PT G7 Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANGATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at tukuyin kung ano ang tinutukoy nila
mula sa mga ibinigay na pagpipilian sa ibaba ng bawat isa.

1. Ano ang tawag sa pagbibigay-diin o lakas sa pagbigkas ng salita?


A. pantig C. tono
B. diin D. antala
2. Ano ang tawag sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang maipabatid nang
malinaw ang kahulugan ng pahayag?
A. antala C. tono
B. diin D. pantig
3. Bukas luluhod ang mga tala. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. listahan C. burador
B. bituin D. papel
4. Ito ay tawag sa pagtaas-baba sa pagbigkas ng pantig sa iisang salita. Ito ay maaaring
bigkasin sa mataas at,karaniwan o sa mababang tono.
A. diin C. tono
B. antala D. ponema
5. Si Angela/Maria tawagin mo na. Ano ang kahulugan ng pahayag?
A. Ipinatatawag kay Maria si Angela.
B. Si Angela Maria ay ipinatatawag.
C. SI Maria ay tinawag ni Angela.
D. Ipinatatawag silang dalawa.
6. Ito ay pahulaan o patuturan.
A. Tulang Panudyo C. Tugmang de Gulong
B. Bugtong D. Palaisipan
7. Isa sa mga uri ng bugtong na ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika.
A. Talinghaga C. Palaisipan
B. Bugtong D. Tulang Panudyo
8. Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matatagpuan sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at tricycle.
A. Tugmang de Gulong C. Palaisipan
B. Bugtong D. Tulang Panudyo
9. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “PARA!” sa tabi tayo hihinto. Ano
ito?
A. Bugtong C. Tulang Panudyo
B. Palaisipan D. Tugmang de Gulong
10. Nagpakilala ito na ang ating mga ninuno ay may makukulay na kamusmusan.
A. Tugmang de Gulong C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Palaisipan
11. Isang pangungusap o tanong n may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas.
A. Tugmang de Gulong C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Palaisipan.
12. Ito ay isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng paglutas nito.
A. Tugmang de Gulong C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Palaisipan
13. Nilalaman din nito ang mga uri ng pasahero, katangian ng drayber at mga pang- araw-
araw na sitwasyon sa pagbibiyahe, pamamasada tulad ng ‘di pagbabayad ng pasahe.
A. Palaisipan C. Bugtong
B. Tulang Panudyo D. Tulang Panudyo
14. Ito ay nasa anyong tuluyan itoy gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin.
A. Palaisipan C. Bugtong
B. Tugmang de Gulong D. Tulang Panudyo
15.Isa sa mga katangian ng bugtong ay, ______________?
A. Sukat C. Palaisipan
B. Pahulaan D. Porma
16. Ito ay tumutukoy sa karaniwang kahulugan na mula sa diksyunaryo o salitang
ginagamit sa pinaka karaniwan at simpleng pahayag .
A. denotasyon C. kasingkahulugan
B. konotasyon D. konteksto
17. Ito ay pahiwatig at hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling kahulugan
ng isang tao o pangkat ng iba .
A. denotasyon C. kasingkahulugan
B. konotasyon D. konteksto
18. Alin sa sumusunod na pangkat ng salita ang may angkop na mga miyembro?
A. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Jeepney driver, Ferdinand Marcos
B. itim, dilaw, mansanas, asul
C. aso, pusa, elepante, liyon
D. lapis, ballpen, kutsara, papel
19. Ang kanyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Ano
ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na ito?
A. nakabibingi C. umuungol
B. nakalilito D. umaakit
20. Nagpatawing-tawing ang dahon habang nahuhulog ito mula sa sanga ng kahoy dahil sa
lakas ng hangin. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita ayon sa konteksto ng
pangungusap nito?
A. Nagpaanod-anod C. Nagpatangay-tangay
B. Lumilipad D. Sumasabay-sabay
21. Ito ay isang awitin na karaniwang may paksa ng pag-ibig, pangamba, pamimighati,
kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan na maaring ginawa upang maging panukso sa kapwa.
A. awitin/tulang panudyo C. korido
B. tugmang de Gulong D. tulang panukso
22. Ito ay mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip,
bus at traysikel. Karaniwa’y nakabatay sa mga kasabihan o salawikain.
A. awitin/tulang panudyo C. tugmang de gulong
B. awiting bayan D. tulang panukso
23. Isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
A. sawikain C. tugma
B. bugtong bayan D. palaisipan
24. Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang may angkop na miyembro?
A. mangga, malunggay, upo, atis
B. kamote, ubas, ube, gabi
C. talong, malunggay, okra, kalabasa
D. palay, mais, trigo, saging
25.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tugmang de gulong?
A. ang de’ magbayad walang problema, sa karma palang bayad kana
B. isda ko sa Marivelis, nasa loob ang kaliskis
C. Palda, pantalon, jacket, at Pajama
D. bata batuta! isang perang muta!
26. Ito ay isang kuwentong nagpasalinsalin-dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan.
Karaniwang tinatalakay nito ang mga diyos at diyosa.
A. alamat C. mito
B. kuwentong-bayan D. maikling kuwento
27. Ito ay nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
A. alamat C. mito
B. kuwentong-bayan D. maikling kuwento
28. Kuwentong bunga ng imahinasyon, kadalasan ang mga tauhan ay nakakaaliw
tulad ni Pilandok.
A. alamat C. mito
B. kuwentong-bayan D. maikling kuwento
29. Alin sa ibaba ang halimbawa ng alamat?
A. Ang Pilosopo C. Sinukuan
B. Pilandok D. Pinagmulan ng Pinya
30. Alin sa ibaba ang halimbawa ng mito?
A. Ang Pilosopo C. Pilandok
B. Ang Hukuman ni Sinukuan D. Pinagmulan ng Pinya
31. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng kuwentong-bayan?
A. Ang Pilosopo C. Juan tamad
B. Ang Pinagmulan ng Saging D. Si Pilandok
32. Ang mga gumaganap sa kuwento na nagtataglay ng iba’t ibang karakter.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
33. Ito ay tumutukoy sa lugar na ginaganapan ng mga pangyayari sa kuwento.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
34. Ito ay nagsasabi kung tungkol saan ang istorya ng kuwento.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
35.Ito ay nagpapahayag kung ano ang mensaheng napapaloob sa kuwento.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
36.Ang mga sumusunod ay bahagi ng kuwento maliban sa isa.
A. gitna C. tuktok
B. simula D. wakas
37.Ito ang katapusan ng kuwento kung saan na nag-iiwan sa iyo ng mensahe na maaaring
magbigay ng panibagong paniniwala o pagpapahalaga.
A. gitna C. tuktok
B. simula D. wakas
38.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang puwedeng gamitin na pagsisimula ng kuwento?
A. kasunod C. pagkatapos
B. noong unang panahon D. sa huli
39.Ito ay sentro o pangunahing tema sa talata na kadalasan ay makikita sa unang
pangungusap.
A. detalye C. pansuportang kaisipan
B. pangunahing ideya D. wala sa nabanggit
40.Mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang
pangungusap.
A. detalye C. pansuportang kaisipan
B. pangunahing ideya D. wala sa nabanggit

41. Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla,
“bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin.” Ito ang ipinalalagay na pangunahing
dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula na tinatawag na?
a. Awiting bayan c. Karunungang bayan
b. Kuwentong bayan d. Maikling kuwento

42. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa
atin ng ating mga ninuno. Ano ang kahulugan ng salitang nakahilis sa pangungusap?
a. Mailihim c. malaman
b. Maisumbat d. maibigay
43. Ano ang pangunahing ideyang isinasaad ng tulang “Ang Sariling Wika”?
a. Hindi wikang Kapampangan ang pinakamainam na wika sa Pilipinas dahil ito ay ginagamit
lamang sa isang lugar.
b. Bawat wika sa Pilipinas ay mahalaga at dapat igalang.
c. Walang magandang ibubunga ang pakikialam sa wikang Kapampangan dahil ito ito
mauunawaan ng bawat isa.
d. Ang wikang Tagalog lamang ang dapat na iiral sa Pilipinas dahil ito ang pambansang wika
sa bansa.

44. Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba.
a. Pagkabahala sapagkat paano ako mabubuhay ng sariling wika.
b. Pagdududa sa sinabing may kaluluwa ang wika.
c. Pagkamarangal sapagkat ipinagmamalaki ko ang sarili kong wika.
d. Pagkadakila sa wikang ngayon ko lamang kinilala.

45. Minamahal nating wika ay maihahambing sa pinakadakila

Ito’y may ganda’t pino, aliw-iw at himig na nakahahalina


Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha
a. Pagmamalaki sa ganda ng ating sariling wika.
b. Pagkalungkot sapagkat mas gusto ko ang Ingles.
c. Pagkainis sapagkat wala naman akong nakitang kagandahan ng wikang kinaginasnan.
d. Pagwawalang-bahala sa kung anuman ang katangiang taglay ng wikang kinagisnan.

46. Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang


pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag ang pagpaparating ng
tamang damdamin sa pagpapahayag. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
ponemang suprasegmental?
a. Intonasyon, Tono at Punto c. Hinto o Antala
b. Haba at Diin d. Palaisipan

47. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “Ang ganda ng tula?”

a. Nagsasalaysay na maganda ang tula.


b. Nagpapahayag ng lubhang kasiyahan sa ganda ng tula.
c. Nagtatanong/ nagdududa kung maganda ba ang tula.
d. Nagsasabing maganda ang tula.

48. Ang wika ay ________________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon. Alin ang
angkop na salita para sa pangungusap?
a. /bu.hay/ c. buh-ay
b. /buhay/ d. /bu—hay/

49. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon at kolon sa pagsulat
upang maipakita ito.
a. Intonasyon, Tono at Punto c. Hinto o Antala
b. Haba at Diin d. Palaisipan

50. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito? “Hindi, akin ang makapal na aklat na
iyan!”
a. Sinasabing hindi sa kanya ang aklat na itinuturo.
b. Sinasabing siya ang may-ari ng aklat na itinuro.
c. Sinasabing hindi makapal ang aklat.
d. Sinasabing makapal ang aklat na itinuturo.

You might also like