Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kalidad na Estadistika sa Pangangalagang Panlipunan: Pagpapahusay ng Gawa, Pagpapaunlad ng Buhay Sa mga bumubo sa lupon ng tagahatol, mga kapwa ko kabataan

at kayong lahat na naririto; isang magandang araw sa inyo. Hindi natin maikakaila, na sa pinagkahaba-haba ng panahong inilagi ng tao dito sa mundong ibabaw, ay masasabing malayo na ang narrating ng tao sa mundo. Mula sa payak at nomadikong pamumuhay, hanggang sa panahong ito: na ang tao ay nagtatamasa ng mataas na karunungan at maunlad na buhay. Bagaman napakahaba ng pinagdaanang ito, mayroong mga bagay na sadyang hindi maiaalis at ang mga ito ay nagsisilbing tagapagtaguyod at dahilan kung bakit naririto pa ang tao sa mundo, at nagpapatuloy tayo sa pag-unlad Marahil ay mag-iisip kayo. Ano ba ang bagay na ito? Lubha ba talaga itong napakahalaga kung ano tayo ngayon? Naisip ko rin iyang tanong na iyan kaya pumunta ako sa aklatan at naghalughog ng mga librong kasaysayan. Sinimulan kong basahin ang kasaysayan ng tao at doon ko napansin ang isang bagay. Hindi ko inakala na iyon pala ang sagot sa aking tanong. Kaya pala nagagawa ng tao ang lahat ng nakakamanghang pangyayari sapagkat dahil sa natutuhan niya ang isang bahagi ng matematika. Ano ba iyon? Walang iba kundi ang Estadistika. Marahil ay hindi kayo maniniwala na ang isang asignaturang kinaayawan ng marami dahil sa kung anu- anong pormularyo at mga nakakawindang na numero ay may malaking naiambag sa tao. Pero bago ang lahat, ano ba ang estadistika? Ayon sa diksyunaryo, Ang estadistika ay isang agham at pagsasanay ng pagsulong sa kaalamang pantao sa pamamagitan ng paggamit ng datos na base sa obserbasyon. Nakabase ito sa teoriya ng estadistika na isang sangay ng nilapat na matematika. Sa gayong teoriya ng estadistika, hinubog ang walang kaayusan at walang katiyakan sa pamamagitan ng teoriya ng probabilidad. Sa gayon, malaking tulong ang estadistika sa pagbuo ng desisyon ng tao na maaring magresulta sa isang maganda o pangit na kalalabasan. Malaking bahagi ang ginagampanan nito sa ating lipunan. Hindi lingid sa lahat na ito ang ginagamit ng ating pamahalaan sa pagbuo ng desisyon para sa ikagaganda ng takbo ng ating buhay. Kagaya na lamang nito: Gumagamit ang pamahalaan ng estadistika upang malaman kung gaano karaming tao ang kailangang tulungan at bigyan ng serbisyo. Magagawa lamang iyon kung gagamitan ng Estadistika ang pagkuha sa populasyon, kasarian, densidad, antas ng marunong bumasa at sumulat, ang bilang ng taong may trabaho at iba pa upang mabigyan ang mamayan ng serbisyong naayon sa kanila. Makatutulong din ang Estadistika sa pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan. At ang isa sa pinakamahalaga, ginagamit din ang Estadistika sa pagbuo ng taunang badyet ng pamahalaan sapagakat mayroong pagtataya ang pamahalaan ukol sa mga buwis at mga kita nito, kaya madali ang paghahati-hati nito ayon sa pangangailangan ng mga sangay ng pamahalaan. Ito ang dahilan kaya nalikha ang Pambansang Tanggapan ng Estadisitka, ang ahensya sa ating bansa na responsible sa panglipunang Estadistika ayon sa atas ng Commonwealth Act No. 591 at maisasama din ang Act No. 3753. Gaano ba karami ang populasyon ng Pilipinas? Ayon sa nakaraang sensus, ito ay tinatayang mahigit 94 milyon. Gaano ba ang pagtaas ng poplulasyon? Tinatayang 2.04 % ang tinataas ng populasyon ng Pilipinas. Ilan dito ang mga may trabaho? 36 milyon. Ilan lamang iyan sa mga kailangang alamin ng ating pamahalaan upang makagawa ng mga hakbang at magkaroon ng pagunlad. Hindi lamang sa pamahalaan malaki mayroong malaking epekto ang Estadistika. Marami rin itong magamit sa ibat ibang aspeto tulad ng agham, na kung saan halos lahat

nababatid ng mga siyentipiko ay bunga ng pag-aaral sa Estadistika sapagkat ang mga eksperimento ay ginagamitan ng Estadistika upang maipakita ang Ang mga negosyo, pagawaan at pabrika ay hindi magiging matagumpay kung wala rin ang Estadistika sapagkat nalalaman ng isang mangangalakal kung gaano karaming produkto ang kailangang gawin at ang magiging kalabasan nito. Malalaman niya lamang ito kapag gagamit siya ng datos pang-estadistika. Maging sa mga Bangko at Institusyong pananalapi ay gumagamit ng probabilidad sa pagtaya ng tubo mula sa pagpapautang at iba pa. Mapapansin natin na maraming aspeto ng buhay ng tao ang nakabase sa Estadistika. Hindi nga natin namamalayan, na kapag napag-aralan mo ito, magiging isa kang mapanuring mamamayan sapagkat hindi ka malilinlang sapagkat alam mo kung ano ang gagawin mong hakbang batay sa iyong nalaman sa Estadistika. Hindi lamang iyan, sapagkat nalalawakan at yumayabong ang kakayahan mong mag- isip batay sa lohikal at sistematikong paraan. Sa gayon, natutulungan ka ng Estadistika upang mapaunlad ang sarili; hindi lamang ang mundong ating ginagalawan kundi maging ang ating pamumuhay. Ano kaya ang mangyayari sa ating buhay o sa ating bansa kapag walang Estadistikang gumagabay sa atin? Unang- una, ang pamahalaan ay hindi tatakbo ng maayos sapagkat ito ay mangangapa lamang at hindi malalaman kung ano ang kailangang gawin. Hindi lamang ang pamahalaan ang apektado, maging ang mga mamamayan, sapagkat walang kasiguraduhang palipunan at ang ekonomiya ng bansa ay lubos na apektado. Kung wala ang Estadistika, mahihirapan ang taong sumulong sapagkat halos lahat ng bagay ay nakadepende dito. Kaya kailangan natin itong bigyan ng mataas na pagpapahalaga at huwag ituring na ito ay isang kahibangan ng mga dunong na tao upang mas maging kumplikado ang ating pamumuhay. Dapat nating pagpursighing itaas ang kalidad ng estadistika dito sa ating bansa upang maitaas ang panlipunang kaalaman at upang ang lahat ng mamamayan ay maging mapanuri, magkaroon ng lohikal na pag-iisip upang sa lalong kapakinabangan ng ating bansa. Tandaan natin, na kapag maayos ang sistema ng estadistika sa ating pamahalaan, magiging maayos din ang daloy ng pamamalakad ng pamahalaan. Bilang kabataan, na siyang nalalabing pag- asa ng bayan, ang dapat magsikap na itaas ang pagpapahalaga sa Estadistika sapagkat tayo ang nasa posisyon at may kakayahang gawin iyon? Sa papaanong paraan? Sa pamamagitan ng pag- aaral ng Estadistika at ang matalinong paggamit nito sa ating buhay. Laging tatatandaan, na sa likod ng mga numero at pormularyong ginagamit sa Estadistika, ay mababanaag natin ang mas maunlad na buhay at matatag na lipunan. Kaya marapat lamang itong pag- ukulan ng pansin nating lahat ang pagkakaroon ng matatag at maasahang estadistika na magmumulat sa ating mga mata at isipan ukol sa tamang pag- iisip at upag maisiguro ang ikagaganda ng pamumuhay upang sa gayon ay lalo tayong umunlad. Bago ako magtapos, nais ko itong iwan sa inyo; Ang Estadistika ay gabay lamang at susi sa ating pag- unlad; nasa ating kamay kung paano natin ito gagamitin. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang magagawa mo upang umunlad ang ating bayan katuwang ang Estadistika? Magandang araw sa inyong lahat.

You might also like