Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

12 PFPL AKADEMIK

PLM 3-4QTR

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES
Tamag, Vigan City
2700 Ilocos Sur

Office of the Laboratory Schools


Website: www.unp.edu.ph Mail: unplaboratoryschools@gmail.com
Mobile Phone Number: 0917-528-5554

SENIOR HIGH SCHOOL

Topic: PANUKALANG PROYEKTO (Ikalawang Sesyon)


Name:_______________________________________Grade & Section:___________________________
Subject: FILIPINO SA PILING LARANG Instructor: LESTER A. AARON, MATFil

Petsa: Abril 26-May0 7, 2021

Inaasahan na isasakatuparan mo ang mga sumusunod na layunin:

1. Nabibigyang-kahulugan ang panukalang proyekto


2. Naiisa-isa ang mga bahagi ng panukalang proyekto
3. Nakasusulat ng isang panukalang proyekto

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


1. Layunin (Nailahad na sa unang sesyon)
2. Plano ng Dapat Gawin
Matapos maitala ang mga layunin ay maaring buoin ng mga gawain o plan of action na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano
itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat na maging makatotohanan o
realistic.

3. Badyet
Ang badyet ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Ito
ay talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang pag-aralan ito
nang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Maaring magsagawa ng bidding sa mga contractor na
kadalasan ay may mga panukalang badyet na para sa gagawing proyekto.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaprubahan kung malinaw na nakasaad dito kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito makakatulong sa kanila. Sa bahaging ito maaring isama ang
katapusan o kongklusyon ng iyong panukala o maaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan
ang ipinasang panukalang proyekto.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto depende sa may-akda na naghain nito.
Sa isinulat ng Besim Nebiu sa kanyang akdang Developing Skills & NGO’s Project Proposal Writing (2002),
bahagi ng panukalang proyekto ang abstrak o executive summary (pagpapaikli sa papel kung ito’y may
kahabaan).

1| GABAY SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA FILIPINO 11 (L. AARON)


University of Northern Philippines-Laboratory Schools
*Kinikilala ang lahat ng awtor at sangguniang naging saligan sa pagbuo ng gabay na ito*
12 PFPL AKADEMIK
PLM 3-4QTR

Sa ibang pormat naglalagay ng mga kalakip o appendices. Inilalagay na lamang sa mga kalakip sa
dulo ng panukala ang mga datos o dokumento upang ito’y maging sistematiko o organisado. Narito ang
kadalasang inilalagay bilang kalakip o appendix:
1. Liham pagpapahintulot (request letter)
2. Pagpapatibay ng panukala (Approval Sheet)
3. Detalye ng badyet sa pinanggalingan ng pondo/donor (Source of Fund)

Iba pang bahagi ng Balangkas ng Panukala


1. Pamagat- kadalasang ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon ng
suliranin.
Halimbawa: PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY AMIHAN
2. Nagpadala- Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
Halimbawa: MULA KAY LESTER A. AARON
324 PUROK A BASSIT, VIGAN CITY ILOCOS SUR
3. Petsa- Araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel. Isinasa rin sa bahaging ito ang tinatayang panahon
kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin- Naglalaman ito ng dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ng panukala.
Halimbawa: Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang
pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa magong ang
kanilang mga ari-arian at hanap buhay sa sususnod na buwan.
6. Plano ng Dapat Gawin- Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng mga proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
8. Benepisyo ng Proyekto- ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga
taong makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.

Gawain A (100 pts)


Basahing mabuti ang mga sumusunod na mekaniks sa iyong pagsulat ng panukalang proyekto.

1. Ikaw ay susulat o gagawa ng isang panukala hinggil sa sitwasyong ilalahad sa ibaba.


2. Ang iyong panukala ay maglalaman ng 4 na bahagi na kinapapalooban ng Rasyunal, Action Plan,
Badyet at Benepisyo ng Proyekto.
3. Ang iyong Rationale ay katumbas ng iyong panimula, pagpapahayag ng suliranin at mga
kaunting pag-aaral at pananaliksik hinggil sa sitwasyong inilahad.
4. Samantala, ang Action Plan naman ay mga hakbang o proseso sa pagsasakatuparan ng iyong
panukala mula sa pagpapaplano at sa panahong mapagtitibay (approval) ng iyong proyekto.
Narito ang template sa ibaba

MGA PROSESO/GAWAIN PETSA TAONG KASANGKOT INAASAHANG ORAS/ARAW NG


PAGSASAKATUPARAN
1 Pagpaplano sa Panukala ng
Pagkakaroon ng Breakwater August 28, 2019 Brgy. Councils 1 araw
System

5. Sa bahagi ng Badyet, itala dito sa tingin ninyo ang mga magagastos sa iyong panukala kasama
na ang transportasyon, meal allowance maliban sa mga materyal na kakailanganin. Maari rin
itong nasa table form.

2| GABAY SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA FILIPINO 11 (L. AARON)


University of Northern Philippines-Laboratory Schools
*Kinikilala ang lahat ng awtor at sangguniang naging saligan sa pagbuo ng gabay na ito*
12 PFPL AKADEMIK
PLM 3-4QTR

6. At panghuli ay ang bahaging Benepisyo ng Proyekto, katulad ng mga naunang nabnggit ito ay
maaring kongklusyon ng iyong panukala. Maaring maglagay dito ng mga pag-aaral na
magagamit bilang patunay na may mabuting kalalabasan o dulot ang iyong panukala.

7. Panoorin ang sitwasyong hango sa Youtube:

https://bit.ly/43Y9Ho3
Karagdagang gabay: Mula sa iyong pinanood at sa sitwasyong ipinakita, anong
programang pang-edukasyon ang ipapanukala mo upang matugunan ang kasalukuyang
sitwasyon ng mga mag-aaral. Tandaan hindi pa maaring ilipat ang pagbubukas ng klase sa
Hunyo (mungkahi pa lamang iyon ni Sen. Gatchalian). Ang bibigyan mo ng SOLUSYON O
PANUKALA ay ang kasalukuyang sitwasyon ng mga mag-aaral.

8. Gawin lamang ang iyong proposal sa loob ng apat A4-sized bond paper lamang. I-access ang
template gamit ang link na ito: https://bit.ly/3wSGKsX

Iwasan ang pagmomodify rito bagkus i-download at i-edit na lamang ang mga importanteng
bahagi. Ang font type ay ARIAL NARROW size 11 na may 1.5 line and paragraph spacing.

9. Pamantayan ng Pagpupuntos:

Nilalaman (kasama ang organisayon,


mekaniks at balarila)- 50pts
Orihinalidad- 25 pts
Pagka-makatotohanan ng panukala 25 pts
Kabuoan 100 pts

Sanggunian:

Julian, Ailene Baisa, Lontoc Nestor S. (2017). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

3| GABAY SA PAGKATUTO AT MGA GAWAIN SA FILIPINO 11 (L. AARON)


University of Northern Philippines-Laboratory Schools
*Kinikilala ang lahat ng awtor at sangguniang naging saligan sa pagbuo ng gabay na ito*

You might also like