Ang Pananaliksik Na Ito Ay Nakatuon Sa Epekto NG Pagbasa NG Noli Me Tangere at El Filibusterismo Sa Pagmulat Sa Kasaysayan NG Mga Estudyanteng Nasa Baitang 12 NG STEM Sa Aurora Senior High School
Malagayo, Renante D., Hernandez, Laila G., at Casim, Lucia T. (Ph.D
sa Edukasyong Pangwika Medyor sa Filipino). “Pagsusuri sa mga Graffiti ng mga Mag-aaral sa Nueva Vizcaya” Nueva Vizcaya State University, Bambang Campus, Marso 26, 2016.
(Walang Tagapayo)
Mahalagang mabigyang- kasagutan ang mga katanungan tungkol
sa paglaganap ng graffiti sa mga unibersidad, malaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa graffiti at higit sa lahat ay makapagbigay ng mga posibleng solusyon sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Kwalitatibong disenyo at diskriptibo ang ginamit dito kung saan inilarawan ang mga nangingibabaw na tema, damdamin at uri at ng wika sa mga graffiti na likha ng mga mag-aaral. Ang mga respondente ay mga mag-aaral sa Unibersdidad ng Nueva Vizcaya. Kasabay ng pagmamasid ng mga mananaliksik, kamera ang kasangkapan upang makalap ang mga datos sa pag-aaral. Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ang mga graffiti sa unibersidad ay nahati sa kategorya ayon sa lugar na naging basehan kung saan ang may pinakamaraming graffiti ay sa pader, upuan at palikuran. Tatlong kategorya ayon sa kahulugan ang lumutang mula sa isinagawang pagsusuri sa mga graffiti na likha ng mga mag-aaral. Lumabas ang mga tema o paksang nauugnay sa buhay-tinedyer, nailantad ang mga katangian at damdaming kinikimkim ng mga mag- aaral at lumutang ang uri ng wika ng mga kabataan. Napatunayan sa pag-aaral na ang mga graffiti ay sumisimbolo sa mga nadarama at iniisip ng mga mag-aaral ngunit nakita ring walang tiyak o masasabing mabuting layunin kung bakit ginagawa ang pagsusulat sa mga silya, pader at kung saan-saan pa. Kasasalaminan din ang mga ito ng kanilang panunukso, panloloko at pamimintas sa iba at mababang antas ng paggamit ng wika.
Mga susing salita: wika, graffiti, kasaysayan, bandalismo, pagsusuri
Ang Pananaliksik Na Ito Ay Nakatuon Sa Epekto NG Pagbasa NG Noli Me Tangere at El Filibusterismo Sa Pagmulat Sa Kasaysayan NG Mga Estudyanteng Nasa Baitang 12 NG STEM Sa Aurora Senior High School