Roman C. Villalon Memorial Colleges Foundation, Inc. Basic Education Department

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ROMAN C.

VILLALON MEMORIAL
COLLEGES FOUNDATION, INC.
East Kibawe, Kibawe, Bukidnon

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


JUNIOR HIGH SCHOOL (School ID: 404988)
SENIOR HIGH SCHOOL (School ID: 349021)

Grade 9
FILIPINO

Name of Student: _________________________________ Grade & Section: ___________________


Module No: 2 Track/Strand (for SHS): _____________
Subject Teacher: ________________________ Inclusive Dates: ____________________
Score Obtained: ____________________
Over Perfect Score: _________________

Unit Topic: Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano


Module Topic: Buod ng Kabanata I ng Noli Me Tangere
Content Standards: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang
pampanitikan ng Pilipinas
Performance Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard
Standards: tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian
(dekonstruksiyon)

Competencies/Skills: a. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salita


b. Nasusuri kung nakabubuti o nakasasama ang mga nakalahad na kaugalian
c. Naiuugnay ang nilalaman ng akda sa mga pangyayari sa kasalukuyan

Specific Learning Naiuugnay ang nilalaman ng akda sa mga pangyayari sa kasalukuyan


Objectives:

Expected Task for the Ang mga mag-aaral ay makakapagsuri at makakapag-ugnay ng mga pangyayari sa
Module (ETM): mga akdang tinalakay.

Learning Activity 1 Bilang panimulang gawain, isa-isahin ang mahahalagang okasyong karaniwang
pinaghahandaan ng inyong pamilya. Isulat ang iyong sagot sa mga kahon na makikita
sa graphic organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mahahalagang tanong na
makikita sa ilalim nito.

Mga Okasyong Karaniwang Ipinaghahanda ng Aming Pamilya


1. Sa iyong palagay, bakit gayon na lamang ang pagpapahalaga ng mga Pilipino
sa paggunita sa mga pagdiriwang o okasyong iyong itinala sa itaas?

2. Para sa iyo, paano nakatutulong sa buhay ng mga Pilipino ang paghahanda o


pagsasalo-salo sa tuwing dumarating ang mahahalagang okasyon?

3. Paano at kalian naman ito nagiging masama sa buhay ng mga tao? Bakit mo
nasabi ito?

Understanding the
Lesson
Noli Me Tangere Buod Kabanata 1:
Ang Pagtitipon

Isang malaking pagtitipon ang gaganapin sa bahay ni Don Santiago de los Santos o
mas kilala sa tawag na Kapitan Tiago sa Kalye Anluwage upang salubungin ang isang
binata na galing Europa.

Sikat at malaki ang kanyang impluwensya dahil siya ang dating alkade ng kanilang
lugar. Kilala din ito dahil sa pagiging matulungin sa mga mahihirap.

Mabilis na kumalat ang balita ng pagtitipon sa maraming distrito ng Maynila hanggang


sa loob ng Intramuros.

Pagpasok palang sa bahay ay may sasalubong nang malaking hagdanan na


nababalutan ng karpeta. Sa ikalawang palapag ay may makikitang mga porselanang
Intsik na may iba’t-ibang kulay at disenyo na mas nakatawag ng pansin sa mga bisitang
dumalo.

Mapapakinggan ang magagandang tunog na gawa ng orkestra at mga kalansing ng


mga pinggan at kubyertos. Sa gitna ng bulwagan ay may mahabang lamesa na kainan
na puno ng adorno.

Ang dingding ay mga mga relihiyosong likhang sining na pinamagatang Purgatoryo,


Impyerno, Huling Paghuhukom, Ang Kamatayan ng Makatarungan at Kamatayan ng
Makasalanan.

Ang sala ay puno ng mga panauhin, hiwalay ang mga babae sa lalaki na parang nasa
simbahan. Si Tiya Isabel, ang pinsan ni Kapitan Tiyago ang siyang naging tagatanggap
ng mga panauhin. Baluktok siya kung mangastila.

Nagdatingan pa ang mga panauhin kabilang na ang mag-asawang sina Don Tiburcio
de Espadaña at Doña Victorina de Espadaña; Padre Hernando De La Sibyla na siyang
kura ng Tanawan; Padre Damaso Vardolagas ang dating kura San Diego; ang
dalawang paisano; at si Tinyente Guevarra ang tinyente ng gwardiya sibil.

Ikinagulat ni Padre Damaso ang dahilan ng pagpunta ng binata. Ang akala niya’y
pumunta ang binata sa Pilipinas upang magtrabaho, yun pala ay interesado ang binata
sa pag-uugali ng mga katutubong Pilipino.
Nagkaroon ng kanya kanyang pagpapahayag na nagresulta sa mainit na sagutan sa
pagitan ng mga panauhin laban kay Padre Damaso. Hindi na napigilan ng pari na
mailabas ang kanyang mapanlait na ugali laban sa mga Indio.

Sinabi din ni Padre Damaso na hindi dapat manghimasok ang hari sa pagpaparusa ng
simbahan sa mga erehe. Ngunit ito ay tinutulan ni Tinyente Guevarra, batid niya na
may karapatan ang Kapitan Heneral sa pagpaparusa dahil ito ang kinatawan ng hari ng
bansa.

Pinalipat si Padre Damaso sa ibang lugar dahil pinahukay nito ang bangkay ng isang
marangal na lalaki na napagkamalang isang erehe dahil sa hindi nito pagkumpisal.

Iniwan ni Tinyente Guevarra ang umpukan. Pinakalma naman ni Padre Sibyla ang galit
na galit na si Padre Damaso. Kinalaunan ay nagpatuloy na muli ang pagtitipon.

Learning Activity 2 Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang salitang nakasulat nang pahilig sa
pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon. Titik lamang ang isulat sa
patlang.

a. labis na kasiyahan ng mga panauhin


b. maraming alam
c. maligoy o mapalabok na pananalita
d. nagmano bilang tanda ng paggalang
e. pinahahalagahan ang kalusugan
f. sobrang bilis

_____1. Parang daloy ng kuryente ang pagkalat ng balitang maghahanda


ng isang hapunan si Kapitan Tiago.

_____2. Siya ay hinog na karanasan kaya naman ang kanyang mga payo
ay maaaring panghawakan.

_____3. Maraming politiko sa kasalukuyan ang mabulaklak magsalita.

_____4. Ang mga dumating na panauhin ay isa-isang bumalik ng kamay


kay Padre Damaso.

_____5. Si Padre Damaso ay maingat sa katawan kaya naman bagaman


siya ay may edad na ay taglay parin niya ang magandang pangangatawan.

Learning Activity 3 Suriin kung ang mga nakatalang pahayag ay patuloy pa ring nangyayari sa
kasalukuyan. Isulat ang Oo o Hindi sa kahon at pagkatapos ay ipaliwanag kung
nakabubuti o nakasasama ang ga kaugaliang ito.

1. Magarbong paghahanda sa tuwing may okasyon.

Paliwanag:
______________________________________________________________
___________________________________________________________.

2. Mainit na pagtanggap sa mga panauhin.

Paliwanag:
______________________________________________________________
__________________________________________________________.
3. Paghalik ng kamay sa mga nakakatanda.

Paliwanag:
______________________________________________________________
_________________________________________________________.

4. Pagiging mayumi at pagiging mahinhin ng mga babae.

Paliwanag:
______________________________________________________________
_________________________________________________________.

5. Pakikinig ng mahusay bilang pagbibigay-galang sa taong nagsasalita.

Paliwanag:
______________________________________________________________
__________________________________________________________.

6. Pangungumpisal sa mga pari.

Paliwanag:
_________________________________________________________
_______________________________________________________.

7. Pagwawalambahala sa mga bagay na dapat tapusin.

Paliwanag:
_________________________________________________________
_______________________________________________________.

Learning Activity 4 Para sa iyong sarili, ano ang mga katangian ng mga kabataan noon ang kailangang
panatilihin ng mga kabataan sa kasalukuyan?

Resources/References: Baisa-Julian, Ailene G.,et.al Pinagyamang Pluma 9 pahina 420-432

You might also like