Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan NG Linggwistika
Kahulugan NG Linggwistika
Kahulugan ng Linggwistika:
1
Maka-agham na pag-aaral ng wika na kung saan maituturing na isang bahagi ng liwanag na
magsisilbing patnubay sa pag-unawa sa mga masalimuot at kahanga-hangang kapangyarihan ng
wika. ( Gloria V. Miano )
Ayon sa aklat , ANG WIKA , LINGGWISTIKA AT KOMUNIKASYON SA ASPEKTO NG
PAKIKINIG AT PAGSASALITA , pinag-aaralan at sinusuri sa Linggwistika ang istruktura,
katangian, pag - unlad at iba pang bagay na may kaugnay sa isang wika at ang relasyon nito sa
iba pang wika.
Ang Linggwistika ay ang sangay na siyang nag-aaral ng Wika, at paano nakakaapekto ito,
kasabay ang mga kultura dito, at kung saan ito nagmula.
Lope K. Santos- kinikilalang “ Ama ng Pambansang Wika at Balarila” ( Balarila, Palatuntunan,
Palabuuan, Palaugnayan, Talasalitaan, Palatitikan, Panitikan, at Saling-wika )
Polyglot- tawag sa taong maraming alam na wika, DALUBWIKA ang tawag sa mga taong
napapakadaluhasa sa wika.
KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA:
Masasabing nagsimula ang maagham na pag-aaral sa wika mula nang magtanung-tanong ang tao
ng ganito: Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng tao? Papaano nalikha ang
unang salita? Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito? Bakit ganito o gayon
ang tawag sa ganito o ganiyong bagay? … atbp.
Mga Teologo(Theologians) Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong
katanungan. Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika. Sinasabing ang pagkakaroon ng iba‘t- ibang
wika sa daigdig ay parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao .
Subalit ang mga pala-aral nang unang panahon, tulad nina Plato at Socrates, ay hindi nasiyahan
sa mga ganong paliwanag ng simbahan.• Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika.• Sa kanilang
mga sinulat ay mababakas angkanilang halos walang katapusang pagtatalu-talo tungkol sa
pinagmulan at kakanyahan ngwika. ( Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay
nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa
kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay
nagmula sa homo sapiens o mg unang tao ).
Si Plato (mga 427-347 B.C.E.) ay isang paganong pilosopong Griego. Siya ay ipinanganak sa
Atenas sa isang maharlikang pamilya at may mataas na pinag-aralan. Malaki ang naging
impluwensiya sa kaniya ng kilaláng pilosopo na si Socrates at ng mga tagasunod ng matematiko at
pilosopong si Pythagoras.
MATAPOS maglakbay sa mga rehiyon sa Mediteraneo at sumali sa pulitika
sa Siracusa, isang Griyegong lunsod sa Sicilia, bumalik si Plato sa Atenas,
kung saan itinatag niya ang Akademya. Ang Akademya, na sinasabing ang
kauna-unahang unibersidad sa Europa, ay naging isang sentro ng
pagsasaliksik sa matematika at pilosopiya.
Malaki ang naging impluwensiya ng mga turo ni Plato sa relihiyosong
paniniwala ng milyun-milyon, pati na sa mga nag-aangking Kristiyano, na
karamiha’y nag-aakalang ang mga paniniwalang ito ay batay sa Bibliya.
2
Pangunahin sa mga turo ni Plato ang ideya na ang tao ay may imortal na
kaluluwa na nananatiling buháy pagkamatay ng katawan.
“Ang imortalidad ng kaluluwa ay isa sa paboritong paksa ni Plato.”—Body and
Soul in Ancient Philosophy
Gayon na lang ang interes ni Plato sa kabilang-buhay. Sinasabi ng aklat na
Body and Soul in Ancient Philosophy na “ang imortalidad ng kaluluwa ay isa
sa paboritong paksa ni Plato.” Talagang kumbinsido siya na “nananatiling
buháy ang kaluluwa pagkamatay ng katawan para tumanggap ng gantimpala
o parusa” sa kabilang-buhay, depende sa mga ginawa ng isa noong
nabubuhay pa siya sa lupa. *
PAANO LUMAGANAP ANG MGA TURO NI PLATO? Sa siyam na siglong
pag-iral ng Akademya ni Plato, mula 387 B.C.E. hanggang 529 C.E.,
napakalakas ng naging impluwensiya nito. Ang mga ideya ni Plato ay naging
popular sa mga lupaing sakop ng Gresya at Roma. Pinaniwalaan ito ng
pilosopong Judio na si Philo ng Alejandria, pati na ng maraming lider ng
Sangkakristiyanuhan. Dahil dito, ang mga paganong pilosopiya, kasali na ang
imortalidad ng kaluluwa, ay unti-unting naging bahagi ng turo ng Judaismo at
Kristiyanismo.
Ang teolohiya ng mga Kristiyano ay naimpluwensiyahan, sa paanuman, ng
pilosopiyang Griego, pangunahin na ng turo ni Plato,” ang sabi ng The
Anchor Bible Dictionary, “pero may ilang pilosopong Kristiyano na . . . angkop
lang na tawaging mga Kristiyanong Platonist.” Paghambingin ang sinasabi ng
sumusunod na mga akda.
Ayon kay Plato: “[Kapag namatay,] kung ano talaga ang bumubuo sa atin, na
tinatawag nating imortal na kaluluwa, ay paroroon sa ibang mga diyos, . . .
para magsulit—isang bagay na buong-tapang na hinaharap ng mabubuti,
pero lubhang kinatatakutan ng masasama.”—Plato—Laws, Book XII.
Ang sabi ng Bibliya: Ang kaluluwa ay ang tao mismo o ang buhay na taglay
niya. Ang mga hayop man ay kaluluwa. Kapag namatay, hindi na umiiral ang
kaluluwa. * Pansinin ang sumusunod na mga teksto sa Bibliya:
“Ang unang taong si Adan ay naging kaluluwang buháy.”—1 Corinto
15:45.“Sinabi ng Diyos: ‘Bukalan ang lupa ng mga kaluluwang buháy ayon sa
kani-kanilang uri, maamong hayop at gumagalang hayop at mailap na hayop
sa lupa.’”—Genesis 1:24.
“Mamatay nawa ang aking kaluluwa.”—Hukom 16:30.
“Ang kaluluwa na nagkakasala—iyon mismo ang mamamatay.”—
Ezekiel 18:4.
Maliwanag, hindi itinuturo ng Bibliya na may humihiwalay na kaluluwa kapag
namatay ang tao. Kaya tanungin ang sarili, ‘Ang mga pinaniniwalaan ko ba ay
nakasalig sa Bibliya o sa pilosopiya ni Plato?’
3
Bagaman pinalaganap ni Plato ang ideya na may imortal na kaluluwa, hindi
siya ang kauna-unahang naniwala sa ideyang ito. Matagal na itong laganap
sa mga paganong relihiyon, kasali na ang sa Ehipto at Babilonya.
Itinuturo ng Bibliya na ang mga patay ay parang natutulog lang, at
naghihintay ng pagkabuhay-muli. (Eclesiastes 9:5; Juan 11:11-14; Gawa
24:15) Kabaligtaran nito, ang sinasabing imortal na kaluluwa ay hindi
namamatay at hindi nangangailangan ng pagkabuhay-muli.
“Ang paniniwala sa di-namamatay na kaluluwa ay hindi makikita sa Bibliya.”—
New Catholic Encyclopedia.
“Noon lamang matapos ang panahon ng Bibliya nagkaroon ng maliwanag at
matibay na paniniwala sa imortalidad ng kaluluwa . . . at naging isa sa mga
pundasyon ng mga pananampalatayang Judio at Kristiyano.” (Amin ang
italiko.)—Encyclopaedia Judaica.
“Ang paniniwalang patuloy na umiiral ang kaluluwa matapos mabulok ang
katawan ay isang pilosopikal o teolohikal na espekulasyon . . . at
samakatuwid nga’y hindi itinuturo ng Banal na Kasulatan.”—The Jewish
Encyclopedia. Si Plato ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensiyang
intelektuwal sa kasaysayan ng kulturang Kanluranin. Naging interesado siya
sa pulitika noong kabataan niya pero nadismaya siya sa sistema ng
gobyerno. Sumulat siya ng mga akda sa mga paksang gaya ng etika,
katarungan, karunungan, pagiging katamtaman, debosyon, kaluluwa, at
kagitingan. Ang pinakakilaláng estudyante ni Plato ay si Aristotle, na naging
edukador, pilosopo, at siyentipiko.
4
Unang nagkaanyo ang wika sa tunay nakahulugan nito, sapagkat ang mga wikang ito ang
dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at lumaganap nang puspusan sa Europa ng
panahong iyon.
Mapapansing kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo ang
kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika.
Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics, Ilan lang sa mga linggwistang laging nababanggit nang
mga panahong yaon. Itinuturing na syang nagsipanguna sa larangan ng agham –wika.
Hindi gaanong umunlad ang agham-wika sapagkat ang napagtuunang-pansin ng mga palaaral
noon ay kung papaanong mapapanatili ang Latin bilang wika ng simbahan.
6
Taong 1870 lumitaw ang IPA (International Phonetic Alphabet) na gumagamit ng hindi
kukulanging 400 simbolo.
Ang gayong dami ng simbolo ay naging suliranin hindi lamang sa mga dalubwika kundi gayundin
sa bumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik. Nagsimulang umisip ang mga dalubwika kung
papaano nila magagawang payak ang kanilang isinasagawang paglalarawan sa mga wikang
kanilang sinusuri.
Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes)na naging palasak na palasak hanggang sa
kasalukuyan. Sa pamamagitan ng ponema ay naging payak ang paglalarawan sa palatunugan ng
isang wika sapagka tkakaunting simbolo na lamang ang ginagamit.
Sa I.P.A. ( International Phonetic Alphabet ) ay binibigyan ng katumbas na simbolo pati mga
alopono ng isang ponema kaya‘t lubhang napakarami ang ginagamit na mga simbolo. Ang ponema
ay itinuturing na panulukang-bato ng linggwistikang-istruktural. Gumagamit din ang mga
instrukturalista ngkatawagang morpema (morpheme) sa pagsusuri sa palabuuan ng mga salita ng
isang wika.
Ang linggwistikang istruktural ay naging popularnoong 1925 hanggang 1955.Namukod-tangi sa
panahong ito ang pangalang Leonard Bloomfield ng Amerika. Subalit sa paglakad ng panahon ay
napansin ng mga dalubwika na hindi sapat na ilarawan lamang ang mga balangkas ng mga
pangungusap. Inisip din nilang kailangan ding alamin kung bakit‘ at kung paano‘ nagsasalita ang
tao.
Ang mga pantas (philosophers), mga sikologo(psychologists), antropologo (anthropologists), at
maging mga inhinyero (engineers) ay nangangailangan ng isang wikang inilalarawan sa
pamamagitan ng isang maagham na pamamaraan upang kanilang higit na maipahayag ang
kanilang karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal naparaan.
Pinabuti at pinayaman ni Zellig Harris na hindi nagtagal at nakilala sa tawag na “transformational‘ o
generative grammar‘.
Anthropological Linguistics
7
(phrase level) , Antas ng Sugnay (clause level) , Antas ng Pangungusap (sentence level) at Antas
ng Talakay (discourse level).
Phrase-Structure Transformational Generative Model- Masasabing nag-ugat sa logical syntax‘.
Dito‘y namukod-tangi ang pangalan niChomsky. May pagkakahawig sa linggwistikangsikolohika-
ang pagtarok sa sinasabi‘ at di sinasabi‘ ng nasasalita sa kanyang sariling wika.
Modelong Generative-Semantics- Sinundan nito ang transformational-generative. Kung ang una
ay nagbibigay-diin sa form o anyo,ang huli naman ay sa meaning o kahulugan. Dito‘y nakilala ang
pangalang Lakoff, Fillmore,McCawley, Chafe, atb.
Sa Pilipinas, masasabing ang pinakapalasak na modelo ay istruktural pa rin. Bukambibig na din
ang modelong transformational-generative ni Chomsky at ngkanyang mga kasamang tulad nina
Jacobs at Rosenbaum ngunit waring ang modelong ito‘y hindi makapasok sa larangan ng
pagtuturo ng wika sa mga paaralan.
Ang modelong generative-semantics aynagsisimula nang pumalit sa modelong transformational-
generative, gayundin ang modelong Case for Case ni Fillmore. Panahon lamang ang
makapagsasabi kung aling modelo ang sa dakong huli ang totohanang papalit sa modelong
istruktural.
Sa kasalukuyan, marami pang lumilitaw na modelo sa linggwistika.
Mathematical Linguistics o Linggwistikang Matematikal - Ang pinakahuli at ang ipinapalagay na
siyang magiging pinakamalaganap at gamitin sa mga darating na araw . Tinatawag din itong
computational linguistics‘. Hindi man ito gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na ito‘y
magiging palasak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng computer‘ sa lahat halos ng
larangan ng pag-unlad.
Ayon kay Constantino (1972; tingnan din ang Asuncion-Lande 1970) Ang pag-aaral sa mga wika
ay mapapangkat sa tatlong panahon: Panahon ng mga Kastila , Panahon ng mga Amerikano .
Panahon ng Kalayaan o Kasalukuyang Panahon.
8
natives were to be asked to repudiate their pagan cults but not their mother tongues. In 1582, the
Ecclesiastical Junta extended this axiom of Spanish missionary procedure to the Philippines.
Ang mga pag-aaral sa wika na isinagawa ng mga prayle,kung sa bagay, ay mga pag-aaral na hindi
sopistikado. Natural lamang na magkagayon sapagkat ang linggwistika ay hindi pa gaanong
nalilinang ng mga panahong iyon, bukod sa mga prayleng nagsagawa ng mga pag-aaral ay hindi
nagkaroon ng pormal na pagsasanay sa larangan ng agham-wika. Gayunpaman, ang isinagawang
pag-aaral ng mga prayle ay maituturing na napakahalaga bilang mga panimulang pag- aaral sa
ating mga katutubong wika.
Sa larangan ng wikang Tagalog na naging saligan ng wikang pambansa, masasabing bahagi ng
kasaysayan ang sumusunod na mga isinagawang pag-aaral ng mga prayle at ilang nakapag-aral
na Pilipino:
Nauukol sa Gramatika
Arte y Vocabulaŕio de la Lengua Tagala‟ ni Pari Juan de Quiñones. Nilimbag noong 1951.
Maraming naniniwala na ito ang kauna- unahang pananaliksik na isinagawa ng mga prayle ukol sa
wikang Tagalog. (cf. Phelan 1955)2.
Arte y Reglas de la Lengua Tagala‟ ni Pari Francisco Balancas de San Jose, O. P. Nilimbag ni
Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino) noong 1610.
Arte de la Lengua Tagala‟ ni Pari Gaspar de San Agustin. Nalathala nong 1703 at muling
nilimbag noong 1787.4.
Nueva Gramatica Tagalog‟ ni Pari Juan Coria (1872).
Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala (1878) ni Pari Toribio Minguella
Pari San Juan Plasencia - Sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang diksyunaryo sa
Tagalog, at isang katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong 1852.
Nauukol sa Talasalitaan
Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala‟ ni Pari Balancas de San Jose (1605)
Compendio del Arte de la Lengua Tagala‟ ni Gaspar de San Agustin (1703)
9
Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog‟ ni Sebastian de Totanes (1745)
Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala‟ ni Dr. Jose Rizal (1889)
Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo noong
panahon ng Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594, bilang
pagsunod sa kautusan ni Haring Felipe II.
Ang pagkakahati-hati ay gaya ng sumusunod: Ang Kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at
Jesuitas. Ibinigay diin sa mga Augustinian ang Ilocos at Pampanga. Ang mga Intsik at ang mga
lalawigan ng Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican. Ang mga Franciscan naman
ang pinangasiwa sa Kabikulan. Ang Katagalugan ay hinati rin sa apat na Orden.Sapagkat
nagkaroon ng kanya-kanyang tiyak napangangalagaan ang bawat Orden, nagkaroon ng sigla ang
pag-aaral sa mga katutubong wika na humantong sa paglilimbag ng mga gramatika atdiksyunaryo.
Ngunit kapansin-pansin na sinadya man o hindi ay napakaraming naisagawang pag-aaral sa
Tagalog.
Ayon kay Phelan: hindi kukulangin sa 24 na aklat ang nalimbag tungkol sa wikang Tagalog,
Samantalang 5 lamang sa mga wikang Bisaya. Ang dahilan marahil ay sapagkat Tagalog ang
wikang ginagamit sa Maynila na siyang pinakasentro ng pamahalaan.
Ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging sanhi ng panibagong pagtingin sa pag-
aaral sa mga wikang laganap sa kapuluan. Ang mga linggwistang paring Kastila‘y napalitan ng
mga linggwistang sundalong Amerikano.
Ano ba ang pinagkaiba ng layunin ng mga Kastila sa pag-aaral ng ating wika, sa layunin ng mga
Amerikano?
Kung ang pangunahing layunin ng mga Misyonerong Kastila ay mapabilis ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa kapuluan,ang mga Amerikano naman ay maihasik sa sambayanang Pilipino ang
ideolohyang demokratiko.
Ang naging suliranin ng mga prayleng Kastila at ng mga sundalong Amerikano ay iisa: Ang
kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang maisakatuparan ang kani-
kanilang layunin. At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mgaAmerikanong higit na madali kung sila
ang mag-aral ngmga pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilang hintayin na matuto ng Ingles
ang nakararaming Pilipino.
Isa pa, inisip din ng mga Amerikano na higit na magiging madali ang pagtuturo ng Ingles sa mga
Pilipino kung mauunawaan ng mga guro ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles sa iba‘t-ibang
wika sa kapuluan. Noon nagsimula ang pagsusuri sa mgapangunahing wika sa kapuluan, lalo na
sa Tagalog.
Handbook and Grammar in Tagalog” ni MacKinlay (1905) isang “Grammar of Ilocano” ni Henry
Swift (1909) at isang ―Primer and Vocabulary of Maguindanao ni R. S. Porter (1903).
10
May ilan ding pagsasaling-wika na isinagawa noon tulad ng: pagsasalin ni C. C. Smith (1906) sa
Ingles ng isang aklat sa gramatika ng wikang Magindanao na sinulat sa Kastila ni J. Juanmarti, at
ang pagsasalin ni O. T. Mason sa Ingles ng isang pananaliksik na sinulat ni F. Blumentritt sa
wikang Aleman noong 1899 tungkol sa mga tribo sa kapuluan at ang kani-kanilang wikang
sinasalita. (c.f. Constantino 1972)
Ngunit hindi lubhang lumawig ang pagsusuring-wika naisinagawa ng mga dalubwikang sundalong
Amerikano dahil sa pagkakapalit ng pamahalaang sibil sapamahalaang militar noong 1901.
Pumalit sa mga sundalong Amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan
sa pagsusuring-wika dahil karamihan sa mga ito‘y propesor sa mga unibersidad sa Estados
Unidos at sa Unibersidad ng Pilipinas na itinatag noong 1908.
Ayon kay Constantino, sa mga pangunahinglinggwista noong Panahon ng mga Amerikano, ay
nangunguna ang mga sumusunod: Cecilio Lopez (isang Pilipino), Otto Scheerer at H. Costenoble
(mga Aleman), Morice Vanoberbergh (misyonerong Belhikano), Carlos Everett Conant, Frank R.
Blake, at (mga Amerikano) Leonard Bloomfield.
Karamihan sa mga pagsusuring wika ay maituturingna historikal at deskriptiba (historical at
descriptive)
Sina Conant, Costenoble, at Scheerer ang kinilala sa disiplinang historikal. Ngunit ang higit na
kilala ay si Conant. Kung sabagay, hindi lamang sa larangan ng linggwistang historikal nakilala si
Conant. Isa rin sya sa mga unang nagsasagawa ng pag-aaral sa pagpapangkat-pangkat ng mga
wika sa kapuluan.
Ang totoo, ang itinuturing na una nyang artikulo sa linggwistika ay tungkol sa mga tunog na f at v
sa mga wika sa Pilipinas. Sinabi nyang karamihan sa mga wika sa Pilipinas aywalang f at v, mga
tunog na karaniwan sa wikang Malay. Ganunpaman ay nakatagpo sya ng kataliwasan nito.
Sinabi nyang ang mga wika sa dulong timog at hilaga ngkapuluan, tulad ng: Ibanag (at mga
diyalekto nitong Itawis), mga wika ng Igorot sa Bontoc at Benguet. sa gawing Timog, at ng Tiruray,
Bilaan at Tagakaolo sa gawing hilaga … ay nagtataglay ng mga tunog na f at v. Ito, anya, ay
naiiba sa sinabi ni Brandstetter na ang wikang Malay lamang ang nagtataglay ng f sa mga wikang
kanluranin ng Malayo-Polinesyo. (cf. Conant 1908);
Conant - Maraming isinagawang pag-aaral si Conant tungkol sa mga wika sa Pilipinas, ngunit ang
pinakakilala sa kanyang mga pananaliksik ay ang kanyang ―The RGH Law in Philippine
Languages‖ (1910) at ―The Pepet Law in Philippine Languages‖ (1912) na tumatalakay sa
nagaganap sa pagbabago sa mga tunog ng iba‘t-ibang wika sa kapuluan. Hal. Ang tunog na r sa
pagkakawatak-watak ng mga wikang mula sa Proto-Austronesian ay nananatili sa ibang wika,
samantalang sa iba ay nagiging g, h, y.
Ano nga ba ang RGH Law niConant?- Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo , (kilala rin sa
tawag na Austronesian). Pangalawang pinakamalaking angkan sa buong daigdig. (pinakamalaki
ang Indo-European) .Lumaganap ito sa mga kapuluan sa Pasipiko at sa gawing kanluran ng
Madagascar. Sa mga wikang buhat sa angkang ito ay kabilang ang mga sumusunod na
lumaganap sa gawing kanlurang Pasipiko: Malay- na lumaganap sa Sumatra, Malaya, Borneo at
iba pang karatig na pook; Indonesyo-wikang opisyal ng Indonesya - sinasabing nakabatay sa
wikang Malay , Javanese -ng Java, Balinese- ng Bali , Dayak-ng Borneo , Makassar- ng Celebes
11
Ang mga wika sa Pilipinas, (maliban sa Chavacano, lumaganap sa Cavite, Zamboanga, at Ermita,
buhat sa wikang Espanyol ng Angkang Romance) ay sinasabing nagmula sa wikang Indonesyo.
Sa mga wikang ito ng Pilipinas na tinanatayang hindi kukulangin sa 80 (hindi kabilang ang mga
diyalekto), ay higit na kilala ang Tagalog, Bisaya, at Iloco.
Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamit ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mga
wika sa Pilipinas noong mga unang panahon ng ating pagkabansa.
13
pagkakataong magtungo rito sa Pilipinas kahit minsan) at isang linggwistang Pilipino (Cecilio
Lopez).
Sa pag-aakala ng mga Amerikanong ang Pilipinas aymananatiling isang kolonya ng Amerika,
noong 1900,ay sinimulan sa Unibersidad ng John Hopkins ang pagsusuri at pag-aaral sa iba‘t-
ibang wika sa Pilipinas.
Si Blake, nagtapos sa nasabing unibersidad aynaatasang magsagawa ng pagsusuri sa mga wika
saPilipinas sa pamamagitan ng mga impormante upangituro sa mga Amerikanong may balak
magtungo saPilipinas.
Noong aralang-taong 1901-1902 ay sinimulan nya angpagtuturo ng Tagalog sa isang klase na may
8 mag-aaral.
Nang sumunod na taon ay Cebuano naman ang kanyang itinuro.
Bagama‘t hindi gaanong pinahahalagahan ng pamahalaanng Estados Unidos ang proyektong
isinasagawa saUnibersidad ng John Hopkins ay nagpatuloy pa rin si Blake sa pagsusuri sa mga
wika sa Pilipinas na tumagal nghalos 50 taon.
Ayon pa rin kay Constantino, sa pagitan ng 1902at 1950, ay nakasulat si Blake ng hindi
kukulanginsa 27 artikulo tungkol sa iba‘t-ibang wika saPilipinas.
Ang ilang halimbawa ay ang mga ss: (1) Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya
(2) Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya at ng Tagalog (3) Ang mga salitang
hiram ng Tagalog sa Sanskrito
Ang pag-aaral na isinasagawa ng Unibersidad ngJohn Hopkins tungkol sa iba‘t-ibang wika
saPilipinas.(5) Ang tungkulin ng pamahalaan ng Estados Unidossa paglinang ng aghamwika sa
Pilipinas sa wika(6) Pagsusuring-basa sa pagsusuring isinagawa niBloomfield tungkol sa
Tagalog(7) Pagtitipon ng mga pagsusuring isinagawa sa mgawika sa Pilipnas
Isang aklat tungkol sa gramatika ng Tagalog(9) Isang monograp tungkol sa sistema ng mga diin
saTagalog.
Pinangkat din ni Blake sa tatlo ang mga wika sa Pilipinas:
Pangkat Timog, na kinasasamahan ng Ilocano at Pangasinan
Pangkat Sentral, na kinasasamahan ng Tagalog, Bicol at mga wikang Bisaya.
Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
Sa Pangkat Hilaga ay kasama ang Magindanaw at Maranaw
Ngunit ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Blake sa linggwistika sa Pilipinas ay ang
kanyang aklattungkol sa gramatika ng Tagalog (1925).
Sa paraan ng paglalahad ni Blake sa gramatika ngTagalog ay malinaw na makikita ang
impluwensya ngmga pinakamahusay na mambababalarilang Kastila,tulad ni Totanes (1865).
Ang mga kategorya ng kanyang gramatika at mgakatawagang ginamit ay tulad ng ginamit ng
mgamambabalarilang Kastila na naimpluwensyahannaman ng mga tradisyunal na
mambabalarilangEuropeo.
Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wikasa Pilipinas ay labis nyang napag-uukulan ng
pansinang tatlong magkakaugnay na mga yunit sa mgagramatika:
Sinabi nya na bilang alituntuning pangkalahatan,masasabing ang lahat ng salita sa Tagalog,
maginganumang uri, ay maaaring gawing pandiwa.
14
Sinabi nyang, The verbalizing power of Tagalog andgenerally speaking of other Philippine
langages, andindeed of Malayo-Polynesian languages in general has soto speak run wild.‘
Ngunit hindi sang-ayon dito si Constantino, sa dahilang angkonklusyon ni Blake ay hindi salig sa
masusing pananaliksik.
Sinabi ni Constantino na hindi lahat ng salita sa Tagalog o saalinmang salita sa Pilipinas ay
maaaring kabitan ng makadiwangpanlapi.
Gayunpaman, naniniwala si Constantino na ang kakayahan saberbalisasyon ng Tagalog at ng iba
pang wika sa Pilipinas aymalinaw na isang natatanging kakayanhan ng mga wika saPilipinas; na
ang kakanyahang ito ang isa sa ikinaiiba ng mgawika sa Pilipinas sa ibang kaangkang wika ng
Austronesya.
Bloomfield
Ang pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sa gramatika ng Tagalog ang higit na kilala hanggangsa
kasalukuyan.
Ang totoo, may mga palaaral, tulad nina Lopez at Constantino, ang naniniwala na hanggang sa
ngayon ay hindi pa nahihigitan ang pagsusuring isinagawani Bloomfield sa Tagalog.
Ang pagkakalahathala ng aklat ni Bloomfield namay pamagat na ―Language
noong 1933 nakinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sagramatikang Tagalog at ang
kaalinsabay napaglaganap ng linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig angnaging dahilan upang ang pamamaraan ni Bloomfield ay gamiting modelo ng mga
ss. na palaaral sa wika.
Ang pagsusuri sa gramatikang Tagalog ni Bloomfielday lumikha ng rebolusyon sa pagsusuri ng
mga wika saPilipinas sa dalawang kadahilanan:(1) Ang sapilitang paggamit ng mga impormante sa
pagtitipon ng mga datos, at ang(2) Paggamit ng mga bagong katawagang panggramatika na
kapalit ng mga katawagang tradisyunal upang bigyang-diin ang pagkakaiba sa ibang wika (hindi
ang pagkakatulad) ng wikang sinusuri.
Ang gramatika ni Bloomfield ay naiiba kay Blake hindi sa lawak kundi sa paraan ng pagkakaayos
ng mga yunit panggramatika, gayundin ang mga kaisipang ginamit.
Kaiba sa pagsusuri ni Blake, ang pagsusuri ni Bloomfield sa gramatikang Tagalog ay
masasabinghigit na maagham.
Hinati ni Bloomfield sa tatlong bahagi ang kanyangpagsusuri sa Tagalog:
Bahagi I- kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa transkripsyong
pamponemika. Kasunod ang katumbas sa Ingles
Bahagi II- Kinapapalooban ng kanyang pagsusuri sa Tagalog na hinati nya sa phonetics, syntax
at morphology.
Bahagi III- katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng glossary.
Halimbawa: Sa seksyon ng ponemika ay inilarawan ni Bloomfield ang mga makahulugang tunog
ng Tagalog, ang pagpapantig at ang sistem ng diin. Sinabi nya na ang mga tunog na i at e,
gayundin ang o at u ay hindi maituturing na ponema, maliban sa mga salitang hiram. Inilarawan
nya ang dalawang uri ng diin, malakas at mahina, sa mga salitang Tagalog, na hindi matatagpuan
sa magkatulad na kaligiran, maliban sa ilang salita na maaaring bigkasin sa dalawang paraan.
15
Inilarawan din nya ang pagtaas ng tono at ang paghaba ng patinig na nagpapalangkap sa bawat
diin.
Ang pagtalakay ni Bloomfield sa sintaksis ng Tagalogay di-gaanong masusi, isang patotoo sa
kanyangpagkakaroon ng PHONETIC BIAS‘, gaya ng ibinibintangsa kanya ng kanyang mga
kritiko.• Pinangkat nya ang kanyang talakay sa apat:(1) Sentence and Word,(2) Subject and
Predicate,(3) Attribute at(4) Serial Relation
Sa morpolohiya naman ng Tagalog ay binigyan-diin ni Bloomfield ang pagagamit ng mga
panlapingACTIVE at PASSIVE , ang relasyon sa isa‘t-isa ngmga ito at sa iba pang panlapi na
nagbubunga ng (1) Mga salitang waring GERUND na tinawag nyang , ABSTRACTS OF ACTION,‘
o (2) Mga NOMINALS na tinawag nyang ,SPECIAL STATIC WORDS‘
Maliban sa kanyang natalakay sa kahalagahan ngdiin at paglilipat ng diin sa pagbubuo ng salita,
angtalakay ni Bloomfield sa morpolhiya ng Tagalog ay maituturing na hindi gaanong nakadagdag
sa mgapagsusuring isinagawa ni Blake at ng mga mambabalarilang Kastila.
Lopez - Kinilalang kauna-unahang linggwistang Pilipino. Noong 1970 ay kinilala sya at
pinarangalan ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino bilang ―AMA NG
LINGGWISTIKANG PILIPINO.‖ At noong 1975 lumabas ang isang Festschrift na may pamagat na
Parangal kay Lopez na handog ng Linguistic Society of the Philippines bilang pagkilala sa kanya
sa larangan ng linggwistika.Nagsimula bilang isang mag-aaral ni Scheerer sa Unibersidad ng
Pilipinas.
Mula roon ay ipinadala sya sa Unibersidad ngHamburg.Sa nasabing unibersidad nya natapos nya
angkanyang titulo sa pagkadoktorado sa linggwistikanoong 1928. Ang kanyang disertasyon ay
tungkol sapahambing na pagsusuri ng Tagalog at Ilocano sa pamamatnubay ni Dempwolff.
Ang mga unang pananaliksik ni Lopez ay masasabing naimpluwensyahan ng mga sinulat ni Blake.
Ang ilan sa mga ito ay tumatalakay sa mga kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas, tulad ng
paglalapisa Tagalog, at ang mga salitang-hiram ng Tagalog sa Kastila. Marami rin syang sinulat at
ipinalathalang mga artikulo tungkol sa pahambing na pagsusuri na mga wika sa Pilipinas sa
paraang singkroniko at dayakroniko (cf. Gonzales, et al, 1973 at Constantino 1972).
Ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Lopezsa larangan ng linggwistikang Pilipino ay ang
kanyangipinalimbag na manwal na nauukol sa gramatika ngwikang pambansa (1941).
Nang sulatin ang nasabing manwal ay kapoproklamapa lamang sa Tagalog bilang batayan ng
wikangpambansa ng Pilipinas.
Ang manwal ni Lopez ay isang maagham na pagtalakaysa gramatika ng Tagalog na angkop
gamitin ng mga gurosa pagtuturo ng wikang pambansa.
Madarama sa manwal ni Lopez ang nagingimpluwensya ng isinagawang pagsusuri ni
Bloomfieldsa Tagalog at ng PHILOSOPHY OF GRAMAR ni Jespersen. Hinati ni Lopez ang
kanyang manwal sa apat nabahagi: isa sa ponetika , dalawa sa morpolohiya at isa sa sintaksis
Ang talakay ni Lopez sa sintaksis ng Tagalog ay makabago at higit na masusi sa ginawang talakay
ni Bloomfield. Sa mga sinulat ni Lopez na nalathala bago matapos angIkalawang Digmaang
Pandaigdig ay mababanggit ang mga ss.:(1) Pagsusuring sikolohikal sa morpolohiya ng Tagalog,
(2) Pahambing na pagsusuri sa mga leksikograpiya ng Tagalog at ng Malay (1939),(3) Isang
artikulong nasusulat sa wikang Aleman tungkol sa pagkakaugnayan ng Tagalog at ng Malay
(1930), at(4) Isang artikulong tumatalakay sa kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas(1931).
16
At habang nagtuturo ng linggwistika sa UP, paminsan-minsan ay nagpapalathala si Lopez ng mga
artikulo. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa kanyang mga sinulat: Origins of the Philippine
Languages‘, 1967, Contributions to Comparative Philippine Syntax‘, 1965; Some New Morphemes
in Philippine Languages‘, 1970; The Spanish Overlay in Tagalog‘, 1965; Paghahambing sa mga
Wika sa Pilipinas‘, 1972; at ang isa sa pinakahuli ay ang kanyang A Comparative Philippine Word-
list‘ na inilathala ng The Archieve ng UP na pinamatnugutan nina Constantino, Cruz at Paz
Panahon ng Kalayaan
linggwista ng SIL( 3)
Transformational-Generative Model ni Chomsky na syang higit na pinaniniwalaan ng
mga linggwista ng UCLA at sa UP (cf. Constantino 1972).
Ano ang pagkakaiba-iba ng tatlong modelosa isa‘t-isa?
Masasabing hindi gaanong nagkakaiba-iba an gtatlong modelong nabanggit, lalo na ang
dalawanguna,tungkol sa kung papaano sinusuri ang mgadatos.
Nagkakaiba-iba lamang sila sa paraan ng pag-aayos o paglalahad at sa pagbibigay-ngalan
saresulta ng pagsusuri.
Tagalog -masasabing higit na napagtutuunan ng mga linggwista, gaya rin ng nangyari noong
panahon ng Kastila. Kaunti lamang kung mayroon mang mahahalagang naisasagawang pag-aaral
sa ibang pangunahing wika. Marahil dahil Tagalog ang batayan ng wikang pambansa.
Si Constantino ay may sinulat noong 1965 tungkol sa mga padron ng pangungusap sa 26
nawika sa Pilipinas, kasama na ang walong pangunahin.
Inilahad sa nasabing artikulo ang immediateconstituent (IC) analysis‘ na sinundan
ngtransformational-generative analysis‘ ng mgapangungusap sa wika.
Pinangkat ni Constantino ang m ga pangungusapna predikatibo (predicative sentences) ayon
samga balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri:1. Definite2. Indefinite3. Situational.
Bawat isa sa mga IC ng pangungusap na tiyak ay pinangungunahan ng particle‘ o marker‘.
Kinilala ni Constantino ang mga unang IC ng mgapangungusap na tiyak at di-tiyak at ang
19
pangalawangIC ng mga pangungusap na sitwasyonal bilang simunong mga pangungusap, at ang
pangalawang mga IC ngmga tiyak at di-tiyak na mga pangungusap at angunang IC ng
pangungusap na sitwasyonal bilang mga panaguri.
Masasabing ang pagsusuri ni Constantino sa mgasimuno at panaguri ng mga wika sa Pilipinas ay
maymalaking pagkakaiba sa tradisyunal na pagsusuringsinunod nina Blake, Bloomfield, Lopez at
iba panglinggwista.
Hindi kukulangin sa tatlo ang naisagawa nangpagsusuri sa ponolohiya ng Tagalog simula nang
mataposang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.(1) Ang sinulat ni Remedios Cayari noong 1596.
Hindi kinilala ni Cayari na magkaibang ponema ang /e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/ sa Tagalog
20
kahit na may mga salitang hiram o katutubo sa Tagalog na magagamit upang ikontrast ang mga
ito. Ang Matandang Tagalog ay walang mga tunog na /e/at /o/. Ang mga ito‘y hiram lang natin sa
Kastila.
Ang dalawa pang pag-aaral saponolohiya ay ang kina Robert Stockwell (1957)at Teodoro Liam-
zon (1966). Sa dalawang pag-aaral nito ay kinilala ng mga awtor ang pagkakaiba ng mga
ponemang /e/ at /i/, gayundin ng /o/ at /u/ sa Tagalog, gayundin ang mga klaster at mga padron ng
intonasyon ng Tagalog.
Ang pinakahuling pagsusuring isinagawa tungkol sapalatunugan ng Pilipino ay ang kay Andrew
Gonzalez (Acoustic Correlates of Accent, Rhythm and Intonationin Tagalog) na nalathala sa
PHONETICA.
Sinuri ni Gonzales ang diin, ritmo, at intonasyon ng Tagalog sa pamamagitan ng paggamit ng
makabagong instrumentong pangwika sa Unibersidad ng California, Berkeley, California, tulad ng
Linc-8 Computer, Trans-Pitchmeter, Kay Sanograph, at Pitch Extractor.‘
Lumitaw sa pag-aaral ni Gonzales na ang tono, lakas, at haba ay hindi nagiging resulta lamang ng
diin o stress‘ at hindi ng haba olength‘ na tulad ng lumabas sa pagsusuri nina Schachter at Otanes
(cf. Tagalog ReferenceGrammar‘ 1973).
Restatement of Tagalog Grammar‘ ni Elmer Wolfenden ng SIL (1961) - Isa sa mga
isinagawang pag-aaral sa gramatika. Ayon kay Wolfenden, dalawa ang kanyang layunin sa
pagsasagawa ng nasabing pag-aaral: (1) To realign Bloomfield‘s gramatical categories, esp. the
verbal ones; and (2) To modify Bloomfield‘s nomenclature.‘
Sina Paul Schachter at Fe Otanes, sa ilalim ngpangangasiwa ng Philippine Center for
Language Study‘ ay may sinulat na Tagalog ReferenceGrammar. Ang nasabing aklat, sa
kasalukuyan, aykabana-kabanatang isinasalin sa Tagalog ng mganagsisisulat ng tesis sa Pilipino
sa PNC.
Sa UP ay mababanggit ang apat na tesis na tumatalakay saiba‘t-ibang aspeto ng gramatika ng
Tagalog.(1) Kay Silverio ( 1962) na sumusuri sa mga pandiwa at pangungusap na passive‘ sa
Tagalog;(2) Kay Gonzales (9162) na tumatalakay sa mga pandiwa at pangungusap na active‘;(3)
Kay Cayari (1963) na nagkaklasipika ng mga pandiwang pamanahon (time adverbs) ng Tagalog
ayon sa distribusyon;(4) Kay Paz (1967) na nagsusuri sa morpolohiya at sintaksis ng mga
pangalan at pang-uri sa Tagalog.
Pineda – Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa ( cf. Pineda 1972), - Sumulat ng ―An
Introduction to Tagalog Transformational Syntax‖. - Ginamit nya sa sintaksis ng Tagalog ang
modelong 1957 ni Chomsky.
Sa unang bahagi ng kanyang aklat ay nagbigaysya ng mga tuntunin sa pagbubuo ng
mgapangungusap sa Tagalog. Sa ikalawang bahagi naman, naglahad sya ng mga transportasyon
at nagbigay sya ng mga halimbawa kung papaanong magagamit ang mga ito sa pangungusap sa
Tagalog.Hindi kukulangin sa lima ang naisagawa nangpahambing na pagsusuri sa Tagalog at
Ingles. Ang dalawa rito (cf. Stockwell 1957; Castelo 1964) ay naglalahadng isang pagsusuri sa
Tagalog na masasabing kahawig dinng kay Bloomfield. Ang ikatlo ay isang disertasyong nagsusuri
sabalangkas ng Tagalog na ginamitan ng Tagmemic Model.(Guanco 1963). Ang huling dalawa ay
ang disertasyon nina EmyPascasio (1960) at Fe Otanes (1966).
Cebuano- Si Anderson, sa kanyang disertasyon sa pagdodoktorado noong 1965, ay
nagsagawa rin ng paghahambing sa pagsusuri sa Cebuano at Ingles na ginamitan naman ng
21
transformational model‘ ni Chomsky. Si John Wolff, (1966 at 1967), ay magkasunod na
nagpalathala ng dalawang bolyum ng mga aralin sa Cebuano. Ang gramatika ng Cebuano ay
inilarawan nya ayon sa modelo ni Bloomfield.
Ilocano- Ang unang deskripsyong isinagawa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandagdig sa
mga gramatika ng Ilocano ay inilahad sa Intensive Course‘ nina H. McKaughan at J. Forster
(1952). Ang nasabing gramatika ay inihanda upang magsilbing patnubay o modelo sa
paghahanda ng katulad na mga gramatika sa ibang wika sa Pilipinas sa darating na mga taon.
Ibinatay ito sa Outline of Ilocano Syntax‘ ni Bloomfield
Isa namang transformational-generative grammar ng Ilocano ang sinulat ni Constantino
(1959) para sa kanyang disertasyon sa Ph. D. Ang modelong ginamit dito ay ang gramatikang
inilahad ni Chomsky sa kanyang Syntactic Structures‘. B. Sibayan- nagsagawa ng isang
pahambing na pagsusuri sa mga ponemang segmental ng Ilocano at ng Ingles noong 1961 sa
kanyang disertasyon sa Ph. D.,
Kapampangan- Isang tesis sa M. A. ni Castrillo noong 1955 ang nasulat sa UP na tumalakay sa
balangkas ng mga pangungusap sa Kapampangan na ginamit ang modelo ni Bloomfield; isang
disertasyon sa Ph. D. ni Clardy noong 1958 na sumusuri sa mga ponema ng Kapampangan, ang
kanilang mga alopono at distribusyon; isang artikulo ni Tabasondra noong 1962 na sumusuri sa
mga ponema ng Kapampangan at pagkatapos ay inihambing sa mga ponema ng Ingles. Si Perez
ng PNC ay sumulat ng tesis sa M.A. na may pamagat na Pampango ang Pilipino Cognates:Sound
and Spelling Relationship‘ (1964).
Hiligaynon- Ang balangkas ng Hiligaynon ay sinuri at inihambing sa balangkas ng Ingles nina
Juntado (1961) at Ruiz (1963) sa kani-kanilang disertasyon sa Ph. D.
Pangasinan- Ang Pangasinan ay sinuri ni Schachter noong 1959 sa kanyang disertasyon sa Ph.
D. at pagkatapos ay inihambing niya sa Ingles. Ang paglalahad sa disertasyong ito ay batay sa
modelong transpormasyonal ni Chomsky sa kanyang Static Structures‘ . Hinati ni Schachter ang
kanyang pag-aaral sa dalawang antas: (1) Ponolohiya (2) Gramatika . Binansagan ni Schachter
ang kanyang gawa ng From Pangasinan to English sapagkat nilalayon ng pag- aaral na
matulungan ang mga mag-aaral na Pangasinan sa pag-aaral ng Ingles.
Waray- Sina J. at I. Wolff noong 1967 ay sumulat ng isang aklat, Beginning Waray-waray.
Batay din sa modelo ni Bloomfield ang kanilang pagkakasuri sa nasabing wika.
At nitong mga huling araw, gaya na ng nasabi sa umpisa, ay masasabing may kasiglahan ang
kilusan salinggwistika sa Pilipinas.Tatlong pambansang samahang pangwika angnakatutulong
nang malaki sa pagpapaunlad ngdisiplinang ito : Linguistic Society of the Philippines ,
Pambansang Samahan sa Linggwistikang Pilipino at Philippine Association for
Language Teaching
22
Mga Nakapagtapos sa Consortium for a Ph. D. inLinggwistika at ang kanilang mga
paksa
Ponemang Segmental
Ponemang segmental ang tawag sa tunog ng bawat titik (mga patinig at katinig) sa buong salita at
pagdudugtong nito. Ang alpabetong Pilipino ay may 28 na letra ngunit 16 katinig (p, t, k, b, d, g, m,
n, h, l, r, s, w, y, (?), ng) at 5 patinig (a, e, i, o, u).
Halimbawa: tawad. Ang salitang tawad ay may limang tunog dulot ng mga letrang t,a,w,a,d na
bumubuo nito.
Isinama din (?) o impit na tunog na nasa dulo ng salita bilang isang katinig dahil pinagbabago nito
ang kahulugan ng salita at binibigkas bilang malumi at maragsa.
Halimbawa:
Malumi – malumanay na pagbikas ng salita na may (h) na tunog sa huli pero hindi nakikita sa salita
Maragsa – madiin at tuluy-tuloy na pagbigkas sa salita na nagbibigay diin sa huling pantig (^)
bata(^) - paslit
23
Mahalaga ang bawat tunog ng isang letra sa isang salita sapagkat ang isang pinagkaiba ng letra
sa isang salita ay nagbibigay ng ibang kahulugan kaya hindi maaaring ipagpalit. Kahit na may mga
salitang nagkakapalitan ang tunog /u/ at /o/, /e/ at /i/ ay hindi pa rin nagbabago ang kahulugan ng
salita.
Halimbawa:
Ponemang Suprasegmental
ang tawag sa paraan ng pagbibigkas ng mga salita. Binabatay ito sa tono o intonasyon, hinto o
antala, haba, at diin.
1. Tono o intonasyon – taas o baba ng pagbikas ng isang pantig sa salita, parirala o pangungusap
para sa mabisang pakikipag-usap
Halimabwa:
Bukas (panahon)
BUkas - panahon
3. Hinto o antala – ang sandaling pagtigil sa pagsasalita dulot ng mga pananda (kuwit [,], tuldok-
kuwit [;], tutuldok [:], mahabang guhit [ ], dalawang guhit na pahilis [//], palaso [>], gitling [-],
tulduk-tuldok […] at krus na pananda [+])
Halimbawa:
Manang, Anna, ang nanay ko. (pagpapakilala ng iyong ina sa isang ale at kaibigan mo)
24
Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ito ay mga pares na salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema subalit hindi
nagbabago ang kahulugan.
Halimbawa: lalake-lalaki, babae-babai, sampu-sampo, marami-madami, maramot-madamot
Ito ay mga pares na salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema at dahil dito ay
nagbago ang kahulugan.
Halimbawa: pala-bala, lapat-lapad, titik-titig,
Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. ang mga
diptonggo sa Filipino ay /y/ - ay, ey, oy, uy /w/ - aw, ew, iw, ow, uw DIPTONGGO
Magkasamang tunog ng patinig at malapatinig sa isang pantig.
Halimbawa: /aw / agaw dalaw ibabaw lugaw ginaw kalabaw nakaw sabaw takaw dilaw halimaw
palayaw anahaw hikaw sabaw tanaw apaw galaw hilaw sitaw araw bughaw langaw ayaw ihaw
sigaw tunaw ikaw ligaw uhaw ginaw ilaw litawhataw kalabaw
Halimbawa: /iw / aliw sisiw baliw giliw paksiw
Halimbawa: /ay / bahay buhay tulay sabay palay tunay gulay kulay away bagay itay/inay panday
alay akbay patnubay paypay hukay lagay saklay pilay tangay tibay pantay lakbay husay sampay
patay
Halimbawa: /oy / kahoy tuloy langoy daloy abuloy baboy kasoy palaboy taboy apoy simoy tukoy
amoy langoy unggoy biloy
Halimbawa: /ey / /uy / reyna aruy keyk baduy beyk beysbol
ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig. - ito ay maaaring makikita sa unahan,
sa gitna o sa hulihang pantig ng salita.
Hal : (Kambal-Katinig / Klaster Unahan Gitna Hulihan: drama iskwater rekord blusa eskwela tayp
klerk biskwit nars krema kongklusyon kart gripo sumbrero beys dyaryo klima kard plano pilantropo
relaks
Binubuo ng isang ponema. Ang ponemang a ay nauukol sa babae. Gayundin, ang ponemang o
ay nauukol sa lalaki. Ang morpema ay maaaring isang ponema.
1. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng
kasarian.
25
2. Halimbawa: doktor–doktora , senador- senadora, dekano- dekana, senyorito –
senyorita
3. Taliwas: ang mga ito ay para sa babae o lalaki: artista , bata, manggagawa ,
manghuhula
Binubuo ng salitang-ugat- Ito ay mga salitang payak gaya ng ganda, buhay, isa. Ito ay tinatawag
ding malayang morpema sapagkat may sariling kahulugan at makatatayong mag- isa. Mga payak
itong salita dahil walang panlapi.
Binubuo ng panlapi- Maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. -ang mga panlapi ay may sariling
kahulugan kaya’t bawat isa ay isang morfim /morpema.
Ang karaniwang anyo ng isang morpema ay maaaring magbago dahil sa impluwensiya ng mga
katabing morpema. Ito ay tinatawag na morpoponemiko.
1. Asimilasyon
Ang mga tunog ng isang salita ay umaaayon sa katabing tunog nito. Makikita ang pagbabagong ito
sa mga morpemang unlaping nagtatapos sa, NG gaya ng PANG, MANG, MAPANG, SING,
KASING, MAGKASING, SANG, at LABING.
A. Di-Ganap o Parsyal
Ang PANG, MANG, SING at iba ay nanatili kung ang sinusundang salita ay nagsisimula sa patinig
at sa mga titik na K, G, H, M, N, NG, W, Y.
Halimbawa: pang+alo, mang+await, pang+hukay, sang+katauhan, pang+wakas
Nagiging PAN, MAN, SIN, at iba pa kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik na D,
L, R, S, T.
Halimbawa: pang+dakot= pandakot, mang+dukot, mandukot, sing+tamis=sintamis
Nagiging PAM, MAM, SIM, at iba pa, kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa mga titik na B
at P.
Halimbawa: pang+bura= pambura, mang+bola= mambola, sing+bango= simbango
B. Ganap
Nawawala ang unang tunog na nilalapian dahil ito ay naaasimila o napapasama sa naunang
ponema.
Halimbawa: pang+tali= pantali=panali……… mang+bato=mambato=mamato
26
2. Pagbabago ng Ponema
b. Ang O ay nagiging U
/o/ at /u/. Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit ng salitang-ugat na
nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u. Kinakabitan ng pang-ugnay/ linker (-
ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin 7.5, pp. 31 at 32) Halimbawa:
linggo-linggo ano-ano
3. Metatesis
Ito ay tumutukoy sa mga ponemang nagpapalitan ng posisyon. Minsan may isa o dalawang
ponema ang nakakaltas.
Halimbawa: tanim+an=taniman=tamnan…….. atip+an=atipan=aptan…..silid+an=silidan=sidlan
4. Pagkaltas ng Ponema
5. Pagpapalit ng Ponema
6. Paglilipat ng Diin
7. Maypungos
Ang mga salitang nawawalan ng isa o dalawang ponema sa unahan ng inuunlapiang salita.
Halimbawa: magpasulat=pasulat……magpatawag=patawag
8. May-angkop
27
Ang mga pagbabago sa mga salita na nagiging maikli kaysa orihinal. Nawawala ang ilang mga
tunog
Halimbawa: hintay ka-teka…….wika ko-ikako
Isa sa magandang katangian ng wikang Filipino ay ang pagiging mayaman nito sa mga panlapi.
Nagiging madali ang panghihiram ng salita sa ibang wika dahil sa paglalapi.
Maaaring Makita ang panlapi sa unahan, sa gitna, at sa hulihan:
Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong dalawang uri, ang
sugnay na makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa
PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay binubuo ng
simuno at panag-uri
1. Simuno- Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Ito ang paksa ng pangungusap.
2. Panag-uri- Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ang panaguri.
Ayos ng Pangungusap
28
2. Mga Pangungusap na Pahanga- nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa:
Kayganda ng babaeng iyon…. Ang tapang mo pala!
3. Mga Maiikling Sambitla- tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin. Halimbawa: aray, naku, wow, sarap,
4. Mga Pangungusap na Pamanahon- nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Maaga
pa… Umuulan.
5. Mga Formularyong/Formulasyong Panlipunan- mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na
nakagawian na sa lipunang Pilipino. Halimbawa: Magandang umaga po…. Paalam
29