Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

8

Filipino
Unang Markahan
Modyul 6: Paghihinuha Batay
sa mga Ideya o Pangyayari sa
Akda
8
Filipino

Unang Markahan

Modyul 6: Paghihinuha
Batay sa mga Ideya o
Pangyayari sa Akda
INTRODUKSIYON

Kaakibat ng pag-unlad ang pagbabago, pagbabago hindi lamang sa ating panlabas na


anyo kundi pati na rin sa pag-uugali at hilig. Kaya naman ang mga kabataan ngayon ay
nawawala na ang interes sa ating pinagmulan. Ang ating kultura, na siyang humuhubog sa
ating pagkatao. Nakasalalay dito ang katatagan ng kasalukuyan at mas maunlad na
kinabukasan. Ang kakayahang umunawa at tumangkilik sa ating kultura ay lalo pang
magdadala sa atin sa mas matatag at maunlad na bansa. Mayaman ang kultura ng ating
bansa, ito ay sumasalamin sa ating pagkatao. Kung sino at ano tayo noon, ngayon at sa
hinaharap. Ang pangunahing layunin ng modyul na ito ay mapaunlad ang kasanayang
pangkomunikatibo ng mga mag-aaral upang maging mabisa ang kanilang pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan, mahubog ng tama ang pagkatao dahil higit sa talas ng isip ay mas
mahalaga pa rin ang laman ng puso at kaluluwa, at mapukaw ang interes ng mga mag-aaral sa
ating kultura dahil sa pagdaan ng panahon ay tila nawawala na ang interes ng ating mga mag-
aaral sa sarili nating kultura.

Ang modyul na ito ay nahahati sa iba’t ibang kasanayan:

 Inaasahang Pagkatuto– Dito malalaman ang mga nais inaasahang matamo ng mga
mag-aaral sa pagtatapos ng aralin.
 Panimulang Pagtataya – Dito masusubok at masusukat ang kakayahan ng mga
mag-aaral kung hanggang saan nila naunawaan ang isang partikular na aralin.
 Pagtalakay sa Paksa – Ito ay nakatutulong upang mapalawak ang kaalaman,
prinsipyo at kakayahan ng isang mag-aaral.
 Gawaing Pampagkatuto – Ito ay nakatutulong upang mas lalong mapaunlad at
malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang gawaing inilaan.
 Panghuling Pagtataya – Dito malalaman ang resulta kung nauunawaan ba nila ang
aralin.

Ang modyul na ito ay nagsisilbing sandata ng mga guro sa Filipino na magkaroon ng


isang mabisang aklat na makatutulong na mapagaan at mapabisa ang pang-araw-araw na
aralin ng mga mag-aaral, kahit kinaharap natin ngayon ang pandaigdigang suliranin na
Pandemic COVID 19. Hindi sana tayo mawawalan ng pag-asa bagkus lalaban tayo para
magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

Sa kabuuan, ang modyul na ito ay bunga ng pinagsama-samang pagtutulungan at


pagsisikap ng mga piling guro sa Filipino upang mahasa ang kasanayang pangkomunikatibo
ng mga mag-aaral at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
1
Alamin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Napaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:


- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
- dating kaalaman kagnay sa binasa

Subukin
Alamin muna natin kung gaano ang alam mo sa panitikang sumibol noong Panahon
ng Hapones sa pamamagitan ng pagsagot sa Panimulang Pagtataya. Sa pagtatapos ng mga
gawain sa araling ito malalaman mo kung tama ang iyong mga kasagutan.

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng letra
ng tamang sagot. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento?


A. 1941 C. 1942
B. 1943 D. 1944
2. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na pinangasiwaan ng mga Hapones
na kumilala sa panitikan?
A. likhang sining ng mga manunulat
B. obra ng mga manunulat
C. lakas ng manunulat
D. buhay ng manunulat
3. Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng
Hapon?
A. Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata,
mananaysay at manunulat ng maikling kuwento.
B. Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan.
C. Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga Pilipino.
D. Nakasusulat ng mga akdang nais ipalimbag.
4. Kung ikaw ang bata sa akdang “ Uhaw ang Tigang na Lupa” ano ang iyong gagawin sa
nararamdaman mong katahimikan sa inyong tahanan?
A. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam.
B. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako.
C. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong malaman ang nangyayari.
D. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa ako.
5.“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang
uhaw na uhaw”, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina.
B. May problemang dinadala kaya di siya napapansin.
C. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa.
D. Malungkot ang paligid
2
6. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
A. may ina, ama at mga anak
B. nakatira sa maayos na bahay
C. may masaganang pamumuhay
D. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
7. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
A. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang
gawain
B. magiging sikat na mamamayan
C. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
D. magkakaroon ng disiplinang pansarili
8. Bakit nangibabaw ang panitikan sa Tagalog noong Panahon ng Hapones?
A. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog.
B. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles.
C. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog.
D. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa
Tagalog.
9. Sino ang may-akda ng maikling kuwento “Uhaw sa Tigang na Lupa”?
A. Liwayway Arceo
B. Diogracias Rosario
C. Efren Abueg Reyes
D. Genoveva Edroza Matute
10. Ano ang suliranin sa kuwentong “Uhaw sa Tigang na Lupa”?
A.Kakulangan sa pera
B. Ang pagkauhaw ng anak sa pagmamahal ng kanyang ama at ina
C. Pag-aaway ng mga magulang
D. Hindi buo ang pamilya
11. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari.
A. Tauhan
B. Kasukdulan
C. tagpuan
D. Kakalasan
12. Tawag sa pagmumungkahi ng iba pang pangyayari na maaaring maganap sa binasang
teksto.
A. Pagbibigay Opinyon
B. Pagsasalaysay
C. Pangangatuwiran
D. Pagbibigay-hinuha

3
Balikan

Hanap-Salita

Hanapin mo ang tatlong salita na sa palagay mo ay may kaugnayan sa ating


tatalakayin sa panitikan sa Panahon ng Hapones. Bilugan ang mabubuong salita.

K I L A L A

U E P S T O

W A L A N G

E H A I K U

N I M I T O

T A N A G A

O Y A Y I E

Tuklasin
Ang susunod na gawain ay makatutulong upang maunawaan ang isa sa akdang
sumibol sa Panahon ng mga Hapones, ang Maikling Kwento. Bibigyan mo rin ng pokus sa
iyong pag-aaral ang araling panggramatika na gagamitin upang maisagawa ang produktong
inaasahan pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang halimbawang teksto.

Uhaw ang Tigang na Lupa


ni Liwayway Arceo

Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy

4
akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng
bagay, paghikbi...Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi
nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-
kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang
ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha,
ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi
palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira
siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit
ka!...At kailangang ‘di ko makita. Kailangang ‘di ko masaksihan ang kikislap na poot
sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang
labi. Kailangang ‘di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang
katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina
ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na
uhaw...Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko
mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat
kapwa sila may hawak na kaunawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot
kailanman. Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang
nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng
isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at
masasayang bata. Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa
kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya
pinapakunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang
tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang
kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat... Si Ina ay isang magandang
tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit
ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at
panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghayan ko ang isang kapana-panabik
na kuwento. Ngunit, ang pananabik na ito’y napapawi. Kabagut-bagot
ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa
kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-
malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga
pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid na
kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan... Sakali mang hindi nagkagalit si Ina
at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko
rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan. Sapat na ang isang
tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa
ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat
na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya. Mabibilang sa mga daliri
ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit
na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw. Inuumaga man si
Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga
rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi
ko matiyak. Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong
inaangkin ng madla... Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang
nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha
niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay
talaarawan ni Ama. Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-
pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking
paningin. Ano ang nasa isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing
5
lasing si Ama ngunit, kakaibaang kalasingan niya ngayong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina
ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa. Hindi rin kumikibo si Ina:
nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.
Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating
ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo:
hindi raw siya makahingang mabuti. Marahil ay may sipon ka, ani ni ina. Sinisinat ka nga.
Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa
aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko. Ang kanyang mga bisig,
buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang sa mga
talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan
niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal
na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng
kalamansi. Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga! Sinuklian ko ng isang
mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama. Sana’y ako si
ina sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalagaang nadarama
kong kasiyahan... Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama.
Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na
namang maiitim na guhit. Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang
makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos
ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang
kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa
kanyang mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng
hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga
liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang
tanggapan ang mga nasa sobre. Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha,
may ilong nakawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat
sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot...
Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa
kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa
panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan
kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi
maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng
tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan... Naiwan na natin ang
gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan
sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa kaligayahan ang hindi natin
maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa
ang katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan... Nakita ko
siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng
isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko
mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal
sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain... Ang pag-ibig na ito’y isang
dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang
magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin
mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi
sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin... Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may
pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya
ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama. Si Ina ay dumating at lumisang walang
binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking
6
balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mga daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng
kanilang pagkakadantay... Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi.
Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang
kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at
aklat-talaan. Ngunit, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay
kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin... At sa anya’y
isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang
pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga. Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian
ko! Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.
Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi
pag-ibig sa tuwina... Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng
iyong Ina... Mura pang lubha ang labingwalong taon... Huwag ikaw ang magbigay sa iyong
sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo, habang-buhay... Muli kong nadama ang
tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin. Kinatatakutan ko na ang malimit
na pagkawala ng diwa ni Ama. Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy
sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais
tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa
kanyang mga palad. Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito
ay sabihin mo sa akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong
kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang
malabubog na tubig na bumabakod sa mga paningin ni Ina ay nabasag at ilang butil niya ang
pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa
pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-
puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi
niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na
di mabigkas . Nasa mga palad pa rin ni ina ang kaliwang kamay ni ama: sabihin mo mahal
ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at
nang siya’y mangusap ay hindi ko maamin kay ina ang tinig na yaon...Maangkin mo na,
mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi ni
ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na
wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng
kalilisang kaluluwa…

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bawat bahagi


ng maikling kuwento?

2. Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa


maikling kuwento? Bakit?

3. Nailalarawan ba sa maikling kuwento ang tunay na kaganapan


sa lipunan? Pangatuwiranan.

7
Suriin

Alam mo ba na.....
Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y maglahad o


magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikli at may iba’t ibang elemento
tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, tunggalian kasukdulan at wakas. Isang natatanging
katangian ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa.

PAGHIHINUHA – prediksyon sa mangyari gamit ang mga impormasyon at mga


pangyayari

- Mga clues (himaton) o tanda, bakas, palatandaan


- Madalas ginagamit sa kuwento at nobela

Ang paghihinuha ay magagawa lamang ng mababasa kung tunay na naunawaan niya ang
binasang artikulo o seleksiyon. Ito ay nagbibigay ng pahiwatig ang manunulat ng teksyo,
implayd na kahulugan sa pagitan ng mga salita, pangungusap o talataan.

Mga halimbawa ng katagang ginagamit sa paghihinuha ay: baka, tila, wari, marahil at
siguro

Hal. Marahil totoo ang kaniyang sinasabi.


Si Maria ay tila maglalaba mamaya.
Siguro may bagyong darating dahil makulimlim

Pagyamanin

Ngayong malinaw na sa iyo ang kahulugan ng paghihinuha marahi ay


makakaya mo ring sagutin ang ilang kasunod na mga tanong na may kaugnayan sa paksa.

8
GAWAIN 1 : SA BISA NG KARUNUNGAN

1.Paano sinimulan ang maikling kuwento?


2. Ano ang paksa ng kuwento? Masasabi mo ba na ang paksa sa
nasabing kuwento ay ang karaniwang paksang ginamit ng mga
manunulat noong Panahon ng Hapones? Patunayan.

1. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang Story Ladder.

Kasukdulan

Kakalasan
Papataas na
Aksiyon

Panimula: ________________________________________________________
Papataas na Aksiyon: ________________________________________________________
Kasukdulan: ________________________________________________________
Kakalasan: ________________________________________________________
Wakas: ________________________________________________________

2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang maaksiyong pangyayari?


3. Paano winakasan ng may-akda ang maikling kuwento?
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng
kuwento, paano mo ito gagawin?
5. Sa panahong iyon, ano ang magagawa mo upang maging malaya ka
sa iyong isinusulat?

9
Pansariling Gawain 2

Panuto: Suriing mabuti ang larawan sa ibaba. Pagkatapos gumawa ng iyong paghihinuha
ayon sa ipinakikikta ng larawan. Gumamit ng angkop na mga kataga sa paghihinuha.

1.___________________________________________________________.
2. __________________________________________________________.
3.___________________________________________________________.

Isaisip

Tandaan:
Sa paghihinuha makakabuo tayo ng prediksiyon o paghuhula

- Hinuhulaan ng mambabasa kung ano ang posileng mangyari


- Samakatuwid, tatak ng pagkaunawa sa bumabasa ang kakayang gumawa ng
paghihinuha

10
Isagawa

Panuto: Magbigay ng iyong hinuha mula sa sumusunod na pangyayari sa akda.

1.Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang
mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.

___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

2.Ang kaniyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipag-usap. Bihira lamang siyang
magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti.

___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na
mga tanong at isulat lamang ang titik ng iyong sagot. Gawin ito sa kwaderno.

1. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na makapagsulat sa


wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang
isusulat. At dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa
kanilang isusulat kaya lumaganap ang tanaga at haiku. Aling pahayag ang nagpapakita ng
sanhi ng pangyayari?

a. binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino


b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat
c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon
d. lumaganap ang tanaga at haiku
2. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw
ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig
ng pahayag?
a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari
b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya
c. nagpapakita ng katotohanan
d. opinyon lamang ng iba

11
3. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa
init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kaniyang puso. Ngunit, patuloy akong
nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay,
paghikbi. Ano ang nais ipahiwatig ng sitwasyon?
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari
4. Mula sa tekstong nasa blg.3 na bahagi ng kuwentong “Uhaw ang Tigang
na Lupa”, ano ang ibig sabihin ng, “ tila musmos akong dumarama sa init
ng kanyang dibdib”?
a. batang nasa tabi ng ina na natutulog
b. sanggol na kalong kalong ng ina
c. nakikiramdam sa pintig ng puso
d. masama ang pakiramdam
5. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kuwento na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
a. banghay
b. tagpuan
c. tauhan
d. tema
6. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. may ina, ama, at mga anak
b. may masaganang pamumuhay
c. nakatira sa maayos na bahay
d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa

II. Panuto: Mula sa larawan sa ibaba, bumuo ng tatlong sariling paghihinuha gamit ang mga
keywords. (6 pts).

12
1. SUSING SAGOT

A. Subukin
1. a –dahil sa taong 1941 nagsimula ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas
hanggang 1945.
2. d- dahil sa panahong ito lahat ng mga akda ay tungkol sa” buhay lalawigan.”
3. a
4. c
5. a
6. d
7. d
8. b
9. a
10. b
11. c
12. d

B. Balikan
1. Kuwento
2. Tanaga
3. Haiku

C. Tayahin

1. a
2. c
3. c
4. c
5. a
6. d
BIBLIYOGRAPIYA
1. MGA SANGGUNIAN

Batayang Aklat sa Pinagyamang Pluma 8


Batayang Aklat sa Filipino 8(DepEd)
Batayang Aklat sa Filipino 8 ( Rex i Interactive)
Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa
Mataas na Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House,
Inc., 2009

2018. September 22. Accessed July 17, 2020. https://www.google.com/search?


q=clip+art+of+a+child+thinking&sxsrf=ALeKk02lyuy3gjQ6T8vZV2lBvOfH4VKaC
w:1598334649459&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=VMjYzYAUFHIZYM
%252CZ09PtnxH__mqRM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kSkYnKZ4Bb51sClepitcdNL9IWVyA&sa=X&ved=2ahUKEwiDk43I1L.

2016. ww..slideshare.net. November 25. Accessed July 23, 2020.


https://quizlet.com/256695370/pagtukoy-sa-layunin-pananaw-at-damdamin-ng-
teksto-flash-cards/.

Baisa-Julian, Ailene G., Del Rosario, Mary Grace, at Lontoc, Nestor S. 2015. Pinagyamang
Pluma 8. Quezon, City: Phoenix Publishing House Inc.

You might also like