Ibong Adarna 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Humingi ng limos ang ermitanyo kay Don Juan.

Ibinigay ng
prinsipe ang natitirang tinapay sa matanda.
Nagbilin ang ermitanyo kay Don Juan nang malaman nito ang
pakay ng binata.
Hinabilin ng matanda na huwag masisilaw sa kinang ng puno sa
halip ay tumingin sa ibaba upang makita ang isang dampa.
Doon ay matatanaw ni Don Juan ang isang pang ermitanyo na
siyang makakatulong sa paghahanap ng lunas sa may sakit.
Nang marating ni Don Juan ang Piedras Platas ay muntik nang
malimutan nito ang bilin ng leprosong ermitanyo dahil sa
pagkamangha sa kaniyang nasaksihan.
Muli lang nagbalik ang kanyang diwa nang makita niya ang
dampa.
Narating ni Don Juan ang dampa at nakita ang tinapay na ibinigay
niya sa leprosong ermitanyo.
Dito ay nalaman ng prinsipe na isang engkantado ang Ibong
Adarna.
Ito ay masisilayan lamang tuwing gabi, pitong beses na umaawit
at pitong beses din kung magpalit ng kulay ng balahibo.
Bilin ng ermitanyo na sa oras na umawit ang Ibong Adarna ay
kailangan niyang hiwain ang palad at pigaan ng dayap upang
mapaglabanan ang antok.
Binigyan din nito ang binata ng sintas na ginto upang gamiting
panghuli at panggapos sa ibon.
Talasalitaan:

Limos – pera, pagkain, o ano mang uri ng pagtulong


Leproso – taong may sakit sa balat
Ermitanyo – taong nabubuhay mag-isa
Pakay – intensyon
Dampa – bahay kubo
Lunas – gamot
Nasaksihan – nakita
Diwa – isip
Engkantado – kakaibang nilalang
Masisilayan – makikita
Dayap – uri ng sitrus (parang kalamansi)
Panggapos – pangtali

You might also like