GARCIA - Character Analysis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


College of Arts and Letters
Department of Performing Arts

ACTING PERFORMANCE & CHARACTER ANALYSIS


Final Requirement
PEAR 30043 Acting 1
School Year 2021-2022

I. Basic Character Questions

Ang magiging pangunahing tauhan sa pagtatanghal na pinamagatang “Sayaw, Kikay” na


isasagawa ni Erika Garcia bilang rekontekstwalisasyon ng “Danza Macabre” na mula sa 100
Kislap na isinulat ni Abdon Balde Jr., ay nagngangalang Karen Mae de Jesus, ngunit mas
makikilala ito sa kaniyang palayaw na Kikay. Sa kabila ng kaniyang murang edad na
labingpitong (17) taong gulang at kahit pa siya ay nasa Senior High School pa lamang at wala pa
sa kolehiyo, makikita na agad ang kaalaman at karunungan nito sa pag-aayos ng kaniyang sarili;
mula sa pag-aalaga ng kaniyang buhok, pagkakaroon ng mga kolorete sa mukha lalo na sa
kaniyang labi, pagsusuot ng mga magagarang damit na kadalasan ay bestida, hanggang sa
pagpapabango sa kaniyang katawan. Bukod pa rito, makikita ring mahilig siyang gumamit ng
mga pandalagang bagay tulad ng ipit sa buhok at maliliit na bag upang mas ayusin at pagandahin
ang kaniyang itsura kasama na rin ang mga alahas (Hal. kwintas, hikaw, atbp.) na karamihan ay
pamana o bigay sa kaniya. Purong Pilipino man ang lahi ay mababakas ang puti at kinis ng
kaniyang balat lalo na sa tuwing nagsusuot ito ng mga kulay rosas na damit na talaga namang
paborito niyang suotin. Si Kikay, bilang isang dalaga, ay maituturing na may pagka-maarte dahil
na rin sa postura at pagkilos nito na maihahalintulad sa isang “kikay” ngunit kahit pa ganito ang
kaniyang panlabas na imahe ay mabait ang kalooban nito bilang isang tao lalo na sa mga mga
magulang, mga nakatatanda, at sa Diyos.
Sa partikular na araw kung kailan magaganap ang mga pangyayari sa pagtatanghal ng
“Sayaw, Kikay” ay pupunta si Kikay sa isang kilalang hotel na matatagpuan sa kahabaan ng
Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at malapit sa barangay ng Gudalupe Nuevo sa siyudad
ng Makati kung saan marami at malapit ang mga sakayan kung kaya naman ay madali itong
mahanap at mabilis itong marating kahit na walang sariling kotse tulad ng pangunahing tauhan.
Sa ikatlong palapag ng hotel matatagpuan ang kwartong ipinareserba ng kaniyang magiging
katagpo. Maespasyo ang silid kaya naman ay malawak din ang kaniyang maaring lakaran at
galawan sa loob nito. Sa pagpasok pa lamang sa kwarto ay bubungad na agad ang malamlam at
naninilaw na ilaw sa loob nito ngunit gayunpaman ay hindi naman ito nakakasakit sa mga mata
at hindi naman ito nakakaapekto sa kaniyang paningin. Ang pag-andar ng aircon sa silid na dapat
sana ay magpapalamig sa kabuuan nito ay tila walang silbi para sa kaniya dahil hindi naman
gaanong malakas ang inilalabas nitong hangin. Ang mga tunog na naisasagawa o iyong mga
nangyayari sa loob ng kwarto ay nananatili lamang rito at hindi naririnig ng ibang mga tao sa
mga katabing silid, kung kaya naman ay hindi magiging suliranin ang kaniyang malakas na
pagsasalita o pagsigaw dahil na rin sa makapal at mataas na pader na nagsisilbing pagitan ng
mga kwarto sa hotel.

Sa pagdating ni Kikay sa kwartong nakalaan para sa kanila sa hotel ay gagamit ito ng


isang keycard kung kaya naman ay hindi na niya kakailanganin pang kumatok, tumawag, o mag-
ingay para lamang siya ay makapasok. Sa kaniyang dahan-dahang pagpasok sa loob ng silid ay
matatagpuan nito sa sentro ng kwarto ang isang maputing kama, na kasya at sakto sa dalawang
tao ang laki, kung saan siya ay agad na mauupo. Dahil na rin malaki ang higaan ay unti-unti
siyang magiging maayos sa kaniyang pag-upo at pananatili kung kaya naman ay tinanggal na rin
niya ang kaniyang mga sapatos at inilapag sa gilid na harap ng kama kung saan madali lamang
itong makukuha at maisusuot pabalik. Bukod pa rito, mababakas din ang pagiging komportable
niya sa higaan at tila kasanayan nito sa loob ng silid nang inilagay na niya ang inalis na maliit na
bag mula sa katawan papunta sa may bandang gitnang gilid ng kama bago magsimula ang
kaniyang pagkekwento at magtuloy-tuloy ang mga kaganapan. Sa kabuuan ng mga pangyayari sa
pagtatanghal ng “Sayaw, Kikay”, siya ay mananatili at hindi lalayo sa kama na magsisilbing
personal niyang espayo sa loob ng kwarto kahit pa hindi naman siya ang nagpareserba nito.
II. Character Sketch

Visual Sketch
Narrative Sketch

Traits Description
 Ang kulay ng aking balat ay maputi
kahit na ako ay purong Pilipino dahil
ipinaglihi ako ng aking Ina sa
kakaning putong kulay puti kung kaya
naman ay simula pa noong ako ay bata
pa lamang, likas nang ganito ang
aking kutis.
 Ang aking taas ay mababa kung
Biological
ikukumpara sa aking mga ka-edad,
kaibigan, o kaklase dahil na rin sa
namana ko ito sa aking mga magulang
na parehong maliit din.
 Ang tunog ng aking boses ay
matinis sapagkat ito ay nakuha ko sa
aking Ina na mayroon ding manipis at
mataas na boses lalo kapag nagagalit o
sumisigaw.
 Ang yari ng aking buhok ay
makapal dahil alagang-alaga ko ito sa
pamamagitan ng araw-araw na
paggamit ng mga produktong
pampalago ng buhok at buwan-
Physical
buwang pagpapa-ayos sa hair salon.
 Ang aking kanang pisngi ay
mayroong dimpol na nagsilbing
kaibahan ko sa aking mga kapatid
sapagkat ako lamang ang natatanging
anak na mayroong ganito sa amin.
 Ang hubog ng aking
pangangatawan ay tabain na mas
lalo pang nadedepina at nahahalata sa
pamamagitan ng aking malalaki at
malalapad na mga braso.
 Ang mga daliri ko ay aking pinipiga
sa mga panahong ako ay nababalisa at
naguguluhan na madalas kong
ginagawa kapag ako ay napapagalitan
o nagsisisi sa partikular na bagay na
hindi ko sinasadyang gawin.
 Ang ulo ko ay aking hinahawakan
gamit ang aking dalawang kamay sa
mga oras na ako ay nauubusan ng
Behavioral pasensya o dumadami ang iniisip na
palagi kong ginagawa kung ako ay
napupuno ng suliranin at hindi
nakakaisip ng solusyon para maging
maayos ang isang partikular na
problema.
 Ang buhok ko ay aking hinahawi
palikod sa mga pagkakataong mas
tumataas ang aking kumpiyansa sa
sarili na malimit kong ginagawa
tuwing lumalakas ang aking loob at
nararamdaman ko na ako ay tama sa
isang argumento o panalo sa isang
laban.
 Ang pagkakaroon ko ng kagustuhan
na mapabilib ang aking mga
magulang upang makuha ko ang
atensyon ng mga ito na laging
nakatuon sa kanilang mga hanapbuhay
at sa aking nakatatanda at
nakababatang kapatid lamang.
 Ang pagkakaroon ko ng pangarap
na hindi lamang basta
makapagtapos ng pag-aaral at
magkaroon din ng parangal upang
mayroon akong maipagmalaki hindi
Motivational
lamang sa aking mga magulang, mga
kapatid, o ibang mga tao bagkus, higit
sa lahat, ay sa aking sarili.
 Ang pagkakaroon ko ng mithiing
makawala na nang tuluyan mula sa
kontrol ng hindi tama at hindi
mabuti upang ako ay maging malaya
na ng lubusan sa buhay bago pa
pumasok sa kolehiyo at unibersidad.
 Ako, bilang isang anak, ay handang
gawin ang lahat para lamang mas
mapansin at mas mahalin pa ng aking
mga magulang kahit pa nga ang
paggawa ng malaki at mabigat na
kasalanan tulad ng pandaraya sa aking
Deliberative
pag-aaral upang makakuha ng pasado
at mataas na marka. Ngunit sa
kabilang banda ay nag-dadalawang
isip pa rin ako sa paggawa ng mga
maling bagay dahil na rin sa aking
takot sa Diyos at sa mga posibleng
maging epekto nito hindi lamang sa
aking sarili mismo kung hindi pati na
rin sa iba pang mga tao.
 Ako, bilang isang estudyante, ay
nakagagawa ng mga bagay na kahit
hindi dapat ay akin paring itinutuloy,
maliit na bagay man ito o malaki,
dahil ito ay aking kailangan upang
maabot at matupad ko ang aking mga
minimithi sa pag-aaral at maging sa
buhay. Subalit, matapos ang iilang
mga pagkakamali at pagkukulang ay
naiisip ko ring itigil at pagsisihan na
ang mga ito dahil na rin sa pagsama at
pagbigat ng aking kalooban.
 Ako, bilang isang babae, ay pipiliin o
pipiliting gawin ang mga bagay na
magiging daan o paraan upang
maranasan ko ang pagmamahal mula
sa ibang mga tao lalo na ang mula sa
isang lalaking aking gusto kahit pa ito
ay mali at masama kung ituturing ng
iilan. Gayunpaman, minsan ay
napagtatanto ko pa ring kahit na
maramdaman ko ang pagmamahal
mula sa ibang mga tao, kung
magbibigay naman ito ng bahid sa
aking pagkatao, ay hindi pa rin sulit.
 Dahil mas nananaig ang aking
pansariling kagustuhan, dala na rin ng
Decisive matinding presyur, ay pumayag at
gumawa ako ng mga malalaking
pagkakamali at mabibigat na
kasalanan na tunay na nakaapekto sa
ibang tao at higit sa lahat ay sa aking
sarili mismo.
 Sapagkat mas nangingibabaw ang
aking pagsisisi sa mga bagay na aking
nagawa, dahil na rin sa mabigat kong
konsensiya, ay umayaw at nagsisi ako
sa mga pagkakamali at kasalanang
aking nagawa na siguradong
nakabubuti para sa akin mismong
sarili at maging sa iba pang mga tao.
 Dahil mas nananalo ang aking
pagkauhaw sa pagsinta mula sa ibang
mga tao, dala na rin ng masidhing
emosyon, ay pipiliin ko pa rin ang
magmahal ng isang lalaki, na hindi
man angkop para sa akin ayon sa
karamihan, ay magpaparanas naman
sa akin kung paano ang magmahal at
magpapadama rin sa akin kung paano
ang mahalin.

Reference Photo
Actual Photo
For Comparison

You might also like