Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa Iba't Ibang Panahon
Panitikan Sa Iba't Ibang Panahon
Panitikan Sa Iba't Ibang Panahon
Bernardo
MED FLE 201
Ang Panitikan ay salamin ng ating nakaraan kung kaya’t malaya nating nasisilayan ang
nakaraan mula rito sa kasalukuyan. Mahalagang malaman din natin ang panitikan sa iba’t ibang
panahon. Narito ang ilang sulyap sa panitikan sa bawat panahon.
Ang Panitikan sa Panahong Klasikal
Sa isang malawak na kahulugan, ang anumang gawain na lumikha ng isang canon sa
genre nito ay nagsimulang tawaging klasiko. Halimbawa, may mga classics ng panahon ng
modernismo, ang panahon ng romantismo, realismo, atbp. Mayroong konsepto ng domestic at
foreign, pati na rin ang mga classics sa mundo. Kaya, ang mga kinikilalang klasiko ng panitikan
ng Russia sa Russia ay A.S. Pushkin, F.M.
Ang isa pang halimbawa nito ay ang mga katha ni William Shakespeare na bahagi ng
kanluraning literatura dahil ang kanyang estilo ng pagsulat at pagsusulat ay may malaking epekto
sa halos lahat ng aspeto ng genre na iyon. Sa Pilipinas naman ay mayroon din tayong makatang
manunula na maihahawig natin sa kanya, ito ay walang iba kundi si Francisco y Baltazar o mas
kilala bilang Francisco Balagtas na tinaguriang Ama ng Tulang Tagalog at Prinsipe ng mga
Makatang Tagalog.
Sanggunian:
(https://tl.cultureoeuvre.com/10577305-what-is-classic-literature)
Ang Panitikan sa Panahon ng Hapon
Sa panahong ito, nais ng mga Hapon na ibahagi ang kanilang mga paniniwala at
panitikan, tinuruan din nila ang mga Pilipino ang pagpapahalaga sa sariling wika. Kung kaya’t
sumibol nang lubos ang panitikan sa bansa sapagkat ipinagbawal ng mga namumunong hapon
ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa paggamit ng wikang
katutubo. Pinasunog din ang lahat ng mga limbag na nasusulat sa Ingles upang matiyak na wala
nang bahid ng kanluranin sa mga ideyang mabubuo at hindi na makita o mabasa pa. Itinuturing
ito na Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino. Sapagkat higit na malaya ang mga Pilipino sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.