Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

GAWAING PAGKATUTO 2&3

ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan ng Estudyante: ______________________________________________________

Petsa: _____________________________________________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO:
Ang Learning Activity Sheet o LAS na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga
paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang LAS na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng LAS na ito. Sa pamamagitan
ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating
mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


 Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas

III. MGA GAWAIN


Alamin Mo
Tulad ng nabanggit sa nakaraang arali, nahahati sa tatlong sangay ang pamahalaan ng
Pilipinas – ang tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagapaghukom. May kani-kaniyang saklaw na
gawain ang bawat sangay. Magkagayon man, iisa at nagkakaisa sila sa layunin na pagpapaunlad
ng bansa at mamamayan nito.
SANGAY NA TAGAPAGPAGANAP
 Binubuo ng Pangulo, pangalawang Pangulo at gabinete ng bansa
 Bilang pangulo siya ang tumatayong pinuno ng estado, pinuno ng pamahalaan, at punong
kumander ng Sandatahang Lakas. Kinakatawan niya ang bansa sa iba pang mga bansa sa
daigdig.
 Ang panglawang pangulo naman ay maaaring ppumalit sa Pangulo kung ito ay mamatay o
hindi na karapat-dapat sa kaniyang tungkulin. Sa paghalili sa pangulo, ang pangalawang
pangulo ang gumaganap ng mga tungkulin na iniwan ng Pangulo.

SANGAY NA TAGAPAGBATAS

 May dalawang kapulungan ang sangay na tagapagbatas ng bansa. Ito ang Senado at
Kapulungan ng mga Kinatawan. Binubuo ang Senado ng 24 na senador. Pinamumunuan ang
Senado ng Pangulo ng Senado na kadalasang nanggagaling sa mayorya o partido ng
nakararaming miyembro sa Senado.

SANGAY NG TAGAPAGHUKOM

 Pinamumunuan ng Korte Suprema o Kataastaasang hukuman. Binubuo ito ng isang Punong


Mahistrado at 14 na katulong na mahistrado. Ang court of Appeals o Sandiganbayan ay isang
espesyal na hukuman para sa mga opisyal ng pamahalaan na may kaso ng korapsyon.

MGA PINUNO NG MGA LOCAL NA PAMAHALAAN


Ang mga local na pamahalaan ay pinamumunuan ng mga alkalde ng baway lungsod o bayan.
Saklaw ng pamahalaang local ang mga lalawigan, lungsod, baan, at barangay.

Gawain 1

Hanapin sa hanay B ang taong inilalarawan sa hanay A. isulat sa patlang ang tamang sagot.

A B

_________ 1. Pinuno sa kapulunga ng mga kinatawan A. Pangulo


B. Punong Mahistrado
_________ 2. Pinuno ng senado
C. Pangulo ng Senado

_________ 3. Puno ng estado D. Pangalawang Pangulo


E. Ispiker
_________ 4. Maaring pumalit sa pangulo

_________ 5. Pinuno ng korte Suprema

GAWAIN 2

Isaayos ang jumbled letter upang mabuo ang 3 Sangay ng Pamahalaan

3 Sangay ng Pamahalaan

YSNGAA AN YSNGAA AN YSNGAA AN


TAASPAGBGATA TAAGAPAPGGPANA TGMPAAGAUKHO

1.______________________ 2. _____________________ 3. _____________________

GAWAIN 3

Kompletuhin ang talata. Pumili ng sagt mula sa kahon.

Sangay pambansa lalawigan interior pangulo

1. Ang antas ng pamahalaan ay nahahati sa dalawa: ang local at ang __________________________


antas.
2. Saklaw ng pambansang antas ang buong bansa na kinabibilangan ng tatlong
________________________ ng pamahalaan.
3. Ang ___________________________ ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga pamahalaang
local sa pamamagitan ng Kagawaran ng 4. ______________________ at local na pamahalaan o
Department of Interior and Local Government (DILG).
GAWAIN 4

 Ang pagkakaroon ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan ay


makatutulong upang matiyak na nag ginagawa ng bawat isang sangay ay naayon sa Saligang
batas.
 Maiiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan kung ang saklaw lamang ng bawat sangay ang
hahawakang tungkulin o gawain.
 Ang bawat sangay ng pamahalaan ay Malaya sa panghihimasok ng iba pang sangay.
 An pangulo, pangalawang pangulo, mga mahistrado ng Korte Suprema ombudsman, at mga
kasapi ng Komisyong Konstitusyonal na nagkaroon ng kaso ay maaring maalis sa tungkulin sa
pamamagitan ng impeachment.

PANUTO: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay maaaring maalis sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment maliban sa


_________.
a. Pangulo c. Gabinete
b. Pangalawang Pangulo d. Mahistrado

2. Kapag may pagsusuri at pagbabalanse ng kapangyarihan, maiiwasan ang ________.


a. Pananakop ng ibang bansa c. Pakikipag-ugnayan sa kapangyarihan
b. Pagmamalabis sa kapangyarihan d. pangingibang-bayan ng mga mamamayan
3. Kapag may pagsusuri at pagbabalanse ng kapangyarihan ang bawat sangay ng pamahalaan,
nangangahulugan na _____________________.
a. mas marami ang kapangyarihan ng isang sangay
b. nanghihimasok ang mga sangay sa isa’t isa
c. may pagmamalabis ang bawat sangay
d. Malaya ang bawat sangay
4. Hindi maaaring pakialaman ng alin mang sangay ang bawat isa maliban kung __________.
a. May kasunduan sila
b. Nanghimasok ang mga sangay sa isa’t isa
c. Hindi nagkakasundo ang mga mambabatas
d. May paglabag sa kapangyarihang nakasaad sa Konstitusyon
5. Sa kabila ng paghihwalay ng kapangyarihan ng mga sangay, pinangangalagaan nila ang kanilang
tungkulin dahil ___________________.
a. Malaya ang bawat sangay sa isa’t isa
b. Magkakaugnay pa rin ang mga sangay
c. May check and balance ng bawat sangay
d. Iisa lamang ang pinanggagalingan ng kanilang kapangyarihan.

IV. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. E
2. C
3. A
4. D
5. B
Gawain 2
1. Sangay na tagapagpaganap
2. Sangay na tagapagbatas
3. Sangay na tagapaghukom
Gawain 3
1. Pambansa
2. Sangay
3. Lalawigan
4. Interior
Gawain 4
1. C
2. B
3. C
4. D
5. A
6.

V. SANGGUNIAN
 K to 12 Most Essential Learning Competencies Skills (MELCs)
 Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-aaral
 DLP in Araling Panlipunan 4, kwarter 3
Inihanda ni:

VANESSA L CERILLO
Guro/ Grade 4-Diamond

You might also like