Professional Documents
Culture Documents
Yunit Ii Mercedes F. Dorde Fil. 104
Yunit Ii Mercedes F. Dorde Fil. 104
Yunit II
A. EXERCISES/DRILLS:
Si Rose ay isang nurse sa abroad, ang anak nyang panganay ay nasa Pilipinas at
nag ta-trabaho bilang call center agent at ang bunso nya naman ay nurse din sa Pilipinas.
Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho bilang pahenante sa isang pribadong kompanya.
Taon taon umuuwi si Rose sa kaniyang pamilya pero lagi itong mag isang kumain
sa mesa. Malungkot si Rose dahil minsan na ngalang syang umuwi, hindi nya pa
nakakasabay sa hapagkainan ang kaniyang pamilya dahil na din sa iskedyul. Gusto ni
Rose namakasabay ang kaniyang pamilya pa minsan-minsan sa pagkain subalit lahat ay
abala sa kanilang trabaho. Araw araw nagdarasal si Rose na sana magkasabay na silang
kumain ng kanyang pamilya. Bumalik na sa abroad si Rose.
Pasko na, umuwi si Rose sa Pilipinas at hindi na ito babalik sa abroad dahil gusto
nyang manatili at pagtounan ng pansin ang kanyang Pamilya. Hindi nya inakala sa araw
ng pag-uwi nya ay may suprisang dala ang kanyang pamilya. Naiiyak sya dahil sa wakas
nakasabay nya na din sa pagkain ang kanyang pamilya. Masayang masaya silang
nagkwekwentuhan tungkol sa mga nangyari sakanila noon at ngayon. Hindi sya
makapaniwala dahil dito. mahal na mahal nya ang kanyang pamilya at nagpapasalamat
sya sa Diyos na tinupad ang kanyang hiling, ang makasama at makasabay sa pagkain ang
kaniyang buong pamilya.