Professional Documents
Culture Documents
Filipino 8 Ikaapat Na Kwarter Pangkatang Gawain: Ipinasa NG
Filipino 8 Ikaapat Na Kwarter Pangkatang Gawain: Ipinasa NG
FILIPINO 8
IKAAPAT NA KWARTER
PANGKATANG GAWAIN
IPINASA KAY:
MS. MAJALIA GOTONERO
IPINASA NG:
PANGKAT 1
MIYEMBRO:
JOHN CLARK DEOFILO
AMBER CUEVAS
SHEENA PASCUAL
MATT PAULE
PAUL ELARMO
NICOLE AGUINALDO
LIAM CALIMON
JOSE BONGANAY
JAIRUS ZULAYBAR
MARCH 21 2023
FLORANTE AT LAURA
PAG-ISIPAN AT PAG-USAPAN
Katanungan:
1. Bakit puno ng hinagpis, takot, at kalungkutan ang nadarama ni Florante? Ano-anong alalahanin
ang nagdadala sa kanya ng ganitong uring damdamin?
Kasagutan:
1.
• Puno ng hinagpis, takot, at kalungkutan ang nadarama ni Florante dahil sa; Una, siya ay
nag-iisa lamang at nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng isang madilim na
kagubatan at siya’y pinalilibutan ng mga mababangis na hayop at halimaw katulad ng
syerpe (ahas) at basilisko (halimaw na mukhang butiki) na anumang oras ay maari siyang
atakihin at patayin. Pangalawa, ay dahil sa pagkagaping nangyari sa kanya at ang
paghihirap ng kanyang minamahal na kahariang Albanya dahil sa pananakop ng taksil at
masamang si Konde Adolfo. Panghuli, ay iniisip niya ang kalagayan at sitwasyon ng
kanyang mga mahal sa buhay tulad ng kanilang hari na si Haring Linceo, kanyang ama na
si Duke Briseo, at ang babaeng kanyang pinakamamahal na si Laura.
• Ang mga alalahanin na nagdadala sa kanya ng ganitong uri ng damdamin ay, ang
paghihirap na nararanasan ng kanyang minamahal na kahariang Albanya at mga mamayan
nito dahil sa pananakop na ginawa ng taksil na si Konde Adolfo, at ang pag-alala niya sa
nagiging kalagayan at sitwasyon ng kanyang mga minamahal sa buhay, lalo na ang
kanyang ama na si Duke Briseo at ang babaeng kanyang pinakamamahal na si Laura, na
wala siyang magagawa para puntahan, tulungan, at iligtas ang mga ito dahil siya’y
nakagapos sa isang puno sa gitna ng madilim na gubat.
2.