Safety Policy

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ALITUNTUNING PANGKALIGTASAN

Ang COMPAGO ENGINEERING SERVICES ay nais ipaalam sa lahat ng mangagawa nito na may
alituntuning Pangkaligtasan sa Safety, Health at Environment Programa na magiging gabay para
maiwasan ang anumang panganib sa pook paggawa. Malaking bagay ang gagampanan ng bawat isa sa
atin sa pagsulong ng ligtas na paggawa sa ating araw araw na gawain.

Ang panganib sa bawat proyekto natin ay palaging naroroon kaya binuo ang pang-kaligtasan manual na
ito para na rin maging gabay natin sa pagtatrabaho.

Safety Orientation sa lahat ng Mangagawa Bago Man o Ililipat sa Ibang Proyekto

Ang Safety Orientation sa mga mangagawa ay kailangang sa mga bago at ililipat na proyekto para
maibahagi at maipaunawa ang Alituntunin at Programang Pangkaligtasan ng ating kompanya.Sa
pamamagitan nito maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagpapatupad ng alituntunin at tuluyang
mawala ang sakuna o aksidente sa ating pook paggawa.

Pangunahing Layunin ng Alituntuning Pangkaligtasan

Zero Accident. Maiwasan ang mga sakuna at aksidente.

Katungkulan at Karapatan ng Mangagawa

-Sundin ang Alituntuning Pangkaligtasan sa pook paggawa.


-Magsuot at ingatan ang gamit pangkaligtasan (PPE).
-Siguraduhin na ang pook paggawa ay maayos at ligtas.
-Palitan ang depektibong gamit.
-Ipaalam ang hindi maayos na patatrabaho at mga aksidente maliit man o malaki.
-Makipagtulungan sa ibibigay na medical exam.
-Magbigay ng opinyon para mas ganap na maging epektibo ang Alituntuning Pangkaligtasan.
-Ipagbigay alam sa mas nakatataas na opisyal ng kompanya kung ang Superbisor o mga Inhinyero ng
proyekto ay hindi nagbibigay ng aksyon sa problema ng Alituntuning Pangkaligtasan.

Katungkulan at Karapatan ng Pinapasukang Kompanya

-Siguraduhin na ang pook paggawa ay ligtas sa mga posibleng aksidente na maaaring mangyari. Ipaalam
sa mga empleyado kung paano iligtas ang kanilang sarili sa posibleng aksidente na hindi makontrol.

-Magbigay kaalaman sa mga empleyado ng pag-aaral kung paano malalaman ang mga posibleng
aksidente sa pook paggawa.

-Magbigay kaalaman sa mga manggagawa sa tamang paggamit ng ladders, power actuated tools, power
equipment at iba.

Page 1 of 7
Pagsusuot ng mga Gamit Pangkaligtasan (PPE)

-Hard Hat – Kailangan na mayroong hard hat na may Chin Strap ang bawat manggagawa at laging suot sa
lahat ng pagkakataon.
-Safety Shoes – Kailangan na ang bawat manggagawa ay mayroong Safety Shoes na steel toe.
-Safety Gloves o Welding Mask – Kung kinakailangan sa gawain dapat na nakasuot ng safety gloves o
welding mask ang trabahador para mapangalagaan ang kanilang mata o pakapaso.
-Safety Glasses o Face Shield – Kung ang isang mangagawa ay naatasan na magsinsil o magbalot ng foam
insulation kinakailangan magsuot nito para maiwasan ang posibleng pagkapuwing o iritasyon sa mata.
- Safety Belt o Harness – Ang Safety belt o Harness ay kailangang isuot kung nasa mataas na puwesto na
lagpas ng 2 metro para makaiwas sa pagkahulog.

Pag–Iingat ng Hard Hat

-Ugaliing inspeksiyunin ang inyong hard hat kung ito ay may may basag na.
-Palitan ang inyong hard hat kung ito ay nabagsakan o dili kaya ay naapektuhan na ng electrical shock.
-Huwag sadyain na butasan ang inyong hard hat para lagyan lamang ng palamuti.
-Huwag itago ang hard hat direkta sa sinag ng araw dahilan ito ng dagliang paglutong ng plastik nito.
-Huwag pinturahan ang inyong hard hat dahil mahirap na mapansin kung ito ay may basag at hihina ito
sa paglaban sa electric shock.

Ang Tamang Kasuotan sa Pagtatrabaho

-Ang pagsusuot ng tamang damit ayon sa uri ng trabaho ay makakapagligtas sa posibleng panganib.
-Ang pagsusuot ng short o sando ay hindi dapat ugaliin ng mga mangagawa.
-Iwasan ang pagsusuot ng maluwang na damit. Ito ay maaring pagmulan ng aksidente lalo na kung
gumagawa sa makina.
-Hindi dapat na magsuot ng anumang alahas sa oras ng trabaho lalo na kung nag ooperate ng tools o
makina dahil ang mga alahas ay daluyan ng kuryente.
-Panatilihing malinis ang damit .Ang damit na palagiang may grasa o marumi ay madali ng mapunit.

Wastong Paggamit ng Ladder

-Kung gumagamit ng ladder sa mas matarik na angulo dapat lamang na talian ito sa mataas na bahagi
para maiwasn ang posibleng pagkawala ng balanse o pagkadulas nito.
-Huwag bumaba o umakyat sa ladder na nakatalikod.
-Huwag ugaliing may hawak ang mga kamay habang umaakyat sa ladder.
-Hindi dapat na gamitin ng magkasabay na tao ang ladder.
-Huwag ng gamitin ang ladder na may depekto na.

Ladder Standard

-Ang baitang ng ladder na gawa sa metal ay hindi dapat na madulas.


-Ang stepladder ay kailangang may lock kung ito ay nakabukas para mapanitili ang balanse nito.

Page 2 of 7
Scaffoldings

-Ang rolling scaffolds ay kailangang mayroong lock para hindi gumalaw at maprotektahan ang tao na
nasa itaas nito.
-Ang taas ng scaffolds ay hindi dapat na mas mataas ng apat na beses na walang suporta sa ilalim nito.
-Ang gulong ng scaffolds ay kailangang nasa frame at naka screw para sa mas stable na pagkakatayo
nito.
-Ang gulong ay dapat na palagiang naka lock maliban na lamang kung ito ay ililipat ng ibang lugar.

Hoisting Materials

-Protektahan ang rope sa mga dumi at sa posibleng pagkaputol nito. Huwag ikalat kung saan ang rope.
-Itago ang rope sa lugar na maayos at madaling makita.
-Huwag gamitin ang rope kung ito ay malapit ng maputol o ang strand nito ay bawas na.
-Magsuot ng gloves kung gumagamit ng wire rope. Kung ang wire rope ay mayroon sirang strand ito ay
makakasugat sa kamay.
-Iwasan ang wire rope habang may itinataas na materyales lalo na kung ito ay bumubuhat ng mabigat
namateryales.
-May kakayahan ang wire rope na maghati ng katawan ng isang tao kung ito ay mapatid.
-Ingatan ang wire rope sa pakaputol ng strand nito.

Hoisting Safety

-Magtalaga ng flagman kung nagtataas ng anumang materyales.


-Huwag tumayo malapit sa itinataas na materyales nandoon ang posibilidad na madaganan kung
mapatid ang anumang uri na gamit sa pagtataas.
-Ang inaangat na bagay ay hindi dapat malapit sa high voltage wires.
-Magsuot ng gamit pangkaligtasan (PPE)
-Huwag subukang itulak ang inaangat na materyales na isang tao lamang. Maghanap ng
katulong.

Electrical Safety

-Huwag gumamit ng depektibong equipment.


-Ugaliing palagiang inspeksiyunin ang ginagamit na extension chord.huwag hayaan na mabalatan ang
wire dahil nandoon na ang panganib na makuryente.
-Gumamit ng royal chord na extension wire.

Shop Safety

-Watch Your Step! Ang ating shop ay maraming bagay na maaaring matapakan.
-Pulutin ang mga materyales na hindi na kailangan at ilagay sa tamang lugar.
-Magsuot ng gamit pangkaligtasan ( PPE ).
-Mag – ingat sa mga bagay na gumugulong.

Page 3 of 7
-Huwag magbuhat ng sobrang bagay na maaring magdulot ng pinsala sa katawan.
-Huwag ugaliing saluhin ang mga bagay na nahuhulog. Maaaring pagmulan ito ng kapahamakan lalo na
kung ito ay matulis na bagay.
-Huwag maglaro o makipagharutan kung nag papaandar ng makina.
-Huwag gumamit ng damit na maluwang .Ito ay maaring makain ng makina.

Press Brakes

-Watch Your Hands! Magsiguro kahit na mayroong takip ang preno ng isang makina hindi pa rin
nakasisiguro na ligtas ang ginagamit na makina.
-Huwag ugaliin na ilagay ang inyong kamay sa pindutan ng preno.
-Kung ikaw ay gumagawa sa makina na ginagamitan ng preno na may kasama siguraduhin na isa sa inyo
ay alam ang kung paano ito gamitin.

Machine Guards

-Siguraduhin na ang ginagamit na makina ay mayroong machine guards.


-Huwag tangalin ang machine guards ng inyong makina.
-Siguraduhin na ibabalik ang machine guards pagkatapos ayusin ang nasirang makina.
-Huwag paandarin ang makina kung walang machine guards.

Hand and Power Tools

-Huwag ilagay ang mga handtools sa inyong mga bulsa


-Huwag ihagis ang handtools sa mga kasamahan sa trabaho.
-Siguraduhin na ang wooden tools ay walang sira
-Huwag humawak ng maliit o matulis na bagay kung gumagamit ng screwdriver. Kapag ang screwdriver
ay dumulas sa inyong kamay maaari kayong masugatan nito.
-Siguraduhin na ang Safety Guards nito ay nakakabit bago gamitin.
-Gumamit ng gamit pangkaligtasan kapag gagamit ng grinder (PPE).
-Huwag hayaan na mayroong ibang tao sa harap habang ginagamit ang grinder. May posibilidad na
matangal ang talim nito habang ginagmit ang grinder.

Power Actuated Tools

-Palagiang ilagay sa maayos na lugar ang mga gamit.


-Huwag dalhin ang maraming gamit sa ibang lugar lalo na at hindi ito kailangan.
-Alamin ang tamang paggamit ng bawat tools.
-Huwag gamitin ang tools kung mayroong maaring maunog sa paligid nito.
-Magsuot ng tamang gamit pangkaligtasan (PPE).
-Kung nasa taas ng ladder at gumagamit ng tools siguraduhin na nasa tamang balanse at gumagamit ng
safety harness.

Page 4 of 7
Welding and Soldering

-Magsuot ng tamang damit kung nag wewelding.


-Ang synthetic na uri ng damit ay madaling masunog.
-Magsuot ng Welding mask at gloves habang nagwewelding.
-Hindi dapat na nakasuot ng anumag alahas kung nagewewlding.
-Ilagay ang sarili sa tamang direksiyon na hindi makakaabala o tatamaan ng apoy ang Ibang tao habang
nag wewelding.
-Abisuhan ang ibang trabahador bago simulan ang welding works.
-Tingnan ang paligid kung ang apoy ng welding ay nagdudulot ng pagkasunog.
-Maglagay ng fire watcher habang nag wewelding.
-Palagiang magkaroon ng fire extunguisher.

Pag iingat sa Pagkapaso at Pagkasunog

-Gumamit ng tamang pagsindi sa pagwewelding. Ang paggamit ng posporo o sigarilyo ay magdudulot ng


pagkasunog sa kamay.
-Huwag magdala ng Butane Ligther sa bulsa o damit. Maaari itong pagmulan ng sunog.
-Linisin ang lugar na pagtatrabahuhan bago simulan ang pagwewelding.
-Huwag ibaba ang torch ng welding kung ito ay mayroon pang apoy.
-Palagiang magkaroon ng fire extuiguisher habang nag wewelding.

Gamitin ng Ligtas ang Oxygen

-Huwag gumamit ng oxygen para lamang ipanglinis ng inyong katawan.


-Huwag lagyan ng langis ang oxygen regulator.
-Huwag gamitin ang grasa o langis sa bahagi ng oxygen.Ang paggamit o paghahalo nito ay
pagmumulan ng sunog.

Ang Paggamit ng Acetylene

-Palagiang ilagay sa tamang pressure na 15 psi ang acetylene hose. Ang biglaang pagtataas ng pressure
ay maaaring pagmulan ng pagkasunog
-Palagiang iwanan ang wrench malapit sa may tangke para sa madaliang pagsasara kung magkakaroon
ng aksidente.
-Buksan ang acetylene valve sa ika apat na bahagi nito para sa madaliang pagsasara kung magkakaroon
ng emergency.
-Huwag amuyin o singhutin ang acetylene gas. Ito ay magkakaroon ng pansamantalang pagkahilo at
panandaliang pagkawala sa sarili.

Page 5 of 7
Pag-iwas Toxic Fumes

-Siguraduhin na may tamang bentilasyon sa lugar na pinagtatrabahuhan. Siguraduhin na may tamang


layo ang mukha at ang welding fumes.
-Alisan ng pintura ang metal na pag weweldingan .Maaaring mayroon itong lead.

Paghihinang

-Magsuot ng proteksiyon sa mata habang nag sosoldering. Ang flux o solder ay makakaapekto sa mata
kung ito ay masyadong malapit.
-Magkaroon ng tamang bentilasyon habang gumagawa.
-Lumayo hangang maaari sa soldering fumes dahil ito ay mayroong lead.
-Ilagay ang sodering iron sa tamang lugar. Huwag ipatong ang soldering iron sa maaaring pagmulan ng
sunog.
-Gumamit ng basang basahan kung lilinisan ang dugtungan na pinagsoldering.
-Kung sa labas gagawa siguraduhin na ligtas sa panganib ng pagkasunog.

Emergency Procedures

-Alamin kung saan nakalagay ang first aid na mga gamot kung magkakaroon ng aksidente.
-Tumawag ng empleyado na may kaalaman sa paunang lunas.
-Tumawag nag tulong o dalhin sa malapit na ospital kung ang naaksidente ay nagtamo ng malubhang
pinsala.
-Huwag galawin ang biktim hangang maaari.Obserbahan ng mabuti.
-Bigyan ng tamang daluyan ng hangin ang biktima.

Dapat Gawin Kung Magkakaroon ng Aksidente sa Site

-Ipagbigay alam ang aksidente maliit man o malaki sa loob ng 24 oras sa Engineer, Safety Officer o sa
Supervisor.
-Magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring aksidente o sakuna.
-Bigyan ng Paunang lunas.
-Dalhin sa malapit na ospital kung kailangan.
-Ipaalam sa main office at sa malapit na kamag anak ng biktima.

Mga Pangunahing dahilan ng Aksidente o Sakuna

-Wala sa loob na paggawa at hindi pinag iisipan ang trabaho.


-Hindi pagsunod sa ibinibigay na alituntunin.
-Hindi pagsunod sa ibinibigay na pagsasanay.
-Paggamit ng mga sira o sariling gawang kagamitan.
-Hindi maayos na pagsusuot ng mga gamit pangkaligtasan.
-Hindi pagsunod sa mga babala o warning devices.

Page 6 of 7
-Hindi paglilinis o maruming pook pagawaan.
-Paglalaro o pakikipagbiruan habang nag tatrabaho (Horseplaying)

AKSIDENTE – Isang di inaasahang pangyayari na dahilan upang masaktan ang isang manggagawa ,
Masira ang ari – arian o kagamitan at pagkatigil ng proseso ng gawain.

INSIDENTE – Isang di inaasahang pangyayari na muntik na o maaaring maging dahilan upang masaktan
ang isang manggagawa,masira, ang ari – arian kagamitan at matigil ang isang proseso ng gawain.

Page 7 of 7

You might also like