Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKAANIM NA LINGGO

GAWAIN 2:

PAMAGAT - Paralegal at Maralita

MANUNULAT – Gregorio V. Bituin Jr.

TAUHAN – MARALITA, GOBYERNO, KAPITALISTA, DAYUHAN, ABOGADO.

BANGHAY (BILANG KABUUAN)

SIMULA- Ang simula ng akdang ito nang ang mga maralita ay pinalalayas na lamang na parang
hayop sa mga pampubliko at mga pribadong lupa, sa mga lupang tatayuan ng proyekto ng
gobyerno, tulad ng imprastruktura, tulad ng kalsada, tulay, at iba pa. Winawasak ang kanilang
mga tahanan dahil nakatirik sa mga delikadong lugar, tulad ng estero, tabing-ilog, riles, at
bangketa. Sila umano’y masakit sa mata ng gobyerno’t mga kapitalista, lalo na’t may
bumibisitang “importanteng” dayuhan sa bansa. Kailangan silang idemolis at itapon sa
malalayong lugar. Parang pusang gala ang tingin sa kanila ng mga matapobreng nasa poder ng
kapangyarihan. Winawasak ng mga nasa kapangyarihan ang mismong dignidad ng maralita.
Dinedemolis ang tahanan ng maralita ng walang “due process of law”, walang “equal protection
of the laws”, at walang makatarungang kumpensasyon. Ang matindi pa rito, mabilisan ang
pagpapatupad ng desisyon kapag ito ay hindi pabor sa mga tao. Itinalakay at binigyang halaga
sa akda ang karapatan ng mga tao, mahirap man o mayaman. Ang pananalig na realismo
ay naipakita rin dahil ang akda ay tungkol sa isang makatotohanang isyu ukol sa kahirapan at
kawalan ng pagkakapantay-pantay.

GITNA - sumama ang aking loob sa kung paano inihantulad ang mga maralita. Dagdag pa rito ay
kung paano sila tanggalan ng kapangyarihan para ipagtanggol ang mga sarili at dignidad
nila. Nakakalungkot lang isipin na hanggang ngayon ay maingay na isyu pa rin ang kahirapan.
Ngunit, nabuhay ang aking loob ng mabasa ko sa akdang ito na kaya ko, kaya natin, na
maipagtanggol ang ibang mga naagrabyado kahit pa hindi tayo abogado. Higit sa lahat, hindi
lahat nadadaan sa dahas, makakaya nating maipagtanggol at maipaglaban ang ating mga
karapatan kung mananatili tayo sa tama. Natutunan ko na kahit hindi ako abogado ay maaari
kong ipagtanggol ang aking sarili. Natutunan kong kapag tayo ay naagrabyado, hindi dapat tayo
matakot. Sa halip, ipagtanggol natin ang ating sarili sapagkat may mga kasulatan o batas na
handang protektahan tayo para hindi tayo mawalan ng karapatan sa anumang bagay.
Gayunpaman, huwag nating iisipin na dahil may batas para protektahan tayo ay magpapadalos-
dalos na tayo sa paggawa ng desisyon. Unahin nating magkaroon ng bukas na isipan upang
maging malinaw ang mga desisyong ating gagawin.

WAKAS- Napakalaki at napakalinaw ng mensahe ng akdang ito. Para sa akin, simple lang ang nais
nitong iparating. Lahat tayo ay may karapatan sa pantay na pagtingin at pantay na
pamumuhay sa lipunan. Maraming batas ang maaari nating magamit para maipagtanggol ang
ating mga sarili at hindi dapat tayo matakot na depensahan ang ating mga karapatan at
dignidad. Mahirap man o mayaman, pantay-pantay at pare-pareho tayong may karapatang
mabuhay, maging malaya, magkaroon ng komportableng tahanan, at ipagtanggol ang ating mga
sarili laban sa karahasan.

TUNGGALIAN – TAO SA TAO

Naipapakita sa akdang ito na kahit tayong mahihirap ay may karapatan upang ipag laban an
gating mga karapatan. Nag papakita ang akda na ito na lahat tayo ay pantay pantay pag dating
sa karapatang pangtao mahirap man o mayaman. Ang hustisya ng karapan ng bawat isa ay
hawak ng batas ngunit kung ang batas ay hawak ng gobyerno nang katulad ng nasa akda katulad
ng mga maralita mawawalan din tayo ng hustisya pag dating sa karapatang pang tao. Kaya
matuto tayo na ipag laban ang ating mga sarili maraming batas ang maaari nating magamit para
maipagtanggol ang ating mga sarili at hindi dapat tayo matakot na depensahan ang ating mga
karapatan at dignidad. Mahirap man o mayaman, pantay-pantay at pare-pareho tayong may
karapatang mabuhay, maging malaya, magkaroon ng komportableng tahanan, at ipagtanggol
ang ating mga sarili laban sa karahasan.

You might also like