Nang Mawala Ang Junior Ni Junior: by April Tong

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1 Nang Mawala ang Junior ni Junior

2 by April Tong
3
4 MGA TAUHAN:
5 JUNIOR ADONIS, 43, biyudo
6 LIGAYA, 23, multo (Bata-batang) ADONIS, 24, babaero
7 MGA KAPITBAHAY MYLA FAITH
8 DOKTOR NURSE
9 2 ALBULARYO FITNESS INSTRUCTOR
10 TIBO MGA POKPOK (BABAE & BINABAE)
11
12 TAGPUAN:
13 Alas-otso ng umaga, sa hapagkainan. Mag-isang nagkakape't nagbabasa ng diyaryo si
14 ADONIS habang may mga sumisigaw sa labas na ilang sandali ring hindi papansinin ni
15 ADONIS.
16
17 NANAY (O.S) Labas mo na sabi ang magaling na damuhang 'yan! Panagutan mo ang
18 ginawa mo sa anak ko! Lumabas ka diyan, dalawang oras na akong
19 tumutalak dito. Hayop ka harapin mo kami. Huwag ka nang magtago.
20
21 May ilang boses pang sumisigaw rin, babae, lalaki, iba-iba.
22 Tatayo si ADONIS, mahinahon, titingin sa labas at sasabihin sa sumisisgaw.
23
24 ADONIS Kayo po pala, Aling, Aling ano----
25
26 NANAY Ako nga at kanina pa a---
27
28 ADONIS Saka Manong, andyan din pala kayo! W-wala na kasi si JUNIOR dito.
29 Pinalayas ko na't puro perwisyo lang ang dulot dito sa atin, e.
30 TATAY Huwag mo kaming linlangin, ilabas mo 'yang magaling mong anak.
31
32 ADONIS Wala na talaga dito, aling ano. Manong Pasensiya po, wala akong
33 magagawa. Umuwi na lang po kayo, nakakahiya naman po sa mga--
34
35 TAONG BAYAN Diyan kayo magaling--- Kinukunsinte n'yo-- Lumabas kang hayop ka-

1
1 ADONIS Yun na nga po.
2
3 Tumatalak pa ang mga tao pero wala nang imik si ADONIS, isinara ang pinto at babalik sa
4 puwesto, muling magbabasa ng diyaryo. Hahawiin ni JUNIOR ang kurtinang dibisyon sa
5 kanyang kuwarto at sa hapagkainan bagong gising ito at mag-unat-unat sa harap ng isang
6 salamin.
7
8 JUNIOR (Sa salamin magpo-posing). You're the man! Ano'ng sinabi ni James
9 Reid, Daniel Padilla at Joshua Garcia. Ikaw, man, ang tunay na
10 kilabot ng Baranggay San Isidro, yeah!
11
12 ADONIS (Sa diyaryo pa rin nakatingin). Tama na nga 'yan. Mag-almusal ka
13 muna dito, hindi 'yang salamin pa ang inuuna mo.
14
15 JUNIOR (Palambing effect, sa salamin pa rin nakaharap.) Ang init na naman
16 ng ulo.
17
18 ADONIS (Mapapatingin na kay JUNIOR.) Paanong hindi iinit? Aga-aga ang
19 ingay-ingay! Habang nakatihaya ka pa, hinahanap ka na naman nina,
20 sino nga ba'ng mga 'yun? A, sina Aling Tina Moran at Mr. Pakanto.
21
22 JUNIOR Bakit na naman daw pa?
23
24 ADONIS Nabuntis mo daw yung anak nila!
25
26 JUNIOR Ha! Sino? Meron ba?
27
28 ADONIS Si Myla Faith, yung unica hija nila. Andun pa yung iba pa nating
29 kapitbahay. Yung chismosang magkapatid--
30
31 JUNIOR Ah yung magkapatid na Muko. (busy pa rin magpapogi sa salamin)
32
33 ADONIS oo yan! Si Analyn Muko at Jacklyn Muko. Nako! Pinagtakpan---
34
35 Iaangat ni JUNIOR ang platito sa mesa; may mga hotdog. Kukuha ng isa.
36
37 JUNIOR Ang paborito ko!

2
1 Habang kinakain ni JUNIOR ang hotdog, matitigilan at mapapatingin sa kanya ang ama,
2 tapos, titngin si ADONIS sa may ari niya malulungkot--halos maluluha
3
4 ADONIS (Matamlay). Umagang-umaga pinagtakpan kita. Aba, oo nga pala
5 kaarawan ngayon ng ina mo kaarawan ni Ligaya. Dadalaw tayo sa
6 puntod niya. Wala ka naman sigurong lakad ngayon, ano?
7
8 JUNIOR B-bakit po ba sa tuwing kakain ako ng hotdog naluluha kayo Tay?
9
10 ADONIS Ang sabi ko, kaarawan ng ina mo. Huwag mong iniiba ang usapan.
11 Noong isang linggo, anibersaryo ng kanyang kamatayan masakit na
12 masakit ang ngipin mo, at kailangan mong agad pumunta sa dentista.
13 Pero hindi sa pinakamalapit na dentista, kailangan dentista m a l a p i t
14 kamu sa may centro. Buwan ng mga Puso, Pebrero. Buong Pebrero
15 kang may date. At nu'ng May, umatend ka ng isang seminar, ano nga
16 'yun? (Titigan ang anak). Tips for breastfeeding mom? Kaarawan
17 ngayon ng ina mo kaya.
18
19 JUNIOR Naku, 'Tay, a, ang totoo nyan, kasi.......…
20
21 May papasok na babae, seksing seksi, dederetso kay JUNIOR
22
23 SHIRLEY (Kakanta sa tonong "O Giliw Ko") O honey ko, miss na miss kita. A
24 sana'y lagi kitang kasama-a. (Pacute na boses, hindi papansinin si
25 ADONIS.) Miss na talaga kita, buti na lang naalala mo akong ikontak
26 para sa-- (Habang minamasa-masahe si Junior) sir, good morning di
27 ko po kayo napansin. Pasensiya na, umm, nagpapamasahe po kasi tong
28 anak n'yo--kayo po? (Awtomatikong mamasahehin ng babae si
29 ADONIS.) Gusto niyo po ba ng masahe o ng serbis?
30
31 JUNIOR Naku 'Tay, (Hihilahin ni JUNIOR palapit sa kanya ang babae.)
32 mamaya na lang po tayo mag-usap. Medyo napahaba 'ata ang
33 pagkakahiga ko e, namamanhid itong balikat ko. Kayo na lang muna
34 ang bumisista kay Inay. Babawi na lang ako sa--
35

3
1 Hindi na patatapusin ni ADONIS ang paliwanag ni JUNIOR, iiling-iling itong aalis, may
2 huling sulyap pa sa mga hotdog at malungkot na lalabas, iiwan ang dalawa.
3
4 SHIRLEY Ang bait naman ng dad mo, very understanding ha at walang ka-imik-
5 imik. And still may dating, maganda ang tindig. Pero, ikaw ha, buti na
6 lang sumakit 'yang balikat mo. Hmp! Kung saka- sakali, tuluyan mo na
7 siguro akong kinalimutan.
8
9 JUNIOR Puwede ba namin 'yun Mary?
10
11 SHIRLEY (Pandidilatan si JUNIOR.) Tang ina mo! Shirley S-H-I-R-L-E-Y,
12 Shirley.
13
14 JUNIOR O, huwag kana magalit,sinusubukan ko lang kung .... a ..... kung
15 naalala mo pa ang pangalan mo.
16
17 SHIRLEY Ay, ang sweet naman. Naku, sige na nga, ano bang problema ng
18 balikat mo? Ikaw kasi higa nang higa, laging naka tihaya. Magpalit ka
19 kaya ng puwesto ...
20
21 Sandaling didilim. Kapag lumiwanang, nakapatong na si JUNIOR sa babae.
22
23 JUNIOR Anong oras na ba?
24
25 SHIRLEY Maaga pa, mga alas-onse pa lang ... hindi pa oras ng tanghalian.
26
27 JUNIOR Ano? A, Sheryl, Shiela, babalik na si Tatay e. Umuwi ka na muna
28 bukas nalang ulit. sige na, baka gabihin ka pa sa daan.
29
30 Puwersahang itutulak palabas ang babae.
31
32 SHIRLEY Maaga pa, saka sandali, kapitbahay mo lang ako a!
33
34 My tumatawag kay JUNIOR mula sa labas.
35
36 GRACE (Malambing.) JUNIOR-r! JUNIOR-r!
37
38 My papasukin si JUNIOR, disente ang itsura ng BABAE 2.
39

4
1 JUNIOR Upo ka sige, upo ka lang diyan. Akin na 'yan. Ano ba `tong dala mo?
2
3 GRACE Menudo, sobra kasi 'yung niluto kanina para sa pananghalian ng mga
4 trabahador. Kaya naisip ko sa'yo na lang. Special 'yan, may hotdog pa.
5
6 JUNIOR 'Kaw talaga, Amy …
7
8 GRACE G-Grace, umm Grace ... a, si Amy 'yung kapatid ko
9
10 JUNIOR Hindi ka na mabiro.
11
12 GRACE Akala ko kasi ... Mag-isa ka lang ba ngayon dito?
13
14 JUNIOR Kaya nga niyaya kitang mananghalian.
15
16 GRACE K-kamusta na si Junior? (Maghahalikan bigla sa kung saan-saang
17 parte ang dalawa.) Naku, Junior, sandali, sandali lang ... (Dali-daling
18 aayusin ni GRACE ang sarili.) Aalis na ako. Masarap 'yang menudo.
19 Sige ha, hindi ako nakapagpaalam e, baka hinahanap na ako ng inay.
20
21 Aalis ang BABAE 2 at maiiwan sa sahig si JUNIOR
22
23 JUNIOR Ano, Junior, kaya pa?
24
25 Biglang babalik ang BABAE 2, may nakalimutan lang
26
27 GRACE Junior, oo nga pala, I ... I love you, sige, alis na ulit ako.
28
29 Maiiwan muli si JUNIOR
30
31 JUNIOR Grace? Grace? (Mangingiti.) Okay, five, four, three, two ...
32 Papasok ang musikang "I’m Horny," maraming babae ang papasok, may binabae pa, iindak
33 indak, sasabayan ni JUNIOR ang mga ito sa pag-indak.
34
35 BABAE 3 Ano Junior, parang pagod na pagod ka na? Puwede ka pa ba?
36
37 BABAE 4 Siyempre, si junior pa ... wala kapaguran.
38
39 BINABAE Sali ako today ha, may datung ako ngayon e!
40

5
1 BABAE 5 Same sister! May kita ako ngayon sa online selling ko kaya may
2 pangdatung din ako today
3
4 JUNIOR Good! Okay, everybody come to papa ...
5
6 Papalibutan ng lahat si JUNIOR, didilim, biglang sisigaw, liliwanag, nakatayo si JUNIOR
7 na nagbibilang ng pera habang nakaluhod sa harap nito ang binabae at nakapaligid naman
8 ang mga babae na nag-freeze na ngayon.
9
10 BINABAE Grabe, hindi lang maliit!
11
12 BABAE 3 AT 4 Ano?
13
14 BINABAE Nawawala pa! Girls, mas malilibugan pa kayo sa ari ko!
15
16 Matitigilan ang lahat, tititigan ang bandang ibaba ni JUNIOR at magsisitakbo.
17
18 JUNIOR O, bakit? Maaga pa naman a. Saan ba kayo pupunta? Hoy! Hindi
19 man lang nagpaalam--- (Magkakamot ng ulo saka kakambiyo si
20 JUNIOR, walang makakapa. Kakambiyo ulit, wala parin.)
21
22 Diyos ko! tama ba 'tong nararamdaman ko? Nanaginip 'ata ako.
23 (kakambiyo ulit at mapapaluhod, mangingiyak-ngiyak, sisilipin ang
24 salawal.) Totoo nga! Nawawala ang sandata ko... ang pinakamahaba't
25 pinakamalaking sandata sa Barangay San Isidro. Paano na ang
26 pangarap ng mga kababaihan dito?
27
28 (Tatayo, maghahanap sa paligid.) Hindi pwedeng mawala 'to. Nasaan
29 naba kasi 'yun? Ano bang kamalasan ito? Andito lang 'yun, sigurado!
30 Hindi puweding mawala, hindi puweding nawawala! Wala na akong
31 maipagmamalaki, wala na ang aking a---
32
33 Susulpot ang multong si LIGAYA, may hawak na ari, magugulat si JUNIOR.
34
35 JUNIOR (Nakatingin kay LIGAYA.) Inay? (Titingin sa hawak ni LIGAYA at
36 makakahinga nang maluwag, nakangiti.) Inay! Kayo po ba 'yan? K-

6
1 kamusta na? A, maligayang-maligayang kaarawan! Papunta na talaga
2 ako sa puntod n'yo, e.
3
4 (Tatalikod sa multo ng ina at tuwang-tuwa ang itsura.) B-buti, buti
5 kayo ang nakakita niyan. Akala ko katapusan ko na. (Hindi
6 mapapansin ni JUNIOR na aalis ang multo.) Iba rin kayo mag-joke
7 'Nay. (Tatawa.) Paniwalang- paniwala na ako e--
8
9 (Sabay haharapin ni JUNIOR si LIGAYA.) Inay? Inay? Hindi na po
10 talaga nakakatawa! Sandali lang, paano ang ti-tirador ko? Hindi ito
11 pwede. 'Nay naman, huwag kayong magbiro nang ganyan. Hindi na
12 nakakatawa. (Mapapalugmok, nayayamot.) Baka bukas lang malaman
13 na 'to ng buong bayan e.
14
15 Darating si ADONIS.
16
17 ADONIS Ano'ng nangyayari?Pinagpipiyestahan ka ng mga tsismoso't tsismosa
18 sa labas. (Mukhang kabado si JUNIOR sa narinig.) Hindi ko gaano
19 maintindihan ang pinag-usapan nila pero tiyak kong tungkol sa iyo yun
20 Ang naririnig ko lang e, "Junior," tapos, "nawawala," magtatawanan
21 silang lahat, tapos may bubulong ng *tite* (ibubulong lang talaga ni
22 ADONIS.)
23
24 (Normal na boses.) Tapos, ang mga bata sa kanto ay may bago pang
25 laro. Pilit pa nila akong isinasali, hanapan daw ng Junior! Ang dinig ko
26 pa kinaiinggitan ka ng bawat bakla sa Barangay San Isidro, ikaw ang
27 katuparan sa mga pangarap nila.(Ihaharap ni ADONIS si JUNIOR sa
28 kanya.) Iho, may pinatulan ka ba? Hindi na siguro ako dapat makialam
29 sa diskarte mo sa buhay pero--
30
31 JUNIOR (Galit na tono.) Ano po?
32
33 ADONIS Huwag kang mag-alala, hindi ako magagalit. Pero ano na naman bang
34 kabulastugan ang ginawa mo gamit 'yang--

7
1 JUNIOR Hindi po, hindi n’yo po ako naiintindihan.
2
3 ADONIS Ano ba'ng pinagsasabi mo?
4
5 JUNIOR Itay, wala na--wala na si Junior!
6
7 ADONIS Aba, ano ka imahinasyon?
8
9 Hahawakan ni ADONIS ang anak, ituturo naman ni JUNIOR ang dating kinalalagyan ng ari
10 at hahawakan ito ni ADONIS.
11
12 JUNIOR Wala na ang JUNIOR ko! Kinuha na ni Inay! Kinuha na ni Ligaya mo!
13
14 ADONIS (Gulat at may halong galit.) Ano kamo? Si Ligaya? Ano'ng ibig mong
15 sabihin? Sa unang pagkakataon na nagparamdam ang ina mo, kinuha
16 pa niya 'yang ano mo?
17
18 JUNIOR Oo nga po,kitang-kita ko, hawak-hawak niya ito.Parang may panggigil
19 kay Inay, hindi ko maintindihan, pero talagang tuluyan na niya itong
20 tinangay!
21
22 ADONIS (Tatahimik, mahina ang boses.) Hindi ko akalaing gagawin din niya
23 ito sa 'yo.
24
25 JUNIOR A-anong ibig n'yong sabihin.
26
27 Didilim, tapos bahagyang liliwanag, dadaan si ADONIS sa isang pinto at paglabas ay ang
28 bata-batang ADONIS ang makikita.
29
30 V.O. ADONIS Iniiwan ka namin noon sa lola mo. Kung umasta kami ni Ligaya,
31 parang, parang bagong kasal pa kami. Anuhan dito, anuhan doon.
32
33 Batang ADONIS Oo naman! Ikaw lang ang babae sa buhay ko. One woman man 'ata 'to.
34 Paliligayahin kita---sa kama, sa lababo, sa sahig at kahit saan!
35 (Hahaplusin ang babae.)
36
37 Biglang papasok si LIGAYA na may hawak na itak.
38

8
1 LIGAYA (Mahabang sigaw.) Hayop ka! (Matitigilan ang dalawang
2 magkapatong.) Kapapanganak ko pa lang, may kinakalantari ka na!
3
4 BABAE Pangga, sino ba 'yan?
5
6 LIGAYA Aba, pati tawagan namin ninakaw mo rin!
7
8 Batang ADONIS L-Ligaya! Nilinlang ako ng babaeng ito, nagpanggap siyang ikaw. H-
9 hindi ko napansing ibang babae pala ang kasiping ko!
10
11 BABAE Ano'ng pinagsasabi mo? Hala wala na ako dyan ha
12
13 Batang ADONIS (Mukhang nagmamakaawa.) Buti na lang dumating ka, pangga!
14
15 LIGAYA Paano mo mapagkakamalang ako 'yan? Nasa noo ang nunal ko, at nasa
16 pisngi naman ang taling ng kasama mo. Mahaba ang buhok ko, siyete
17 'yang sa babae mo. (Itatabi ang balat sa babaeng kasama ni Bata-
18 batang ADONIS.) At morena ako habang namumutla 'yang balat ng
19 bangus na 'yan.
20
21 Batang ADONIS Pero, hindi ko talaga napansin, akala ko---
22
23 LIGAYA Tama na! Hindi ako tanga. Limang beses mo nang dahilan 'yan. Sobra
24 ka na! Hindi mo man lang inisip yung nararamdaman ko sa tuwing
25 may kasiping kang ibang babae! Sa pagkakataong ito, sisigurahin kong
26 huli na ang pwerta ng babaeng 'yan na papasukin mo.
27
28 Susugod si LIGAYA kay Bata-batang ADONIS kay JUNIOR. Muling didilim ang entablado
29 at babalik kay ADONIS at JUNIOR.
30
31 ADONIS Nagpakamatay si Ligaya matapos niyang tapusin ang kahibangan ko.
32 Hindi ko napatawad ang aking sarili. Mula noon, hindi na ako
33 nambabae pa.
34
35 JUNIOR kayong-- Sandali lang, ibig n'yong sabihin, wala din po
36
37 Ilalabas ni ADONIS ang gamit pampabukol sa may ari.

You might also like