Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

Seatwork #1

I. IDENTIPIKASYON:PANUTO:IBIGAY ANG HINIHINGING SAGOT NG BAWAT KATANUNGAN


AT ISULAT SA PATLANG

Komunikasyon 1.Ito ang tawag sa pagpapalitan ng impormasyon ng dalawang tao.

Berbal 2.Uri ng Komunikasyon na kung saan ito ay naghahatid ng mga mensahe gamit ang mga salita.
Ang pangunahing sangkap nito ay ang wika.

Di-Berbal 3.Uri ng Komunikasyon na kung saan ito ay naghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng


kilos at galaw ng katawan.

Kinesika (kinesics) 4.Uri ng Di- Berbal na kung saan ito ay nagpapahayag sa pamamagitan ng kilos at
galaw

Proksemika (proxemics) 5.Uri ng Di- Berbal na kung saan ito ay pag-aaral ng komunikatibo gamit ang
espasyo

Mga Artifact 6.Uri ng Di- Berbal na kung saan ang mga damit na suot ng tao ay nagpapahayag ng
mensahe.

Paghipo o Haptics 7.Uri ng Di- Berbal na kung saan ang pisikal na kontak ng mga kamay ay
nagpapahiwatig ng kahulugan

Paralanguage 8.Uri ng Di- Berbal na kung saan ito ay tumutukoy sa tono ng tinig

Pananahimik 9.Uri ng Di- Berbal na kung saan ang bawat indibidwal ay walang imik at hindi
nagsasalita

Chronemics 10.Uri ng Di- Berbal na kung saan ang konsepto ng panahon na may kaugnayan sa
Komunikasyon

Kapaligiran 11.Uri ng Di- Berbal na kung saan ito ang lugar kung saan magaganap ang isang
Komunikasyon

Kulay (Colorics) 12. Uri ng Di- Berbal na kung saan ito ay tumutukoy sa kulay

Bagay (Objectics) 13. ng Di- Berbal na kung saan ito ay ang bagay na ginamit upang mailahad ang
mensahe

II. ENUMERASYON:PANUTO:IBIGAY ANG HINIHINGING SAGOT NG BAWAT BILANG

14-17 URI NG KINESIKA

EXPRESYON NG MUKHA

GALAW NG MATA

GALAW NG KAMAY (KUMPAS)

TINDIG O POSTURA
18-20 URI NG KUMPAS NG KAMAY

REGULATIVE

DESCRIPTIVE

EMPHATIC

21-23 URI NG PROKSEMIK

ESPASYONG INITIMATE

ESPASYONG PERSONAL

ESPASYONG SOSYAL

24-27 ANTAS NG KOMUNIKASYON

INTRAPERSONAL

INTERPERSONAL

KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO

KOMUNIKASYONG PANGMASA

28-29 URI NG KOMUNIKASYON

BERBAL

DI-BERBAL

30-35 SANGKAP NG KOMUNIKASYON

NAGPADALA NG MENSAHE (SENDER)

MENSAHE (IMPORTASYON)

DALUYAN O TSANEL NG MENSAHE

TAGATANGGAP NG MENSAHE (RECEIVER)

TUGON O PIDBAK

POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON


SEATWORK #2 (BAHAGI 1)

A. TUKUYIN KUNG ANONG BAHAGI NG PANANALITA ANG SALITANG NAKA PULA.(10 PUNTOS)
1. Si Linda ay naglilinis ng bahay habang si Jose ay naglalaro sa bakanteng lote. Pangatnig
2. Ang mga bata ay pumunta sa Mall upang mag-grocery. Pantukoy
3. Inihanda ni Regine ang pagkain kay Angeline. Pangngalan
4. Sila ang kumuha ng ball pen ko. Panghalip
5. Si Joshua ay mas maganda kaysa kay Ian. Pang-uri
6. Si Rogen ay naglalaro ng basketball habang si Jefferson ay naglalaro ng cellphone. Pangatnig
7. Si Jamaica ay nagwalis sa bakuran. Pangngalan
8. Ang mga Atleta ay maglalaro para sa kanilang tagumpay. Pangawing
9. Ang batang mahusay sa asignaturang Filipino. Pang-angkop
10. Ang bata ay tumalon. Pandiwa

B. TUKUYIN KUNG ANONG PANG-ANGKOP ANG GAGAMITIN SA MGA SUMUSUNOD(NG, G, NA)


(10PUNTOS)

1.Ang banal __ kaulatan. NA

2.Ang malinis __ hangin. NA

3.Ang matalim __ espada. NA

4.Ang maitim __ dyaket. NA

5.Ang kotse __ pula. -NG

6.Ang berde __ sapatos. -NG

7.Ang dalawa __ mata. -NG

8.Balon __ malalim. -G

9.Dahon __ tuyo. -G

10.Kanin__ sunog. -G

C. PUNAN ANG AKRONIM AT IPALIWANAG ANG BAWAT LETRA SA MODELONG SPEAKING (10
PUNTOS)

S- (setting at scene) – ito ay ang lugar kung saan nagaganap ang komunikasyon

P- (participants) – kung sino ang kausap mo sa pakikipagkomunikasyon at binabatay din ng tagapagsalita


ang kanyang tono ng pananalita ayon sa kanyang kausap.

E- (ends) – kung ano ang patutunguhan ng pakikipag komunikasyon at kung ano ang gusto ipahayag ng
tagapagsalita

A-(act sequence) – kung pano ang takbo ng usapan at ayos ng usapan ng tagapagsalita at tagapakinig.

K- (keys) – ito din ay tumutukoy sa pormal at di-pormal na pag uusap ng tagapagsalita at tagapakinig
Dinidepende ito sa gamit ng salita at sa pananamit ng tao ayon sa kanilang galaw o kilos.
I- (instrumentalities) – kung ano midyum na usapan ng tagapagsalita at tagapakinig o ang gagamitin sa
pakikipag komunikasyon

N-(norms)- dito inaangkop ng tagapagsalita ang kanyang gagamitin upang makipag komunikasyon

G-(Genre)- isinasangalang alang ang uri ng pag sasalita o kaganapan.

Seatwork # 3

1.Naglaba___ang mga lalaki sa kalsada *. Raw

2.Pupunta___ang mga bata mamaya * Roon

3.Uminom siya___isang basong tubig * ng

4.Tumakbo___mabilis ang bata * nang

5.Ang aking kaibigan ay tawa ___ tawa * nang

6.Tayo nang___ang dumi sa sahig * walisin

7.Bukas___mo ang hardin dahil may panauhing darating * walisan

8.Si Lea ang ___ saing tuwing gabi * taga

9.___mo ang bagong labas na mantikilya na ito * subukan

10.Si Maria ay nakaharang sa ___ kaya siya ay nabangga ni Leo * pintuan

11.Gawa sa narra kanilang ___ * pinto

12.Ang kanyang mata ay___bukas * ooperahin

13.Nais siyang ___ ng doktor sa lalong madaling panahon * operahan

14.Huwag mong___ng dumi ang iyong pisngi * pahiran

15.Tayo nang___ng floorwax ang sahig * pahiran

16.___kumakanta sa labas * may

17.___kaming lakad mamayang hapon * mayroon


18.Pumupunta siya sa simbahan___Linggo * kapag

19.___ang aking pusa dahil sa lason * namatay

20.Pupunta na sana ako sa inyo ___ ka tumawag * kung di


ARALIN 1-2
KOMUNIKASYON

•KAHULUGAN

•KATANGIAN

• SANGKAP AT PROSESO

•ANTAS

• URI NG KOMUNIKASYON

• URI NG DI-BERBAL

KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

- ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitanng pasalita o pasulat na paraan.


- isang intensyunal na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang
makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa
isa pa.
- proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sapamamagitan ng paggamit ng
simbolikong cues namaaaring berbal o di-berbal.

Kahulugan ng Kontekstwalisadong Komunikasyon:

- ang paggamit ng wika sa iba't ibang sitwasyong pangkomunikasyon sa isang lipunan.

- ito ang paggamit ng wika bilang daluyan ng isanginter/multidisiplinaryong diskurso na nakaugat sa


mgarealidad ng isang lipunan.

KATANGIAN NG KOMUNIKASYON

1. Ang komunikasyon ay isang proseso

Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong
daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.

Decoding - ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya
tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko.


- Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga
taong sangkot sa proseso.
3. ANG KOMUNIKASYON AY KOMPLIKADO.
- Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, Iniisip niyang persepsyon ng
kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.

4. MENSAHE, HINDI KAHULUGAN, ANG NAIPADADALA AT NATATANGGAP SA KOMUNIKASYON


- Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

5. HINDI TAYO MAAARING UMIWAS SA KOMUNIKASYON.


- Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay
nakapagpapadala tayo ng mensahe

6. LAGING MAY DALAWANG URI NG MENSAHE SA PROSESO NG KOMUNIKASYON

Relasyunal - di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.


Panlinggwistika - pasalita, gamit ang wika

SANGKAP AT PROSESO NG KOMUNIKASYON

1. NAGPADALA NG MENSAHE
2. MENSAHE
3. DALUYAN O TSANEL NG MENSAHE
4. TAGATANGGAP NG MENSAHE
5. TUGON O PIDBAK
6. POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON

1. SENDER, Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.


2. MENSAHE, Inpormasyon
Dalawang uri ng mensahe:
a) mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika.
b) mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal.
3. Daluyan o Tsanel ng Mensahe
Kategorya ng daluyan:
a) daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama
b) daluyang institusyunal - mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile phone.
4. Tagatanggap ng Mensahe Receiver
- Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kanyang natanggap.
5. Tugon o Pidbak
Ang pagbibigay tugon o pidbak ay isang mahalagang paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa
komunikasyon.
Tatlong uri:
(a)tuwirang tugon
(b)di-tuwirang tugon
(c)naantalang tugon
6. Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon Communication noise o Filter
- Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.
Apat na uri:
a) semantikong sagabal
b) pisikal na sagabal
c) pisyolohikal
d) saykolohikal

PROSESO NG KOMUNIKASYON

May limang elemento proseso ang mabisang komunikasyon. Ang mga bahaging ito ay maaring
ipahayag sa mga sumusunod.

APAT NA URI NG SAGABAL SA KOMUNIKASYON

01 SEMANTIKONG SAGABAL
- Matatagpuan ito sa salita o pangungusap mismo
02. PISIKAL NA SAGABAL

- Ang mga ingay sa paligid, madilim na ilaw at malakas na tunog ay maaaring mauri sa sagabal na ito.

03. PISYOLOHIKAL NA SAGABAL

- Matatagpuan mismo sa katawan ng encoder at decoder.

04. SIKOLOHIKAL NA SAGABAL

- Ang pagkakaiba-iba ng kinalakihang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na


maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
ANTAS NG KOMUNIKASYON

1. Intrapersonal na komunikasyon

Ito ay isang kognitibong proseso o nagaganap sa internal na katauhan. Ang pagkikipag-usap sa sarili ay
tinatawag na intrapersonal na komunikasyon. Ayon nga sa halimbawa ni Taylor "Consciously or
unconsciously, intrapersonal communication continues as long as we are alive". Nagagawa nating
kausapin ang ating sarili dahil may mga gawain tayong hindi natin nagawa at tayo ay nanghinayang.

2. Interpersonal na komunikasyon

Ito ay nangyayari sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng tao o pangkat. Ang uri ng komunikasyong
ito ay humuhubog sa ating pakikipag-ugnayan o relasyon sa ating kapwa at mataas ang bahagdan ng
komunikasyong nagaganap sa ating lipunan. Sa ganitong kaganapan ang mga kasangkot sa
komunikasyon ay nagbibigay ng mensahe.

3. Pampublikong komunikasyon

Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nangyayari sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao. Ang
pakay nito ay maglahad o humimok upang gumalaw nang naaayon sa kanyang paniniwala. Halimbawa
ay komersyal at talumpati.

4. Pangmasang komunikasyon

Ang mga elekronikong kagamitan gaya ng komputer, telebisyon, radyo, at iba pang midyum ay ginagamit
na tsanel o daluyan ng komunikasyon.

ANTAS NG KOMUNIKASYON:

INTRAPERSONAL- Komunikasyon pansarili. Nagaganap sa isang indibidwal lamang

INTERPERSONAL - Komunikasyon na nangyayari sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.

KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO- Isinasagawa sa harap ng maraming mamamayan o tagapakinig.

KOMUNIKASYONG PANGMASA- Komunikayong gumagamit ng mass media, radyo, telebisyon at


pahayagan

Komunikasyong berbal at di-berbal

Berbal- ang komunikasyong berbal ay tumutukoy sa lahat ng uri ng nasusulat at sinasalita.

Di-berbal- ang komunikasyong di-berbal naman ay tumutugon sa lahat ng aspetong hindi ginagamitan ng
salita.

Mga anyo ng Di-berbal na komunikasyon:

1. KINESIKA (Kinesics) - pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.


a. EKSPRESYON NG MUKHA -nagpapakita ng emosyon.
b. GALAW NG MATA - nagiiba ang nais ipahatid batay sa tagal, direksyon at kalidan ng kilos ng
mata.
c. Galaw ng kamay (kumpas)
- ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kaparaanang magagawa
katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol atbp.
ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at
nakatutulong ito sa mabisang paghahatid n mensahe.
Maaaring ang kumpas ay:

1. Regulative

-katulad ng kumpas ngpulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas ng isang


guro sapagpapatahimik

ng mga bata.

2. Descriptive

-naglarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay.

3. Empathic

-nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ngkamay sa mesa atbp.

d. Tindig o postura - tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong
klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
2. PROKSEMIKA (Proxemics)
- pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall
(1963), isang antropologo.
a. ESPASYONG INITIMATE
- malapit o halos nagkakadikit na ang mga katawan, nagpapamalas ng pagmamahal o
apeksyon sa tao.
b. ESPASYONG PERSONAL
- 18 pulgada hangang 4 na talampakang comfort zone, para itong bula na nagsisilbing
proteksyon ng isang tao at hindi basta dapat pinapasok n estranghero.
C. ESPASYONG SOSYAL
mga kaibigan at taong kakilala.
3. Kulay (Colorics)
- nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Halimbawa: kulay asul at pula sa bandila ng
pilipinas

4. Bagay (Objectics)
-Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang rito ang mga
elektronikong ekwipment.
5. MGA ARTIFACT

ang mga gamit na suot ng tao na nagpapahayag ng mensahe.

6. PAGHIPO (Haptics)

ang pisikal na kontak ng mga kamay sa kapwa o sa isang bagay na nagpapahiwatig ng iba't ibang
kahulugan, gaya ng pakikisimpatya, paghanga sa kagandahan atbp.

7. PARALANGUAGE

- mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.

-tumutukoy sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba) pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita kasama
rin ang pagsutsot, buntong hininga, ungol at paghinto.

8. PANANAHIMIK

- Nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo o mag organisa ng


kanyang sasabihin. sa pag tahimik inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa
ng pagsasalita.

-ginagamit na sandata ng ilan para masaktan ang kalooban ng iba.

-ginagamit din itong anyo ng Sagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa iba.

9. ORAS O PANAHON (CHRONEMICS)

ang konsepto ng panahon na may kaugnayan sa komunikasyon.

hal. ang pagdating ng maaga ay nagpapahiwatig ng pagiging responsable at ang pagkahuli ng pagiging
pabaya

10. KAPALIGIRAN

nagsisilbing komunikasyong di-berbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo
at komunikatibong gawain sa buhay.

- ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya at iba pa ay tumutukoy sa uri
ng kapaligiran.

Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na gawain.

11. PANG AMOY

- - ang amoy ng isang tao ay nagpapahiwatig ng isang mensahe o nagdudulot ng bisa sa kanyang kapwa,
gaya ng pagiging elegante, pagkagaling sa trabaho atbp.

12. SIMBOLO (ICONICS)

- sa ating paligid ay maraming makikitang simbolo na may malinaw na mensahe.


Kakayahang Komunikatibo Halimbawa At Kahulugan
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
•Dell Hymes (1972)- isang lingguwista at antropologo, hindi lamang dapat
sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap,
kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon
KOMPONENT NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
•Kakayahang Lingguwistiko
•Kakayahang Sosyolingguwistiko
•Kakayahang Pragmatik
•Kakayahang Diskorsal

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
Kakayahan ng isang tao na makabuo nang maayos at makabuluhang
pangungusap.
- di malay o likas
ang linguistic performance ay hindi sukatan ng kakayahang lingguwistiko

Mga Bahagi Ng Pananalita


1. Pangngalan
Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o
pangyayari.
Dalawang uri ng PANGNGALAN:
1. Pangngalang Pambalana
• Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari
. Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon
2. PANGHALIP
Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan
upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi
magandang pakinggan.
Uri at Halimbawa:
1. Panao - ako, siya, sila
2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin
3. Pananong - sino, ano, kailan
4. Pamatlig - dito, doon
5. Pamilang - ilan, marami
6. Panaklaw - madla, pangkat

3. PANDIWA
Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Uri ng Pandiwa:
1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na mahirapan ang
walang tiyaga mag-aral.
2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon Halimbawa: Naglinis ng hardin si
Nena.
3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa:
Ang matiyaga nagwawagi.
4. PANGATNIG
Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa
pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o
ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
Uri ng Pangatnig at halimbawa:
1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay
nagkakasalungatan.
Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling
buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang
maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o
niloloob.
Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun
na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang
bagay o isipan.
Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya'y nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga
nasabi na.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang
diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.
Halimbawa: At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.
Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.
5. PANG-UKOL
Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,
pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.
Dalawang pangkat ng Pang-ukol
1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa,
tungkol sa, para sa.
Mga Halimbawa:
1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para
lamang sa ngalan ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay,
ayon kay, hinggil kay.
Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2. Para kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.

6. PANG-ANGKOP
Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa
pangungusap upang maging madulas O magaan ang pagbigkas ng ito. mga
Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga
salitang binibigyang turing nito.
Uri ng PANG-ANGKOP
1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang
naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang
kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.
2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa
mga patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa titik i
na isang patinig.
Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na
kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n.
Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay
kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman Maraming banging matatarik sa ating
bansa.
3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos
sa titik na n.
7. PANG-URI
Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang
pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito.
Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.
Napakaganda nga ng bistidang iyan!
Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
Ang sasakyan ay kulay pula.
Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.

8. PANG-ABAY
Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano,
kalian, saan at gaano.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan - tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang
isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
2. Pang-abay na Pamanahon - tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap
ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
- Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.
3. Pang-abay na Panlunan - tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng
aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
- Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.
5. Pang-abay na Panggaano- tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng
pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan. Halimbawa:
-Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon - ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-
ayon. Halimbawa:
-Opo. mahusay sumayaw si Gabby.
7. Pang-abay na Pananggi - nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
-Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.
8. Pang-abay na Panulad - ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.
Halimbawa:
- Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
9. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang
katiyakan.

9. PANTUKOY
Ang PANTUKOY ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o
pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri.
1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
ang, ang mga, mga ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
ang mga (maramihan)
Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.
mga (maramihan)
Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si,
sina, ni, nina, kay, kina
-sl (isahan)
Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro.
- sina (maramihan)
Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.
-ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila
dumating sa oras.
- nina (maramihan)
Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa arLuis arLuis.
kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam.
-kina (maramihan)
wa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro

10. PANGAWING
Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang
ayos pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago.
Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito
ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos
Halimabawa:
- Ako ay galing sa banyo.
Kakayahang Sosyolinggwistiko

Nakapailalim sa araling ito ang modelong SPEAKING.


- Ito rin ay tumutukoy sa masteri ng Sociocultural code ng isang wika. Ang
Sociocultural code naman ay ang batayan ng tagapagsalita kung paano nila
dapat gamitin ang isang wika.
DELL HYMES
S-(setting at scene) - lugar ng komunikasyon
P-(participants) - mga kasangkot sa komunikasyon
E-(ends) - ang layunin sa komunikasyon
A - (act sequence) - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari; mga gampaning
pangwika na nakapaloob sa komunikasyon
K - (keys) - ang tungo o pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalita
I-(instrumentalities) - mga kagamitan sa paghahatid ng mensahe o istilo na
ginagamit sa pag-uusap (verbal at di verbal)
N-(norms) - mga pamantayang kultural; kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa
isang sitwasyon
G-(genre) - uri ng pananalitang nakalahad sa sitwasyon.
KAKAYAHANG PRAGMATIK
- pagbibigay-kahulugan dito ng tagatanggap ng mensahe sang ayon na rin sa
nais ipahatid ng tagapaghatid nito.
- ang lantad at di-lantad nitong kahulugan sa anumang konteksto hinggil sa
kultura.

LARANGAN NG PRAGMATIK

"BINIBIGYANG-PANSIN DITO ANG GAMIT NG WIKA SA MGA KONTEKSTONG


PANLIPUNAN GAYUNDIN KUNG PAANO LUMILIKHA AT NAKAUUNAWA NG
KAHULUGAN ANG TAO SA PAMAMAGITAN NG WIKA" - George Yule
"ANG KAKAYAHANG ITO AY TUMUTUKOY SA KAALAMAN KUNG PAANO
NAIUUGNAY ANG WIKA SA SITWASYON NA PINAGGAGAMITAN NITO." - Noam
Chomsky
ANG BAWAT MENSAHE AY MAYROONG KAHULUGAN PARA SA MGA
TAGAPAGSALITA (SPEAKER MEANING)- Paul Grice
SPEECH ACT THEORY J.L AUSTIN (1911-1960)
ILLUCOTIONARY FORCE- pakiusap, utos, panga ko
LOCUTION- patanong at pasalaysay
PERLOCUTION- pagtugon sa hiling, pagbibigay atensyon

Kostumer sa tindera:
"Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?"
PAGKAKAIBA
a. Illocutionary Force: Paraan ng pag-uutos kung may tubig.
b. Locution: Patanong
C. Perlocutionary: Pagsunod ng tindera sa kahilingang mabigyan ng tubig
Ikaw ba ang gumuhit ng larawan?
PAGKAKAIBA
a. Pagtiyak kung sino ang gumuhit.
b. Papuri sa naging resulta.
C. Pang-iinsulto sa estilo ng guhit.
D. Pagkalito sa iginuhit.
Sa iyo ba ang bag na ito?
a. Pagtiyak kung sino ang may-ari.
b. Papuri o pagkutya sa hulma ng bag.
c. Pagkainis sa nakita.

PRAGMATIKS SA KOMUNIKASYON
MAHALAGANG ELEMENTO NG KAKAYAHANG PRAGMATIK ANG PAG-ALAM SA
KUMBENSIYON NG SOSYOLINGUWISTIKA UPANG MAISAKATUPARAN NANG MAY
KAANGKUPAN ANG GAMIT NG WIKA SA ISANG KONTEKSTO. MAKAKAMTAM ITO
SA PAMAMAGITAN NG:
- PAG-ALAM SA LAYUNIN NG PAKIKIPAG-USAP
- UGNAYAN NG MGA SANGKOT SA USAPAN
- PAKSA NG USAPAN
- SITWASYONG UMIIRAL SA USAPAN
WASTONG GAMIT NG SALITA

Nang
- pangatnig na panghugnayan
- tagapagpakilala ng pang abay na pamaraan at pamanahon
- tagapag-ugnay ng salitang ugat na inuulit at pandiwang inuulit
Gamit sa pang-abay na pamaraan
Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
3. Aalis siya bukas nang umaga.
Nang
1. Kasingkahulugan ng NOONG
2. Kasingkahulugan ng UPANG
3. Pinagsamang NA at ANG
4. Pinagsamang NA at NG
5. Pinagsamang NA at NA
6. Nagsasaad ng PARAAN
Halimbawa:
1. Sariwa pa sa aking alaala ang mga tagpo NANG (noong) ako ay bata pa.
2. Mag-aral kang mabuti NANG (upang) makatapos ka sa 'yong pag-aaral.
3. Labis NANG (na ang) panglalait ang natamo niya.
4. Isinagad NANG (na ng) tsuper ang kanyang apak sa silinyador.
5. Umalis ka NANG (na na) hindi man lang nagsuklay.
6. Inabot niya NANG patingkayad ang dumi sa ibabaw ng tokador.
Ng
1. Sinusundan ng pangngalan
2. Sinusundan ng pang-uri
3. Sinusundan ng pamilang

Halimbawa:
1. Ang tokador ay puno NG damit.
2. Ang balon NG tubig ay tuyo na.
3. Bumusina nang malakas ang tsuper NG taksi.
4. Kumuha siya NG malamig na tubig.
5. Kumuha siya NG isang basong tubig.
6. Nagsama siya NG sampung kawal.

Raw, Rito, Rin, Roon at Rine


ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig ( a, e i, o, u) o
malapatinig (w, y).
Halimbawa:
- Pumunta ką rito.
- Taga-Cebu rin si Imelda.
- Nag-aaway raw ang mga bata.
- Maliligo rine ang mga dalaga.
- Patungo roon ang mga kandidato.

Daw, Dito, Din, Doon at Dine


- ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
Halimbawa:
- Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
- Pupunta rin dito ang mga artista.
- Yayaman din tayo balang araw.
- Dito ba tayo maghihintay?
- Doon na tayo mananghalian sa bahay.
May at Mayroon
Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan (mapaisahan o maramihan),
pandiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
1. May anay sa dingding na ito.
2. May kumakatok sa pinto.
3. May dalawang araw na siyang hindi umuuwi

Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig


o pang-abay na panlunan.
Halimbawa:
1. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
2. Mayroon iyang malaking suliranin.
3. Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?

Kapag at Kung
•Ipinakikilala ng kung ang di katiyakan ng isang kalagayan.
• Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa:
- Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
- Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.
- Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
- Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.

Pinto at Pintuan
. Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung ang
tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
. Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o
pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
- Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
- Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.

Subukin at Subukan
Subukan - pagtingin nang palihim
Subukin - pagtikim at pagkilatis
Halimbawa:
- Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay
- Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.

Taga at Tiga
• Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling
kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.
Halimbawa:
- Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
- Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.
Walisan at Walisin
•Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis
•Walisan ang pook o lugar Halimbawa:
Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
-Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahoon

Operahin at Operahan
Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
- Operahan - tumutukoy sa tao
Halimbawa:
Ang tumor sa dibdib ng may sakit ay ooperahin mamaya.
Si Luis ay ooperahan sa Martes.

Kung di at Kundi
Ang kung di ay galing sa salitang kung hindi" o if not sa Ingles; ang kundi naman ay
except.
Halimbawa:
•Aalis na sana kami kung di ka dumating.
• Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.
Napatay at Namatay
Napatay-may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya
Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o
anumang dahilang hindi sinasadya; ginagamit din sa patalinghagang paraan doon
sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
Napatay ang aking alagang aso

KAKAYAHANG DISKORSAL

KAKAYAHANG DISKORSAL
-kakayahang umunawa at makapagpahayag isang tiyak na wika.
DISKURSO
nangangahulugan ng "pag-uusap at palitan ng kuro"
-UP Diksyunaryong Filipino 2010
2 KARANIWANG URI NG KAKAYAHANG DISKORSAL
1. Kakayahang Tekstuwal
-kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang teksto
gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsyon, at iba
pang pasulat na komunikasyon.
2. Kakayahang retorikal
-tumutukoy naman sakahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersyon.
-kakayahang unawain ang iba't ibang tagapagsalita at makapagbigay ng ng mga
pananaw o opinion.
Pasalitang diskurso
-ay pag-uusap tulad ng pagkukuwentuhan, debate, at kamustahan.

Mapapansin sa bawat senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o


leksikal ang mga pahayag. Gayunman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan
dahil naunawaan ng bata ang pagkadismaya ni Nanay at mula rito ay tumugon
nang nararapat.
Ang pasalitang diskurso ay pag-uusap tulad ng pagkukuwentuhan, debate
at kamustahan.
. Ang pasulat na diskurso naman ay ang palitan ng liham at
korespondensiyang nangangailangan ng tugon. (De Vera 2010)
. Komunikatibong kakayahan ng isang indibidwal ay ang Kakayahang
Diskorsal (discourse comptence).
Ito ay nagbibigay-pansin sa kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang
serye ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang
makabuluhang kahulugan.
1. Naglaba___ang mga lalaki sa kalsada * raw

2. Pupunta___ang mga bata mamaya *roon

3. Uminom siya___isang basong tubig * ng

4. umakbo___mabilis ang bata * nang

5. Ang aking kaibigan ay tawa ___ tawa * nang

6. Tayo nang___ang dumi sa sahig * walisin

7. Bukas___mo ang hardin dahil may panauhing darating *walisan

8. Si Lea ang ___ saing tuwing gabi *taga

9. ___mo ang bagong labas na mantikilya na ito *subukan

10. Si Maria ay nakaharang sa ___ kaya siya ay nabangga ni Leo * pintuan

11. Gawa sa narra kanilang ___ *pinto

12. Ang kanyang mata ay___bukas *ooperahin

13. Nais siyang ___ ng doktor sa lalong madaling panahon * ooperahan

14. Huwag mong___ng dumi ang iyong pisngi * pahiran

15. Tayo nang___ng floorwax ang sahig * pahiran

16. ___kumakanta sa labas * may

17. ___kaming lakad mamayang hapon *mayroon

18. Pumupunta siya sa simbahan___Linggo *kapag

19. ___ang aking pusa dahil sa lason * namatay

20. Pupunta na sana ako sa inyo ___ ka tumawag * kung di

21. Ito ang tawag sa pagpapalitan ng impormasyon ng dalawang tao * komunikasyon


22. Uri ng komunikasyon na kung saan ito ay naghahatid ng mga mensahe gamit
ang salita *berbal

23. Uri ng komunikasyon na kung saan ito ay naghahatid ng mga mensahe gamit
ang kilos o galaw ng katawan * di-berbal

24. Uri ng Di-Berbal na kung saan ito ay nagpapahayag sa pamamagitan ng kilos o


galaw * kinesika

25. Uri ng Di-Berbal na kung saan ito ay ang pag-aaral ng Komunikatibo gamit ang
espasyo *proksemika

26. Uri ng Di-Berbal na kung saan ang mga damit na suot ay nagpapahauag ng
mensahe *artifact

27. Uri ng Di-Berbal na kung saan ang ito ay tumutukoy sa kulay


* colorics

28. Uri ng Di-Berbal na kung saan ang pisikal na kontak ng nga kamay ay
nagpapahiwatig ng kahulugan* haptics

29. Uri ng Di-Berbal na kung saan ito ay tumutukoy aa tono ng tinig


* paralanguage

30. Uri ng Di-Berbal na kung saan ito ay ang bagay na ginagamit upang mailahad
ang mensahe* objectic

31. Uri ng Di-Berbal na kung saan ang konsepto ng panahon ay may kaugnayan sa
komunikasyon * chronemics

32. Uri ng Di-Berbal na kung saan ito ang lugar magaganap ang usapan
* kapaligiran

33. Antas ng komunikasyon na tinatawag ding komunikasyong pansarili


*intrapersonal

34. Antas ng komunikasyon na kung saan ito ay nangyayari aa pagitan ng dalawa o


higit pang tao sa lipunan * interpersonal
35. Antas ng komunikasyon na kung saan ito ay isinasagawa sa harap ng maraming
mamamayan o tagapakinig * pampubliko

36. Antas ng komunikasyon na kung saan ito ay gumagamit ng mass media


*pangmasa

37. Kakayahan ng tao na makabuo ng maayos na pangungusap * linggwistiko

38. Kakayahan ng tao ng tumugon sa kausap * diskorsal

39. Kakayahan ng tao ng umunawa ng sinasabi ng iba * pragmatik

40. Kakayahan ng tao na makipagusap ng maayos *sosyolinggwistiko

41. Ang salitang "Shiela" ay anong bahagi ng pananalita? * pangngalan

42. Ang salitang "Sila"ay anong bahagi ng pananalita? *panghalip

43. Ang salitang "Tumakbo" ay anong bahagi ng pananalita?* pandiwa

44. Ang salitang "Habang" ay anong bahagi ng pananalita? * pangatnig

45. Ang salitang "para sa" ay anong bahagi ng pananalita? *pang-ukol

46. "Malinis NA hangin" ang salitang "NA" anong bahagi ng pananalita? *pang-
angkop

47. Ang salitang "Matamis ang Mangga" ay anong bahagi ng pananalita? *pang-uri

48. Ang salitang "Mabilis na tumakbo" ay anong bahagi ng pananalita? *pang-abay

49. Ang salitang "Ang mga" ay anong bahagi ng pananalita? *pantukoy

50. Ang salitang "Ay" ay anong bahagi ng pananalita? * pangawing

You might also like