Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Aralin: MgaIsyu sa Kasarian

at Lipunan

Prepared:

NARITESS L. BUARON
AP10 TEACHER
Karahasan sa
Kalalakihan,
Kababaihan at LGBT
Ano ang Karahasan?
Ang karahasan ay anumang
karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, seksuwal o mental
na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang pagbabanta at
pagsikil sa kanilang kalayaan.
-United Nations
Sino sino ang biktima ng Karahasan sa Kasarian?
Invisible minority
LGBT---dahil ang kanilang kuwento ay itinago, inilihim at
marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.

Disadvantaged group o minority group– “Marginalized


Women”Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
kakayahan namatamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo.

Majority group – mga kalalakihan


Anyo ng Karahasan sa Kasarian
Pisikal na pang-aabuso
(Physical abuse)

Ay sadyang pananakit sa isang


tao, tulad ng pagpalo, pagsipa,
pambubugbog, pangangagat, o
anupamang
kilos na humahantong sa pisikal
na pananakit, pagpinsala, o pag-
iiwan ng mga pasa o bugbog.
Anyo ng Karahasan sa Kasarian
Seksuwal na pang-aabuso
(sexual abuse)

ay ang pagpilit ng mga


hindi kanais-nais na
sekswal na pag-uugali
ng isang tao sa iba.
Hal. Pangmomolestiya
at panghahalay
Anyo ng Karahasan sa Kasarian
Berbal na pang-aabuso
(Verbal abuse)
Ay isang pang-iinsulto at
panunukso sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salita sa
negatibong paraan. Nalalakop
dito ang pangungutya,
pamimintas at pagsasabi ng
masasama at masasakit na
salita sa isang tao.
Anyo ng Karahasan sa Kasarian
emosyonal na pang-aabuso
(emotional abuse)

Ang pagdudulot ng
emosyonal na sakit, hapis,
o bagabag sa isang mas
nakakatandang tao sa
pamamagitan ng berbal o
hindi-berbal na mga kilos.
Mga Halimbawa ng
Karahasan sa Kasarian na
nagaganap sa ating lipunan
base sa totoong istorya…
Foot Binding sa sinaunang lipunan ng China

Ay isinasagawa ng mga sinaunang babae


sa China. Ang mga paa ng mga babaeng
ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong
pulgada gamit ang pagbalot ng isang
pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal
o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa
mga buto ng paa nang paunti-unti gamit
ang telang mahigpit na ibinalot sa buong
paa.
Foot Binding sa sinaunang lipunan ng China
Foot Binding sa sinaunang lipunan ng China

Dahilan:“Simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-


dapat sa pagpapakasal”

Epekto: Nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok


sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
Breast Ironing sa Africa Isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ang pagbabayo o
pagmamasahe ng dibdib ng
batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy.

DAHILAN: maiwasan ang maagang


pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa
pag-aaral; at (3) pagkagahasa.

Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang breast ironing o breast flattening sa
mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe.
Ang GABRIELA (General Assembly Binding
7 Deadly Sin Against Women Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action) ay isang
samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
1. pambubugbog/pananakit, ibang porma ng karahasang nararanasan
2. panggagahasa, ng kababaihan na tinagurian nilang
Seven Deadly Sins Against Women.
3. incest at iba pang seksuwal
na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at
exploitation,
6. limitadong access sa
reproductive health,
7. sex trafficking at
prostitusyon.
Domestic Violence

Ito ay karahasan na nangyayari sa tahanan.


Ito ay paulit-ulit na pagmamalabis sa
pamamagitan ng masakit na salita, bugbog sa
katawan, pagbigay ng sakit ng damdamin at
pagiisip, panliliit sa sarili, pagbanta, pananakot,
at matinding pagbawal sa paggasta o
paghawak ng pera.
Ang taong gumagawa nito ay maaring kapwa-
pamilya o sino mang ka-bahay, kapwa-puso
Ikaw ay nakakaranas ng Domestic Violence
kung ang iyong kapareha ay:
Iniinsulto ka…
Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o
paaralan;
Pinipigilan kang makipagkita sa iyong
pamilya o mga kaibigan; sinusubukan
kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan
ka pupunta at kung ano ang iyong mga
isusuot;
Ikaw ay nakakaranas ng Domestic Violence
kung ang iyong kapareha ay:

nagseselos at palagi kang


pinagdududahan na nanloloko;
nagagalit kung umiinom ng alak
pinagbabantaan ka na sasaktan;
sinisipa, sinasampal, sinasakal o
sinasaktan ang iyong mga anak o mga
alagang hayop;
Ikaw ay nakakaranas ng Domestic Violence
kung ang iyong kapareha ay:

Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa


iyong kalooban at
Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi
sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang
ginagawa niya sa iyo.
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual
at transgender:
Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong
pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang
iyong oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian
Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng
pamahalaan ang mga gay, bisexual at
transgender
Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural
na bayolente
Maari mong malamang inaabuso ka na kung
napapansin mo ang ganitong pangyayari:

pinagbabantaan ka ng karahasan.
sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
humihingi ng tawad, nangangakong
magbabago, at nagbibigay ng suhol.
Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at
karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng
panahon.

You might also like