Sanaysay Tungkol Sa Sakuna

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Mega Maurine Tia BSED ENGLISH 2A

Bagyo

Mga malalakas na bagyo ang madalas maranasan ng ating bansang


Pilipinas. Ang mga bagyo na ito ay may dalang rumaragasang tubig buhat ng ulan at
malalakas na hangin na kayang magpatumba ng mga puno. Isa sa mga dahilan
kaya kadalasan bagyuhin ang bansa ay dahil sa lokasyon nito. Mayroon apat na
malalaking anyong tubig, mga dagat at karagatan, ang nakapalibot sa Pilipinas.
Nagiging dahilan ito ay palagiang umuulan sa bansa. Iilan rin sa dahilan ng mga
bagyo ay dahil sa patuloy na pagkasira n gating kalikasan. Ang pagkawasak ng mga
lupa at pagkakalbo ng mga kagubutan ay dumadagdag sa sanhi kung bakit hindi
masyadong protektado ang mga lupain sa hagupit ng mga bagyo.

Marami tayong maiambag kung sakali man ay may bagyong paparating. Isa
na pagiging may alam sa mga dapat gawin kung may bagyo na paparating. May
tinatawag tayong seminarya na palaging isinasgawa sa isang baranggay tungkol sa
paano maging handa kung may bagyong parating. Sa pabago bagong panahon na
ating nararanasan ngayon, kailangan nating maging handa at alamin ang mga
kailangang gawin. Kagaya nalang ng sanayin na mag-antabay sa weather updates
sa telebisyon, radyo, o sa social media accounts ng PAGASA, lokal na pamahalaan,
o baranggay. Sunod naman ay mahalaga na mag-ensayo ng family evacuation drill
para magamit eto kung sakali man may disgrasya. Malaking tulong ang may alam
kung mabilis bahain ang inyong lugar upang maagapan ang peligro. Alamin kung
hig tide or low tide sa inyong lugar para alam kung kailan ang bugso ng tubig. At
pinaka importante ay sumunod sa mga anunsiyo, Kung kinakailangan, kaagad
lumikas kung makatanggap ng anunsiyo at wag nang magmatigas pa para sa
ikaliligtas ng iyong pamilya. At marami pang iba na pwede mong gawin na
makakatulong saiyo at saiyong pamilya.

Ang mga bagyo ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa mga hindi


umaapektuhan ng mga manlalakbay o may-ari ng bahay, kaya mahalagang
maunawaan ang mga katangian ng mga bagyo. Kaya ligtas ang may alam.
 ahalaga maging handa upang maging ligtas mula sa kahit anong kalamidad
M
o sakuna na paparating. Ang pagiging handa ay isang gawain na magtitiyak
ng seguridad ng pamilya o ng tahanan dahil may mga kagamitan na kailangan
ligpitin upang hindi masira at maghanda ng mga damit, pagkain, emergency
kit, kung sakaling lilikas ang pamilya mula sa kanilang lugar o tahanan. Lalo
na lapitin ng mga bagyo ang Pilipinas dahil sa heograpikal na lokasyon nito,
mahalagang makapaghanda lagi hindi lamang sa tahanan, kundi pati sa
pangangalaga ng kalikasan dahil dito rin nagsisimula ang mga landslide o pag
baha sa mga lugar na puno ng basura.

You might also like