t ito ang magdadala ng mga lintik na
siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may
sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o
pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.
Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga
paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa
agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang
kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing
ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumango ang mga bata.
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat
nuon ay Undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naniniwala sa purgatoryo. Pero, sinabi
niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang
mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay
siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.
Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi
mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak
hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay
nababakas. Idinadalangin na sana wag magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi nila ay
dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si
Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay
P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong
Tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang
baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang
inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa
bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina
Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang
kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang
walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala
niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa
paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na
tinigil niya ang pagaawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot
sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang
dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula
sa labas ng bahay.
Kabanata 17: Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang
masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay
hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo
sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa
kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa
ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si
Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang
pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.
Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid
na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng
malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa
kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang
sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na
silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2)
hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung
malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang Pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, kung nasaan si Crispin.
Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga
nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil
nagmana ito sa ama.