FILIPINO-5 Q1 Week-5 LOREVIC-ATILLO

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO 5

UNANG MARKAHAN IKALIMANG LINGGO

I. MGA PAUNA

Kompetensi/ ➢ Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang


Kasanayang sariling salita
Pampagkatuto ➢ Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong
ng mga pangungusap
F5PS-IIh-c-6.2
A. Natutukoy ang mga mahahalagang detalye hinggil sa
teksto.
Layunin B. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga pangungusap.
C. Naitatala ang mahalagang impormasyon mula sa binasang
teksto.
D. Nabibigyang halaga ang mga detalyeng nasa teksto.
Paksa/ Aralin
“Pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto gamit ang
salita at pangungusap”

Aklat / Pluma 5 Wika at Pagbasa


Sanggunian Hiyas sa Wika
Alab Filipino
Kagamitan Bolpen at Papel
Karapatang-ari Deped Talisay City Division
Puntos 30 puntos
Petsa Oktubre 11-15, 2021 Week 5

II. MAPA NG NILALAMAN

salita

Teksto

pangungusap
III. MGA NILALAMAN

1
III. MGA NILALAMAN

Aralin: Pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto gamit ang sariling salita at


pangungusap

Ang pagsasalaysay ay isang pamamaraan upang ipabatid ang mga pangyayaring


may kaugnay sa mula sa pananaw ng nagsasalaysay. Ito ay kabilang sa genreng
naratib.

Dalawa ang uri ng salaysay, ito ay:

➢ Salaysay na batay sa katotohanan


Kabilang dito ang mga akdang pangkasaysayan kung saan ang mga datos at tala ay
hango sa mga totoong pangyayari. Itinuturing na layunin ang ganitong uri.

➢ Salaysay na likhang-isip
Bagama’t taglay nito ang isang paniniwalang universal, ang mga pangyayari at
sikwens ay piksyunal o bunga lamang ng isang malikhain at mayamang hiraya.

Ang mga elemento ng salaysay naman ay:


➢ Panahon May tiyak na panahon na pinakaganapan ng ma pangyayari. Ito ang
nagpapatibay ng daloy nng mga pangyayari
➢ Kahulugan Ito ang siyang diwa ng salaysay. Dito nagmumula ang mga
motibasyon at aksyon ng mga kasangkot.
➢ Kaayusan Ang bumubo sa kasiningan at pahkaepiktibo ng salaysay. Ang hindi
paikot ikot at patalun-talong pagkakaayos ng mga pangyayari ang
nagpapadali sa kabatiran.
➢ Pananaw Ang bahaging ito nakalahad ang punto de vista ng nagsasalaysay
➢ Dayalogo Ang tuloy-tuloy na pagsisiwalat ng mga pangyayari at nagiging kabagut-
bagot kaya’t isinisingit ang mga salitaan o usapan upang magkabuhay ang
pagsasalaysay

Kahalagahan ng Pagsasalaysay
1. Nagbibigay kaaliwan at libangan
2. Namumulat sa katotohanan
3. Dagdag kaalaman at karunungan
4. Magandang pagtingin at pag-unawa sa binasa

Layunin ng Pagsasalaysay
1. May kakayahang bumuo ng isang pangyayari
2. Makapag-ambag ng isang makatotohang pangyayari
3. Magbigay aliw at magpalipas oras

2
Halimbawa:

➢ Ang nasa ibaba ay halimbawa ng isang salaysay tungkol sa pagkalap ng corona


virus sa mundo.

Ang Pagkalap ng Corona Virus


Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na
SARSCoV-2, na unang lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa
karamihan ng mga bansa sa mundo, kabilang ang United States. Dahil bago pa
itong coronavirus, ang mga awtoridad ng kalusugan ay natututo pa tungkol sa virus
at kung paano ito kumakalat. Mabilis na nagbabago ang sitwasyon at sa buong
mundo para sa Pag-iwas at Pagkontrol sa Sakit.

IV. MGA GAWAIN

Gawain 1
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay sa binasang teksto. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong sagutang papel.

Maria Makiling

Noong unang panahon, maraming hayop at makahoy pa ang mga bundok.


Isang araw, isang magsasaka ang pumunta sa bundok. Mangangahoy siya at
manghuhuli ng usa upang may makain ang kaniyang pamilya. Tuwang-tuwa ang
magsasaka. Nakita rin niya ang hinahanap niyang usa, ngunit mabilis na nakatakbo
ang usa. Sinundan ito ng magsasaka. Naligaw siya at hindi na niya malaman ang
daang pabalik sa kanila. Nagpatuloy sa paghahanap ng daan ang magsasaka. Isang
kubo ang natanaw niya sa gitna ng gubat. Siya ay humanga sa kaniyang nakita.
Bumukas ang pinto ng kubo at isang napakagandang babae ang nakita ng
magsasaka. Nagpakilala ang babae sa magsasaka, dahil pagod na pagod ang
magsasaka, pinaupo niya ito at binigyan ng maiinom at pagkain. Binigyan niya rin ito
ng isang basket na punong-puno ng gulay at prutas para sa pamilya ng magsasaka.
Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa kanyang asawa, laking gulat niya na ang
isang basket ng prutas at gulay ay naging ginto. Ganito din ang nangyari sa kanilang
kanayon na binigyan din ni Maria Makiling ng tulong. Lumipas ang ilang taon. Isang
araw, nabalitaan nila na may dalawang masamang taong nagnakaw sa kubo sa
gitna ng gubat. Nagalit si Maria. Mula noon, hindi na siya nagpakita sa tao.
Gayunpaman, hindi nila malimot ang kabutihang ginawa ni Maria sa kanila. Tinawag
nilang bundok ng Maria Makiling ang bundok na tirahan ni Maria bilang alaala sa
minamahal nilang magandang babae.

1. Sino ang pumunta sa bundok?


A. manunulat B. magsasaka C.mangangaso D. mangingisda

2.Ano ang natanaw ng magsasaka sa gitna ng gubat?


A. isang kubo B. isang hardin C. isang palasyo D. isang Paraiso

3
3. Nang bumukas ang pinto ng kubo, ano ang nakita niya ng magsasaka?
A. isang ahas
B. maraming pagkain
C.maraming dyamante
D.isang magandang babae

4. Makalipas ang isang tao, ano ang nangyari kay Maria?


A. kinuha ng mga masamang tao
B. pinahiya ng dalawang masasamang tao
C. pinasayaw ng dalawang masasamang tao
D. ninakawan ng dalawang masasamang tao

5. Bakit tinawag na Maria Makiling ang bundok?


A. dahil mas sosyal itong pangalan
B. dahil ito ang gusto ng nakararaming tao
C. sapagkat pinangalan ito kay Maria Makiling
D. sapagkat maganda at kaaya-ayang pakinggan

Gawain 2:
Panuto: Ipaliwanag at isalaysay muli ang kasabihang,

“Anumang talento na ipinagkaloob ng Diyos ay iyong linangin at huwag


ipagmayabang.”
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka

Kaisahan ng ideya- -----------------------------------------40%


Mensahe sa teksto-----------------------------------------40%
Tamang paggamit ng bararila o grammar-------------20%
Kabuuang Puntos: ------------------------------------------100%

4
V. PAGTATAYA
Panuto: Basahin mabuti ang nasa ibaba, at sagutin ang mga kasunod na katanungan.
Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Galing ng Pinoy, Hinangaan sa Hollywood!

Malaking karangalan ang iniuwi nina Jed Madela at Rizza Novales sa Pilipinas
nang magwagi sila ng napakaraming medalya at tropeo sa World Champioships of the
Performing Arts noong 2005.Ginanap sa Hollywood, California na sinalihan ng mahigit
sa 51 bansa at 1000 kalahok.
Talagang napakagaling nila. Kahit biglaan ang pag-eensayo, hindi ito
nakabawas sa napakahusay nap ag-awit nila ng kanilang mga piyesa. Maging ang
kanilang mga katunggali ay natuwa nang humakot sila ng maraming parangal.
Nakakuha si Jed ng apat nag into mula sa kategoryang Pop, Broadway, Original at
Gospel na dahilan ng pagkakatanghal sa kanya bilang Grand World Champion,Over
all vocals Cahmpion at Over-all Male Vocals Champion dahil sa tatlong medalyang
ginto na napanalunan niya mula sa kategoryang Pop,Broadway,Original,at pilak na
R&B.
Silang dalawa rin ang tinanghal na Over-all Duet World Champion,dahil sa
gintong medalyang napanalunan nila mula sa kategoryang Pop na nilahukan naman
ng 250 kalahok mula aa Timog Africa mula sa Estados Unidos.
Pinatuyan nina Jed at Rizza na talagang maipagmamalaki ang talentong Pinoy
sa mundo!
https://www.teacherph.com/phil-iri-filipino-graded-passages/

1. Sino-sinong mga pinoy na mang-aawit ang nagwagi sa World Championships of


the Performing Arts noong 2005?
A. Jason Dy at KZ Tandingan
B. Jed Madella at Rizza Novales
C. Eric Santos at Sara Geronimo
D. Martin Nievera at Pops Fernandez
2. Anong paligsahan ang pinagwagian nina Jed Madella at Rizza Novales?
A. American Idol
B. Britain Got Talent
C. Asian Song Festival
D. World Championships of the Performing Arts
3. Mahigit Ilan ang lumahok sa paligsahan?
A. 100 B. 500 C. 1000 D. 2000
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napanalunan ni Jed Madella?
A. Grand World Champion
B. Over-all Vocals Champion
C. Over-all Male Vocals Champion
D. Over-all Male Dancer Champion

5
5. Bakit kaya sila Jed at Rizza ang itinanghal na Over-all Duet World Champion?
A. Bagay silang kumanta ng solo.
B. Lagi silang nagkukuwentuhan bago umawit.
C. Nagpapaligsahan silang dalawa sa pag-awit.
D. Silang dalawa ang pinakamagaling na mang-aawit.
6. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkapanalo ni Jed Madella sa halos lahat ng
kategorya ng paligsahan sa pag-awit?
A. Ipinanganak na isang mang-aawit si Jed.
B. Si Jed lang ang may talento sa pagkanta.
C. Kaya ni Jed umawit ng kahit na anong uri ng awit.
D. Pinaghusay nila ang kanilang performance sa kompetisyon. .
7. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkapanalo nina Jed at Rizza?
A. Hindi gaanong nakapg-ensayo sina Jed at Rizza.
B. Namimili ng awit na kakantahan sina Jed at Rizza.
C. Walang suporta ang pamahalaan sa pagsali nila sa paligsahan.
D. Napakahusay ng pag-awit nina Jed at Rizza sa kanilang mga awitin.
8. Bilang isang Pilipino, ano ang iyong nararamdaman para kina Jed at Rizza?
A. Naiinggit ako sa kanila.
B. Nasasabik akong makita sila.
C. Karapat-dapat na ikarangal natin sila.
D. Naawa ako sa kanila dahil wala silang nakuhang suporta sa pamahalaan.
9. Ano ang pinatunayan nina Jed at Rizza sa kanilang pagkapanalo?
A. Sadyang magagaling ang mga Pilipino.
B. Libangan ng mga Pilipino ang pag-awit.
C. Maraming Pilipino ang marunong kumanta.
D. Mahilig sumali sa mga paligsahan ang mga Pilipino.
10. Kung ikaw ay may talento sa pag-awit, ano ang dapat mong gawin?
A. Tatahimik na lang ako dahil nakakahiya.
B. Ipagmayabang na may talento ako sa pag-awit.
C. Hindi na sasali sa mga patimpalak sa pag-awit kapag natalo.
D. Sasali ako sa mga patimpalak sa pag-awit para lalo pa akong gagaling.

VI. PAGPAPAYAMAN
Panuto: Basahin ang kuwento. Gawan ito ng balangkas o dayagram. Gawing gabay
ang sumusunod na halimbawa sa ibaba. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

Ang Manok at Ang Uwak


Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang
uwak kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw nito. Isang araw, sa paglalaro nila,
napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon. “Uy, pahiram naman ng
singsing mo. Ang ganda-ganda!” sabi niya sa uwak. “Sige, iiwan ko muna ito sa iyo.
Bukas ko na lang kukunin uli,” sagot ng uwak na mabilis na lumipad uli. Naglalakad
ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing niya nang
lumapit ang isang tandang. “Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay hindi
manok na tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan diyan. Itapon mo ang
singsing!” Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing. Kinabukasan,

6
napansin agad ng uwak na di niya suot ito. “Nasaan ang singsing ko?” tanong ng ibon.
“Ewan ko,” takot na sagot ng manok. “Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala sa mga
kuko ko. Luwag kasi.” Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig
ito. “Alam ko, itinapon mo siguro dahil ayaw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli
sa akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang singsing, kukuha ako ng makikita kong sisiw mo
at ililipad ko sa malayo.” Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa
para hanapin ang itinapong singsing. Pati ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya, ay
naghahanap din. Kapag may lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang tawag ng inahin sa
mga sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka danggitin ng uwak.

1.Pamagat ng teksto

2.Ano ang 5.Ano-ano ang


paksa? 3.Sino-sino 4.Saan mga
ang mga naganap mahahalagang
tauhan? ang mga detalye?
pangyayari?

6.Ano ang mensahe o aral ng teksto?

VII. SUSI SA PAGWAWASTO


6. depende sa sagot ng bata
depende sa sagot ng mag-aaral 5. depende sa sagot ng bata
1.B 4. himpapawid at lupa
2. A GAWG 1 one to rate the pupil's output. 3. inahin,tandang,ibon,at uwak
3. D Note: The teacher will be the 2. dalawang matalik na magkaibigan

4. D 1. Ang manok at ang uwak


KARAGDAGANG GAWAIN
5. C GAWAIN 1 GAWAIN 2

VIII. SANGGUNIAN
2020. July 07. https://www.scribd.com/doc/118194938/buod-ng-maria-makiling.
brainly.ph. 2020. July 15. https://brainly.ph/question/659960.
sccgov.org. 2020. July 15. https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx.
Philstar. 2018. Malacañang sa publiko: Maging alerto sa ulan, baha. August 13. Accessed July 28, 2020.
https://images.app.goo.gl/Ra9wRSxgcZXZCz3J8.
Lalunio, Lydia P . Ril, Francisca. 2010. Hiyas sa Wika. Quezon City: SD Publication, Inc.

ilene G. Baisa Alma M. Dayag. 2006. Pluma 5 Wika at Pagbasa. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc

Inihanda nina:
Manunulat: Maria Fresanie T. Alaya-ay and Joey C. Bastida
School: LARAY ELEMENTARY SCHOOL/JACLUPAN ELEMENTARY SCHOOL

Editor: LOREVIC C. ATILLO____________


School: SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL_

7
IX. TALAAN NG PUNA/PIDBAK

SELF- LEARNING KIT (SLK) OF FILIPINO 5

UNANG KWARTER – IKALIMANG LINGGO

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon:___________


Paaralan: _____________________________Contact Number: _____________
Guro: _________________________Asignatura: FILIPINO 5 Kwarter: 1 Linggo:5

MGA PUNA o PIDBAK NG MGA MAG-AARAL


________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

Lagda ng Mag-aaral: _____________________

MGA PUNA O PIDBAK NG MGA MAGULANG

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Lagda ng Magulang: ___________________________

8
X. SAGUTANG PAPEL

SELF- LEARNING KIT (SLK) OF FILIPINO 5

UNANG KWARTER – IKALIMANG LINGGO

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon:___________


Paaralan: _____________________________Contact Number: _____________
Guro: _________________________Asignatura: FILIPINO 5 Kwarter: 1 Linggo:5

Panuto: Isulat ang iyong mga puna o pidback sa modyul na ito.


Isumite ito kalakip ang Ebalwasyon/Pagtatas

SAGUTANG PAPEL

GAWAIN 1 PAGTATAYA

1._____ 1. ______ 6. _____


2._____ 2. ______ 7. _____
3._____ 3. ______ 8. _____
4._____ 4. ______ 9. _____
5._____ 5. ______ 10. ____

GAWAIN 2

“Anumang talento na ipinagkaloob ng Diyos ay iyong linangin at huwag


ipagmayabang.”

______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
PAGPAPAYAMAN

10

You might also like