Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

“Susunod” Dagli ni Joeselle Anne Sampaga

Nag-uusap kami sa messenger ni Jusel. Nagtatanong sa akin kung ano raw puwedeng sabihin
kapag itinanong ka kung ano ang kahinaan mo. Nagtaka ako ngunit sinagot ko na lang siya.
Napakasimpleng bagay na nga lang at personal pa, kailangan pang itanong. Matapos noon, 'di na
mapaliwanag kung saan na napunta ang aming usapan. Nagtitipa na ako ng sagot sa kaniyang
tanong, may isiningit na naman siyang panibagong usapin.

Nagpakamatay raw si Allan– depresyon, kaklase namin noong sekondarya. “Susunod na ako,
paalam na.” ani ni Jusel– nagbibiro. Natawa ako habang nagtitipa ng isasagot, ano na naman
kayang pumasok sa isipan nito?

Ilang minuto na’t hindi pa siya sumasagot sa aking mensahe. Kinabahan na ‘ko. Totoo kayang
gagawin niya iyon? Mukha namang wala siyang problema sa buhay.

Chineck ko ang kaniyang twitter, nagulantang ako sa kaniyang mga tweets.

“Ang hirap ng buhay bahay, walang pera.”

“Nakakainggit. Nalulungkot ako.”

“Galit ako sa mundo, bakit wala akong trabaho?”

Madalian kong ipinulot ang aking pitaka. Dumiretso agad sa bahay nila. Ilang mensahe na ang
naipadala ko, tinatawagan ko na rin siya. Wala pa ring sagot. Paiyak na ako habang nasa
sakayan, bakit ba kasi lubak ang daanan dito sa kanila at ang bagal magpatakbo ng traysikel?

Nang makarating na ako sakanila, bumungad sa akin ang nanay niyang nagwawalis sa garahe
nila. Itinanong ko kung nasaan si Jusel, umalis daw. Nag-aalala na rin si Aling Bane sa kilos at
mga tanong ko. Wala raw talaga itong ideya kung saan patungo si Jusel nang umalis ito kaninang
alas-singko.

Bumalik na ako sa bahay, madilim na ang langit. Nag-aalala pa rin. Nagsasaing ako nang
tumunog ang aking telepono, hudyat ng bagong mensahe. Binuksan ko iyon at nakita ko ang
nagtatakang sagot ni Jusel.

“Anong nangyayari, anong pinagsasasabi mo? Galing akong interview.” Oh, Diyos ko.

You might also like