Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

KATESISMO NGAYONG LUNES

Si Hesus ay
Maawain at
Mapagpatawad
Teacher Chris Inocencio
Pambungad na Panalangin
Ama naming makapangyarihan, sa araw na ito,
papuri ang alay namin sa Iyo kaisa ng mga
estudyanteng narito. Patawad, Panginoon, sa mga
pagkakataong kami ay nakakalimot at magkakasala
sa Iyo. Salamat sa wagas Mong pag-ibig na
pinadarama araw-araw. Hiling namin sa araw na
ito na higit Ka naming makilala sa bawat pakikinig
namin ng Iyong salita.
Pambungad na Panalangin
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa
Espiritu Santo...
Kapara noong una, ngayon at
magpakailanman, magpasawalang
hanggan. Amen.
Si Hesus, ang babae at ang Pariseo

Lucas 7: 36 -50
Si Hesus, ang Babae, at ang Pariseo
Inanyayahan si Hesus ni Simon, isang Pariseo, na makisalo sa kanya sa
kanilang bahay para kumain. Nagtipon din sa bahay ang mga kapitbahay ni
Simon. Habang nakahilig si Hesus sa sopa para kumain, dumating ang isang
babae na makasalanan. Tumayo siya sa likuran, sa may paanan ni Hesus at
umiyak. Tumulo ang kanyang mga luha sa mga paa ni Hesus at pinunasan
niya ng kanyang buhok, at hinagkan at pinahiran ng pabango .

TANONG:
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Saang bahay pumunta si Hesus?
Bakit umiiyak ang babae sa kuwento?
May isang babae sa bayang iyon na
itinuturing na makasalanan. ...Tumulo
ang kanyang mga luha sa mga paa ni
Jesus at pinunasan niya ng kanyang
buhok, at hinagkan at pinahiran ng
pabango. - Lucas 7: 37-38
Si Hesus, ang Babae, at ang Pariseo
Nang makita ito ng Pariseo na nag-anyaya sa kanya ay sinabi nito sa
kanyang sarili, “Kung propeta nga ang taong ito, dapat ay alam niya kung
sino at anong uring babae itong humahawak sa kanya sapagkat ito ay
makasalanan.” Kaya sinabi ni Jesus sa kanya, “Simon, mayroon akong
sasabihin sa iyo.” “Sige po Guro,” sagot ni Simon. “May dalawang umutang
sa isang tao. Ang isa ay umutang ng limandaang salaping pilak at ang isa
naman ay limampu. Nang hindi makabayad, kapwa sila pinatawad. Sino
ngayon sa kanila ang higit na magmamahal sa nagpautang?” Sumagot si
Simon, “Sa palagay ko po'y ang pinatawad nang mas malaki.” At sinabi
niya rito, “Tama ang iyong pagkaunawa.”
Si Hesus, ang Babae, at ang Pariseo
Pagharap niya sa babae ay sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo ba ang
babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lang ako
binigyan ng tubig para sa aking mga paa. Ngunit binasa niya ng luha ang
aking mga paa at pinunasan ito ng kanyang mga buhok. Hindi mo ako
hinagkan, ngunit mula nang pumasok ako ay hindi pa siya humihinto nang
kahahalik sa aking mga paa. Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo
ngunit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. Kaya't sinasabi ko sa
inyo, ang marami niyang mga kasalanan ay pinatawad na; kaya naman
nagmahal siya nang higit. Ngunit ang pinatawad nang kaunti ay
magmamahal nang kaunti.”
Si Hesus, ang Babae, at ang Pariseo
Pagkatapos ay sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga
kasalanan.” Nagsimulang magtanong sa isa't isa ang mga kasalo niya, “Sino
ba ang taong ito at nagpapatawad pa ng kasalanan?” At sinabi niya sa
babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Humayo kang panatag ang
kalooban.”

TANONG:
Ano ang magandang katangian na ipinakita ni Hesus sa kuwento?
Mahalagang Tanong:
Sino ang nagturo sa ating maging maawain at
mapagpatawad?
Bakit mahalaga ang pagiging maawain at
mapagpatawad?
Sa buhay mo, kanino mo naranasan na maging
maawain at mapagpatawad? Sino ang
nagpadama ng pagpapatawad sa iyo?
Alam ba natin kung paano tayo
napatawad?
Buod ng Salita ng Diyos
"...maging mahabagin tayo katulad
ng ating Amang nasa langit. (Lucas
6:36-37)
Saang sakramento nga ba natin nakakamit
ang awa at pagpapatawad ng Diyos sa
ating mga kasalanan?
Sa Sakramento ng
kumpisal ay
tinatanggap natin
ang awa at
pagpapatawad ng
Diyos. (KPK 1775)
Inaatasan tayo ni
Hesus na maging
maawain at
mapagpatawad sa
ating kapwa.
(KPK 1776, Lucas
6:36-37)
Sino ang nagturo sa ating
maging maawain at
mapagpatawad?
Bakit mahalaga ang pagiging
maawain at mapagpatawad?
Sa buhay mo, kanino mo
naranasan na ikaw ay naging
maawain at mapagpatawad?
Panalangin ng Pagsisisi
Panginoong Hesukristo, ako'y nagkasala laban sa
iyong kabutihang walang hanggan. Ako'y nagsisisi
nang buong puso at nangangako na hindi na muling
magkakasala sa tulong ng iyong mahal na grasya.
Amen.
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like