Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANGALAN: ISKOR:

BAITANG/ SEKSYON:
PAGSUSULIT SA Araling Panlipunan 10
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang
____1. Ang gender ay itinuturing na “socially constructed” o impluwensiya ng kultura. Lumipas man
ang panahon, may mga itinakda na nananatili sa paningin at pananaw ng mga tao batay sa
pagiging lalaki o babae sa lipunang ating ginagalawan. Ano ang tamang pahayag tungkol sa
gender?
A. Ang gender ay itinatakda ng ating genetic inheritance
B. Maaaring mapalitan ang gender ngunit may kahirapan
C. Nakabatay sa paniniwalang panlipunan at maaaring mabago ang gender
D. Maaaring magkaroon ng mahigit sa isang gender depende sa kanyang chromosome
____2. Si Jennifer Laude ay isang transgender o transwoman na nagkaroon ng masaklap na
karanasan sa buhay. Nang natuklasan na siya ay hindi tunay na babae, siya ay pinatay ni Lance
Cpl. Joseph Scott Pemberton, isang Amerikano na kabilang sa Hukbong Kawal Pandagat ng
United States of America noong taong 2014. Paano mo ilalarawan sa isang transgender?
A. taong may atraksyon sa opposite sex lang o “straight”.
B. taong hindi kumikilala sa naka assign na gender ng kapanganakan o di kaya sa “binary
gender” na sistema.
C. taong nakaranas ng sekswal, romantik, pisikal at ispiritwal na atraksyon sa lahat ng mga
gender identities/expressions na hindi lang sa gender binary na lalaki o babae lang.
D. taong ang gender identity ay kakaiba sa biological sex at maaaring dumanas sa isang
medical treatment upang mapalitan ang biological sex nito at kadalasang naiugnay sa
gender identity nito.
____3. Si Ana ay ipinanganak na babae ngunit sa kaniyang pakiramdam ang kaniyang
pangangatawan at pangkaisipan ay hindi magkatugma. Ano ang gender identity ni Ana?
A. Asexual B. Bisexual C. Heterosexual D. Transgender
____4. Ang mga babaylan ay karaniwan ng tumutukoy sa mga babaeng pari na may tungkuling
pangrelihiyon subalit mayroon ding lalaking babaylan sa Visayas na tinatawag na Asog. Ang
mga Asog ay nagsusuot ng nakaugaliang kasuotan ng mga babae at gumagaya sa kilos at
pananalita ng mga babae. Bakit nila ginagawa ito?
A. Pagpapahayag ng tunay nilang kasarian
B. Mas malakas ang mga babae noong panahong iyon.
C. Patunay na noon pa man ay aktibo na ang mga LGBT sa komunidad.
D. Paniniwala na mas pinapakinggan ng mga espiritu ang kanilang panalangin kung sila ay
mag-aanyong babae.
____5. May pagkakahati ng mga gawain at gampanin ang asawang lalaki at asawang babae sa pamilya.
Nararapat lamang na matutunan at maisakatuparan nila ang kanilang tungkulin sa ikaaayos ng
pamilya. Bakit natutunan ng isang tao ang kanyang gampanin bilang isang lalaki o babae?
A. Itinuturo ng lipunan C. Ipinapasa ng magulang
B. Idinidikta ng lipunan D. Nakikita nila sa kanilang komunidad
_____6. Noon, kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa ay maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama. Subalit
kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, ano ang maaaring mangyari?
A. Maaari siyang magsampa ng demanda.
B. Wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
C. Makukuha niya ang kostodiya ng kanilang mga anak.
D. Mababawi niya ang mga ari-ariang ibinigay sa kaniya sa panahon ng kanilang
pagsasama.
_____7 . Sa panahong pre-kolonyal, ang mga babae ay maaaring patawan ng kamatayan ng kanilang
asawa sa oras na makitang may kasamang ibang lalaki. Samantalang, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
_____8. Anong yugto sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang nagbigay-karapatan sa mga
kababaihan na bumoto?
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
_____9. Ang sumusunod ay mga gampanin ng babae at lalaki sa panahon ng pre-kolonyal maliban
sa isa.
A. Tungkulin ng kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa paghahanapbuhay.
B. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang
makukuhang ari-arian.
C. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na
uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan ay pagmamay- ari pa din sila ng mga lalaki.
D. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring
patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong
may kasamang ibang lalaki.
_____10. Alin sa sumusunod na pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na ang mga babae at
lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat?
A. Arapesh B. Bribri C. Mundugumor D. Tchambuli
_____11. Anong batas ang nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. Humanity Act C. Magna Carta for Women
B. Anti-Homosexuality Act D.Violence Against Women and Children
_____12. Alin sa sumusunod na bansa ang nagpatupad ng Anti-Homosexuality Act of 2014?
A. England B. France C. Uganda D. Zimbabwe
____13. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakikilala ang mahahalagang papel na ginagampanan ng
bawat gender sa iba’t ibang larangan. May mga gampanin na dati ay eksklusibo lamang sa isang
kasarian ngunit ngayon ay maaari na ring gampanan ng iba. Alin sa mga sumusunod ang mga
dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa gender roles sa kasalukuyang panahon?
I. Pagpepreserba ng kultura at tradisyon
II. Pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon
III. Pag-igting ng mga batas
IV. Pagbibigay tugon sa mga pangkabuhayang pangangailangan.
A. I, II, III B. I, II, IV C. II, III, IV D. I, III, IV
____14. Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang
kalalakihan ay biktima rin nito. Paano mo masasabi na ang sitwasyon ay hindi palatandaan ng
karahasan sa kalalakihan?
A. Pagkilala at pagbibigay halaga sa nagagawa ng asawang lalaki sa tahanan
B. Pagseselos ng walang dahilan at pambibintang ng pagkakaroon ng kalaguyo
C. Pagkakaroon ng kalaguyo habang ang asawang lalaki ay nagtatrabaho sa malayong bansa.
D. Pagmumura, at pagsasabi ng masasakit at nakakainsultong salita sapagkat maliit lamang
ang kinikita
____15. Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and
Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasang
nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ano-ano
ang mga halimbawa ng Seven Deadly Sins Against Women?
I. Incest II. pambubugbog III. Pangangaliwa IV. panggagahasa
A. I, II, III B. I, III, IV C. I, II, IV D. II, III, IV
____16. Ang gender-based violence ay isang karahasan na nakadirekta laban sa isang tao dahil sa
kanilang kasarian. Parehong kababaihan at kalalakihan ang maaaring maging biktima ngunit
ang karamihan sa mga biktima ay babae. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng
ganitong uri ng karahasan?
I. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.
II. Humihingi ng tawad at nangangakong magbabago.
III. Madalas sinasabi na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
IV. Sinisipa, sinasakal o sinasaktan ang mga anak o alagang hayop.
A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, IV D. I, III, IV
____17. Natuklasan mo na ang kaibigan mo na si Mario ay isang bisexual. Siya ang lagi mong
kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa, para na kayong magkapatid hanggang sa
matuklasan mo ang kanyang oryentasyong sekswal. Ano ang pinakamabuti mong gawin bilang
kaibigan?
A. Layuan at ikahiya si Mario
B. Kausapin si Mario at sumbatan
C. Ipagkalat ang kaniyang kalagayan sa iba pang kaibigan
D. Tanggapin ang kanyang oryentasyong sekswal sapagkat ikaw ang unang uunawa bilang kaibigan
____18. Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksiyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat
ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
diskriminasyon?
A. Pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. Pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. Kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kasarian
D. Pag-insulto at pagbigay ng nakakatawang alyas o bansag
____19. Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin maaalis sa ating
lipunan ang patuloy na pakikibaka ng iba’t ibang kasarian upang makaiwas sa mga karahasan
at diskriminasyon. Sa mundong patuloy na nangingibabaw ang batas, may pagkakataon pa
kayang maipakita ng mga LGBTQIA+ ang angking husay nang walang mararanasang
diskriminasyon at karahasan?
A. Hindi, sapagkat masama ang kanilang ginagawa.
B. Oo, sapagkat ang lahat ng tao ay kailangang tratuhin ng tama ano man ang kanilang kasarian.
C. Oo, sapagkat kailangan pa rin sila ng ating lipunan dahil karamihan sa kanila ay
matatalino at talentado.
D. Hindi, sapagkat hindi dapat sinusuportahan ang kanilang komunidad dahil ito ay mahigpit
na ipinagbabawal.
____20. Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang
kanilang boses upang tugunan ang kanilang hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at
karapatan. Nagpatawag ng pagpupulong para sa sektor ng LGBT sa inyong pamayanan upang
ipaglaban ang kanilang karapatan. Kung ikaw ay kabilang sa pangkat ng LGBT, sasali ka ba?
A. Oo, paraan ito para makilala
B. Oo, para ipakita ang pakikiisa sa kanila
C. Oo, para masaya kaming ng mga kaibigan kong magsama-sama
D. Oo, dahil katulad nila, may karapatan din kaming dapat matamasa
____21. Ang Prinsipyo ng Yogyakarta ay ginagamit bilang batayan sa paggawa ng mga polisiya at
batas na naglalayong pangalagaan ang karapatan ng mga LGBT. Anong karapatan ang HINDI
sakop ng Prinsipyo ng Yogyakarta para sa mga LGBT?
A. Karapatan sa conversion therapy
B. Karapatang magpakasal at magkaroon ng pamilya
C. Karapatan sa edukasyon ng hindi nahaharap sa diskriminasyon
D. Karapatang mabuhay ng ligtas at malaya mula sa diskriminasyon, karahasan, at pang- aabuso
____22. Isinasaad sa ika-25 na Prinsipyo ng Yogyakarta na ang lahat ng tao ay may karapatang
lumahok sa buhay-pampubliko. Si Geraldine Roman na isang transwoman ay nahalal at
nagwagi bilang congresswoman sa Bataan. Sa iyong palagay, tama ba ang pasya ng mga taga-
Bataan na siya ay mahalal?
A. Hindi, dahil ang pagiging isang congressman ay para sa lalake.
B. Oo, dahil siya ay may karapatang mahalal at ihalal ng mga taga Bataan.
C. Hindi, dahil wala siyang kakayanan na gampanan ang gawain ng isang congresswoman.
D. Oo, dahil kailangan tumbasan ng mga mamamayan ang naitulong nito sa distrito noong
siya ay nasa kampanyahan.
____23. Saklaw ng Magna Carta of Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng
batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga
babae sa iba’t ibang larangan o mga kabilang sa “marginalized women” at “women in especially
difficult circumstances.” Alin sa mga kalagayan sa ibaba ang napapabilang sa “women in
especially difficult circumstances”?
A. Maraming mga magsasaka ang hindi nabibigyan ng sapat na benepisyo
B. Si Maria ay dinukot sa Misamis Oriental at nakaranas ng pagmamaltrato bago siya nakalaya.
C. Maraming mga kabataan na dahil sa kahirapan ay napilitang maghanapbuhay sa murang
edad lamang imbis na mag aral.
D. Maraming mga kababaihang Moro at katutubo ay wala o limitado lamang ang natatamo sa
mga batayang pangangailangan at serbisyo.
____24. Bilang tugon ng bansang Pilipinas sa pandaigdigang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women (CEDAW), ang kongreso ay nagpasa ng isang batas na
pumoprotekta at kumikilala sa karapatan ng mga kababaihan na mas kilala bilang Magna
Carta of Women. Anong Batas Pambansa ang tumutukoy sa parehong batas?
A. Batas Pambansa Bilang 9262 C. Batas Pambansa Bilang 603
B. Batas Pambansa Bilang 9710 D. Batas Pambansa Bilang 9170
____25. Si Lina Cruz ay isang dalagang ina na sampung taon nang nagtatrabaho bilang sekretarya
ni G. Mar Tello. Sa tagal ng kanilang pagsasama sa trabaho, nagkaroon sila ng relasyon at
nagsama bilang mag-asawa sa loob ng apat na taon subalit dahil sa hindi magkasundo ang
anak at ang kinakasama, nagdesisyon si Lina na hiwalayan na si Mar kahit labag ito sa loob
nilang pareho. Dahil sa hiwalayan, naging agresibo at bayolente si Mar hanggang sa punto
sinasaktan niya ang mag-ina at pilit na tumitira sa bahay ni Lina kahit ayaw ng mag-ina. Sa
ganitong sitwasyon, maaari bang gamitin ni Lina ang Batas Pambansa Bilang 9262 para
maprotektahan ang seguridad niya at ng kanyang anak?
A. Hindi, dahil nagagawang saktan lamang ng lalaki ang mag-ina dahil sa pagmamahal niya
sa mga ito
B. Oo, sapagkat ang pananakit ay hindi tunay na pagpapakita ng pagmamahal at ito ay
nakasaad sa RA 9262
C. Hindi, sapagkat labag naman sa kalooban niya na makipaghiwalay sa kanyang kinakasama
dahil mahal pa rin niya ito.
D. Oo, sapagkat ang pananakit at ang sapilitang pagtira ng lalaki sa bahay ng mag-ina ay
nagdudulot na ng takot at ito ay maituturing na “Psychological Violence” na sakop ng RA 9262
____26. Si Mario na isang accountant ay nag-aplay ng paternity leave sa opisinang kanyang
pinagtatrabahuhan dahil nanganak na ang kanyang kinakasama. Hindi inaprobahan ng
kompanya ang kanyang leave dahil isa sa kailangang ipasa ni Mario ay marriage contract,
subalit wala siya nito, patunay na hindi pa sila kasal. Makatwiran ba ang dahilan ng
kompanya?
A. Oo, dahil ang saklaw lamang ng paternity leave ay ang legal na asawa.
B. Hindi, dahil may karapatan si Mario na makatanggap ng paternity leave.
C. Hindi, dahil si Mario ay empleyado ng kompanya at nararapat lamang na magkaroon siya
ng benepisyo.
D.Oo, dahil ang may ari ng kompaya ang magdedesisyon kung magbibigay o hindi ng
paternity leave.
_____27. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga
babaeng nakakulong.
A. Women of The Society
B. Able Women of the Society
C.Especial Women in Difficult Circumstances
D.Women in Especially Difficult Circumstances
____28. Ikaw ay isa sa aktibong kabataan sa inyong barangay na may mataas na pagpapahalaga sa
mga gawain na nakatuon sa mga kabataan. Bilang isang kabataan, paano mo mahihikayat ang
mga kabataan na kasapi ng LGBT na makilahok sa mga gawain ng barangay na hindi
nasasaling ang kanilang kasarian?
A. Susunod sa kanilang mga kagustuhan kahit ito ay mali
B. Bubuo ng mga grupo ng mga kasarian na binubuo ng mga lalaki at babae
C. Lilikha ng mga gawain na nakatuon sa pagkakapantay ng iba’t ibang kasarian
D. Magsusuot ng mga pambabaeng damit para makita nila na kaisa ka ng mga bakla
____29. Ang heforshe.org ay isang organisayon na binuo ng United Nations (UN) Women para sa mga
kababaihan. Nilalayon nitong hikayatin ang iba pang kasarian lalo na ang mga kalalakihan na
mapigilan at malabanan ang hindi pantay na pagtrato sa mga kababaihan. Alin sa mga
pahayag sa ibaba ang dahilan kung bakit kailangan ng malaking tulong mula sa kalalakihan
upang malabanan ang hindi makataong pagtrato sa mga kababaihan?
A. May direktang ugnayan ang mga kalalakihan sa isyung ito
B. Marami sa kalalakihan ay may katungkulan sa pamahalaan
C. Mas kakaunti ang kababaihan kung ikukumpara sa kalalakihan
D. Ang kalalakihan at kababaihan ay may direktang ugnayan sa isat-isa
____30. Dapat lamang na bigyang-galang at respeto ang bawat tao anuman ang kanyang kasarian.
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at respeto
batay sa kasarian ng tao?
A. Pagpapangkat-pangkat ng bawat isa ayon sa kasariang gusto nila
B. Pakikisama o pakikisalamuha sa mga LGBT kahit laban sa loob mo
C. Hindi pagpansin at hayaan na lamang ang mga tao na kabilang sa LGBT
D. Ganap na pakikisama at pakikipagkapwa anumang kasarian mayroon ang isang tao

You might also like