Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ano ang Pananaliksik?

Ang pananaliksik ay laging nagsisimula sa mga tanong na hindi masagot , kung kaya
naghahanap ng mga ebidensya o basehan upang sagutin ang mga tanong sa isipan.

Ayon kay Good (1963)

Ang Pananaliksik ay maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang


teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon
at/o resolusyon nito.

Ayon kay Aquino ( 1974 )

Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap
ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos
suriin at lapatan ng interpretasyon mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap
siya sa isa pang esensyal gawain-ang paghahanda ng kanyang ulat pananaliksik.

Ayon kay Manuel at Medel (1976)

Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o


impormasyon upang malutas ang isang particular na suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan.

Ayon kay Parel (1986)

Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning


ang mga katanungan ng isang mananaliksik

Ayon kina E Trece at J.W Trece (1973)

Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makuha ang mga solusyon sa mga suliranin.
Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon
para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

“layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa pagbuo ng isang


saliksik.”
MGA APAT NA BAHAGI NG PAGSUSURI NG PANANALIKSIK

Layunin ng Pananaliksik

 Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo
pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa.
 Isinusulat ito bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad
ang mga tanong sa pananaliksik.
 Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo mailatag ang mga tanong sa
pananaliksik

Sa pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:

1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin
at paano ito gagawin;

2. Makatotohanan o maisasagawa;

3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat


o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

Gamit ng Pananaliksik

 Sinasagot nito ang mga katanungang "ano, saan, kailan at sino" .


 Ito ay nagpapaliwanag ng sanhi o dahilan ng mga pangyayari kung saan sinasagot nito
ang mga tanong na “bakit" o "paano"
 Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang
lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ag
panibagong imbensyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik.
 Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
 Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at
katotohanan ng isang datos o ideya

Metodo ng Pananaliksik

 Ang metodolohiya ay tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga


suliranin/tanong/layunin ng pananaliksik o mga paraan ginagamit sa pagtitipon at
pagsusuri ng mga datos/impornasyon.
Etika ng Pananaliksik

 Ayon kay Ferriols (1997), ang etika ay nagmula sa katagang Griyego na nakaugat sa
ethos na nangangahulugang “ nakaugaliang pamamalakad sa buhay o ugali”. Kung kaya
dapat alam ang mga dapat o hindi dapat isagawa sa pananaliksik.

Prinsipyo sa etikal na pananaliksik ng American Psychological Assosiation (2003) at Center for


Social Research Methods (2006)

Pagkilala sa Pinagmulan ng mga ldeya sa Pananaliksik

 Tumutukoy sa pagbanggit at pagkilala sa orihinal na sumulat ng mga datos o ideyang


pinagkuhanan o ginamit sa pananaliksik.
 Isulat nang tama ang pangalan at taon ng pagkakasabi o pagkakalathala ng
pinagkuhanan ng mga konsepto o ideya.

Pagkakumpidensyal at pagkapribado

 Pagiging realistiko at sensitibo ng ilang nakuhang mga datos o ideya mula sa kalahok.

Pakikiayon sa legal mga at pamantayang kultural, legal at moral

 Pagkilala sa kultura, legal at moral ng mananaliksik sa siid-aralan, sinupan o larangan


kung saan ipinababawal ang paglabag sa mga nakasulat at hindi nakasulat na kaugalian,
at patakarang panlipunan ng mga pook na pinagsasaliksikan.

Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik

 Kailangan na pagnatapos ang isinagawang pananaliksik ay mabigyan ng pidbak, ulat o


resulta ang mga kalahok/participant lalo na kapag ang isinagawang pananaliksik ay may
malaking pakinabang sa mga kalahok.

Evasco et al,

 Nakasalalay sa pakikipagkapwa-tao at pantaong pagpapahalaga ng mananaliksik ang


anumang
panuntunan sa etikal na pananaliksik.

Association Psychological Asociation (APA, 2003)

 Maituturing na plagiarism ang pag-angkin ng mga ideya ng ibang mananaliksik

You might also like