Professional Documents
Culture Documents
Reflection Kuwaresma 2023
Reflection Kuwaresma 2023
Reflection Kuwaresma 2023
Dahil sa kasalanan, naputol ang ugnayan natin sa Diyos. Ito po ang nais iparating ng misa
ngayong Linggo ng Palaspas. Sinasabi din po sa atin na ngayong kuwaresma, dapat tayo ay
handa nang magbago, handa ng magsisisi sa ating mga kasalan, at higit sa lahat tanggapin
si Kristo bilang ating Panginoon. Dapat po ay handa na tayong magbago dahil sa panahon
ng kuwaresma ay ililigtas tayo ng diyos sa ating mga kasalanan. Kaya nararapat tayong
magbago upang hindi masayang ang pagliligtas ni Hesus para sa atin. Sunod kailangang
magsisi tayo sa ating mga kasalanan dahil sa panahon ng kuwaresma ay panahon ng
pagsisisi sa ating mga kasalanan. Kaya nararapat tayong magsisi hindi lamang sa panahon
ng kuwaresma kundi sa araw-araw nating buhay. Sa huli, tanggapin natin ang Panginoon
ngayong kuwaresma dahil walang magiging bisa ang pagbabago at pagsisisi natin kung
hindi rin naman natin tatanggapin si Hesus bilang tagapagligtas. Ang kuwaresma ay
nagtuturo sa atin na dapat tayong magbalik-loob sa Panginoon. Kaya naman, sabay-sabay
tayong magsakripisyo upang mapatawad tayo sa ating mga kasalanan ngayong Kuwaresma
2023.
Submitted by: Gian Tristan Valencia Submitted to: Mr. Genesis Magbanlac