Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Pasasaayos ng Sistema sa pag-aaral tungo sa mas epektibong pagkatuto.

EPEKTO NG KAKULANGAN NG

PASILIDAD AT KAGAMITAN SA

MGA PILING MAG-AARAL NG

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG

MALABON SA UNANG ANTAS NG

TEKNOLOHIYANG
PANG-IMPORMASYON
PRESENTSYON NG PANGKAT 1
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:
Sa mga mag-aaral- ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga
nasabing problemang kinakaharap ng kursong kanilang tinatahak sa loob ng Unibersidad. Ang pananaliksik din na ito ay
magbibigay daan upang mas maipaglaban nila ang kanilang karapatan bilang mga iskolar ng bayan.

Sa mga guro- ang pananaliksik na ito ay magbibigay kaalaman sa mga guro tungkol sa mga hinaing at problemang
kinakaharap ng kanilang mga estudyante; sa pamamagitan nito ay mas mauunawaan at magagabayan nila ang kanilang mga
estudyante sa pagtuturo.

Sa mga magulang- ang pananaliksik na ito ay magbibigay daan upang kanilang maintindihan ang mga problemang
kinakaharap ng kanilang mga anak sa Unibersidad. Magbibigay daan ito upang mabigyan nila ng sapat na suportang
pinansyal o emosyonal ang kanilang mga anak.

Sa Administrasyon - ang pag-aaral na ito ay magiging paraan upang kanilang malaman ang mga problemang kinakaharap ng
kanilang mga estudyante dulot ng kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan sa Unibersidad. Maaari itong maging basehan
sa kanilang pagsasakatuparan na mas mapaayos ang kalidad ng edukasyon ng kanilang mga estudyante.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap - Maaari itong makatulong bilang gabay sa mga susunod pang estudyanteng
magsasagawa ng pananaliksik na may kinalaman sa ganitong paksa.
SULIRANIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ilarawan at tuklasin ang mga epekto ng
kakulangan ng pasilidad sa Pamantasan ng Lungsod ng Malabon sa pag-aaral ng
teknolohiyang pang-impormasyon:

1. Anu-ano ang mga naging epekto ng kakulangan ng pasilidad sa


pagkatuto ng mga mag-aaral ng teknolohiyang pang-impormasyon?
2. Anu-anong mga pasilidad ang kinakailangan ng mga mag-aaral sa
teknolohiyang pang-impormasyon?
3. Anu-anong mga pasilidad sa teknolohiyang pang-impormasyon ang
kadalasang nagkukulang sa nasabing pamantasan?
4. Anu-anong mga paraan ang makapagbibigay solusyon sa
kakulangan ng pasilidad sa nasabing pamantasan?
SAKLAW AT LIMITASYON

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang epekto ng kakulangan ng pasilidad sa mga piling


mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Malabon sa unang antas ng Teknolohiyang Pang-
impormasyon. Saklaw din ng pag-aaral na ito ang mga naging suliranin na kinaharap ng
mga mag-aaral sa kanilang pagkatatuto dahil sa kakulangan ng pasilidad sa nasabing
Pamantasan.

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay lamang sa epekto ng kakulangan ng mga pasilidad at


kagamitan sa isang-daang (100) piling mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Malabon sa
unang antas ng Teknolohiyang Pang-impormasyon. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng
survey questionnaire bilang paraan upang makuha ang mga hinaing ng nasabing
respondanteng nakarehistro ngayong taong panuruan 2022-2023.
MGA

MIYEMBRO

Nica joy
Crystalene💅 Strawberry Alfred john
padilla Labong Litaban rontas

Jefferson Eron Lei


Limen lampas Lapiad

You might also like