Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 11

I: LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusnod:

1. Naipapaliwanag ang heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti


ng wika;
2. Nasasabi kung ang mga halimbawang pangungusap ay nagpapakita ng
varayti ng wika sa heograpika, morpolohiya, at ponolohiya; at
3. Nakapagtatala ng mga tiyak na halimbawang ng varayti sa heograpiya,
morpolohiya at ponolohiya particular sa mga wika sa Pilipinas.

II: Paksang – Aralin:

Paksa: Heograpiya, Morpolohikal, at Ponolohikal na varayti ng wika.


Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Akda ni: Dolores R. Taylan

Jayson D. Petras

Jonathan V. Geronimo

Pahina: 38- 47

Kagamitan: Panturong biswal at Power Point Presentation

Aral: Pakikiisa sa bawat Gawain

III: Pamamaraan:

Guro Gawain ng mag-aaral


A. Paunang Gawain

Magandang araw sa inyong lahat.


Narito naman tayo sa isa namang
pagtatalakay sa asignaturang paborito ng Magandang araw Gng. Rhea.
lahat. Ang asignaturang “Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino”.
Ako po ay si Gng. Rhea May Magaporo.At
maligayang pagdating sa aking klase.

1. Panalangin
Bago tayo magsimula (Lahat ng mag-aaral ay magsisitayo para
inaanyayahan ko ang lahat na sa panalangin)
magsitayo para sa isang
panalangin.

2. Pagbati Ayos lang po kami.


Kamusta po kayo?

3. Pagsasaayos ng silid- aralan.


Bago kayo umupo pakipulot ang (Susunod ang mga bata)
mga kalat na nasa ilalim ng
inyong mga upuan at paki-ayos
ng inyong mga upuan.
Maaari na kayong umupo.

4. Pagtsek-tsek ng liban at di- Wala po Gng. Rhea,lahat po ay pumasok.


liban
Mayroon bang lumiban sa klase
ngayon?

5. Pagtsek-tsek ng Takdang
Aralin.
Opo Gng.Rhea.
Kahapon, bago tayo nagtapos, may (Ipapasa ng mga bata ang kanilang
iniwan ako sa inyo na takdang –aralin. takdang-aralin)
Lahat ba ay nakasagot?

Pakipasa ng inyong takdang-aralin at ako


na ang bahalang magtsek.

B. Pagbabalik-tanaw Gng. Rhea, ang register ay isang salita o


termino ay maaaring magkaroon ng iba’t
Kahapon tinalakay natin ang tungkol sa ibang kahulugan ayon sa larangan o
Register bilang varayti ng wika. disiplinang pinaggagamitan nito.
Ano nga uli ang ibig sabihin ng register
bilang varayti ng wika?
Gng. Rhea, ang halimbawa ay salitang
“kapital” na may kahulugang “puhunan” sa
Tama! Magaling! larangan ng pagnenegosyo at may
kahulugan namang “punong lungsod” o
Magbigay ng halimbawa. “kabisera” sa larangan ng heograpiya.

Magaling! Wala na po.


May katanungan pa ba sa ating nakaraang
aralin?

Kung wala ng tanong maari na tayong


magpatuloy sa ating bagong aralin pero
bago yan, tayo muna ay magkaroon ng
gawain.

C. Pangganyak

Bago natin simulan ang ating aralin,


halina’y magkaroon muna tayo ng isang
munting palaro. Ang ating palaro ay
pinamagatang “Hulaan Mo?”
Panuntunan:
Ang klase ay hahatiin sa tatlong grupo.
Ang unang grupo ay mga taga-Luzon,
pangalawang grupo ay mga taga-Visayas
at ang pangatlong grupo ay mga taga-
Mindanao. Kayo ay may nakalaan na
sigundo upang hulaan ang larawan na
aking ipapakita. Hulaan ninyo base sa
kanilang salita. Ang grupo na may
pinakamaraming tamang sagot ay
tatanghaling panalo at may dagdag na
puntos.

Narito ang mga larawan:


Luzon-Visayas-Mindanao

1.

2.

3.

4.

Gng. Rhea, sa palagay ko po ang paksa


5.
sa araw na ito ay tungkol sa varayti ng
wika.

D. Pagtatalakay

Basi sa ating palaro na ginawa ano sa Gng. Rhea, ang varayti ng wika ay
tingin nyo ang ating pag-aaralan sa pagkakaiba-iba ng wika.
umagang ito?

Tama! Magaling!
Gng. Rhea, ang Heograpikal na varayti ng
wika ay tumutukoy sa pagkakaiba sa mga
Ano ang Varayti ng wika?
katawagan at kahulugan ng salitang
May tatlong varayti ng wika: Ang ginagamit sa iba’t ibang lugar.
Heograpikal, Morpolohikal, at Ponolohikal.
Gng. Rhea,ang halimbawa ay sa
Ano ang ibig sabihin ng heograpikal na
katagalugan o sa Maynila ang salitang
varayti ng wika?
lupa, ay material na nasa ibabaw ng
daigdig.Ngunit kung ginamit natin sa
Tama! Magaling! salitang Pampanga ito ay
nangangahulugang mukha. At kung
Magbigay ng halimbawa. ginamit naman natin ito sa salitang
Ilokano ito ay nangangahulugang isang
daga.

Opo Gng. Rhea.

Gng. Rhea, ang Morpolohikal na varayti ng


wika naman ay pagkakaiba-iba sa pagbuo
Tama! Magaling! ng mga salita dahil sa paglalapi.
Nauunawaan ba?

Gng. Rhea, ang halimbawa ng


Ano naman ang ibig sabihin ng morpolohikal na varayti ng wika.
Morpolohikal na varayti ng wika? “Napatak ang mga dahon”.
Tama! Magaling! Napatak(Tagalog-Batangas)-tumutukoy sa
isang bagay na nalalaglag.
Magbigay ng morpolohikal na halimbawa? Napatak(Maynila)-ginagamit para tukuyin
sa nahuhulog na tubig gaya ng luha at
ulan.

Opo, Gng. Rhea.

Gng. Rhea,ang Ponolohikal na varayti ng


wika- ito ay tumutukoy sa pagbabago sa
Nauunawan ba? pagbigkas at tunog ng mga salita ayon sa
pangkat ng mga taong gumagamit nito.
Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi
Ano naman ang ibig sabihin ng maiwasang malikha rin ang magkaibang
Ponolohikal varayti ng wika? tunog at bigkas sa mga salita.
Nagkakaroon ng dialectal accent ang
bawat lugar.

Gng. Rhea, ang mga halimbawa ng


Ponolohikal na varayti ng wika ay :
Tama! Magaling!
Tagalog Bisaya
Magbigay ng halimbawa? Pera - Pira
Pitaka - Petaka
Kuya - Koya
Bola - Bula

Opo, Gng. Rhea.


Tama! Magaling!

Nauunawaan ba ang pagkakaiba ng


tatlong varayti ng Wika?

E. Pagsasanay

Matapos natin mapag-aralan ang tatlong


varayti ng wika. Gamitin natin ang ating
natutunan sa pamamagitan ng isang
gawain
Ang klase ay hahatiin sa tatlo. Bawat
grupo ay magsagawa ng maikling saliksik
sa Ponolohikal at Morpolohikal na varayti
ng wika. Mas mainam kung mas maraming
makakalap na mga halimbawa mula sa
mga wika at dialek sa Pilipinas. Matapos
nito, bumuo ng diyalogo na nagpapamalas
ng iba’t ibang paraan ng pagbigkas at
paglalapi ng mga salita.Humandang
iparinig ang diyalogo sa mga kaklase. Gng. Rhea ang tatlong varayti ng wika ay
Heograpikal, Morpolohikal at Ponolohikal.

F. Paglalahat

Ano ang tatlong uri ng varayti ng wika? Gng. Rhea, ang Heograpikal ay tumutukoy
sa katawagan at kahulugan ng salita. Ang
Morpolohikal ay tumutukoy sa pagkakaiba
Tama! Magaling! ng anyo at ispeling ng salita at hindi sa
taglay na kahulugan nito. At ang
Anu-ano ang pagkakaiba ng tatlong varayti Ponolohikal naman po ay tumutukoy sa
ng wika? bigkas at tunog ng salita.

Opo, Gng. Rhea.

Wala na po Gng. Rhea.


Tama! Magaling!

Nauunawaan ba?

May katanungan pa.

IV: Ebalwasyon

Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod. Tukuyin ang varayti ng wika kung
ito ay A. Heograpikal B. Morpolohikal C. Ponolohikal. Titik lamang ang isulat sa
patlang na nasa unahan ng bawat bilang.

_______1. bundok – bunrok

_______2. lumayo – nalayo

_______3. bigas – bugas

_______4. hubog – hugis o korte(Maynila) / hubog-lasing (Cadiz)

_______5. beyaran – bayaran

_______6. nagkaon – kumain

_______7. tahian – tahii

_______8. wala – wara

_______9. hugasan – hugasi

_______10. hain – paghahanda ng pagkain sa mesa (Maynila) / hain – saan (Samar)

V: Takdang- aralin

Panuto: Ipaliwanag:

1. Bakit mahalagang maunawaan natin ang iba’t ibang varayti ng wika?

INIHANDA NI:

RHEA MAY D. MAGAPORO

You might also like