Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang Kasaysayan ng Pamamahayag sa Pilipinas

Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas sa paglalathala ni Tomas Pinpin, isang Pilipinong


manlilimbag ng Sucesos Felices, isang polyeto (newsletter) sa Maynila. Natutuhan ni Pinpin ang
sining ng paglilimbag buhat sa mga prayle at mga intsik ngunit di niya nailagay kung kailan ang tiyak
na petsa ng unang pagkakalimbag nito at kung gaano kalimit ang paglabas niyon. Inilathala niya sa
Kastila ang pangunahing mga kuwento ukol sa mga tagumpay ng La Naval laban sa mga Dutch sa
Ternate. Nagtagal ito hanggang 1809. Isang Hojas Volantes or "flying sheets" ang Aviso Al Publico
(Notices to the Public) na lumitaw noong Pebrero 27, 1799. Sinasabing ang sukat nito ay gaya ng
isang malaking kwaderno. Ito ay tungkol sa kampanya laban sa mga Moslem at pagkabihag ng mga
pirata sa Sulu nang mga hukbong Kastila sa pangunguna ni Jose Gomez.

Disyembre 1, 1846 ay kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw maliban lamang sa araw ng


lunes ang La Esperanza sa patnugot nina Felipe Lacorte at Evarisco Calderon. Malaking bahagi nito
ay mga talakayang pampilosopiya, panrelihiyon, at pangkasaysayan. Tumagal ito ng tatlong taon at
nagbukas upang maging pangaraw- araw na pahayagan. Ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas
na lumabas ng palagian sa patnugot ni Governador-Heneral Manuel Fernandez de Folgueras noong
Agosto 8, 1811. Siya ang naging patnugot at naglathala dito ng mga gawain ng Spanish Cortes, pati
digmaan ng Espanya at Pransya. Dahil sa higpit ng sensura ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing
nakasisira sa kanila, ang pahayagang ito ay umiral lamang sa maikling panahon at pagkatapos ng
labinlimang labas ay kusa nang namatay.

Sa patnugot ni Felipe del Pan at tumagal hanggang 1852. Nahinto na ang publikasyon noong 1849.
Ang El Isntructor Filipino y may lingguhang paglilimbag samantalang araw-araw naman ang El
Despertador na di naglaon ay nagsama’t naging isa, subalit tumagal lamang ng ilang buwan at araw.
Ang paglilimbag nito ay tumagal lamang ng ilang buwan at linggo. Hindi man nakatala kung ito ay
linguhan o arawan ang paglilimbag ngunit ito ay nakapaglabas lamang ng ilang isyu at naglaho na.
Mula sa dating Diario de Manila isinaayos itong muli at pinangalanang Boletin Oficial de Filipinas.
Binigyang oportunidad nito ang kanilang mga sabskrayber na mailathala ang kanilang patalastas
nang hanggang anim na linya lamang. Ito ay tumagal hanggang taong 1860.

Unang nailathala noong March 1, 1859 at naglabas ng dalawang beses na isyu kada buwan. Ito’y
tumagal lamang hanggang Disyembre 15, 1860. Mula sa dating Boletin de Oficial ay muling nirebisa
ang mga nilalaman ng pahayagang ito at pinangalang Gaceta de Manila. Ilang opisyal ng pamahalaan
ang inobligang magsabskrayb dito ni Gobernador Henral Blanco. Naglalathala dito ng mga batas
militar para sa 8 lalawigan ng Luzon, mga patalastas ang gobyerno, opisyal na kautusan, mga court
orders at iba pang mahahalagang impormasyon. Ito ay nanatili hanggang Agosto 8, 1895 limang
araw bago tayo sakupin ng mga Amerikano. Dahil sa ito’y namayagpag ng 38 taon at itinuturing na
pinakamatagumpay na pahayagan sa panahon ng mga Kastila. Isang pahayagang pang-hapon mula
sa patnugot ni Ulpiano Fernandez at kalunan ay pinamunuan ni Gobernador Heneral Soler y
Ovejero.

Ito ang tinaguriang kauna-unahang relihiyosong pahayagan mula sa patnugot ni Mariano Sevilla. Una
itong pinangalanan na Revista de Noticias y Anuncios noong 1861 na di kalaunan ay naging La
Espafia Oceanica . Pahayagang Kastila na minsay nasasamahan ng mga artikulong Tagalog upang
magbigay edukasyon sa mambabasa. Dalawang beses sa loob ng isang buwan ito kung maglathala
ngunit di rin nagtagal at tuluyang nawala. Ito ay pahayagang nakatutok sa mga sandatahang lakas at
di gaanong binigyang interes ng publiko kaya tuluyan rin naglaho.

Labindalawang taon (1865-1877) na nakipagsapalaran ang pahagayan na ito na laging muntik-


muntikanan nang bumagsak dahil sa hindi pagkakasundo ng mga patnugot. Naging babasahin ito ng
mga mambabasang tumututok sa linguhang bull fighting na pinangungunahan ni Lorenzo Sanchez
(isang bantog na toreador) na nagsimula noong June 10, 1871. Isang linguhang pahayagang pang-
komersyo na pinangunahan ni Joaquin de Loyzaga na di kalaunan ay nakipagsanib sa El Commercio
bilang kontributor.

Si Joaquin de Loyzaga rin ang nagpasimula ng pahayagang ito na kung saan lahat ng patnugot at mga
kontributor ay pawang empleyado ng pamahalaan. Sa kanila rin nakapokus ang interes ng mga
artikulo ngunit tumagal lamang ng ilang buwan. Unang nakapaglathala ng sipi noong Pebrero 1,
1868 at naging huli na noong Oktubre 11, 1869. Isang pahayagang pang-hapon ang muling binuo ni
Joaquin de Loyzaga at Francisco Diaz Puertas gamit ang kaparehong pangalan (El Comercio) ng
pahayagang unang lumabas noong 1858. Kasabay man ng Diario de Manila at El Porvenir, ang El
Comercio ang may pinakamatatag at episyenteng naglathala ng pahayagan sa buong kalupaan sa
loob ng 56 taon (1858-1925) nang may parehong pangalan. Ito ang pinakaprogresibong pahayagan
noong panahon ng Kastila na binili ni Senator Ramon Fernandez at isinamansa La Opinion. Ang
unang patnugot nito at si Joaquin de Loyzaga at nang pumanaw siya, si Francisco Diaz Puertas ang
pumalit. Nang siya ay pumanaw na rin ay si Jose de Loyzaga na anak ni Joaquin de Loyzaga ang
naging patnugot. Naglathala ng mga tula ng isang beses sa loob ng isang linggo. Linguhang
pahayagan na naglalathala ng mga kaalamang may kaugnayan sa agham at mga literaryong gawain.
Linguhang pahayagan na naglalathala ng ibat’ibang mga rebyu at ilustrasyon.
Pumalit sa El Povenir at nagpatuloy hanggang 1899. Nabuo ilang buwan matapos maganap ang
Treaty of Paris Naglathala ng linguhan at di naglaon ay naging dalawang beses sa loob ng isang
buwan na may huling isyu noong Disyembre 1881. Tumagal lamang ng anim na buwan. Naglathala
ng linguhan ngunit sandaling panahon lamang. Naglathala ng dalawang beses sa loob ng isang linggo
ngunit panandalian lamang din. Ito ang pahayagang nakaukol sa Agrikulturang mga sulatin at
anunsyo buwan-buwan na tumagal hanggang 1899. Mga pahayagang nagsara rin matapos ng
labindalawang isyu dahil sa kakulangan ng interes nang mga tao sa Sining at Agham. Naglathala
lamang ng ilang isyu at sa pinakahuli ay nakasaad na ang kanilang paghinto at mga pananalitang
"Here we have another demonstration of how few people in the Philippines read"

Ikaapat na pahayagang lumabas sa taong 1882 na may islogang "It is possible to love the Philippines
without hating Spain and to love Spain without hating the Philippines.“ Ito’y tumagal lamang ng
limang buwan at sinasabing hindi ito nakahimok ng malaking bagahdan ng tagapagtangkilik sa
nasabing ideya ng islogan. Isa sa pinakaimportanteng pahayagan ay itinayo ni Jose Maria Perez
Rubio. Ito ay nakadisenyo para sa sirkulasyon ng mga abogado at patnubay para sa mga hustisya at
kapayapaan. Ipinasara ito ng Gobernador Heneral noong 1888 dahil umano sa kawalan ng lisensya
sa pamahalaan Matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa korte ay muli itong binuksan noong 1893
sa pangalang ngunit di naglaon ay nagsara dahil sa pagkamatay nang nagtayo ng pahayagan. Unang
pamprobinsyang pahayagan na inilathala sa labas ng Maynila ngunit nahinto rin sa parehong taon.
Itinayo noong ika-1 ng Marso 1884 ni Pedro Groizard na may panulat-kamay na “Larra”. Dahil sa mga
eksposisyon at negatibong laman lagi ng pahayagan, ito’y nagdulot ng kaguluhan at may
dalawampung linggo bago tuluyang isinara. Itinayo sa Iloilo ni Diego Jimenez, isang agresibong
manunulat nang pahayang ito na nagsisiwalat ng ibat’ibang katiwalian na naging dahilan upang
magkaroon siya ng maraming kaaway. Noong 1886 ay itinayo rin nya ang El Eco de Panay na
nagpatuloy hanggang sa masakop tayo ng mga Amerikano noong 1899.

Itinayo sa pinakamantandang syudad ng Pilipinas ni Eduardo Jimenez, kapatid ni Diego Jimenez, ang
lingguhang pahayagan sa Cebu na tumagal hanggang sa panahong bago masakop ng Amerikano ang
bansa. Mga agresibong pahagayan na nagsulputan mula 1885 hanggang 1886. -Katolikong
pahayagang itinayo noong Oktubre 1886. Ito ang panahon ng sinasabing pagbabago mula sa
impluwensya ng pamumuno ni Gobernador Heneral Eulogio Despujol na naging liberal sa
pamamahala. Pahayagang naglalathala ng hayagang pagsalungat sa mga prayle , pagpapaalis sa
arsobispo at paghingi ng reporma sa pamumuno ni Benito Quiroga na sinundan ni Jesus Polanco na
tumagal hanggang 1889. Ito ay muling binuhay noong 1890 sa pangalang Binuo noong ika-4 ng
Hulyo bilang pangontra sa mga pahayag ng La Opinion sa patnugot ni Agustin Alfonso Moseras.
Nang magretiro si Mosares kalaunan ay pinamunuan ito ni Jose dela Rosa. Noong 1892 pinangalanan
itong sa pamumuno nina Federico at Antonio Hidalgo at may islogan na "The Philippines by Spain
and for Spain“.
Hunyo 1888 lumabas ang pahayagan na may isyu sa dalawang lenggwahe na di kalaunan ay naging
dalawang beses na lamang na isyu sa loob ng isang buwan hanggang 1896. Pahayagang pang-
relihiyon na lumabas nang linguhan na nagsimula noong Setyembre 1888 na may halong mga
anunsyong sibil. 1896 ang huling isyu. Nabuo rin noong Marso 1888 ngunit di rin nagtagal. Ibinenta
at inilako sa kalsada sa halagang 2 sentimo ngunit umiral lamang ito ng tatlong buwan. Itinayo ng
kumpnyang The Manila Chamber of Commerce na nagpatuloy hanggang sa panahon ng mga
Amerikano hanggang sa tuluyang mawala . Sinimulang ng Mayo 1889 at nagpatuloy hanggang 1896.
Sinimulan ni Isabelo delos Reyes noong Hunyo 1889 bilang neytib na pahayagan ng mga Ilocano na
may halong wikang Espanyol. Dalawang beses kada-buwan maglabas ng isyu. Itinayo ni Manuel
Schiednagel bilang pamahayagang laan sa pagbibigay papuri sa mga Espanyol ukol sa nagawa nila sa
bansa gaya ng tungkol sa relihiyon, edukasyon at kung anu-ano pang ikinabuti nang buong
sambayanan dulot ng kanilang pamamahala. Tuluyang natalo at nadaig nito ang La Opinion. Binuo
noong July 3, 1889 ni Jose Moreno de Lacalle, isang mayamang abogadong Espanyol na naglathala
ng mga sulatin sa sining , agham at sosyal na interes. Dalawang isyu kada buwan ang paglathala na
umiral hanggang ika-30 ng Hunyo 1890.

Unang lumabas noong ika-27 ng Hulyo 1889. Unang lumabas noong ika-15 ng Pebrero, 1889 sa
Madrid Spain na ginastusan ni Dr. Pablo Riazares mula sa patnugot ni Graciano Lopez Jaena. Ika-21
ng Hunyo 1890 ang unang isyu ng La Caneco, ngunit di rin nagtagal sa industriya tulad rin ng
nangyari sa El Papelito Mercantil. Unang Tagalog na publikasyon noong Abril 1890 sa patnugot ni
Pascual H. Poblete, ngunit di rin nagtagal. Ika-5 ng Abril 1890 ang unang lathala ngunit isang buwan
lamang tumagal. Ika-10 ng Hunyo, 1890 ang unang lathala at nakatuon sa pulitika. Ika-3 ng Agosto,
1890 ang unang lathala at huli na ng Oktubre.. Ika-4 ng Setyembre, 1890 ang unang labas sa
patnugot ni Vicente Garcia Valdez. Ito ay inilathala sa luntiang papel na may mga ilustrasyon at
paalaala upang maglibang ng mga mambabasa at makalimot sa kanilang mga problema. Ika-6 ng
Nobyembre, 1890 nabuo na may lingguhang isyu patungkol sa mga kabataan ng bansa. Huling
lathala ay noong ika- 12 ng Marso, 1891.

Pahayagang patungkol sa mga katutubo mula sa patnugot ni Isabelo delos Reyes na naglabas lamang
ng ilang isyu. -Pahayagang laan para sa mga kababaihan. Mga lingguhang pahayagan na maiksing
panahon lamang naglathala ng mga isyu. Bukod sa na muling naglathala, may mga bagong
pamahayagan din ang umusbong tulad ng El Ejercito de Filipinas, El Consultor del Profesorado,
Madrid-Manila, Toda en Broma, El Foro Administrativo, La Pavera,Periodico Festivo, La Puya
(naglathala ng may kaugnayasn sa Pilipinas) , Los Miercoles (naglathala ng isang isyu lamang) ,
Revista Mercantil de Filipinas, Polichinela (naglathala lingguhang isyu) and the Boletin de la
Companiia de Explotacion y Colonizacion de La Isla de Paragua. Apostolado de la Prensa, naklathala
sa Tagalog. El Heraldo Militar, sumunod ay lingguhng pahayagang tinawag na El Ejercito de Filipinas.
Manila-Santander, Boletin Oficial Agricola El Consultor de Municipios, Manalilla-Sport (buwanan), La
Legislacion (dalawanng beses kada buwan maglabas ng isyu at ukol sa pahalan at korte ang
nilalaman), El Municipio Filipino (patnugot- Isabelo de los Reyes) at Apostolado de La Prensa.(itinayo
ng mga prayle para sa mga pangrelihiyong gawainsa wikang Tagalog) El Album Militar (itinayo ng
sundalong opisyal). El Cinfe and Sorpresas- Chicago ay dalawang komiks na itinayo ngunit nawala rin
ng sumunod na taon. El Espafiol na naglathala hanggang 1898.

Boletin del Museo Biblioteca sa patnugot ni Pedro A. Paterno na bumalik mula Espanya. Boletin
Oficial del Ministerio Filipino, na nakatuon sa edukasyon at mga propesyon ang nilalaman. La
Exposition, La Campana, La Mosca at La Vida Industrial de Filipinas na itinayo ni Jose Martin
Martinez Kauna-unahang rebolusyonaryong pahayagan ng Kataastaasang Kagalang- galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Na itinayo noong ika- 18 ng Enero, 1896 Naglalayon itong
ipahayag sa lahat ang kasamaan at kasakiman ng mga prayle at mga kastilang opisyal upng makapag-
organisa ng isang rebolusyon. Nakalathala rin sa mga artikulo ng pahayagan ang ilang ebedensya
upang makahikayat nang mambabasa. Itinuturing itong isa sa pinakamahalagang pahayagan sa
Kasaysaynng Pilipinas. Iba pang mga pahayagang nalathala sa taong ito ay The Boletin de Estadistica
de la Ciudad de Manila sa patnugot ni Padre Faura at iba pang mga paring Heswita bilang opisyal na
publikasyon at nagtagal hanggang 1902 na di kalaunan ay naging wikang Ingles ang ginamit, El
Correo, El Cosmopolita na naglathala ng dalawang kopya kada buwan sa loob ng anim sa buwan
lamang at El Noticiero de Manila bilang pahayagang pang-hapon. La Hoja Dominical, itinayo naman
ng mga paring Dominikano. Lumabas din ang mga pahayagang Tagalog tulad Ang Pliegong Tagalog
na itinayo ni Juan Atayde na ayon sa kanya ay marapat lamang na magkaroon ng pahayagang
nakalathala sa wikang ito at hindi puro sa Kastila na lang.

Ang La Independencia ay itinayo ni Henenal Antonio Luna sa tulong ng kanyang kapatid na si Joaquin
noong September 3, 1898 . Isa ito sa pinaka-importanteng pahayagan sa panahon ng rebolusyon. Iba
pang mahahalagang pahayagan ng taong ito ay ang La Libertad na itinayo noong ika-20 ng Hunyo sa
patnugot ni Clemente Jose Zulueta. The Newspaper La Republica Filipina na itinayo sa Mandaluyong,
Rizal noong ika-15 ng Setyembre sa patnugot ni Pedro A. Paterno at di kalaunan noong opisyal na
pahayagan ng pamahalaan noong 1901 ng sumulat si General Douglas Mac Arthur bilang Sekretaryo
ng Digmaan ng mga panahong ito. Ika-29 ng Setyembre 1898 - inilathala sa Malolos Bulacan sa
unang pagkakataon ang El Heraldo de la Revolicion Filipina. Ito ay naging opisyal na publikasyong
pahayagan sa panahong may rebolusyon sina Heneral Emilio Aguinaldo. Ika-29 ng Disyembre 1898 -
inilathala sa Jaro Iloilo na naglalayong ipaglaban ang mga karapatan ng Pilipino.

Ika-24 ng Marso, 1899 – ang Columnas Volantes ay inilathala sa Lipa, Batngas. Ito ay naglalaman ng
mga artikulo ukol sa pulitika at mga sandathang lakas. Ito ay binuo ng mga propesyunal na
nabibilang sa samahang Club Democratico Independiente. Noong Nobyembre 18, 1899 - ang mga
pahayagang , Filipinas Ante Europa at El Defensor de Filipinas, ay inilathala sa Barcelona Espanya sa
patnugot ni Isabelo de los Reyes. Inilathala rin ang kauna-unahang pahayagang Amerikano kung
saan inihahayag ang pagkapanalo ni Heneral Dewey at pagsaugpo niya sa pwersang Amerikano sa
Manila Bay. Ito binubuo ng apat na pahina at may habang labindalawang pulgada at walong pulgada
na lapad. Mabibili ito sa halagang 25 sentimong ginto kada sipi at ito’y naglatha at gumawa ng
maraming kopya bilang alaala na rin sa nasabing tagumpay. Ang unang pangaraw-araw na
pahayagan sa panahong mga Amerikano na ang namamahala sa bansa. Una itong isinaayos noong
ika-11 ng Oktubre 1898 ngunit 1899 na maging istablisado sa patnugot ni Thomas Cowan at
negosyanteng si George Sellner.

EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete noong 1900 EL
RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900 Isa rin sa mga pangaraw-
araw na pahayagan noong 1900 na tinatangkilik natin magpahanggang ngayon. Kahulugan nito’y
ANG BAGONG ARAW na itinatag rin ni Sergio Osmeña noong 1900.

Sa panahong ito, tatlong pahayagan lamang ang umiral. Ito ay ang The Daily Tribune, Manila Bulletin
at Daily Herald. Nabuo rin ang TVT o mas kilala bilang Taliba-La Vanguardia-Tribune at DMHM o
bilang Debate-Mabuhay-Herald-Monday Mail kasabay ng patuloy na pagusbong na rin ng Magasin at
Komiks na Liwayway na lumutang bago pa man manakop ang mga Hapon sa bansa.

Lumabas ang Magasin na Yank, Daily Pacifican, The Stars and Stripes at pinaikling edisyon ng Times
at Newsweek.

Nanalo si Manuel Roxas bilang pangulo noong Abril 1946. Ang natalong dating pangulo ng
Commonwealth na si Sergio Osmena ay nagtatag ng Morning sun. •Nagtatag naman si Mauel Roxas
ng Daily News at Balita bilang pahayagan ng partidong Liberal •Ang Manila Times na dating
lingguhan ang paglathala ay naging tabloid noong ika-27 ng Mayo, 1945. •Naibangon naman muli ni
Joaquin P. Roces ang The Times. •Nagpatuloy naman ang paglalathala ng mga pahayagang
pangaraw-araw sa wikang Ingles tulad ng Business World, Malaya, Manila Bulletin, Manila Standard
Today, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, The Daily Tribune at Manila Times. •Gayundin ang
mga tabloid na abot-kaya ng masa tulad ng Abante, Balita, Bulgar, People’s Journal, People’s Taliba,
Tempo, Pilipino Star Ngayon at Saksi Ngayon.

Ang Pagsisimula ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1945) Bahagi ng pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang
magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon, at pahayagan ang kaulayaw ng paningi't
pandinig ng mga mamamayan. Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay,
mapaindibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay ng impormasyon,
makapang-impluwensya ng pananaw o makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang
demokratikong karapatan ang makapagpahayag sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan. Ang
College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay itinuturing na pangunahing institusyong
nagtataguyod ng karapatan sa pamamahayag pangkampus. Sa loob ng mahabang pitumpu't limang
taon, nagkaroon ng mahalagang papel ang organisasyon sa kasaysayan ng pamamahayag, ng
kilusang kabataan, at ng lipunang Pilipino. Sa pag-aaral na ito, sisipatin ang pagsilang ng CEGP sa
gitna ng mga pampulitika at panlipunang isyu sa panahon ng pananako p ng Estados Unidos noong
1931, ang mabilis na pag-unlad bilang isang organisasyon, hanggang sa pagsasara nito noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa pagdiriwang ng ika-80 taon ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), mahalagang
balikan ang kasaysayan nito upang paghalawan ng insipirasyon at aral. Ang paggunita sa nakaraan ay
pagtingin din nang pagsulong. Itinatag ang College Editors Guild (CEGP) noong Hulyo 25, 1931,
mismong kaarawan ni Ernesto Rodriguez Jr., punong patnugot ng National, publikasyon ng National
University. Kabilang ang mga pahayagang pangkampus Philippine Collegian (UP Diliman), Varsitarian
(University of Santo Tomas) at Guidon (Ateneo de Manila University), layunin nitong pagkaisahin ang
lahat ng manunulat pangkampus at linangin ang kanilang kakayahan sa pamamahayag. Nahalal na
unang tagapangulo si Wenceslao Vinzons, punong patnugot ng Philippine Collegian. Tradisyonal na
organisasyon ang CEG noon. Eksklusibo ang kasapian sa mga patnugutan ng mga publikasyon. Abala
ito sa mga journalism trainings, intercollegiate pageants, relief operations sa mga nasalanta ng
kalamidad. Gayunman, sa maagang bahagi pa lamang ng kasaysayan, makikita na ang potensyal na
papel nito sa lipunan. Noong Disyembre 9, 1932, sa pangunguna ni Rodriquez at Vinzons, tinutulan
ng mga kabataang manunulat ang panukalang dagdagan ang sweldo ng mga mambabatas sa
mababang kapulungan. Mabilis na lumawak ang kasapian ng CEG. Kinilala ito bilang isa sa mga
pinakaprestihiyosong organisasyon ng kabataan. Nagsilbi itong tuntungan ng mga kabataang
nagnanais makilala sa larangan ng politika at pamamahayag. Noong 1941, pansamantalang tumigil
ang operasyon ng Guild dulot ng Ikalawang Gyerang Mundyal. Si Vinzons ay sumapi sa HUKBALAHAP
at namatay na bayani. Nanumbalik ang CEGP pagkatapos ng giyera. Naitala noong 1948 ang pakikiisa
ng Guild sa mga mamamahayag sa mainstream media. Sinuportahan ng manunulat pangkampus ang
strike ng mga empleyado ng Evening News bilang protesta sa pagpapatalsik kay Cipriano Cid at
panawagang kilalanin ang Philippine Newspapers Guild. Pagsapit ng dekada singkwenta, malaki ang
naging impluwensya ng makabayang ideya ni Claro M. Recto sa maraming kabataan. Pagsapit ng
dekada sisenta, bunsod ng matinding krisis pampolitika at pang-ekonomiya sa panahon ni Marcos at
ng lumalakas na kilusang kabataang estrudyante, nagkaroon ng malaking puwang ang progresibong
ideya sa loob ng organisasyon.Hindi naging banayad ang transpormasyon ng CEGP mula sa isang
tradisyonal na organisasyon patungo sa pagiging progresibo. Sa katunayan, naging maigting ang
pagtatalo sa hanay ng kasapian. “Mananatili bang nyutral ang pamamahayag pangkampus sa
panahon ng maigting na paglaban ng mamamayan? Mananatili bang tagapagtala na lamang ng
kasaysayan ang mga manunulat o kailangan nang pumanig at makilahok? Ano ang papel ng
kabataang mamamahayag sa lipunan?” Sa mga katanungang ito uminog ang debate. Naglathala rin
ng mga rebolusyonaryong artikulo ang mga publikasyong pang- estudyante. Unang lumabas ang
Lipunan at Rebolusyong Pilipino sa Philippine Collegian. Nagre-reprint ng mga artikulo mula sa Ang
Bayan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas, ang The Bedan (San Beda College),
Guidon, Philippine Collegian, Ang Malaya, at iba pa.

Pagsapit ng 1970, lalong tumitimbang ang progresibong oryentasyon ng Guild. Dumaluyong ang kilos
protesta sa lansangan. Maraming manunulat pangkampus ang lumahok ang nagpakilos sa mga
malakihang mobilisasyon sa panahon ng First Quarter Storm. Hindi iilang Guilders ang naging kasapi
ng Kabataang Makabayan. Tumining ang papel ng pamamahayag pangkampus bilang alternatibong
pamamahayag para sa mamamayan. Sa panahon ng paghahari ng crony press, maraming
publikasyong pang-estudyante ang nagpapalaganap ng katotohanan sa labas ng kani-kanilang
pamantasan. Ang kabulukan ng gobyernong Marcos na hindi nababasa sa mainstream ay isiniwalat
ng mga pahayagang pangkampus. Dahil dito, binansagan ni Marcos na mosquito press ang mga
publikasyon. Sa Visayas, inilathala ang mga sulatin ni Jose Maria Sison, Renato Constantino Sr., Gary
Olivar (lider ng Samahan ng Demokratikong Kabataan) sa Weekly Silimanian (Siliman University),
Weekly Carolinian (University of San Carlos), Sambayanan (Western Institute of Technology), Quill
(Southwestern University) at marami pang iba. Sa pagkakahalal ni Antonio Tagamolila bilang
pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang ipinahayag, “Ang pagkakapanalo
ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy
na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi lamang isyu ng kalayaan sa
pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at demokratikong interes ng malawak
na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng mga sundalong Pilipino sa giyera sa
Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni Marcos. Nilabanan ang pandarahas
sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang paglulunsad ng teaching o study
circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa. Sa ganitong
konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping sector ng lipunan. Nang
ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos lahat ng publikasyon sa
kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli ang Philippine Collegian,
Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa pagmamatyag ng militar. Sa
panahon ding ito, nagsulputan ang mga underground student publications sa buong bansa. Naging
tangyag ang pasa- bilis. Palihim na binabasa at pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga
publikasyong naka-mimeographed. Matapang na tinuligsa ng mga ito ang lagim ng Batas Militar.
Maraming manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa
kanila sina Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring
nagtungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel
Lacaba (Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang
bahagi ng dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring
manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang
lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of
College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod
na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan.
Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125
patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981.

Ang tagumpay ng ito ay bunga ng walang humpay na pag-oorganisa sa hanay ng manunulat


pangkampus. Ibayo ring sumigla ang kilusang kabataang estudyante. Puspusang itinaguyod ang mga
lehitimong kahilingan ng estudyante. Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National
Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon),
ang kampanya sa pagpapabukas ng mga pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at
pagtatanggal ng military detachments sa mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement
ang pagkilos na ito. Sa mga punong lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan.
Hindi natinag ang mga estudyante kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno. Ilang buwang
walang pasok dahil nasa lansangan ang mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu
at kilalanin ang mga lehitimong panawagan ng kabataan. Dumagundong ang tagumpay na ito sa
buong kapuluuan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong karapatan,
makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Sa pagkakahalal ni
Antonio Tagamolila bilang pambansang tagapangulo noong 1971, buong pagmamalaki niyang
ipinahayag, “Ang pagkakapanalo ng mga progresibo ay magbubunsod ng isang bago, mulat matatag
at militanteng CEGP.” Tuluy-tuloy na ang naging pagkiling ng CEGP sa isyu ng mamamayan. Hindi
lamang isyu ng kalayaan sa pamamahayag ang itinaguyod ng Guild bagkus pati patriyotiko at
demokratikong interes ng malawak na mamamamayan. Kinondena ang pagpapapain ni Marcos ng
mga sundalong Pilipino sa giyera sa Byetnam. Tinutulan ang pakanang Constitutional Convention ni
Marcos. Nilabanan ang pandarahas sa mga piketlayn at militarisasyon sa kanayunan. Masigla ang
paglulunsad ng teaching o study circles, social investigation at pakikipamuhay sa mga magsasaka at
manggagawa. Sa ganitong konteksto, inangkin ng mga kasapi ng CEGP ang pakikibaka ng mga aping
sector ng lipunan. Nang ipataw ang Batas Militar, idineklarang ilegal ang CEGP. Naipasara ang halos
lahat ng publikasyon sa kampus. Sa militanteng paglaban ng kabataang estudyante, nabuksang muli
ang Philippine Collegian, Guidon at UPLB Perspective (UP Los Baños). Sumailalim ang mga ito sa
pagmamatyag ng militar. Sa panahon ding ito, naging tangyag ang pasa-bilis. Palihim na binabasa at
pinagpapasa-pasahan ang limitadong kopya ng mga publikasyong naka-mimeographed. Maraming
manunulat pangkampus ang dinampot, ikinulong, tinortyur at pinaslang. Kabilang sa kanila sina
Liliosa Hilao at Ditto Sarmiento. Sa lantarang pasistang paghahari ni Marcos, marami ring nagtungo
sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka. Ilan sa kanila sina Emmanuel Lacaba
(Guidon), Evelyn Pacheco (Torch, PNU) at Lorena Barros (Advocate, FEU.) Sa ikalawang bahagi ng
dekada sitenta, muling sumigla ang ligal na pakikibakang masa sa pangunguna ng uring
manggagawa. Pumutok ang La Tondeña strike na sinundan ng serye ng welga, boykot at protestang
lansangan. Naging inspirasyon ito sa muling pagtatatag ng CEGP. Itinayo ang Mendiola Association of
College Editors (MACE) na nagpasimuno ng First Metro Manila Student Press Congress. Sa sumunod
na mga buwan, tumugon din nang buong sigasig ang ibang mga rehiyon sa buong kapuluan.
Naganap ito mula 1977 hanggang mailunsad ang 16th National Congress na dinaluhan ng 125
patnugot mula sa 43 publikasyon noong Mayo 1981. Ang tagumpay ng ito ay bunga ng pag-
oorganisa sa hanay ng manunulat pangkampus.

Pinamunuan ng CEGP, kasama ang Youth for National Democracy (YND) at Alyansa Laban sa Pagtaas
ng Matrikula (League of Filipino Students ngayon), ang kampanya sa pagpapabukas ng mga
pahayagang pangkampus at konseho ng mga mag-aaral at pagtatanggal ng military detachments sa
mga kampus. Tinaguriang Democratic Reform Movement ang pagkilos na ito. Sa mga punong
lungsod at lalawigan, kumilos ang mahigit sa 200,000 kabataan. Hindi natinag ang mga estudyante
kahit pa karahasan ang isinagot ng gobyerno. Ilang buwang walang pasok dahil nasa lansangan ang
mga estudyante. Napilitan ang gobyernong harapin ang isyu at kilalanin ang mga lehitimong
panawagan ng kabataan. Napatunayang sa kolektibong pagkilos at paggigiit ng demokratikong
karapatan, makakamtan ang mga makatarungang kahilingan ng kabataan at mamamayan. Mariin
ding kinondena ng CEGP ang mga atake sa kalayaan sa pamamahayag. Ilan dito ay ang pagkakasara
ng We Forum at pag-aresto sa mga mamamahayag nito na karamihan ay alumni ng Guild; ang pag-
uusisa ng National Intelligence Board sa manunulat ng Women; ang pagpapatalsik sa patnugot ng
Tempo na si Recah Trinidad; mga kasong libelo laban kay Domini Suarez at Ceres Doyo at pag-aresto
kay Tony Nieva ng Bulletin Today. Matindi rin ang panunupil sa mga pahayagang pangkampus..
Binisita ng militar ang tanggapan ng The Work ng Tarlac State College of Technology. Pinatalsik ang
mga patnugot ng Collegian ng Central Luzon State University sa rekomendasyon ng militar na
nakabase sa Nueva Ecija. Pagsapit ng 1983, ibayong militansya ang ipinamalas ng kabataan mula
nang paslangin si Ninoy Aquino hanggang sa pagbagsak ng diktaduryang Marcos. Ang pag-aalsa
noong 1986 ay nagluklok kay Corazon Aguino bilang bagong pangulo. Tiningnan si Aquino bilang
isang pinunong liberal burges. Pinuri ang Republic Act 7079 o Campus Journalism Act bilang
“milestone in the history of the campus press.” Kabaligtaran ang naganap sa aktwal. Naging
epektibong instrumento ang CJA ng mga kaaway ng kalayaan sa pamamahayag sa pagsupil sa mga
pahayagang pangkampus. Matapos ilabas ang implementing guidelines, naipasara ang Quezonian,
White and Blue, Ang Pamantasan, Blue and Silver, at iba pa. Kung susundin ang probisyong
nagsasaad na hindi mandatory ang pangongolekta ng publication fee, maipapasara ang halos lahat
ng publikasyon kung nanaisin ng administrasyon ng mga pamantasan. Nakaligtaan ng CEGP ang mga
aral ng DRM. Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang demokratikong karapatan. Iginigiit ito at
ipinaglalaban, hindi ikinukupot sa batas. Iwinasto ang kamaliang ito sa 1996 National Council
Meeting. Dito rin nabuo ang tatlong makatwirang panawagan ng CEGP: (1) Buksan ang lahat ng
nakasaradong pahayagan; (2) Magtatag ng mga publikasyon sa mga pamantasan; at (3) Wakasan
ang lahat ng porma ng panunupil sa kalayaan sa pamamahayag. Bukod sa CJA of 1991, may isa pang
malubhang pagkakamali ang CEGP noong 1991. mula sa patriotiko at demokratikong oryentasyon ng
Guild, binago ito sa pagiging Activist Campus Press. Ang ACP raw ay tinipong mga konsepto at
oryentasyon – responsible journalism, radical campus press, alternative campus press, committed
campus press.
Layunin daw ng ACP na hanapin ng pamamahayag pangkampus ang kanyang sarili bago ito
makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. Ipinagkamali nitong maaaring makamtan ang tunay at
ganap na kalayaan sa konteksto ng bulok na sisteman panlipunan. Paglaon nakitang mali ang
mismong paghahanap ng bagong oryentasyon. Nasagot na ang mga batayang tanong hinggil sa
tamang ugnayan ng pamamahayag pangkampus sa lipunan noon pa lamang 1970. Nang mailatag
nang lubusan ang mga naging kahinaan, puspusan din naman ang naging pagwawasto ng Guild.
Nagpanibagong sigla ito sa lahat ng aspeto. Sa ilalim ng gobyerno ni Ramos, aktibo ang CEGP sa
paglahok sa mga isyu ng mamamayan. Tinugunan nito mula pagtaas ng matrikula hanggang pagtaas
ng presyo ng langis, hanggang dikta ng IMF-Work Bank sa patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas.
Samakatuwid, muli nitong isinabuhay ang patriyotiko at demokratikong oryentasyon. Ang
pinakahuling matagumpay na kampayang sinuong ng Guild ay ang pagpapatalsik sa korap, kontra-
mamamayan at kaaway ng kalayaan sa pamamahayag na si Joseph Estrada. Isa ang CEGP sa mga
unang progresibong organisasyong nanawagan ng pagpapatalsik kay Estrada. Sa tagal nang itinagal
ng CEGP, itinuturing na itong institusyon ng marami. Nananatili itong isa sa mga pinakamalawak at
pinakamatatag na organisasyon ng kabataan sa bansa. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito
natitinag dahil sa pagyakap nito sa patriyotiko at demokratikong interes ng kabataan at
mamamayan. Lagi’t lagi itong matatagpuan sa pakikibaka ng mamamayan sapagkat paglilingkod ang
nasa ubod ng nakaraan at kasalukuyan ng CEGP.

You might also like