Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Joana Marie P.

Solano
CU2ABMM21

Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating


natanggap mula pa sa ating mga ninuno. Ito ang
nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkaka
unawaan at tulay sa magandang ugnayan. Bilang isang
mamamayan ng bansang Pilipinas at matatag na Pilipino
ang ating sariling wika ay regalong dapat pakaingatan
para na rin sa mga susunod pang mga henerasyon.
Ugaliin itong gamitin at ipagmalaki saan man tayo
makarating. Laging pakatandaan na ang wika ang
sumisimbolo sa ating pagka Pilipino.Ano ba ang
napapansin mo sa ating sariling wika? marami na bang
mga nagbago? ano ba ng naidudulot sayo ng ating
wikang Filipino? Ang pagbabago ay kailanman hindi natin
maiiwasan bagkus gamitin itong tama na magdudulot
ng positibong resulta.

Mapapansin natin sa ating kapaligaran na bawat araw


ay napakaraming mga pagbabagong nagaganap maging
sa ating mga sarili merong mga pagbabagong
nangyayari. Ang pagbabago ay hindi masamang bagay
marahil minsan ito ay nagdudulot ng masamang resulta
pero kadalasan naman ay maganda ang kinalalabasan.
Kagaya ng ating sariling wika and wikang Filipino ito ay
sinasabing wikang mapagbago na kung saan maraming
mga magagandang naidudulot sa bawat isa sa atin
kagaya na lamang ng mas nauunawaan natin ang ating
mga kausap at mas naipapahayag nating mabuti ang
ating mga nararamdaman at gustong sabihin sa ating
kapwa. Iilan lamang yan sa mga mabuting epekto ng
palaging pagamit ng ating wika.

You might also like