Professional Documents
Culture Documents
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda: Talambuhay Ni Rizal Kasaysayan NG El Fili Kabanata I-IV
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda: Talambuhay Ni Rizal Kasaysayan NG El Fili Kabanata I-IV
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda: Talambuhay Ni Rizal Kasaysayan NG El Fili Kabanata I-IV
Pagsasanay Bilang 1
Pagtukoy
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem.
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng
kubyerta ang mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi,
Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.
Napapasama si Simoun sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang maimpluwensiyang alahero. Kilala
siya sa buong Maynila dahil naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral. Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at
mabagal na biyahe, napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng
itik. Sinambit naman ni Simoun na kailangang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at
sa Maynila.
Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad.
Ayaw naman ni Donya Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang balut na
pinandidirihan niya. Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong nasa taas ay ang gumagawa ng kanilang mga
intindihin.
Pagpipili
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng inyong sagot at isulat ito sa patlang
bago ang bilang.
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon din ang
mga bagahe at kargamento. Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa
Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang
Kastila na hindi naging matagumpay. Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin
ni Donya Victorina de Espadaña.
Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani.
Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili
ng alahas. Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at sinabi
ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang
iniinom at di alak.
Pagkilatis
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng inyong sagot at isulat ito sa patlang
bago ang bilang.
Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat ng
Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga espiritu. Ngunit
nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na
natakot ang mga tao. Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima. Nagkaroon daw ng
kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na
kasal. Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog Pasig.
Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya. Naging
bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang santo. Nabaling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra.
Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.
Pagpupuno
Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Si Tandang Selong na umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang
Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang
namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, at
ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito.
Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang
pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.
Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawal si
Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking
asawa’t anak na dalaga (si Lucia) sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig
muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni
Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y
mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.
Tinuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man
dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok.
Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang
kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos.
Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko.
Kinabukasan, araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.
Hanayan
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy na tauhan/lugar sa Hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago
ang bilang.
Hanay A Hanay B
A. 1. Isang matandang mangangahoy a. Tales
D. 2. Isang estudyanteng nag-aaral ng medisina. b. Selo
3. Katipan ni Basilio. c. Huli
E 4. Pinag-utangan at pinaglingkuran ni Huli d. Basilio
5. Kapatid na lalaki ni Huli. e. Hermana Penchang
6. Anak na panganay ni Kabesang Tales. f. Lucia
K. 7. Isinanla ni Huli upang pantubos kay Kabesang Tales g. Tano
I. 8. Nakahuli kay Kabesang Tales. h. Sagpang
L 9. Laging pasan ni Kabesang Tales sa pagpunta sa bukid i. mga tulisan
10. Nagbawal sa paggamit ng baril. j. Kapitan Heneral
k. agnos
l. baril
Pagsasaayos
Panuto: Ayusin asa wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa Kabanata. Lagyan ng bilang 11-15 ang patlang.