Professional Documents
Culture Documents
G7 4TH QTR MODULE7 WEEK 7 Latest
G7 4TH QTR MODULE7 WEEK 7 Latest
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 4 - MODULE 7
Week 7
PERSONAL NA PAHAYAG NG
MISYON SA BUHAY TUNGO SA
MAGANDANG KINABUKASAN
1
Modyul 7: Personal Na Pahayag Ng Misyon Sa Buhay
Tungo Sa Magandang Kinabukasan
UNANG BAHAGI
“Ang ating buhay ay ang kabuuan ng ating mga ginagawa at pinagpapasyahan”. Isang kasabihan na
naglalayon sa atin na mahinuha na ang bawat desisyon na ating ginagawa sa buhay ito man ay maliit o malaki
ay magiging sanhi kung ano nga ba ang kahaharapin nating buhay pagdating ng panahon.
• 11.3. Nahihinuha na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang
pagpapasya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga pangarap
(EsP7PB-IVd)
• 11.4. Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa mga
hakbang sa mabuting pagpapasiya (EsP7PB-IVd)
a. Magkalap ng kaalaman
• Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasya ay nakasalalay sa mga katotohanan.
• Mahalaga rin ang pananaliksik upang mas magkaroon tayo ng ideya sa gagawin nating pasya.
2
e. Pag-aralang muli ang pasya.
• Kailangang pag-isipan ng paulit-ulit ang mga desisyon na iyong gagawin.
• Pagsama-samahin ang mga nakalap na impormasyon at siyasatin ang bawat isa upang mas
maging mabuti ang pagpapasyang gagawin.
Sa mga pangunahing makat utulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya
at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na
makagawa ng mabuting pagpapasya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasya para sa
kaniyang sarili. Ang mga pagpapasyang isasagawa ng mga bata h a n g g a n g s a k a ni l an g
p a g t an d a a n g s iy a n g magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas
ang kanilang pipiliing tahakin. Mahalaga na sa murang edad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang
bata na magpasya para sa kaniyang sarili, mga simpleng pagpapasya tulad ng damit na isusuot, ano ang
kaniyang gustong kainin at inumin, ang musikang kaniyang pakikinggan, at iba pa. Ang mga pagpapasyang ito
ay makatutulong upang mataya ang kaniyang kakayahan sa pagpapasya upang maibahagi sa kaniya ang tulong
o paggabay na kaniyang kailangan. Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang isang kabataan sa mas
mabibigat na suliranin.
May mga pagkakataong naka gagawa tayo ng hindi maingat at makasariling pagpapasiya.
Hindi isinasaalang-alang ang mas malawak na pagtingin sa magiging epekto nito. Ito ay dahil hindi pa sapat
ang kaniyang mga karanasan at kakayahang bumuo ng sariling pananaw. May mga kabataang nagiging
kasapi ng gang, may mga dalagang maagang nagbubuntis, may mga lalaking nalululong sa droga,
may mga k a b at a a n g n ak a g a g aw a n a n g k ri me n, a n g l a h at n g it o ay b ung a n g kawalang
kakayahan ng ilang mga kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasya. Kaya mahalagang ang
isang kabataan ay magabayan sa paggawa ng tamang pagpapasya upang hindi siya masanay na
gumawa ng mga maling pasya at hindi matuto sa mga ito. Hindi rin tama na lagi na lamang nariyan
ang magulang upang tulungan siyang maisaayos ang kaniyang mga pagkakamali. Hindi siya matututo
sa paraang ito.
Naranasan mo na bang maipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan mong gumawa ng
isang mahirap na pagpapasya? Paano mo ito hinarap? Ano ang iyong mga ginawa?
3
• Ang pangunahing katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naaapektuhan
ng mundong iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa
iyong gagawing pagpapasya.
Ating balikan ang mga paraan sa pagsulat ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ayon kay Sean
Covey.
a. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.
b. Gamitin ang paraan na tinatawag na “Brain Dump”.
c. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
d. Huwag labis na alalahanin ang pagsusulat nito.
Ayon kay Sean Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
a. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang
tao.
b. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging
nilikha.
c. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at iba pang
dapat gampanan.
d. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.
IKALAWANG BAHAGI
GAWAIN I
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng happy face (☺) ang mga sumusunod
na sitwasyon kung ito ay nararapat na gawin at lagyan naman ng sad face () kung hindi. Iguhit ang
sagot sa sagutang papel.
4
1. Laging magbigay galang sa mga nakatatanda.
2. Maging mapagbigay sa lahat ng tao.
3. Iwasan ang mga taong nagbibigay sa iyo ng inspirasyon sa buhay.
4. Palagiang sundin ang utos ng iyong magulang.
5. Sumama sa mga kaibigan mong gumagawa ng masama.
6. Pakisamahan ang mga taong nakasasalamuha mo ayon sa kung ano ang makukuha mo sa kanila.
7. Balewalain ang tulong ng ibang tao sa iyo.
8. Huwag hahayaang malamangan ka ng ibang tao sapagkat dapat ikaw ang laging bida.
9. Magbigay galang sa awtoridad.
10. Panatilihin ang magandang grado sa paaralan.
GAWAIN II
PANUTO: Magsulat ng limang (5) mithiin o pangarap na nais mong makamit sa buhay. Gumuhit ka ng aklat sa
sagutang papel at doon isulat ang mga sagot. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.
Mga Katanungan:
1. Sa pagpili ng iyong mithiin o pangarap, ano ang mga bagay na iyong isinaalang-alang upang mabuo
ito?
__________________________________________________________________________________
2. Sa proseso ng pagkamit ng iyong pangarap gaano kahalaga ang pagkakaroon ng personal na misyon
sa iyong buhay?
__________________________________________________________________________________
5
GAWAIN III
PANUTO: Mula sa mga salitang nasa kahon, piliin ang pinakatamang salita upang mabuo ang konsepto. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.
Panahon Maingat
Panginoon Buhay
Magdesisyon Pangarap
Suriin Mabuting Pagpapasya
Tama
Ang pagdedesisyon ay tamang gabay sa Kaya mahalagang 5. ____________ ang mga bagay
pag-abot ng ating 4. ______________ na mahalaga
6
SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN I
1. ☺ 6.
2. ☺ 7.
3. 8.
4. ☺ 9. ☺
5. 10. ☺
GAWAIN II
Malayang pagsasagot ng mga mag-aaral. Iba-iba ang inaasahang sagot.
GAWAIN III
1. Magdesisyon
2. Tama
3. Buhay
4. Pangarap
5. Suriin
6. Maingat
7. Panginoon
8. Panahon
9. Mabuting Pagpapasya
Sanggunian
Mula sa Aklat:
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa Mag-aaral
Mula sa Internet:
www.google.com
www. slideshare.com
www.pressreader.com/Philippines/sunstar-pampanga
www.slideshare.net/AngKahalagahanNgMabutingPagpapasyaSaUriNgBuhay
www.scribd.com/PersonaNaPahayagNgMisyonSaBuhay
www.coursehero.com/file/p6atunf/Ito-ay-ang-Personal-na-Pahayag-ng-Misyon-sa-Buhay-Personal
www.coursehero.com/file/28634589/Ang-Kahalagahan-ng-Mabuting-Pagpapasya-SA-URipptx.
www.takdangaralin.ph/kakayahang-gumawa-ng-maingat-na-pagpapasiya
7
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan, Pangasinan
Pangalan:______________________________________________ Petsa:_________________
Baitang/Seksyon:_______________________________________ Iskor:__________________
GAWAIN A.1
PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung ito ay nagsasaad ng
katotohanan at isulat naman ang Mali kung ito ay taliwas sa katotohanan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
____________1. Mahalaga ang pagkakaroon ng Personal Mission Statement sa ating buhay dahil ito ay
nagsisilbing mapa sa pagtupad o pag-abot ng ating mga pangarap.
____________2. Gumawa ng pagpapasya na salungat sa kung ano ang pinaglalaban mong prinsipyo sa buhay.
____________3. Ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa kung paano ka tratuhin ng mga
taong nakapaligid sa iyo.
____________4. Ang pagiging taranta at nerbyoso sa oras ng problema ay susi sa pagpasya ng tama.
____________5. Kailangan buo ang tiwala mo sa sarili sa paggawa ng desisyon.
GAWAIN A.2
PANUTO: Buuin ang mga nagulong letra na nasa loob ng kahon upang mabuo ang pahayag tungkol sa
paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Tukuyin ang iyong mga ______________. Kailangan maging malinaw sa iyo kung saan nakabatay ang iyong
mga pagpapahalaga.
N A H A G A L A H A P A N I P
2. Suriin ang iyong ugali at ________________. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa
pamamagitan ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian.
K T A N I G A A N
8
3. Tipunin ang mga ______________. Sa mga impormasyong iyong naitala, laging isaisip ang layunin
sa paggawa.
N I M O R P M S A O Y
GAWAIN A.3
PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang mga solusyon na maaari mong gawin kung ikaw ay
makararanas ng parehong sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pambubulas
Solusyon: _________________________________________________________________________.
2. Pagnanakaw
Solusyon:_________________________________________________________________________.
PANUTO: Sumulat ng liham para sa sarili kung saan nakasaad ang iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay. Ilahad mo kung paano mo masusundan ang tamang direksyon sa buhay upang matupad
ang iyong pangarap. Gawin mo ito sa isang buong papel. Maging malikhain sa paggawa.
9
Dear self / Mahal kong sarili,
_________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________ .
Nagmamahal,
_________________________
( Isulat ang iyong pangalan )
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman……………….. 10
Orihinalidad…………….. 10
Pagkamalikhain………… 5
Kabuuan……………… 25
10