Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay-Aralin Sa Edukasyong Pagpapakatao III

I. LAYUNIN
 Matukoy ang mga gawaing pinagsasaluhan ng mag-anak
 Maibahagi ang mga karanasan patungkol sa pagkakaroon ng mga itinakdang tuntunin sa
tahanan.
 Aktibong makilahaok sa mga gawaing pangklase.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa : Mahal Ko Ang Aking Pamilya
b. Sanggunian: CG Edukasyon sa Pagpapakatao, You Tube
c. Kagamitan : PPT, Laptop, LCD Projector,
d. Integrasyon: ICT, Literacy at Mathematics Integration

III. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Checking of Attendance

1. PAGBABALIK-ARAL Tanungin ang mga mag-aaral kung ano


ang kanilang mga natutunan sa nakaraang
aralin.

2. PAGGAGANYAK Panoorin ang ma bata ng isang video clip


ukol sa isang pamilya.
Pagkatapos panoorin ang video clip
(ICT Integration) itanong ang mga sumusunod na
katanungan sa mga mag-aaral:

1. Sinu-sino ang bumbuo sa pamilya?


2. Anu-ano ang ilang halimbawa ng
mga gawaing bahay na ipinakita sa
video clip?
3. Kayo meron ba kayong alam na
mga gawaing bahay? Magbigay ng
gawaing bahay na ginagawa niyo
3. PAGLALAHAD Ipakita ang mga larawan ng pamilya na
nagpapakita ng pagtulong ng mga
gawaing bahay. Itanong sa mga bata kung
ano ang nasa larawan.

1. 2.

4. 4.

5.

5. PAGTATALAKAY 1. Panoorin ang mga bata ng isang


video ng pamilya na nagtutulungan
sa mga gawaing bahay. Pagkatapos
manood, itanong ang mga
sumusunod:

1.Ano ang ginagawa ng bawat bata sa


video?

2.Ginagawa niyo din ba ito sa inyong


tahanan?

3.Paano niyo hinahati ang inyong oras ng


sa gayon ay hindi puro laro lamang ang
inyong ginagawa?

Nota:
1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na
mahalagang magtakda ng oras sa
bawat gawain hindi lang puro pag
lalaro.
(Literacy Integration)
2. Ipa unawa ang mga salitang
sumusunod: Ipabasa ng sabay-sabay
sa klase

 abalang-abala – maraming
ginagawa
 tungkulin – nakatakdang gawain
 nagkukumpuni – inaayos o
ginagawa ang sirang bagay
 kasangkapan – gamit sa bahay
 mapakinabangan – magamit
 nagsasaluhan – sama-sama sa
pagkain
 nag-kakaisa – tulong-tulong sa
gawain

GAWAIN 1:

1. Hatiin ang mag-aaral sa 3 grupo


2. Bawat grupo ay gagawa ng
kanilang itinakdang oras sa mga
gawaing bahay kasama na ang
paglalaro. Sundin ang nasa ibabang
pormat:

BL ORAS GAWAIN BLG NG


(Mathematics/Numeracy Integration) G ORAS NA
GINUGOL
1
2
3
4
5
Kabuuang Oras sa
Paglalaro
Kabuuang Oras sa
Gawaing Bahay

3. Sa bawat grupo ay pumili ng isang


myembro na maglalahad sa klase ng
kanilang ginawa.

TALAKAYANG MORAL

Ipabasa ng sabay-sabay sa buong klase ang

“Mapayapa ang Pamilya Kapag


Nagkakaisa”

Paliwanag:
1. Katulad ng walis tingting, hindi ito
makawawalis kung ito ay hiwa-
hiwalay.
2. Maligaya ang pamilya kapag
nagkaka-isa
3. Masaya ang pamilya kapag
nagtutulungan.
4. Ang lakas ng bawat pamilya ay
nasa pagmamahalan at pagkakaisa

6. PAGSASAGAWA Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung tama at


ekis (X) kung mali.

_____ 1. Nagdadabog habang naglilinis.


_____ 2. Tumutulong sa paglilinis kay
nanay.
_____ 3. Natutuwa kapag inuutusan.
_____ 4. Unahin ang paglalaro bago ang
mga gawaing bahay.
_____ 5. Sumusunod ng maayos sa mga
pinag uutos.
IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Kung pagdating mo sa bahay niyo ay nakita mong maraming kalat, ano ang gagawin
mo?
a. Hayaan lang
b. Utusan ang nanay na maglinis
c. Utusan ang nakababatang kapatid na maglinis
d. Magwalis ang linisin ang kalat

2. Kapag inuutusan ka ano ang dapat mong gawin?


a. Hihingi muna ng bayad bado sumunod
b. Magdadabog
c. Susundin ng masaya ang inuutos

3. Nakita mong umiiyak ang nakababata mong kapatid dahil nasira ang bike niya, ano
ang gagawin mo?
a. Papaluin ang kapatid para tumigil sa pagiyak
b. Hayaan lang siya na umiyak
c. Sasabihin sa tatay para ayusin ang bike ng kapatid

4. Upang maging masaya ang pamilya kailangan ang pamilya ay dapat


a. Nag-aaway
b. Nagkakaisa
c. Hiwahiwalay

5. Para matuwa ang tatay mo na nagkukumpuni ng bahay niyo, ano ang gagawin mo?
a. Tutulungan niya sa abot ng iyong makakaya
b. Hayaan lang siya
c. Itago ang mga kailangan niyang gamit

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Magsulat ng sampung bagay na mga ginagawa mo na nagdudulot ng saya sa


sarili mo at sa iyong pamilya.

INIHANDA NI:

MARLY B. DUCO

You might also like