Panukalang Proyekto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KAUNLARAN HIGH SCHOOL

Phase 1, Kaunlaran Village, North Bay Boulevard South Navotas City


Tel. No. 351-0912. TelefaxNo. 351-2540
E-mail Address: kaunlaran_hs2000@yahoo.com

PANUKALA SA PAGLALAGAY NG SOLAR-POWERED UNDERGROUND NA MAY


EARTHQUAKE DETECTOR PARA SA MAMAMAYAN NG NBBS KAULARAN
IKA-25 NG MARSO, 2023

I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Kabilang ang barangay NBBS Kaunlaran sa mabilis umunlad dulot ng pangunahing kabuhayan sa Navotas. Ito ay
patuloy na umuunlad subalit unti-unting nanganganib ang buhay ng mga mamamayan dahil sa mabagal na babala sa
mga mamamayan tuwing nagaganap ang lindol. Tuloy tuloy din ang mga aksidente sa daan maging ang pagtaas ng
kaso ng mga krimen tulad ng pagdukot sa mga kababaihan ay hindi maiiwasan. Isa sa mga suliranin na nararanasan
ng karamihan sa kasalukuyan ang kawalan ng seguridad sa daan sa Navotas. Ito ay nagdudulot ng kawalan ng
proteksyon sa mga mamamayan kung kaya’t ang buhay ng bawat isa ay nanganganib. Ang pangunahing sanhi nito
ay ang kawalan ng ilaw sa daan tuwing gabi at ang kakulangan ng mabilisang babala sa mga mamamayan. Dahil dito
ang mga residente sa Navotas ay nangangailangan ng Underground LEDlights na may earthquake detector na
makatutulong upang mapababa ang bilang ng mga krimen at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Tiyak na ang
mga mamamayan ay masisiguradong ligtas at makakarating sa kanilang paroroonan kung ang proyekto na ito
maisakakatuparan sa lalo’t madaling panahon.

II. LAYUNIN
• Ang layunin ng panukalang ito ay magmungkahi na makapagpalagay ng Underground Lights na may Earthquake
detector alarm sa mga kalsada ng Brgy. NBBS Kaunlaran, Navos City.
• Mas palaguin ang pagiging alerto ng mga mamamayan kapag dumating ang oras ng lindol.
• Makapagbibigay ng karagdagang ilaw sa kalsada sa gabi lalo na sa mga madidilim o walang sapat na ilaw na mga
kalsada upang maiwasan na rin ang iba't ibang uri ng insidente gaya nalang ng panghoholdap at pangingidnap.
• Mas pag-iibayuhin ang pagiingat ng mga dumadaan na mamamayan at mga sasakyang pang transportasyon upang
makaiwas sa aksidente.

III. PLANO NG DAPAT GAWIN


1. Pagpapasa at pag-apruba sa proyekto (2 linggo)- upang mabigyang oras ang mga opisyal na tignan ang layunin ng
aming proyekto, Dito rin makikita ang pagpupulong ng konseho ng sa gayon ay mabigyan din nila ito ng sushestyon
at kaisipan sa isasagawang proyekto
2. Pagkuha ng badyet (3 linggo)- kailangan ito ng mahabang panahon dahil ginagamitan ito ng maayos na
kalkulasyon at inaanyayahan din namin ang opisyal na magkaroon sila ng sapat na suporta para sa badyet ng
nasabing proyekto
3. Pagkuha ng mga trabahador (1 linggo) -kailangan ang mga trabahador na pipiliin ay siniguradong marunong sa
kanilang gagawin, kailangan ay sapat lamang ang bilang ng tauhan upang mabalanse ang badyet sa proyekto
4.. Implementasyon ng proyekto (isa’t kalahating buwan)- ito ang pinakamahabang estima ng nasabing proyekto,
ipapasara ang ibang kalsada upang maiayos nang wasto ang mga daanang lalagyan ng ilaw at detektor kung saan ang
mga daanan ay magkakaroon na ng solar na ilaw sa kalsada at ang mga “main street” kung tawagin ay magkakaroon
ng detektor na magsisilbing sinyales ng earthquake
5. Pag-oobserba (5-7 days) mahalagang makita at maobserbahan natin kung tunay ngang epektibo ang nasabing
proyekto, dadaan ito sa “test” kung saan susubukan natin alamin kung gumagana ang bawat ilaw at detektor na
nailagay sa kalsada.
6. Pagpapasinaya at pagbabasbas sa proyekto (1 araw) kung napatunayan ngang epektibo at gumagana ang
proyektong ito, ito na ang araw ng selebrasyon ng bagong proyektong makakatulong sa ating lipunan upang mas
maging ligtas sa anumang krimen at sakuna ang mangyayari sa ating komunidad.

IV. BADYET
MGA GAGASTUSIN PIRASO HALAGA

SOLAR_POWERED LIGHTS 1,000PHP each x 600pcs 600,000

KAGAMITAN --- 200,000

EARTHQUAKE SENSING ALARM 3,000PHP each x 25pcs 75,000

PASAHOD SA TRABAHADOR 15 tao x 40 days x 700 per day 420,000

PAGPAPASINAYA AT PAGBABASBAS --- 3,000

TOTAL: 1,325,000

V. BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO


Ang paglalagay ng solar-powered underground lights sa kalsada ay makakatulong sa lahat ng mamamayan ng NBBS
Kaunlaran, ang takot at pangamba sa lumalaganap na krimen at aksidente ay pwedeng masulusyonan gamit ang
proyektong ito.

Dahil sa proyektong ito ay pwedeng mabawasan ang mga krimen at aksidenteng nangyayari sa komunidad ito ay
pwedeng maging sulosyon sa mga lumalaganap na kidnapping, holdap at iba pang uri ng krimen. Ito din ay
makakatulong sa mga tao upang makaiwas sila sa mga aksidenteng pwedeng mangyari katulad ng pagsagasaan at
bungguan ng sasakyan at ang pinaka halaga rin nito ay hindi na natin kailangan ng electricity dahil ito ay gagana sa
pamamagitan lang ng solar power.

At dahil gusto pa naming itong mas lagyan ng importansya at pakinabang ay gumawa kami ng inobasyon na
ginamitan ng kombinasyon ang solar-powered lights at ang earthquake alarm na kung saan ang earthquake alarm ay
magbibigay ng babala sa’tin sa dadating na lindol, ito ay makakabenepisyo sa lahat ng tao sa barangay dahil ang
ilalagay na alarm kasama ng solar power ay magagamit upang maging handa tayo at maging alerto bago at pagtapos
ng lindol.
VI. AKTWAL NA PROYEKTO

VII. PAGPAPAKILALA

Inihanda nina: Binigyang pansin:


Felipe, Julia Gng. Gumera, Lannie Kristine
Keh, Arrene _____________________
Frejoles, Jesus
Flores, Joserey
Lopez, Timothy Pinagtibay ni:
Mindoro, Mel ______________________

You might also like