Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Armi Isola Juliana J.

Ilumba Taon&Seksiyon: 9 Emerald

Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Buod

Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang
sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang
alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot.
Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes
sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan
ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.

Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung
kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang
kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang
amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo
sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid
sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong
sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang
isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay
Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli
siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan
ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita
ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng
tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang
kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo,
lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong
pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang
kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo
kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy.
Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan
ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan.
Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.

Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa


patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok
ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.

Aral – Kabanata 57
Hindi lahat ng taong pinaparusahan ay tunay na may sala. Ang gawaing ito ay hindi
makatarungan. Importante na may batas na nagpapairal sa sangkatauhan upang
mabigyang proteksyon ang mga taong nililitis pero wala namang sala.

You might also like