Professional Documents
Culture Documents
Sosyedad at Literatura Midterms
Sosyedad at Literatura Midterms
PANITKANG PATULA
HAIKU
● Ito ay salitang Hapon na tumutukoy sa isang uri ng maikling tula.
● Ang haiku ay tulang binubuo ng labimpitong pantig, na may tatlong taludturan; naang unang taludtod ay may
limang pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, atang ikatlong taludtod ay may limang pantig.
● Ito'y nagtataglay ng talinghaga.
SENRYU
● Ang Senryu o human haiku ay hindi magkakatugmang berso na pinasimunuanng mga Hapon noon at
ipinakilala rin nila noong panahon ng kanilang pananakopsa Pilipinas.
● Kahit na nagtapos ng maaga ang pananakop ng Hapon, namalagi pa din anghaiku kung kaya nagkaroon ng
sariling bersyon ito- ang senryu.
TANKA
● Ang tanka ay nabuo noong ika walong siglo. Ito ay isang maikling awitin,na puno ng damdamin at
nagpapahayag ng isang emosyon at kaisipan.
● Ang paksa ay karaniwang pag-asa, pagbabago at pag-ibig.
TANAGA (PILIPINO
● Sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog, binubuo ng apat na taludtod(quatrain) na tugmaan o rhymes.
PANITIKAN SA KASALUKUYAN
KALIGIRANG KASAYSAYAN
Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawalarin ng may labing-apat na taon.
Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na -
PEOPLE'S POWER o LAKAS NG BAYAN.
KALAGAYAN NG PANITIKAN.
1.PANULAAN SA KASALUKUYAN
Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiangpagpapahayag ng tunay na damdamin
ng mga makata:
● Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang maytiwaling gawin
● pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan. Halimbawa: Giting ng Bayan ni Francisco Soc. Rodrigo
2.AWITING PILIPINO
Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E. dela Pena, ang Handog ng Pilipino sa Mundo ni Jim Paredes
ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpongnaganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa
sandaigdigan. Ang binuhay na awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni JoseCorazon de Jesus ay
ang pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging makasaysayan nito
noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa -Constitutional Commissionl na gawin
itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas.
3.SANAYSAY- Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga Pilipinosa nakamit sa
bagong kalayaan.
4.MAIKLING KWENTO-Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa
nagingnakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hapon. Noong panahon naiyon ay
ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa kanilang wika. Kayatnailimbag sa gintong pahina ng
panitikang Filipino ang maikling kwento. Bagamat sapanahong ito ay naging masigasig ang mga manunulat sa
kanilang katha, nanumbalik,nag- ala-dagliang kawalan ng banghay ng kwento. Nagkaroon ng iba't ibang
pamamaraan ng pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin. Nagingmatimpi ang sa
pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi hanggang sa kasalukuyan
at ito'y tinawag na kontemporaryong maikling kwento.
5. RADYO AT TELEBISYON
Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nangwalang takot o pangamba ang
mga tagapagsalita sa radyo at mga lumalabas sa telebisyon. Marami na sa panahong ito ang mga komentarista
sa radyo at telebisyon kungsaan pawang laman ng bibig ng mga ito ang hayagang pagpuna nila sa mga gawain
ngmga nasa pwesto.
Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit ngayon sa ating wika atmasasabing dulot ng teknolohiya. At
dahil parte na ng ating buhay ang teknolohiya,mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan.
Mabilis din ang pagbabago sapapel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho, buhay, at pag-iisip.
Angmabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata ngteknolohiya ang
kompyuter, cellphone, at internet.
TULA
-ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni, pinararating sa ating damdamin, at
ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw.
Mga Elemento ng Tula
1. TUGMA - ang parepareho o halos magkasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula.
Dalawang Uri ng Tugma
a.) TUGMANG PATINIG- mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare-pareho ring bigkas na
maaaring mabilis o malumay (may impit) at malumi o maragsa (may impit).
Halimbawa
•sintá (mabilis) •ligaya (malumay)
•luhà (malumi) •maragsa (maragsa)
b.) TUGMANG KATINIG – mga salitang nagtatapos sa mga katinig.
• tugmang malakas – ginagamitan ng pare-parehong patinig at nagtatapos sa mga katinig na b, k, d, g, p, s, at t.
• tugmang mahina – ginagamitan ng parehong patinig at nagtatapos naman sa mga katinig na
l, m, n, ng, r, w, at y.
2. SUKAT – bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang karaniwang sukat nf gamitin ay 12, 16, at 18.
•SESURA – ang tawag sa saglit na tigil sa pagbigkas sa kalagitnaan ng taludtod.
3. SAKNONG – ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula. •Iba’t ibang bilang ng taludtod sa isang
saknong: couplet, tercet, quatrain, quintet, sestet, septet, octave
4. LARAWANG-DIWA (imagery) – mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan
sa isipan ng mambabasa.
5. SIMBOLISMO- mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at
nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula
6. KARIKTAN – elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa
damdamin ng mga bumabasa.
TULANG PASALYASAY
Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.
A. Ang Epiko (Tulabunyi)
- Ito ang pinakamatayog at pinakamarangal na uri ng mga tulang salayasay na ang mga pangyayari at
kawilihan ay napipisan sa pagbunyi sa isang bayani sa isang alamat o kasaysayang naging matagumpay sa mga
panganib at kagipitan.
- Ang pangunahing layunin ng tulang ito ay gisingin ang damdamin ng bumabasa at antogin ang kanilang
damdaming humanga sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
-Pinakatanyag na epiko sa buong mundo ay ang “The Illiad” at ang “The Odyssey” ni Homer,
“Metamorphoses“ ni Ovid.
TULANG DULA
Ito ay mga tulang isinadula sa mga entablado.
Mga Uri ng Tulang Dula:
A. Tulang Dulang Mag-isang salaysay(Dramatic monologue)
Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula. Hal. My Last Duchess ni
Robert Browning The Love song of J. Alfred Prufrock ni T.S Eliot.
TULANG PATNIGAN
Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula.
Ito ay paligsahan ng mga katwiran at lagisan ng mga talino at tulain.
MGA URI NG TULANG PATNIGAN
A. Karagatan
- Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang
yumao
-Ito ay binubuo ng mga saknong na may apatang taludtod at lalabindalawahing pantig. Sinasabing ito ay
higit na mainam kaysa sa duplo sapagkat ito ay nag-aangkin ng malulundong talinghaga at malalalim na palaisipan.
-Ito ay binubuo ng mga saknong na may apatang taludtod at lalabindalawahing pantig. Sinasabing ito ay
higit na mainam kaysa sa duplo sapagkat ito ay nag-aangkin ng malulundong talinghaga at malalalim na palaisipan.
B. Duplo
-Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas. Ang mga katwirang ginagamit dito
ay karaniwang hango sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan.
Pinasisimulan ang paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal ng isang “Ama Namin,” isang “Aba Ginoong
Maria,” at isang “Rekyemeternum” para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan
C. Balagtasan
-ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan
ni Francisco Balagtas.
- Isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli.
D. Batutian
-Ang malaking kaibahan nito sa balagtasan ay ang pagkamapang-uroy nitu. Ang pangunahing layunin nito
ay makapagbigay-aliw sa mga nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit malatotoong mga
kayabangan, panunudyo, at palaisipan.
Tulad ng maikling kuwento at nobela, ang dulang pantanghalan ay nagtataglay rin ng mahahalagang
sangkap o elemento. May tatlong bahagi dulang pantanghalan-ang simula, gitna, at katapusan.
Ipinakikilala sa simula ng dula ang dalawang mahalagang sangkap elemento. Dito makikilala ang tauhan
ayon sa kaanyuan ng papel o gagampanan o katayuang sikolohikal, kung sino ang bida o kontrabida. Dito rin
malalaman ang pangyayarihan ng aksiyon o tagpuan. Makikita rin dito ang mga eksenang naghahayag ng
panahon, kung tag-init, tag- ulan, o kung anong oras.
Sa gitnang bahagi ng dula ay makikita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o
eksena. Nakapaloob din dito ang diyalogo na siyang pinakamahalagang bahagi ng dula. Ang diyalogo ay ang
usapan ng mga tauhan. Kailangan itong gawing natural at hindi artipisyal. Sa gitna rin makikita ang iba pang
katangian ng dula, ito ay ang sumusunod:
b. Tunggalian- tahasan nang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay
maaaring ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan.
c. Kasukdulan- pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito
ay kasawian o tagumpay.
Sa wakas naman ng dula, matatagpuan ang kakalasan at ang wakas ng dula. Sa kakalasan unti-unting
bababa ang takbo ng istorya. Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di
inaasahang nangyari na pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang magiging
resolusyon na maaaring masaya o malungkot, pagkatalo, o pagkapanalo.
Mahalaga ring malaman na may mga dulang hindi winawakasan sa dalawang huling sangkap. Iniiwan na
lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang mambabasa o manonood na humatol o
magpasiya sa dapat na kahinatnan. Sadyang mapanghamon ang ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa o
manonood.
Ang huling elemento ng dulang pantanghalang sadyang mahalaga rin ay ang epektong pantunog. Mahalagang
malinaw na naipahahatid ang bawat linya ng dula sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na tunog dahil
ang dula ay ginaganap sa harap ng madla.
Sa kadahilanang ang dula ay isang sining, ang bawat bahagi nito ay mainam na pinag-aaralan ng may-akda at
maging ng direktor nito. Hindi ito basta-basta isinusulat sa halip, ito ay maingat na pinag-aaralan batay sa
balangkas nito-kung saan ang mga bahagi ay malinaw na nahahati sa yugto (act), tanghal eksena (scene), at
tagpo (frame). Ang yugto kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula. Ang
isang dula ay maaaring magkaroon ng lima, tatlo, dalawa, o iisang yugto. Sa tanghalan, ang bawat yugto ay
maaaring gamiting panahon upang ihanda ang susunod pang mga yugto upang ayusin ang tagpuan, upang
makapagpahinga sumandali ang mga nagpagsiganap at mga manonood.
Ang bawat yugto naman ay binubuo ng kung ilang eksena, kaya ang panahong nagugugol sa isang yugto ay
hindi pare-pareho. Maaaring ang unang yugto ng isang dulang may tatlong yugto ay buoin ng pitong eksenang
maaaring tumagal ng tatlumpung minuto; ang ikalawang yugto ay binubuo ng labindalawa, kaya maaaring
tumagal ng limampu o animnapung minuto. Gayundin sa ikatlong yugto, ang bilang ng eksena ay iba rin at ang
panahon ay maaaring magtagal o sandali rin.
Kung ang eksena ay binubuo ng yugto, ang tagpo naman ay binubuo ng eksena. Ang eksena ay maaaring
magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari. Ang tagpo rin ay
ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena.